PRESENT DAY...
PAGPASOK ni Alvin sa entrance ng gusali ng Prime Marketing Incorporated na may walong palapag ay nakangiti siyang binati ng guard na naka-duty doon. Minana pa niya ang kompanyang iyon sa kaniyang mga magulang.
Nagsimula ang business nilang iyon bilang hardware store, ang Acosta Hardware na sa paglipas ng limang taon ay nagawa niyang palaguin na sa kalaunan ay naging distribution company ng iba’t-ibang construction products. At kahit hindi niya aminin, alam ni Alvin na dahil iyon sa iisang babae.
Nang maramdaman ang pamilyar na sakit na gumuhit sa kaniyang dibdib ay agad na iwinaglit ni Alvin ang isiping iyon sa kaniyang isipan.
Kung may nangyari sa nakaraan niya na hinding-hindi niya gustong binabalikan, iyon ay ang tungkol kay Patricia. Palagi kasi ay nararamdaman niya ang pagguhit ng sakit sa kaniyang dibdib at hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon.
Feeling niya nasa dibdib lang niya ang sakit at parang permenente na iyon doon at nananariwa lang na parang sugat tuwing sumasagi sa isipan niya ang dalaga.
Umiling siya saka nagbuntong hininga nang makapasok sa loob ng elevator. Hindi nagtagal at narating narin niya ang eight floor kung nasaan ang kaniyang opisina.
Ang sumunod na palapag ng building ay ang kaniyang penthouse. Bihira lang naman niyang tulugan iyon dahil mas madalas parin siyang umuwi sa kanila. May roof deck din ang penthouse niya, pero katulad ng sinabi niya kanina, bihira siya mag-stay doon, dahil mas pinipili parin niyang makasama ang mga magulang niya.
“Good morning sir,” bati sa kaniya ni Layla, his pregnant secretary.
“Good morning, Layla. Coffee please,” aniya bago itinulak pabukas ang pintuan ng kaniyang opisina saka pumasok doon.
Isa si Layla sa mga pioneer na empleyado ng kanilang kompanya. Ibig sabihin ito ang unang sekretarya niya. Pero dahil nga sa malapit na nitong panganganak ay wala siyang choice kundi ang pirmahan ang resignation na ibinigay nito sa kaniya.
“Sir nasa HR department na po iyong magiging kapalit ko,” balit ni Layla sa kaniya nang ipasok nito at ilapag sa kaniyang mesa ang kape na hiningi niya.
“Sana pumasa siya, para makapag-turn over na kami as soon as possible,” pagpapatuloy nito na para bang sa tono ng pananalita ay hinihingi ang magiging sagot niya.
Tumango doon si Alvin saka nakangiting inabot ang tasa ng kape at humigop. “Sana kasing husay mo siya sa pagtatrabaho para naman hindi ako mahirapan at wala kaming maging problema kung sakali,” aniyang nakangiti.
“Sigurado iyon sir, sa pagkakaalam ko eh nagtapos raw na Cum Laude iyong applicant. At in fairness sir, maganda, dalaga pa at talagang bagay na bagay kayo!”
Hindi na bago kay Alvin ang ganoong tono sa pananalita ni Layla. Mula kasi nang mangyari ang para sa kaniya ay isa sa pinakamasakit na bahagi ng kaniyang buhay, inalis na niya sa sarili at isipan niya ang pagpasok sa isang seryosong relasyon.
Iyon ay sa kabila ng katotohanan na hindi naman talaga malinaw o hindi sila nag-usap ni Patricia kung ano na ba talaga ang estado ng relasyon nilang dalawa.
Siguro may kasalanan rin siya.
Hindi niya ito kinausap at hindi rin niya inalam ang totoong damdamin nito para sa kaniya. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, alam niyang hindi sagot ang ginawang pag-alis at pang-iiwan sa kaniya ni Patricia. Dahil isa lang naman ang naging kinalabasan ng ginawa nito para sa kaniya. Parang pinatunayan lang nito na walang anuman rito ang lahat kaya hindi ito nagdalawang isip na iwan siya.
“CONGRATULATIONS, ngayon sasamahan kita sa office ni Boss para makapag-usap kayo,” iyon ang nakangiting winika kay Patricia ng HR Manager na nagsagawa ng interview sa kaniya.
“Thank you po, Ma’am,” aniyang ngumiti ng matamis dito.
“Call me Miss Malou,” ang muli ay mabait nitong sabi.
Tumango si Patricia. “Thank you po, Miss Malou,” ulit niya.
Nang makalabas sila ng elevator ay noon na niya muling narinig na nagsalita ang ginang na sa tingin niya ay nasa pagitan ng forty-five to fifty years old. Maganda ito at kulay brown ang buhok na maikli at medyo wavy at bumagay iyon sa mestisahin nitong complexion.
“Layla, si Boss?” tanong ni Miss Malou sa babaeng nakaupo sa likuran ng mesa na sa tingin niya ay ang papalitan niya. Buntis ang babae at iyon ang nakikita niyang dahilan ng resignation nito.
Tumango ito. “Nasa loob na siya Miss Malou,” pagkasabi noon ay nakangiti ito tumingin sa kaniya kaya nginitian rin niya ang babae dahil doon.
“Okay sige, maupo ka na muna doon,” si Miss Malou na itinuro ang mahabang sofa sa may waiting area. “Hintayin mo ako,” anitong tinalikuran na siya pagkatapos.
Hindi naman nagtagal at lumabas na muli si Miss Malou. Pagkatapos siya nitong bigyan ng instructions ay iniwan narin siya nito.
“Sige na, kanina ka pa niya hinihintay actually,” ang narinig niyang sinabi ni Layla nang marahil mapansin nito ang pag-aatubili niya kahit sa simpleng pagpihit lang sa knob ng pinto.
Nilingon niya ito saka nginitian.
Normal lang naman siguro ang kabahan lalo at iyon ang unang beses na mami-meet niya ang kanyang magiging amo. Pero parang hindi rin naman normal ang kabog ng dibdib niya dahil kung tutuusin hindi naman ito ang unang beses na dumaan siya sa isang job interview.
O baka naman dahil nga ibang posisyon ito ngayon kaya ganito siya?
Sa huli ay minabuti nalang ni Patricia na iwala sa kaniyang isipan ang lahat ng alalahaning iyon. Pagkatapos ay huminga siya ng malalim saka lakas-loob na pinihit pabukas ang knob ng pinto saka iyon itinulak pabukas saka pumasok at itinulak iyon muli pasara.
Sa loob ay agad na napako ang paningin niya sa lalaking nang mga sandaling iyon ay nakaupo sa likuran ng working table nito at halatang abala sa maraming papeles na nakalatag sa harapan nito.
Marahil ay limang taon na nga ang matuling lumipas. Pero sa kabila niyon ay hindi kailan man nawala sa isipan ni Patricia ang mukha ng lalaking ito.
Hindi ito nakatingin sa kaniya at mukhang abala parin sa ginagawa. Pero nang marahil maramdaman nito ang presensya niya sa loob ng silid ay noon ito nag-angat ng tingin.
Maingat naman kasi ang ginawa niyang pagbukas at paglalapat pasara kanina sa dahon ng pinto kaya ganoon. O baka talagang busy lang ito.
“G-Good morning po,” hindi niya naitago ang matinding panginginig ng kaniyang tinig nang sa kauna-unahang pagkakataon makalipas ang mahabang panahon ay sa ganitong eksena pa pala niya makakaharap ang lalaking ito.
Nakita niyang ang pagrehistro ng matinding pagkabigla sa gwapong mukha ni Alvin. Habang siya, nang mga sandaling iyon, kahit hindi niya aminin ay alam niyang apektado siya sa lahat ng nangyayari. Feeling pa nga niya ay biglang lumiit ang kabuuan ng silid kahit kung tutuusin ay napakalawak naman niyon.
“Maupo ka,” si Alvin na itinuro ang upuan na nasa harapan ng mesa nito saka parang walang anuman nitong ibinalik ang pansin sa binabasang papeles.
Lihim na nasaktan si Patricia sa ginawing iyon ng binata. Sa huling naisip ay napakagat-labi siya. Limang taon na ang matuling lumipas, baka hindi na tamang gamitin ang term na binata kay Alvin. Baka mas bagay na rito ang salitang lalaki dahil sa posiblidad na baka may asawa at pamilya na ito.
Nang muling mag-angat ng tingin si Alvin saka siya tiningnan nang nagsasalubong ang mga kilay ay noon nagmamadaling kumilos si Patricia at saka inokopa ang upuang itinuro sa kaniya ng lalaki.
Sa pagkakataong ito ay nasa kaniya na ang buong atensyon ng lalaki. Napatunayan niya iyon nang makita niyang ibinaba nito ang hawak na signature pen saka siya tinitigan ng tuwid sa kaniyang mga mata.
Lalong nakaramdam ng pagkabalisa si Patricia sa ginawing iyon ni Alvin. Pero hindi pwedeng palagi siyang ganoon. Well, normal lang naman siguro ang maging ganito siya pero dapat alam niya kung paano magpigil at alam rin niya kung paano hihinto.
“Pwede ko bang makita iyang hawak mo?” pormal ang tono ng pananalita nito pero apektado parin siya doon.
Mabilis niyang iniabot rito ang hawak niyang folder. At habang pinanonood niya ang lalaki na abala sa pagbabasa niyon ay hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang treatment nito sa kaniya.
Kung kausapin siya ni Alvin ay para bang ngayon lang sila nagkita o hindi siya nito dating kaibigan, at higit sa lahat. Sa huling naisip ay nagyuko nalang ng ulo niya si Patricia.
Hindi naman talaga maganda ang ginawa niya na bigla nalang siyang umalis pero magulo kasi ang isip niya noon. Siguro nga mababaw pero kung minsan, well actually, kadalasan ang isang taong nagmamahal at nasasaktan ay nagiging mababaw.
“Widowed?”
Iyon ang pumutol sa sandaling paglalakbay ng kaniyang isipan.
Tumango muna siya bago nagbuka ng bibig at nagsalita. “Yes po,” sagot niya.
“For how long?” tanong nitong muli sa kaniya.
“Mag-a-apat na taon na po,” sagot niyang sandaling sinalubong ang mga titig ni Alvin at pagkatapos ay mabilis ring nagbawi ng tingin.
“So, ito ang dahilan kaya siguro napilitan kang maghanap ng trabaho? Tama ba ako?” iyon ang muling tanong ni Alvin habang hindi niya maipagkakamali ang matinding sarkasmo sa tono ng pananalita nito.
Tumango siya. “Opo,” ang tipid niyang sagot.
Sa lakas ng kabog ng dibdib ni Patricia nang mga sandaling iyon ay ni hindi niya magawang titigan si Alvin. Naiilang siya o natatakot dito? Kung alin sa dalawa ay hindi rin niya masabi.
Parang bigla, ngayong kaharap na niya ang lalaki ay biglang tumigil sa pag-function ang isipan niya. Kasabay ang pagbabalik sa kaniya nang lahat ng nangyari, limang taon na ang nakalilipas.
FIVE YEARS AGO...MALUNGKOT na pinahid ni Patricia ang mga luha niyang parang wala na yatang katupusan dahil hanggang ngayon ay patuloy parin iyon sa masaganang pagdaloy. Ilang sandali niyang tinitigan muna ang natutulog na si Alvin bago niya kinuha ang kaniyang shoulder bag.Ngayon aware na siya kung ano ba ang totoong nararamdaman niya para sa lalaki. At kahit hindi niya aminin dito alam niya sa sarili niya mismo na ang dati pagtingin niya kay Alvin noon nasa kolehiyo pa lamang sila ay muling nagbalik. At dahil iyon sa kahinaan niya dahil sa mga kapusukan naman nito sa kaniya.Lumabas siya ng kwarto saka maingat na inilapat ang pinto pasara. Pagkatapos noon ay nagmamadali ang mga hakbang niyang tuluyang nilisan ang mataas na gusali kung nasaan ang condominium unit ng binata.Bakit ba siya pumayag na maging ganito? To think na ibinigay niya ang virginity niya sa lalaking alam naman niyang w
KATULAD ng sinabi na niya kanina, iba ang nangyayari kapag naglapat na ang kanilang mga labi. Nasasabi niya iyon dahil wala pa siyang natatandaan na pangyayaring nagawa siyang halikan ni Alvin at nasa pribadong lugar sila katulad ng condo nito o kaya naman ay dito sa apartment niya nang hindi nauuwi sa isang mainit na pagtatalik ang lahat.Masyado siyang malambot at aminado siyang mahina siya. At ang binata naman ay likas na mapusok. Bagay na hindi niya nakita rito dahil sa matagal na panahon na pagiging magkaibigan nilang dalawa ay nanatiling gentleman ito sa kaniya."Please, tama na," bulong niya nang magkaroon siya ng pagkakataon.Pero parang walang naririnig na itinaas lang siya ng binata saka siya mabilis na ipinasok sa loob ng kaniyang kwarto.Sa kama niya siya inihiga nito, sa paanan niya mismo ay nagsimula itong maghubad sa mabibilis na kilos. Tila ba iniisip nito ba baka bigla siyang tumakb
KUNG tutuusin hindi naman kawalan sa kaniya ang lahat ng nangyari. Lalake siya at sanay siya na babae ang naghahabol sa kaniya. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit pagkatapos nang lahat ng namagitan sa kanilang dalawa ni Patricia ay palaging ito parin ang laman ng isipan niya tuwing gabi.At sinungaling siya kung hindi niya aaminin na ang lahat ng nangyari sa kanila ay paulit-ulit niyang binabalikan sa kaniyang gunito at may mga pagkakataon pang maging sa panaginip ay kasama niya ang mga iyon.Hindi malinaw sa kaniya kung ano ba talaga ang tunay niyang nararamdaman para sa kaniyang kababata pero aminado siya na galit siya rito dahil sa ginawa nitong pang-iiwan sa kaniya. At kung sakaling magkakaroon ng pagkakataon at makakaharap niya ito, hindi niya maipapangako na hindi niya ito masusumbatan o mapagsasalitaan ng masakit, dahil narin sa lahat paghihirap ng kalooban at matinding kalungkutan na idinulot nito sa kaniya mul
PARANG natauhan na magkakasunod na tumango si Patricia sa tanong na iyon sa kaniya ni Alvin. Hindi niya alam kung kaya niyang tagalan ang katotohanan na ito ang magiging boss niya kung sakali pero kailangan niya ng pera at walang puwang sa mundo niya ngayon ang pag-iinarte at pagbalik o pagpapaapekto sa nakaraan."Y-Yes sir, I'm okay," sagot niyang pilit na nginitian si Alvin.Tumango ang binata saka siya pinakatitigan. "Sige hindi na ako magtatanong ng iba pang impormasyon tungkol sa iyo o sa buhay mo pero mayroon akong gustong malaman at kailangan ko ang sagot mo ngayon mismo," anitong ibinaba ang hawak na folder at saka siya tinitigan ng tuwid sa kaniyang mga mata.Hindi maintindihan ni Patricia kung namamalik-mata lamang siya pero parang nakita niyang sandaling nanalim ang mga mata ni Alvin habang nakatitig ito sa kaniya. Pagkatapos naman noon ay naging normal na ang mga iyon bagaman salat sa damdamin at parang wala siyang makapa na kahit an
NANG gabing iyon ay inihanda ni Patricia ang damit na isusuot niya para sa unang araw niya bukas sa trabaho bilang sekretarya ni Alvin. Aminado siyang apektado siya sa binata pero hindi narin naman iyon katulad ng dati dahil nang mga panahong iyon ay hulog na hulog siya rito. Sa kaisipang iyon ay agad siyang napabuntong hininga. Sana lang ay hindi na maulit ang nakaraan at sana ay hindi na siya muling maging mahina rito. Kahit naman kasi nakapag-asawa na siya ay alam niya sa sarili niyang hindi nawala sa puso niya si Alvin, katulad ng nauna na niyang sinabi. Pero dahil mas matured na siya ngayon kumpara noon ay inaasahan niyang magagawang niyang ihiwalay ang emosyon sa kaniyang propesyonal na pagtatrabaho. Pero paano nga ba siya nahulog noon sa lalaki? Hindi rin niya alam kasi ang natatandaan niya, nagising na lamang siya isang araw at in love na siya rito. Sa kabila iyon ng katotohanang ang best friend niyang si Portia ang walang kapaguran na hinaha
"TEKA, bakit parang ang mahal naman yata nitong regalo mo sa akin? Baka mamaya magselos nito si Jane?" tanong niya sa binata. Noon ginulo ni Caleb ang buhok niya saka ito nagbuntong hininga bago nagsalita. "Sinabi kasi sa'kin ni Mang Delfin na gusto mo raw na sa Maynila ka mag-college. Alam mo Patricia okay din dito. Mahirap kasi kung bigla kang sasabak doon sa siyudad, wala kang kilala doon, saka wala ako doon, walang kuya na magtatanggol sa'yo," ani Caleb na sinundan ang sinabi ng mahinang tawa. Napahagikhik doon ang dalagita. "Okay lang ako, ano ka ba. Saka kung lalake ang iniisip mo Kuya Caleb, wala pa sa plano ko ang tungkol doon kasi ang gusto ko at priority ko sa ngayon ay mag-aral ng mabuti." Totoo naman iyon. Nagkakanda-kuba sa pagtatrabaho ang mga magulang niya, tama lang na suklian niya iyon ng maganda. At isang mabuti at pinaka-perpektong halimbawa na lang doon ay ang pag-aaral niya
GAYA ng gustong mangyari ni Caleb ay nagpunta siya sa birthday party ni Jane. At katulad rin ng sinabi nito ay sinundo siya ng binata gamit ang sasakyan nito."Nakakahiya naman wala akong regalo. Baka magalit siya sa akin," ang nag-aalala niyang sabi saka nilingon si Caleb na busya sa harapan ng manibela."Hindi na mapapansin ni Jane iyon kasi busy siya sa mga kaibigan niya. At isa pa, hindi ba napag-usapan na natin ang tungkol diyan? Bakit inaalala mo na naman?" tanong sa kanya ng binata saka siya sandaling nilingon.Napabuntong hininga doon si Patricia at sa huli ay piniling huwag nalang magsalita. Alam naman kasi niya na kapag nangatwiran pa siya ay sermon lang ang aabutin niya kay Caleb.*****"ANO bang gusto mo, ikuha kita ng pagkain o ikaw na?" tanong sa kanya ni Caleb nang marating nila ang mansyon.Hindi pa man debut ni Jane pero talagang engr
“MABUTI naman at nakarating ka. Hindi kita napansin kanina when you arrived,” si Caleb na naupo sa tabi niya saka siya sandaling tiningnan at pagkatapos ay ibinalik ang paningin sa kausap nitong lalaki na tinawag nito sa pangalang Robert. Tumango si Robert saka siya sinulyapan. Bakas sa mga mata nito ang paghanga at iyon ang dahilan kaya agad siyang pinamulahan. Pagkatapos noon ay ibinalik rin nito ang tingin kay Caleb. “Kanina pa ako actually,” sagot nito. Tumango si Caleb saka siya hinarap at pagkatapos ay sinulyapan ang suot nitong wrist watch. “Medyo gumagabi na pala, halika na? Hanggang nine PM lang ang ipinaalam ko kina Aling Ramona at Mang Delfin,” anito sa kanya. Sa puntong iyon ay nakita ni Patricia na nagbuka ng bibig nito si Robert. Pero kung anuman ang iba pa nitong gustong sabihin ay hindi na nito naituloy dahil narin sa madali iyong hinarang ni Caleb. “I’m sorry Ro