Share

Gun II

Author: Mowtie
last update Last Updated: 2021-05-11 22:16:18

“Ha? A-Ano po?” nauutal kong tanong. I was confused. 

  

Magkatitigan pa rin kami at ang masasabi ko lang talaga ay sobrang guwapo niya. Model ba siya? Siguro, kung ang ibang waitress ay nanghina na ang mga tuhod sa sinabi niya. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin. Dumapo naman ang tingin ko sa babaeng kasama niya na masama ang tingin sa akin.

  

May nagawa ba akong masama sa kaniya? E itong kasama niya kung ano-ano ang sinasabi.

  

“Baby, ano ba’ng sinasabi mo? Ako na ang pipili ng pagkain if you want,” tanong ng babae habang hinahawakan ang kamay nito na nasa table. Girlfriend niya nga siguro talaga ito, akala ko ay nanay niya. Desisyon, e. Charot.

  

“Puwede ko na po bang malaman ang order nila? Baka po kasi matagalan kasi lulutuin pa ’yon,” wika ko. Bigla namang napatingin sa akin ang babae. 

  

May LQ na yata sila.

  

“Leave,” maawtoridad na wika ng binata habang itinuturo ang pintuan ng restaurant.

  

Pinalalayas niya ba ako?

“Hindi mo ba naririnig? Lumayas ka raw!” sigaw ng babae na hinawakan ang balikat ko kaya napatingin sa amin ang mga tao sa loob.

Aba, sila ba ang amo ko?

  

“Not you. Perry, get out!” usal ng lalaki na ikinalingon ng babae na halos palitan ang espasol dahil sa kapal ng foundation sa kaniyang mukha.

  

“What do you mean, baby?” tanong nito habang nakangiti nang pilit. Siya pala si Perry, akala ko ay kung sino.

  

“Are you deaf? I said leave or you want Brennon to carry you outside?” wika ng binata.

Napairap naman ang babae at binangga pa ang balikat ko. At bago siya tuluyang lumabas ay sumigaw ito. “Ang pangit naman ng taste mo. Hamak na mas maganda at sexy ako kumpara diyan! At saka kahit anong laki ng sa ’yo, wala ka pa ring binatbat sa pinsan mo!” sigaw ni Perry at nagdabog pa bago tuluyang umalis.

  

Nagtawanan tuloy ang mga tao sa restaurant na parang nakasaksi ng telenovela. Ano ba ang sinasabi ng babaeng ’yon? Nagulat naman ako noong nakatayo na ang lalaki sa harap ko.

  

Napapikit ako habang papalapit nang papalapit sa akin ang mukha niya. Hindi ko maiwasang kabahan sa gagawin niya lalo na’t hindi ko nga siya kilala at nandito ako sa restaurant kaya hindi ako puwedeng gumawa ng ikatatanggal ko.

  

Mga ilang minuto pa ay walang dumampi na labi sa akin kaya’t napadilat ako. Nakita ko naman ang pagngisi niya kaya napatalikod ako dahil sa kahihiyan.

  

Did I just expect him to kiss me?

  

“Woman, let's get married,” wika nito na ikinagulat ko. Kakikita pa nga lang namin, gusto niya na kaagad akong pakasalan? Nababaliw na ba siya? At isa pa, sa itsura kong ’to kumpara sa kaniya? 

  

Kinurot ko naman ang kamay ko, baka panaginip lang ito.

  

“Excuse me, sir? tanong ko. Kinuha ko ang basahan na nasa uniform ko at nagkunwaring pinupunasan ang table nila kahit hindi naman sila kumain.

  

“I know that you’re the daughter of Raymond Natividad. To be honest, my dad said that your father is the one who offered this marriage to pay his huge debt. Marry me if you don’t want to see your dad rot in jail,” bulong niya sa tainga ko. 

Tumaas naman ang balahibo ko sa batok sa sinabi niya. Naiwan naman akong tulala nang umalis siya.

  

Mas maganda siguro kung kauusapin ko si Ama tungkol sa bagay na ito dahil walang bakas sa mukha ng lalaki na iyon na prank lang ang mga sinabi niya. Bukod sa ibang utang ni Ama may mas malala pa ba r’on? Bakit wala siyang binabanggit sa akin tungkol dito?

  

Pagkauwi ko ay dahan-dahan akong pumasok sa silid dahil baka bigla akong gulati nina Venice at Elena, pero himalang hindi sila tumuloy na mag-overnight.

  

“Anak.”

Halos mapatalon ako sa gulat nang may bumulong mula sa likuran ko.

  

“A, ama. Bakit ho?”

  

“Nagpunta rito ang mga kaibigan mo, sina Venice. Ang sabi ay sa susunod na araw na lang sila mag-o-overnight dahil biglaan ang dating ng tiyahin niya galing Qatar,” usal ni Ama.

Napatango naman ako. 

  

Mas maganda siguro kung tanungin ko na siya tungkol sa sinasabing kasal ng lalaki kanina sa restaurant.

  

“Oo nga pala, Ama. May kumausap po sa akin kanina na nangako raw po kayo ng kasal sa pamilya niya para mabayaran ang utang mo,” sambit ko habang dahan-dahang naupo sa kama.

Malambot na ito kumpara sa lagi naming hinihigaan sa kabilang silid na ipinarenta ni Mang Pedro. 

Bakas ang gulat at kaba kay Ama sa sinabi ko. Kailangan kong malaman ang totoo.

  

“Naku, anak. Huwag mong pansinin ’yon, baka nantitrip lang.”

  

Namayani naman sa akin na alamin ang katotohanan, pero mukhang walang balak magsalita si Ama tungkol dito. Ano ba ang mayroon sa lalaking iyon? Masyado siyang palaisipan sa akin.

  

“Siguro nga po,” sagot ko na lamang at humiga sa kama. Lumabas naman si Ama sa silid. Hindi ko maiwasang mas ma-curious tungkol sa bagay na iyon.

  

Hahanapin ko ang lalaking iyon bukas at pagpapaliwanagin siya.

  

Nang magising ako ay bumangon ako para magtungo sa bathroom. Napahinto naman ako nang makitang prenteng nakaupo sa sala si Kaizer. May dala siyang mga bulaklak at ang masama ay hindi pa ako nakakapag-toothbrush! Dali dali akong tumakbo para pumunta sa banyo nang bigla niya akong hawakan. “Elaine.”

  

Nanatili akong tahimik dahil sure akong mabaho ang hininga ko at may tulo-laway pa ako kaya hinawakan ko ang bibig ko.

  

“May problema ba?” tanong ni Kaizer.

  

Ang hina niya naman maka-gets.

  

“Mabaho,” bulong ko. Napakunot naman siya ng noo at lumayo sa akin.

  

“Hindi mo ba gusto perfume ko? Papalitan ko,” ani ni Kaizer habang nagtatakang inaamoy ang suot niyang polo.

  

“Hindi. Kagigising ko lang, ligo muna ako,” sambit ko habang nakatakip pa rin ang kamay sa labi. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang balikat ko.

  

  “Akala ko ay ayaw mo sa perfume ko, pero Elaine kahit hindi ka na maligo. Iki-kiss pa rin naman kita kahit may tulo laway ka pa,” usal ni Kaizer at tinanggal ang kamay ko na nakatakip sa labi ko.

  

Mabilis ko naman siyang itinulak dahil ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

  

Na-imahgine ko naman ang paghalukipkip niya pagpasok ko sa banyo.

  

Pagkatapos kong maligo ay nakita kong nakaupo siya habang si Ama naman ay may dalang tatlong plato na marahas na inilapag sa lamesa. Galit ba si Ama?

  

“Anak, kumain ka na,” wika ni Ama.

Hindi ko naman mapigilang matawa nang makita ang reaksiyon ni Kaizer.

  

Nang maupo ako ay sumandok na ako ng sinangag. Hindi ko suot ngayon ang salamin ko. Napansin ko rin na nadagdagan ng dalawa ang tigyawat ko sa noo.

  

“Ang ganda mo, Elaine,” papuri ni Kaizer sa akin na ikinatikhim ni ama.

  

Enebe.

  

Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko ang bag ko. 

“Anak, aalis ka na ba? Ihatid na kita.”

  

“Huwag na po, Ama. Kaya ko naman na,” wika ko kahit ang totoo ay wala akong klase ngayon.

  

Balak kong pumunta sa Montemayor’s Building and Company, baka sakaling may lead roon dahil ito ang huling pinagtrabahuhan ni Ama bago mabaon sa utang.

  

“Kaizer, ayos ka lang ba? Parang namumutla ka,” tanong ko, pero binigyan niya lang ako ng pilit na ngiti.

  

“Nakakatakot lang papa mo, babycakes,” sagot ni Kaizer at kumindat pa sa akin. Napatawa naman kami parehas nang mapatingin sa amin si Ama kaya agad kaming umayos.

  

Nang makalabas ako ng apartment ay nagpumilit si Kaizer na ihatid ako, ngunit tinanggihan ko siya kahit anong pilit niya. Wala naman siyang nagawa kaya iniabot na lang niya sa akin ang bulaklak at nagpaalam na.

  

Kabado akong naglakad papasok sa isa sa mga old building ng Montemayor. 

  

This was the first time na makapupunta ako sa isa sa mga pag-aari nila kaya hindi ko alam kung saan ko uumpisahang kumuha ng clue. 

  

Nagulat ako nang bigla akong mapaligiran ng mga lalaki na nakasuot ng all black, ang isa ay bigla akong tinutukan ng baril.

  

“Ano’ng kailangan mo rito?” tanong niya.

Kaagad naman akong kinabahan.

  

“Sumama ka sa amin,” wika nila. Kinaladkad naman ako ng isa papasok sa building at piniringan ang mga mata ko.

  

Narinig ko na lang ang pagsakit ng likod ko nang bigla akong itulak ng isa sa upuan. “Ano, pre, ako na mauuna?” tanong ng isa na bigla kong ikinanginig sa takot.

  

Ano ang ibig sabihin nila?

  

“Gago ka, sabihin mo muna kay bossing, baka malintikan tayo,” wika ng isa pang boses na parang kinakabahan. 

  

Bigla naman akong napaiyak nang bigla nilang punitin ang damit ko. “Please . . . huwag po,” pagmamakaawa ko.

  

Bago nila matanggal ang panloob ko ay may sumigaw na lalaki. “Nandito na si bossing!”

  

“Baka mapagalitan tayo niyan, sabi na kasing sabihin muna kay bossing, baka gusto pala niya, edi siya muna mauuna,” sabi ng isa pang lalaki.

Tumawa silang tatlo na mas lalong dumadagdag sa takot ko.

  

Narinig ko ang yabag ng sapatos ng sinasabi nilang bossing, hindi ko maiwasang mapalunok. Paano kung may gawin siyang masama sa akin katulad ng iniisip ng mga tauhan niya? Hindi ko tuloy mapigilang mas lalong umiyak habang nakatakip ang mata ko. 

  

Naramdaman ko naman ang paghawak ng isa sa balikat ko. “Pakiusap. Pakawalan n’yo ako, wala naman akong gagawing masama,” pagmamakaawa ko kahit hindi alam kung sino sa kanila ang kaharap ko.

  

“Release her,” utos ng sinasabi nilang bossing. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging kampante o mas lalong matakot dahil baka isa itong patibong.

  

“Pero, sir, mukhang espiya po itong babae dahil nakita namin siya sa labas ng building natin na pasilip-silip,” sagot ng isa.

Nagsalita rin ang nasa tabi niya, “Saka pangit naman ’yan, bossing, ipaubaya mo na lang sa amin.”

  

“Kung ikaw man si Mr. Montemayor, maniwala ka, hindi po ako espiya. Pakawalan n’yo na po ako, marami po akong gustong maabot sa buhay, please,” sambit ko. Tinadyakan naman ako ng isang lalaki sa mukha na ikinabagsak ko sa sahig.

  

Nagulat ako nang marinig kong kumalabog din sa sahig ang isa pang lalaki. “Release her!” sigaw ng bossing nila kaya nagmadali silang hatakin ako paupo sa upuan. Nanghihina ang katawan ko dahil sa tadyak na natamo ko.

  

Tinanggal nila ang piring sa mata ko at ang tali sa kamay. Nang idilat ko ang mata ko ay nakita ko ang lalaki sa restaurant na nasa harap ko.

  

Ibinuhos ko ang buong lakas ko para sampalin siya dahil sa galit. “Ikaw ba ang may pakana nito?” tanong ko. Tinutukan naman ako ng nasa tabi niya ng baril sa ginawa ko.

  

Mas inilapit ko pa ang baril sa noo ko. “Barilin mo ako. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa gahasain n’yo. Nakakadiri kayo! Mga anak kayo ng demonyo!” sigaw ko.

Nagalit naman ang isa at akmang susuntukin ako nang hawakan ng lalaki ang kamay nito para pigilan.

  

“Stop it, Brennon and Alex. Ano’ng karapatan n’yong saktan ang future wife ko? Do you want to see death this instant?” sigaw ng lalaki. 

Naramdaman ko naman ang panghihina.

  

“But, boss . . . sinampal ka niya,” wika noong susuntok sana sa akin.

  

“Yeah, and I didn’t say anything. Move, we have unfinished things to discuss after this. You should all know the consequences of this. Dahil sa kagagawan n’yo, kamuntikan nang mapahamak ang future wife ko and worse, nagalit siya sa akin,” wika niya at binuhat ako pa-bridal style.

  

Bago ako tuluyang pumikit ay narinig ko ang ibinulong niya sa tainga ko. “I’m sorry.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Special Chapter #1

    ElaineMabilis lumipas ang mga araw, nalaman namin ang balita na nakawala si Zap kaya mas lalong dumoble ang security namin habang naghahanap ng leads kung sino ang tumulong kay Zap na makatakas at kung nasaan ang tunay kong ama.Nagbitiw ako ng malalim na buntonghininga bago tuluyang isandal ang ulo ko sa upuan. Ang buong akala ko ay matatapos na ang kasamaan ng mga Valencia, pero we were back to zero again.“Everything will be fine, wife. As long as we are together, we can do anything. I’ll dispatch more people to look for leads,” wika ni Louis. Hinawakan niya ang kamay ko. Napangiti ako.“Thank you, hubby, for always being by my side. Even when I’m still looking a part of my past identity, you’re patient,” usal ko at binigyan siya ng halik sa pisngi.Kinagabihan, habang inaasikaso ko ang paperworks na ipinasa sa akin ng wedding organizer na kinuha namin ay biglang umiyak si Mace

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Epilogue

    LouisI’ve always thought of myself as the man who knew everything. Someone who was calculated, cold, and efficient—that’s who I am. Or rather, who I was, before Elaine. She wasn’t just a woman I was ordered to marry; she was the reason I started questioning everything about my carefully constructed world.It all started when I saw her for the first time walking with her friends down the street. I was in the backseat of my car, flipping through meaningless reports about the family’s business when I caught sight of her. She wasn’t extraordinary by any conventional standard. She had oversized glasses perched on her nose, braces, and hair that seemed to have a life of its own. Yet, there was something about her laugh. It was carefree. It was pure.“Who’s that woman?” I blurted out, startling Brennon.His eyes flicked to the rearview mirror, confused. “I—I don’t know, si

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun L

    Elaine Malamig ang simoy ng hangin noong araw na nagpunta ako sa sementeryo. Tirik ang araw, pero hindi masakit sa balat dahil pa-hapon na. Tahimik, ramdam ko pa rin ang bigat sa puso ko habang nilalakad ang daan patungo sa puntod ni Ama. Sariwa pa rin sa akin ang lahat ng nangyari, sa isang iglap ay natapos ang lahat ng kasamaan ng mga Valencia. Pero alam kong hindi pa rin dito nagwawakas ang lahat dahil may mga organisasyon pa rin na gustong mapasakamay ang ledger na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala. Sa huli, nakulong si Zap na may patong-patong na kaso habang si Mariella ay dinala ni Lucas sa psychiatrist dahil halos mabaliw ito sa lahat ng nangyari. Binasa ko ang lapida na may nakasulat na Raymond Natividad. Ibinaba ko ang bouquet na ng puting rosas at nagsindi ng kandila. Napakabuting ama niya sa akin, lahat ay ginawa niya para maprotektahan ako. “Ilang buwan na lang, manganganak na ako. Sisiguraduhin kong dadalhin ko sila rito para makita mo,” wika ko habang kumiki

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLIX

    Elaine Nang idilat ko ang mga mata ay naramdaman ko ang pahirap na nakatali sa aking mga kamay. Ito ay matigas at malamig, parang sinadyang higpitan para magdulot ng matinding sakit. Nanginginig kong tiningnan ang paligid. Para kaming nasa storage room, at bukod sa akin ay may dalawa pang tao—si Kaizer at Ama, na parehas ding nakatali sa upuan. “Ely . . .” Boses ni Kai. Mahina iyon ngunit puno ng pag-aalala. “Ayos ka lang ba?” Tumango naman ako kahit taliwas ang sinasabi ng puso ko. Mabilis ang pintig nito dahil sa kaba at takot na may mangyayari sa amin na masama. “A-Alam mo ba kung nasa’n tayo?” tanong ko. Nag-crack ang boses ko. Napailing siya. “Sa ngayon, ang alam ko lang ay na-kidnap tayo ng Valencia Organization. Hindi ko alam kung paano nila tayo nahanap, I will make sure na makatatakas tayo.” I was scared for the baby in my womb. Wala siyang kinalaman dito. “Everything will be fine, Ely, trust me,” sambit ni Kaizer. Mukhang may plano siya. “Ugh,” ungol ni Ama habang dah

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLVIII

    ElaineNag-stay kami ni Louis sa Florida nang dalawa pang linggo. Nang makita ako ni Louis noong gabing iyon ay lagi niya akong kino-comfort. Bihira na lang din kaming gumala ulit at kung lalabas man kami ay may bantay kami. Hindi niya rin ako tinanong kung ano ang nangyari, mukhang hinihintay niya na ako ang kusang magkuwento.Ngayong araw ay susunduin kami ni Valerian para ihatid kami pabalik sa Pilipinas.“I want to stay here for awhile,” wika ko habang inaayos ang mga damit at pasalubong na binili namin.“We will come back here again. This is one of our houses now, I just need to finish all my work,” Louis answered and pecked a kiss on my cheek.Nang makasakay kami ay nginitian ako ni Valerian. “Looks like the newlyweds enjoyed their honeymoon that much. Aunt Hacel said to get both of you after three days, but someone wants to stay longer.”“Shut up, dickhead,” wika ni Louis na ikinatawa ko. So siya lang pala ang nagplano na isang buwan kami rito.“Nasaktan naman ako sa bati mo, pr

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLVII

    ElaineIt had been a week, paulit-ulit ang naging routine namin ni Louis. Para na talaga kaming tunay na mag-asawa. Sa umaga ay ipinagluluto niya ako at gagala kami sa buong maghapon. Halos gabi-gabi ring may nangyayari sa amin. Sa totoo lang, parang panaginip ang lahat at ayaw ko nang magising.“Wife, are you still mad at me? I didn’t mean to act roughly last night,” wika ni Louis habang sinusubukan akong subuan ng kanin.“No. I’m not mad,” matipid na sagot ko.“Then why are you so quiet? Hmm,” tanong ni Louis. Sa totoo lang, gugustuhin ko na lang na nandito kami dahil baka mamaya kasi kapag umuwi kami ay may magbago na naman sa relasyon namin.“May iniisip lang ako,” sabi ko.Sumeryoso ang mukha niya. “What is it? You can tell me.”Bahagya na lang akong napangiti. Mas mabuti nang itago ko na lang muna ang nakita ko. Baka mamaya ay paghinalaan niya ako na may connection kay Zap.“I’m just thinking about where we will go today. Ang dami palang magagandang view rito. Maligo muna ako par

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLVI

    ElaineNagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, mukhang wala pa rrin si Louis. Dahan-dahan akong bumangon dahil medyo masakit pa ang ulo ko at mugto ang mga mata. May mga sugat pa ang daliri dahil sa pagpulot ko sa nabasag na frame.Pumunta ako sa kusina at kinuha ang litrato. Pinagmasdan kong muli ito bago lukutin at ilagay sa loob ng bulsa ko. Hindi dapat ito makita ni Louis, nakasisiguro ako na tanging si Ama lang ang makasasagot ng lahat ng katanungan na mayroon ako tungkol sa tunay na katauhan ng lalaki. Binuksan ko ang ref, pero wala itong ibang laman kundi tubig. Napabuntonghininga na lang ako at naligo para lumabas. Hahanap na lang ako ng grocery store.“Wife, where are you going?” Halos lumundag ang puso ko sa gulat nang makita si Louis. Magulo ang kaniyang buhok at malalim ang eyebags. May bakas ng dugo sa damit niya at may gasgas siya sa noo. “Are you okay?” tanong ko at hinawakan ang noo niya na may gasgas.Kaagad kong napagtanto kung ano ang ginawa k

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLV

    ElaineNaalimpungatan ako nang bigla akong makarinig ng malakas ringtone na galing sa cellphone ni Louis.“Answer your call,” utos ko. Nakita ko naman si Louis na pinatay ang tawag at ibinalik ang pagtitig sa akin.“I’m sorry for waking you up,” wika ni Louis. Kinuskos ko ang dalawang mata ko upang mas lalong makita ang mukha niya dahil medyo madilim sa silid.“Ayos lang, naalimpungatan lang ako. But why are you still awake?” tanong ko sa kaniya at akmang babangon para sana kumuha ng maiinom sa kusina.Aray.Kaagad akong napapikit nang mariin nang maramdaman ang kirot sa bandang ibaba ko. Ganito rin ang nangyari sa akin noong unang p********k namin. Parang binibiyak ang katawan ko sa dalawa.Nang mapansin ni Louis na parang may iniinda akong sakit ay inalalayan niya ako. “Are you okay, wife? Should I call a doctor?” concerned na tanong niya kaya hindi ko maiwasang tumitig sa itsura nya. Was he really concerned about me?Napangiti naman ako dahil sa tuwa, pero kaagad na pumasok sa isi

  • The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)   Gun XLIV

    ElaineNang makabalik ako sa loob ng venue ay kaagad lumapit sa akin si Venice. “Mabuti naman at nandito ka na, baks. Hinihintay ka ng lahat sa balcony para masimulan nang ibigay sa inyo ni Louis ang regalo nina Tita Hacel,” aniya. Hindi ko naman mapigilang mapalunok dahil sa kaba.Ano na naman ba ang pakulo ng pamilyang Montemayor?Kaagad naman akong nagpilit ng ngiti nang makita kong nakatingin pa rin sa akin si Venice. Wala siyang kaalam-alam kung ano ang mayroon sa pagitan namin ni Louis. Hindi ko siya masisisi dahil sigurado akong itatago sa kaniya ni Volstrige ang bagay na iyon.“Pasensiya na, mukhang na-late na naman ako. Nag-restroom kasi ako saglit,” paliwanag ko at akmang ihahakbang na ang mga paa ko nang biglang hawakan ni Venice ang braso ko dahilan upang mapatigil ako.“Sandali lang naman, baks. Talagang inabangan kita rito kasi may balak akong ibigay sa ’yo. At saka, lutang ka ba? Hindi naman diyan ang daan sa balcony. Ayan ba ang epekto ng alak?” Humagalpak ito ng tawa.

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status