You're Hired! Carry My Child

You're Hired! Carry My Child

last updateLast Updated : 2025-03-12
By:  WysteriashinOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
57Chapters
1.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa pagbabalik ni Keith sa Pilipinas, isang surpresa ang inihanda ng kaniyang lola kasabay ng kaniyang ika-dalawampu't walong kaarawan, ngunit ang masayang selebrasyon na ito ay susundan ng mga trahedya na maglalagay sa buhay ng binata sa matinding panganib. Upang matiyak na may magmamana ng lahat ng yaman na mayroon ang kanilang pamilya, isang pasya ang naisip ni Keith—ang maghanap ng babae na walang kaugnayan sa kanilang pamilya upang maging ina ng kaniyang anak sa siyentipikong pamamaraan. Si Merrill—minsang nagligtas sa kaniyang buhay ang naisip niyang alukin. Tinanggap ng dalaga ang magandang offer at kalaunan ay nagdalang-tao. Habang nagkakagulo sa kompanya ng pamilya ng Lee, si Merrill ang naging pahinga ni Keith. Naging malapit sila sa isa't-isa, ngunit si Merrill ay may iba palang plano sa batang nasa kaniyang sinapupunan. Batid niyang sa pamamagitan nito, magagawa na niyang ipaghiganti ang kaniyang yumaong lolo. Sino ba talaga si Merrill? Mali ba si Keith ng pinagkatiwalaan? Sino ang mga nais manakit sa binata at bakit nais ipaghiganti ni Merill ang kaniyang lolo sa mga Lee?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Third-Person's Point of View

"Nakikita n'yo na ba ang apo ko?" tanong ng di mapakaling si Doña Janet Villareal kaniyang mga kasama.

Animnapu't lima na ang edad ngunit mukha pa ring bata dahil palangiti at masayahin ang ginang. Malakas pa rin ang pangangatawan dahil sa hilig nitong mag-zumba. Alaga rin ang kaniyang balat sa kanilang sariling beauty salon na parokyano ang lahat ng kaniyang mga kaibigan.

"Hindi pa ho, madam," sagot ng kasama ni Doña Janet na driver. Aligaga na sa kahahanap sa kanilang hinihintay na si Keith na galing pa sa Europe kung saan ito nag-aral ng Engineering at Law.

Sa edad na tatlumpu't isa, lisensyado na siyang inhenyero at abogado. Dalawang kurso na alam niyang makatutulong nang malaki sa kaniyang kumpanya na pagmamay-ari ng kaniyang lola.

Panay ang hampas at tanong ng Doña sa driver. Napapakamot na lang ito ng ulo dahil sa ginagawa nito. Hindi naman kalakasan ang mga hampas pero panay-panay kaya natataranta siya nang husto.

"Ikaw Mercedez? Tingnan mong maigi baka nakalabas na nang hindi natin napapansin," tanong at utos niya sa sumama nilang halos kaedad lang ni Donya Janet na mayordoma. Nagagalak na ring makita ang batang kaniyang inalagaan mula pagkasilang hanggang sa magbinata ito kaya naman nagpumilit siyang sumama sa kanila sa airport.

"Hindi pa rin ho. Pero tiyak na nariyan pa 'yon sa loob dahil kung nakalabas na ay tiyak kong makikilala ko siya agad."

"Naku! Siguruhin n'yo lang at matagal-tagal nawala sa Pilipinas si Keith. Baka mamaya nakalabas na at akala walang susundo sa kaniya kaya naghanap na ng masasakyan pauwi sa atin." Pag-aalala nito.

"Ewan ko na lang po Doña Janet. Sa laki po ng tarpulin na pinagawa mo kahit nasa loob pa siya ng eroplano na pa-landing e makikita at makikita niya na po ito," natatawang saad ng driver habang hawak ang kabilang dulo ng tarpaulin na tinutukoy nito.

Halos kasing taas niya ang hawak. Habang ang mayordoma na kasama nila na di hamak na mas maliit sa driver ay nakataas na ang dalawang kamay upang maiangat ang tarpaulin habang pasilip-silip sa bandang gilid upang hanapin si Keith.

Habang abala ang tatlo, sa di kalayuan ay hindi mapakali ang mag-inang sina Teresa at Merrill. Hinihintay nila ang haligi ng kanilang tahanan na galing naman sa Saudi Arabia.

Pinauwi ng bansa ang ama ni Merrill na si Samuel dahil nagkasakit doon at in-advice ng doctor ang operation dahil sa nakitang bato sa kaniyang kidney. Hindi pumayag si Teresa na roon sa Saudi ito maoperahan dahil walang mag-aalaga sa kaniya. Kaya naman pinauwi na lamang niya ito upang makakuha na rin sila ng second opinion sa mga doktor sa Pilipinas sa kalagayan nito.

Huling text ni Samuel sa kaniyang asawa ay nasa Immigration na raw siya. May mangilan-ngilan ng mga tao ang palabas ng pinto. Ang mata ni Merrill ay di inaasahang mapabaling sa isang matandang babae na nakatayo sa tabi ng isang tarpaulin.

Kumulubot ang kaniyang noo habang kinikilala ito. Binasa niya ang nakasulat sa tarpaulin at isang ngisi ang sumilay sa gilid ng kaniyang labi.

"Keith Lee...ngayon pala ang uwi mo," kaniyang usal.

"Ayan na ang Papa mo, anak!" bulalas ni Teresa na nakapukol sa pinto ng arrival ang kaniyang mga mata.

Sa di inaasahan, may nakabunguan si Samuel nang palabas na siya sa pinto. Isang binata na singkit ang mga mata ay maputla ang pagkaputi ng kaniyang balat.

"I'm sorry," paghingi ng paumanhin ng lalaki at mabilis na gumilid upang paunahin si Samuel dahil sa dala nitong dalawang malaking maleta.

"Thank you!" pasalamat ni Samuel sa kaniya na noong una'y akala niyang isang foreigner dahil mukha itong Koreano.

Ginantihan siya ni Keith ng isang matamis na ngiti dahilan upang lumitaw ang kakaibang biloy nito sa kaniyang magkabilang cheekbones. Unique kumpara sa mga dimples na malapit sa bibig dahil ang kaniya ay inborn nang ganoon at lumalabas lamang kapag siyang ngumingiti nang todo.

"Wala pong anuman!" magiliw na ganti ni Keith na ikinagulat ni Samuel dahil diretso itong managalog.

Sandali siyang natigilan ng magtama ang kanilang mga mata. May kakaibang naramdaman si Samuel na tila ba may kamukha ang binata.

Sumagi sa isip niya ang mga Korean actor na madalas panoorin ng kaniyang anak na dalaga. Ang social media nito ay punong-puno ng mga mukha ng mga Koreano.

"Papa!"

"Speaking of," bulong ni Samuel nang makilala niya ang tinig ng nag-iisang anak na dalaga na si Merrill kasabay ng pagtalon ng kaniyang puso sa galak.

Nagpalinga-linga siya upang hanapin ito at magkasunod na tumatakbo palapit sa kaniyang direksyon ang kaniyang mag-ina. Malayo-layo pa man sila, tanaw ni Samuel ang mugtong mga mata ng kaniyang butihing asawa. Naging emosyonal na rin siya at nang mayakap niya ang mga ito ay tumulo na ang luha mula sa kaniyang mga mata.

Habang yakap ni Merrill ang kaniyang ama, nakita niyang dumaan ang apo ng mga Lee. Hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa kaniyang ama at ina upang hindi agad kumawala ang mga ito. Sinadya niyang humiwalay sa pagkakayakap nang makaalis ang van.

"Saan ang tingin mo anak?" tanong ni Samuel nang mahuli itong nakatanaw sa malayo.

"W-wala ho. Parang kilala ko po kasi 'yong naghihintay rin ng kamag-anak nila kanina," pagsisinungaling niya.

"Saan na sila? Baka makilala ko rin," wika ni Samuel dahilan upang mas lalong mautal si Merrill.

"P-parang kilala ko lang naman po, Papa. Di ko po sure kung parehong tao nga o baka kamukha lang po," agad niyang rason.

"Sabagay, marami na talaga ang magkamukha ngayon," usal ni Samuel at binalingan muli ang kaniyang misis at ang nakababata niyang kapatid ipinamaneho ang kaniyang mag-ina papunta sa airport.

Muling tumanaw si Merrill kung saan nagtungo ang sasakyan ng mga ito. "Magkikita ulit tayo, Madam," wika niya. Panandaliang naningkit ang kaniyang mga mata kasabay ng pagtatagis ng kaniyang mga ngipin bago ibinaling ang buong atensyon sa kaniyang ama na kararating.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Wysteriashin
Ituloy ko pa ba pagsusulat nito?... Parang wala namang nagbabasa...
2025-03-28 13:42:32
1
user avatar
Wysteriashin
Maraming salamat po sa pagbibigay ng panahon sa akda ko. Sana po suportahan ninyo hanggang matapos ang k'wento. Happy New Year sa lahat!...️...
2025-01-01 14:09:10
1
user avatar
Athena Beatrice
Recommended 🫶🏻🫶🏻
2024-12-11 11:55:34
1
57 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status