Share

I - Misteryosong Babae

Third Person's Point of View

“Anak ng tupa, ngayon pa nasiraan kung kailan malapit na. Saglit lang po, Boss Montemayor,” wika ni Brennon habang dali-daling bumaba upang i-check ang makina habang si Louis Montemayor naman ay inip na inip na dahil dito. Ayaw niya sa lahat ay ang pinaghihintay siya. Ngayong araw lang siya available upang kilatisin ang nahuli nilang pumipigil sa negosyo niya at ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang hindi pag-amin nito kung sino ang nag-utos sa kaniya na nagpapainit ng ulo niya ilang araw na.

Nagkakamot ng ulo pumasok si Brennon na assistant ni Louis sa organisasyon, marahil dahil siya ang pinakaayos pagdating sa pagmamaneho. Isa itong racer at kayang-kaya iwasan ang mga tatamang bala sa kanila kapag sumulpot ang isa sa kalaban ng organisasyon nila.

“Bossing, wala, eh, kailangan na nating dalhin ang isang ito para maiayos,” sambit nito nang buksan niya ang pinto sa harapan. Nagkakamot pa ito ng ulo dahil alam niyang magagalit si Louis.

“Fuck, what do you want me to do, fix the car?” asik nito kay Brennon na kinakabahan habang dali-daling kinuha ang cell phone niya sa compartment ng sasakyan at tinawagan si Kaizer.

“Putangina mo, pre, pumunta ka rito sa Severeign Street. Nasiraan kami ni bossing!” sigaw nito sa cell phone habang kanina pa tinitingnan ni Louis ang oras. Kulang na lang ay patayin niya sa titig si Brennon dahil sa kakupadan nitong kumilos. Ang ayaw niya sa lahat ay ganitong sitwasyon.

“Gago ka pala, eh, idadamay mo ko riyan. Ikaw na lang ulol,” sagot ni Kaizer habang tumatawa pa sa kabilang linya.

Kinakabahan naman si Brennon na mapagbuntungan siya ni Louis ng galit kung kaya't tinawagan niya naman si Volstrige. “Pre, need help, nasiraan kami ni sir dito sa Severeign Street. Hayop kayo, pumunta ka na bago sumabog ang ulo ko!” wika nito habang naririnig naman sa kabilang linya ang ungol ng isang babae.

“Hanep ka naman, may ginagawa ako!” sigaw nito habang mas lumalakas ang ungol ng babae sa kabilang linya na ikinangiwi ni Brennon. May bago na naman itong kasiping, gago talaga 'yon.

“Mamaya na 'yang kalibugan mo, gago! Halika na kasi bago pa ako mapatay ni sir. Hindi n’yo talaga ako mahal,” pagdadrama nito ngunit ibinaba lang ni Volstrige ang tawag at ang huling narinig lang ni Brennon ang sinabi ng babae na, “I'm coming.”

At ang huli niyang choice ay si Alex na sana lang ay tulungan na siya dahil kung hindi ay tuluyan nang maiinip si Louis sa sasakyan at bigla na lang siya nitong barilin.

“Pre,” wika niya nang sagutin nito ang linya, agad naman itong sumagot sa kaniya na rinig sa background nito na nagmamaneho ito.

“Oo, Brennon, alam ko na. Papunta na ako riyan para ihatid si sir sa Montemayor Building,” sabi nito na nakapagbigay ng ngiti kay Brennon na kanina pa hindi makahinga nang maayos.

Mabuti na lamang ay hacker ang kaibigan niya. Malamang ay nakakonekta ang CCTV ng Severeign Street sa cell phone nito na madaling na-detect ang sasakyan na sakay nila.

“Awts, gege. Sasabihin ko pa lang sana sa 'yo eh. Sige na, labyu!” wika nito habang inaasar si Alex.

“Gago!” sagot nito at ibinaba ang tawag. Pumasok naman nang nakangiti si Brennon at sinabi kay Louis na papunta na si Alex. Ngunit bago pa siya makapasok ay tinutukan na siya ng baril ni Louis.

“Who is that woman?” tanong nito na bigla namang ikinalunok ni Brennon. Ano ba ang sinasabi nito? Ang akala ba nito ay nakipagtawagan lang siya sa babae?

“A…a-lin po, boss?” tanong nito habang tiningnan naman ni Louis ang babae na nasa harapan nila. Isa itong babae na nakasuot ng malaking salamin, naka-brace at buhaghag ang buhok. May dala itong mga libro na ikinanganga ni Brennon. Huwag mo sabihing tipo ito ng boss niya?

Kilala si Louis Montemayor bilang isang cold at ruthless pagdating sa kaniyang trabaho. Tinagurian din siyang womanizer dahil sa papalit-palit ng babae pagkayari niyang makuha ang gusto rito. At isa pa, malabong magkagusto ito sa mga babaeng nerd dahil kilala niya ang boss niya. Gustong-gusto nito ang mga babae na sexy, maganda, at maporma. Hindi kagaya ng itinuturo nito. O baka siya ang may tipo sa mga nabanggit niya?

“Hindi ko po alam, boss. Nais n’yo po bang tanungin ko ito?” tanong ni Brennon dahil ito na ang chance niya para makilala rin ang magandang babae na nasa tabi nito. Ngunit baka ito ang gusto ng boss niya at hindi ang nerd na babae.

“No, don't mind me,” wika nito at kinuha ang cell phone para tingnan ang messages niya habang si Brennon naman ay nakasandal sa upuan habang hinihintay dumating ang sasakyan ni Alex.

“Good Morning, bossing,” masayang bati ng mga tauhan nito habang isa-isang yumuyuko ang mga ito sa bawat dinadaanan niya. Hindi alam ni Louis kung bakit nakuha ng nerd na babaeng nakita niya ang atensyon niya gayong hindi naman gano'n ang mga tipo niya. Ngunit mas minabuti niyang pigilan ang sarili na ipatanong ang pangalan nito dahil kung hindi ay baka tuluyan nang maisip ng tauhan niyang si Brennon na wala na siya sa tamang pag-iisip.

“Where is it?” maawtoridad na tanong niya habang lumapit naman sa kaniya ang isa at itinuro ang isang silid kung saan ito nakakulong.

“Narito po, Sir Montemayor. Ang lalaking pumigil sa pagpapadala natin ng pakete kay Mister Rainier,” wika nito at binuksan ang pintuan na kulay puti.

Bumaling sa kaniya ng tingin si Pox na nagbabantay sa silid at yumuko sa kaniya. “Ayaw pa rin po niyang aminin, bossing,” wika nito. Agad lumapit si Louis sa lalaki na ngayon ay may mga galos na sa katawan.

“Pakawalan nyo siya,” wika nito na ikinagulat nina Pox at Axel.

“Ngunit, bossing,” pagtutol nila ngunit binigyan lamang sila ng masamang tingin ni Louis na sinimulan nilang gawin.

Dahan-dahan nilang pinakawalan ang posas nito. “Leave,” utos ni Louis na aalma pa sana sila nang biglang ikasa nito ang baril niya at itinutok kay Pox na dali-daling lumabas ng silid.

“Magsalita ka,” wika ni Louis sa lalaki habang masamang nakatingin sa kaniya. Nanghihina na ito at bakas sa pasa nito na wala itong balak magsalita.

“Mangmang ka talaga, Louis. Wala akong sasabihin sa 'yo kahit paalisin mo ang alagad mo!” sigaw nito ngunit itinutok ni Louis ang baril niya sa braso nito at pinaputok. Agad itong napangiwi sa sakit dahil sa ginawa niya, subalit nakakayanan pa rin nitong magsalita.

“Are you sure that you won't tell me anything?” wika nito habang hawak hawak nito ang braso nito na tinamaan ng bala.

“Putangina mo talaga, Louis Montemayor, wala kang kasing-sama!” sigaw nito ngunit napangisi na lamang si Louis na mas lalo nitong ikinatakot.

“Kung gayon, ikumusta mo na lang ako sa ama mo sa impyerno,” wika nito na ikinagulat nito.

“Ikaw ang pumatay sa ama ko, tama talaga ang desisyon ko na sumapi kay Zap!” sigaw nito habang kinasang muli ni Louis ang baril niya at this time, pinapaputok na niya ito sa bibig ng lalaki na ikinasawi nito.

“That's the information I want to know. Too late ngayon mo lang nalaman kung sino ang pumatay sa ama mo,” nakangising wika ni Louis at tuluyan nang lumabas ng silid habang napatingin naman ang mga tauhan niya na naghihintay sa labas.

“Clean the mess,” sambit niya at tuluyan nang umalis sa building. Mukhang binabangga siya ni Zap, kailangan niyang maunahan ang lalaki na 'yon, kung hindi ay babagsak ang organisasyon niya na hindi niya hahayaang mangyari.

Mayamaya pa ay naisipan niyang yayain ang isa sa flings niya sa restaurant upang kumain. “Waiter,” maarteng wika ni Perry, ang isa sa babaeng matagal nang may gusto kay Louis at ginagamit naman siya ni Louis upang magpalipas ng gabi.

“Ano pong order nila, ma'am?” tanong ng babae na nakasuot ng salamin at ng tingnan ito ni Louis ay ito rin ang babaeng nakita niya kanina.

Napakaayos nga naman ng tadhana, kung kailan kasama niya si Perry at saka niya nakita ang babae.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status