Share

Chapter 5

Ava Sofia POV

Every article and rumors about Dominic Montoya's relationship status are the same. He's still single and never been married! But why the heck he has a daughter? It's definitely his daughter dahil kamukhang-kamukha niya!l

When I saw Ava Bailey, napansin kong may kamukha siya pero hindi ko ganoon agad naalala. Narealize ko lang nung natitigan ko siya ng matagal. Hawig na hawig niya.

I also searched about his daughter pero walang lumalabas. Even picture of Ava Bailey and Dominic na magkasama, wala! Why? Wala bang may alam na may anak siya?

Ilang oras na akong nakatutok sa computer ko pero wala talaga akong makita! Wala sa sariling nagulo ko ang buhok ko at padabog na sumandal sa kinauupuan. Isang araw na ang nakakalipas nung magkita kami at hanggang ngayon ay hindi ako mapakali! Parang kada oras-oras nagfa-flashed sa utak ko 'yung pagmumukha niya.

Kinuha ko ang paper cup na my coffee sa desk ko at uminom. To be honest, hindi ako natuwa na nakita ko siya. There's a part in me na nagulat but not that much. I am still into the hatred na naramdaman ko sa kanya. I know that it's been ten years, but the pain is still here. Hindi niyo naman siguro ako masisisi. Nasaktan lang ako.

My college life has been hard to me. I experienced bullying dahil sa physical kong anyo at sa estado ng buhay ko. They called me fat ass, pathethic, gold digger at kung ano pang gusto nilang maitawag sa akin. Nakapag-aral ako sa school na iyon dahil sa scholar at sipag ko.

I was working at night at pumapasok sa school sa umaga. Mahirap pero pinatatag ko ang loob ko. Hindi kami mayaman. Ang papa ko, jeepney driver. Si nanay mabait lang sa akin kapag andiyan si tatay sa harap namin pero nanahimik lang ako. My real mother died... Iyan ang sabi ni tatay hindi ako naging matanong dahil pinagsabihan ako ni nanay na huwag ko na raw mababanggit kay Tatay ang tunay kong nanay kahit wala na iyon.

"So, anong nangyari nang makita mo siya?" Sheen asked.

Nagkibit-balikat ako at tinuon ang pansin aa plato. Andito na kami ngayon sa isang canteen sa labas ng office at kumakain. Sinundo niya ako kanina para ayain kumain, hindi na sana ako baba dahil nag-aayos ako ng iba pang questions para sa i-interview-hin ko maliban kay Montoya.

Hindi pa ako nakakapagkwento kay Sheen about sa pagkikita namin ni Montoya dahil marami rin kaming ginagawa kanina. Ngayon lang din siya nagkaroon ng time na magtanong.

"Waley? Maniwala ako sayo?" natatawa niyang tanong.

Wala naman talagang masyadong nangyari, nagimbal talaga ang buong pagkatao ko sa nalaman. For the past ten years, naimagine ko na may magaganap na ganito, at iba pala talaga kapag nalaman mo na talaga mismo.

"Anong alam mo sa CEO ng Five Star?" biglaan kong tanong kay Sheen. Medyo nanlaki ang mata niya pero agad na binawi.

Marami rin kasi akong naririnig na masyado raw siyang private, only interviews in magazines lang ang tinatanggap niya pero pumapayag din siya sa pictures na nilalagay doon. Napansin ko rin na wala siyang masyado na pictures online.

"Five Star? Dati kasi may bali-balita na matanda na raw 'yon at saka masyadong private, alam ko nafefeature na natin 'yon sa magazine natin pero hindi ko naman nababasa kaya wala rin akong alam." Sheen answered.

"Gulat ka ba? Tapos ex mo pala, ano?" natatawa niyang tanong. Inirapan ko siya at inabot sa kanya 'yung fried chicken na tinanggalan ko ng balat.

"Diet na diet?!" dagdag pa niya.

"May gulay naman at saka wala ako sa mood kumain ng madami!" natatawa kong sambit.

Bigla lang talaga ako nawala sa mood. "Ilang taon na nakakalipas pero hindi pa rin ako makapaniwala na, you know, mataba ka dati, ako nga hirap na hirap!"

Sumimangot naman ako. Hirap na hirap daw, eh likas na payat naman na 'tong si Sheen. Ewan ko ba gusto pa rin niya raw magpapayat. Nahiya naman ako sa kanya. Sheen has a long black hair, hindi katangusan na ilong pero maganda dahil maliit lang, makapal ang kilay at itim na itim ang kanyang mata. She has a vertical labret piercing sa labi, actually meron din ako piercing hindi ko muna sasabihin kung nasaan.

"Wala kasi kaming makain dati kaya pumayat ako!" Parehas naman kaming natawa sa sinabi.

I met Sheen here in Make Magazine, sabay nga kami nag-apply no'n. Nakatabi ko siya sa pila at siya ang unang kumausap sa akin. Nung una nahihiya pa ako pero makulit siya at magaan kausap kaya naging komportable ako.

"Anong feeling na nakita mo na siya?" Napatingin naman ako sa kanya, napansin kong mataman niya akong tiningnan. Humaba ng nguso ko at nailing.

"Hindi nga?" Sinipa pa niya 'yung paa ko sa ilalim kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Hindi na ako nagsalita at naging sunod-sunod ang pagsubo ko sa kinakain. Narinig ko na lang ang pagtawa niya. I don't know what to say. Hindi ko alam kung anong dapat iparating kay Sheen about sa pagkikita namin ni Montoya.

Dominic Montoya and I are used to be lovers. I was fucking in love with him. Oo, ako lang, because that was what he said to me in front of many people. Nung una hindi ako naniwala kasi salungat iyon sa pinakita niya sa akin nung nanligaw siya at sa nagdaang mahigit isang taon nang maging kami.

He made me feel so loved and special. Pinaramdam niya sa akin na I was worth everything kahit na ano ang naririnig ko sa iba. Kahit na puno ako ng tuksuhan. He saved me from those mean girls from college. He was my savior, but in the end, he was the one who broke me.

I don't know what totally happened after that night, hindi na kami nagkausap. Hindi na ako nakapasok ng school ng mga sumunod na araw dahil naisugod ang tatay ko sa hospital kaya dumating sa punto na tumigil muna ako para ituon ang buong sarili sa pagtatrabaho. Good thing may leave of absence sa school para hindi na rin maapektuhan 'yung scholarship ko. I don't have friends way back in college because they scared na madamay sila sa mga pinaggagawa ng mga nambubully sa akin.

Hindi na ako nakarinig ng balita sa kanila. Two years akong natigil, and by the time na bumalik ako sa school wala na sila no'n dahil graduate na sila. Nung bumalik ako naging mas tahimik na ang buhay ko no'n. Wala na 'yung presensya nila. Masaya at tahimik na ang bawat araw ko kapag pumapasok. Until I saw him again but I'm not sure kung siya ba talaga iyon. Malabo ang mata ko kaya hindi ko rin gaanong naaninag.

Alam kong OA dahil sobrang tagal na at hindi ko pa rin nakakalimutan, masisisi niyo ba ako? He was my savior, my first love. Siya rin ang unang lalaking naipakilala ko sa tatay. Naalala ko nga 'yung first date namin kasama ko si tatay.

"Tay? Ayos lang ba 'tong suot ko?" tanong ko kay tatay habang naglalakad kami papasok ng mall. I am wearing a jeans and a simple baby blue off shoulders.

Tatay smiled at hinigit ako papalapit sa kanya. "Alam mo mahal kong Fiang, mas maganda ka pa sa mga babaeng andito sa mall! Syempre mana ka sa kagwapuhan ng tatay mo!" masayang sambit ni Tatay, humaba naman ang nguso ko at luminga.

Agad natanaw ng mata ko si Dominic na nakatayo sa labas ng National Bookstore, nakalagay ang mga kamay sa likod at diretso lang ang tingin. Nahiya naman ako sa itsura niya, he's wearing button down polo, dark jeans at topsider. Nakabrushed up pa ang buhok niya. May hawak pa siyang dalawang paperbag ng penshoppe.

"Ayun na siya!" biglang sambit ni Tatay.

"T-Tay!" Nanlaki naman ang mata ko nang bumilis ang lakad niya at nilapitan si Dominic. Halatang nagulat si Dominic at nang marealize kung sino iyon ay agad na ngumiti at tumingin sa akin.

Agad ko naman silang nilapitan at nahihiyang hinawakan si Tatay. This is my first date. Ngayon ko nga lang talaga mararanasan 'to. Sinama ko si tatay dahil saktong birthday niya at gusto ko siyang ilibre sa labas. Buti na lang at pumayag si Dominic.

"Ikaw ba ang manliligaw nitong anak ko?" Mahinang natawa si Dominic at tumango.

"Magandang hapon po, Sir. Dominic po pala." Nilahad niya ang isang palad at nakipagkamay.

Nilingon ako ni Tatay at pinisil ang pisngi ko. "Marunong ka pumili, Fiang ha! Ang gwapong bata ito!" Sinipat pa ni Tatay si Dominic.

"Tay! Huwag ka ngang ano, nakakahiya kay Dominic!" suway ko rito.

Dominic smiled and shooked his head. "It's okay." Inabot niya ang isang paperbag sa akin. "Para sa'yo," sambit niya.

Inabot ko naman iyon. "Para sa akin?" Tumango siya at inabot ang kamay ko para ipahawak 'yung bigay niya. Napatingin naman ako roon.

"Eto sir, para sa inyo. Happy Birthday po!" Napatingin naman ako nang iabot niya rin kay Tatay ang isang paperbag na hawak niya.

"Talaga ba, iho? Para sa akin ito?" Mabilis na tumango si Dominic.

"Nasabi po kasi ni Sofia na birthday niyo, kaya naisipan kong bumili."

Para namang may humaplos ng puso ko sa narinig. Nakita ko naman ang matamis na ngiti ni Tatay habang kausap si Dominic. Lumingon sa akin si Dominic at matamis akong nginitian, ngumuso ako. Bigla naman akong natawa nang gayahin niya ang ginawa ko. Siraulo talaga!

"Alam mo, pasado ka na sa akin! Basta huwag mo lang sasaktan itong Fiang ko, ha? Kundi makakatikom ka nito." Itinaas pa ni Tatay ang kamao niya.

"T-Tay naman!" Tiningnan ko si Dominic kung may takot ba sa kanya or hindi siya natuwa pero wala. Normal lang ang reaksyon niya at nakangiti.

"Don't worry, tay. I will not hurt Sofia." He sincerely said while looking at me.

"Hoy! Natulala ka na diyan!" Napakurap naman ako nang marinig ko ang boses ni Sheen.

"Sinong iniisip mo? Mukhang malalim ha! Isang minuto ka ring nakatulala!" natatawa niyang sambit.

Nanlaki naman ang mata ko at nalukot ang mukha sa narinig. I should not think of him. Hindi pwede.

"I will not hurt Sofia." Bigla na namang nag-echo sa utak ko ang sinabi niya. Nailing ako at uminom sa baso.

I smirked when I thought of his promises, his white lies. What a notorious liar. Soon, he'll experience my pain.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status