Share

KABANATA 5

PARANG natauhan na magkakasunod na tumango si Patricia sa tanong na iyon sa kaniya ni Alvin. Hindi niya alam kung kaya niyang tagalan ang katotohanan na ito ang magiging boss niya kung sakali pero kailangan niya ng pera at walang puwang sa mundo niya ngayon ang pag-iinarte at pagbalik o pagpapaapekto sa nakaraan.

"Y-Yes sir, I'm okay," sagot niyang pilit na nginitian si Alvin.

Tumango ang binata saka siya pinakatitigan. "Sige hindi na ako magtatanong ng iba pang impormasyon tungkol sa iyo o sa buhay mo pero mayroon akong gustong malaman at kailangan ko ang sagot mo ngayon mismo," anitong ibinaba ang hawak na folder at saka siya tinitigan ng tuwid sa kaniyang mga mata.

Hindi maintindihan ni Patricia kung namamalik-mata lamang siya pero parang nakita niyang sandaling nanalim ang mga mata ni Alvin habang nakatitig ito sa kaniya. Pagkatapos naman noon ay naging normal na ang mga iyon bagaman salat sa damdamin at parang wala siyang makapa na kahit an

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status