Share

KABANATA 7

"TEKA, bakit parang ang mahal naman yata nitong regalo mo sa akin? Baka mamaya magselos nito si Jane?" tanong niya sa binata.

Noon ginulo ni Caleb ang buhok niya saka ito nagbuntong hininga bago nagsalita.

"Sinabi kasi sa'kin ni Mang Delfin na gusto mo raw na sa Maynila ka mag-college. Alam mo Patricia okay din dito. Mahirap kasi kung bigla kang sasabak doon sa siyudad, wala kang kilala doon, saka wala ako doon, walang kuya na magtatanggol sa'yo," ani Caleb na sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.

Napahagikhik doon ang dalagita. "Okay lang ako, ano ka ba. Saka kung lalake ang iniisip mo Kuya Caleb, wala pa sa plano ko ang tungkol doon kasi ang gusto ko at priority ko sa ngayon ay mag-aral ng mabuti."

Totoo naman iyon.

Nagkakanda-kuba sa pagtatrabaho ang mga magulang niya, tama lang na suklian niya iyon ng maganda. At isang mabuti at pinaka-perpektong halimbawa na lang doon ay ang pag-aaral niya

Jessica Adams

“Ingatan mo ang sarili mo, pagbalik ko ikaw ang unang pupuntahan ko. Mabilis lang ang five years kaya huwag ka munang mag-aasawa okay?”-CALEB-

| 1
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status