Share

Chapter 4

Ava Sofia's POV

"Daddy!"

I stood up when Ava run to the man who's wearing a three piece suit. I can feel my fast heartbeat but I still managed to looked calm and emotionless in front of him.

I faced him, "Good afternoon, Mr. Montoya." Bahagya pa akong yumuko no'n at nginitian siya. I saw a wrinkles across his face at mataman niya akong tinitigan. Hindi ko mabasa ang reaksyon niya at halata rin ang gulat sa kanya.

Nakita ko pa ang pagbaba ng mata niya na para bang sinusuri ako, parang bibigay ako sa titig niya pero nilabanan ko iyon, hindi dapat ako nakaramdam ng hiya. I should be proud actually.

"You are—" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang putulin siya ni Ava na nakakapit sa hita niya.

"She's Tita Ava Sofia Hidalgo, Daddy!" she said, happily.

"We have the same first name, Daddy! And she's also beautiful just like me!" dagdag pa niya na ikinangisi ko.

Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakatingin siya sa akin kaya nawala ang ngisi ko but I looked at him with my chin held high. He cocked his head and looked down to Ava.

Lumuhod sa isang tuhod si Domi— este Mr. Montoya at hinawakan sa magkabilang braso si Ava. "Bailey, Daddy will have an interview with Ms. Hidalgo. Okay lang ba na maglaro ka muna?" tanong niya sa mababang boses.

Naging mabilis ang pagsiklab ng kung ano sa dibdib ko nang lumingon si Ava sa akin na may malungkot na itsura at nakasimangot.

"But Daddy," mahinang sambit ni Ava.

Sinenyasan ni Mr. Montoya ang babaeng sumalubong sa akin. Napansin ko naman ang paglabas ng mga tao sa isang room at iginaya sila ng isang babae papunta sa elevator.

Sinalubong pa iyon ni Mr. Montoya at nakipagkamayan pa.

Nabaling ang tingin ko kay Ava na hawak na nung babae at dinala sa isang couch sabay abot dito ng isang tablet. Nakasimangot pa rin ang bata. Nang marinig ko ang pagtunog ng elevator ay kinuha ko na ang bag ko sa sofa pati ang tablet at digital recorder.

"Ms. Hidalgo," bagot kong tinitigan si Mr. Montoya. He raised his eyebrow and moved his head na para bang sinasabi na sumunod ako sa kanya.

Wala naman akong ginawa kundi ang sumunod sa kanya pero bago pa kami makapasok sa kanyang office ay napalingon ako sa pwesto ni Ava nang makarinig ako ng hikbi. Dali-dali ko siyang nilapitan at lumuhod ako sa kanya.

Nakita ko rin ang paglapit nung secretary ata ni Montoya at nagtaka kung bakit umiiyak si Ava. Nakayuko lang ito at kitang-kita ko ang sunod-sunod na pagtulo ng luha niya.

Nagulat ako ng may humawi sa braso ko at biglang hinablot ni Dominic si Ava kaya napatayo ito, hinawakan niya pa ang magkabilang braso nito bago nagsalita.

"Why are you crying, Ava Bailey? Don't you understand? I have an important meeting, and all I want you to do is to sit here and wait for me," madiin niyang sambit.

Biglang nag-init ang ulo ko sa narinig mula sa kanya. Tumayo ako at hinarap siya. Hinila ko ang coat niya para mapantayan niya ako at kita ko ang panlalaki ng mata niya.

"What the —"

"Teka nga lang, kita mong umiiyak na ang anak mo tapos gaganyanin mo pa?" Biglang lumakas ang iyak ni Ava at biglang umakap sa bewang ko.

"I am just saying that —"

"Shut up!" I glared at him.

Kumunot ang noo at umawang ang labi niya sa narinig. Binaba ko ang tingin kay Ava at pinunasan ang luha sa mata niya. Tumigil siya at pinunasan din ang mukha.

"Stop crying baby. May gagawin lang kami ng Daddy— I mean iinterview-hin ko lang ang Daddy mo para sa magazine," nakangiti kong sambit sa kanya.

Humaba na naman ang nguso niya at humawak sa kamay ko. "Can I join? I want to see Daddy. Promise, I'll keep quite!" Itinaas pa niya ang kanang kamay na parang nangangako talaga.

Mahina akong natawa sa sinabi ni Ava at binalik ang tingin kay Montoya na masama na ang tingin sa akin. Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Isama na natin siya sa loob." I said with full of finality. I saw his jaw clenched and looked at Ava na nakasimangot pa rin.

"No. Lyn, get Ava and entertain her first." Naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit ni Ava sa bewang ko at umiling.

Lumapit 'yung tinawag niya na 'Lyn' at hinawakan si Ava sa magkabilang kamay pero mahigpit talaga ang akap niya sa akin, kumapit pa siya sa damit ko.

"No! I want Tita Ava! I want to see Daddy!" pumalahaw siya ng iyak.

"B-Baby let's go, kain tayo food gusto mo?" Pag-aalo ni Lyn pero wala. Nakita ko ang paghilot ni Montoya sa sentido niya at mukhang hindi alam ang gagawin.

I looked at Lyn na mukhang hindi na rin alam ang gagawin kay Ava. "Ako na," I whispered. Tumango siya at lumayo kaunti sa amin.

"Please, stop baby. Isasama kita sa loob pero bawal maingay ha? Panuorin mo lang kami." Pulang-pula na ang buong mukha niya kakaiyak. Halatang gustong-gusto niya talaga makasama ang bwiset na Montoya na 'to.

Nagliwanag ang mukha ni Ava at tumingin sa Daddy niya. "Don't listen to her, Ava. I'm your father, listen to me only," he said.

"Daddy..."

Siya naman ang pinukol ko ng malamig na tingin. "You're being unprofessional Ms. Hidalgo, you're just my interviewer for this day and yet you act like a nagging wife. I'm his father, ako ang masusunod. You're out of this situation," he said.

"I am just suggesting na baka pwede naman siya siguro ipasok sa loob at tatamihik lang na manonood sa atin," pagpipilit ko.

Umiling siya at tumingin kay Ava. "Sit down, Ava. Don't make me mad. I am working. Just wait for me." Bigla na lang tumalikod si Ava at umupo sa sofa. Tumingin siya sa akin at pilit na ngumiti.

Hindi na ulit nagsalita si Ava at kinuha na ang laptop, ilang segundo lang ay nakarinig na kami ng ingay galing sa hawak niyang tablet. She'a already watching. I sighed and looked at Montoya.

I want to talk to him dahil alam ko ang gusto iparating ng anak niya. Mukhang miss na miss na niya ang Daddy niya pero dahil marami itong ginagawa ay hindi na sila laging nagkakausap. Kahit hindi sabihin ni Ava ay ganoon ang tingin ko kung bakit siya ganito.

Wala naman na akong nagawa at sumunod na lang sa loob ng office ni Montoya. I don't wanna address him as a Mr or in his first name, hindi ako komportable at ayoko. Wala akong pake kung mas mataas na siya sa akin or kung boss man siya. His office has a touched of dark grey and dirty white. It looks very manly. Itinuro niya ang chair sa kaharan ng desk niya kaya doon ako umupo.

Binuksan ko ang tablet, inopen ang notes at nilabas na rin ang digital recorder.

"You're Ms. Ava Sofia Hidalgo, Make Magazine's Content Writer." Biglaan niyang sambit.

"Yes po," sagot ko na hindi nakatingin. I think he already recognizes me, buti naman.

"I read your article about some business men and I hope ganoon din kaganda ang kakalabasan ng sa akin," he cockily said.

I raised my head and looked at him, smirking. "Let's see," saad ko. Nakita ko ang pag-angat ng labi niya at iniwas ang tingin sa akin.

I started my interview by asking him to tell me something about himself. It's just a short one but I can still get some info's from different sources. Habang iniinterview siya ay mataman akong nakatitig sa kanya. Checking his facial expression as he speaks. Alam kong naiilang siya sa paraan ng pagtitig ko but I don't care. I need to dig more of him, his deepest soul.

Our first set of interview is just all about his business, and I'm going to meet him again for more questions. And I can't believe na talagang nagawa ko ito.

Nang matapos ay agad kong inilagay sa bag ang gamit at nauna nang lumabas sa kanya. I know that he's going to say something pero hindi natuloy. Pagkalabas ng pintuan ay napahinto ako nang madatnan ko si Ava na nakahiga sa mahabang couch at natutulog.

Anak siya ni Dominic. May anak na siya. Edi kasal na siya? May asawa na pala siya, sabagay sobrang tagal na ang lumipas. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, halo-halo na nga kasi pero nakaramdam ako ng kaunting kirot.

Nang maramdaman ko ang presensya ni Montoya sa likod ko ay napatigil ako sa pagtitig kay Ava at hinarap siya. Napansin ko ring nakatingin siya sa anak niya.

"Thank you for this day, Mr. Montoya. Mauna na po ako." Bago pa ako makahakbang ay nagsalita siya.

"D-Do you want me to wake her para makapagpaalam ka?" Nagulat ako sa narinig pero umiling na lang ako at binigyan siya ng tipid na ngiti. Nagsimula na akong maglakad papuntang Elevator, nagawa ko pang sulyapan siya at napansin kong nakatingin din siya sa gawi ko.

I know that this day would come, at eto na nga iyon. Maliit ang mundong ginagalawa namin, magkikita at magkikita talaga kami. Seeing him after ten years, makes me pissed, I want to lash out and make a scene just like what they did to me years ago. I want to hurt him, use all the pain and anger, but I can't, not right now.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status