Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko upang tingnan kung ano iyon at may nakita akong hindi pamilyar na babae habang nag-uusap sila ng lalaki.
“Why do you want me to add you to my collection?” maangas na tanong nito habang nanggagalaiti naman sa galit ang babae na gumagamot sa kaniya.
“Excuse me, womanizer, huwag mo akong igaya sa pinsan ko na nagkagusto sa ’yo. Iniisip ko nga hanggang ngayon ano nagustuhan niya sa ’yo, e,” wika ng babae na ikinapagtaka ko.
Sino kaya ang tinutukoy nila?
Kailangan ko nang lumabas, pero nakakahiya kung aabalahin ko ang pag-uusap nila.
“Don’t ever discuss that woman in front of me,” sambit ng lalaki na kaagad tumayo at kinuha sa bulsa ang pakete ng sigarilyo.
“Bitter ka pa rin ba, Louis? Huwag mong sabihin sa akin na fling mo lang ang babae na ’yan. From what I heard from your mother, she will be your wife for some reason. I pity her! Makikisama siya sa isang lalaki na hindi pa yata nakaka-move on sa ex niya,” wika nito at tumayo para harapin ang lalaki nang bigla itong sumagot pabalik sa kaniya.
Louis pala ang pangalan ng lalaki. Bagay na bagay ito sa kaniya. Napailing ako naisip, marahil ay epekto lang ito ng pagligtas niya sa akin.
“Leave. I suggest that you should mind your own business, and don’t ever insult my future wife again,” sabi ni Louis at itinutok ang pistol sa ulo ng babae.
Hindi ko naman mapigilang mapakunot ang noo sa ginawa niya, is he referring to me? Ang alam ko kasi ay magpapakasal kami para sa utang ni Ama.
Hindi natinag ang babae, ngumisi lang ito. “Yeah. I don’t plan to meddle in your family business. Besides, wish ko nga na magtagal kayo,” wika ng babae at tuluyan nang umalis.
Dali-dali akong bumalik sa kama upang magpanggap na natutulog dahil narinig ko ang yabag ni Louis papasok sa silid.
Tanging naririnig ko lang ay ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kasabay n’on ang ingay ng kama nang maupo siya sa gilid ko. Napahinga ako nang malalim dahil naanoy ko ang perfume niya.
Masyado itong mabango.
“I know you're awake. Let's have some dinner, wife,” wika ni Louis. Hindi ko alam ang gagawin ko, kung magpapanggap ba ako na natutulog o ididilat ko na ang mata ko. And the way he called me is . . .
I wanted to eat first, pero kailangan ko nang umuwi sa amin dahil paniguradong hinahanap na ako ni Ama.
“Hindi ka ba didilat diyan o gusto mong patirikin ko ang mata mo? How about that, Mrs. Montemayor?” bulong niya habang ang hininga niya ay nagbibigay kiliti sa aking tainga.
What did he mean? Mrs. Montemayor? Don’t tell me that he is a Montemayor, the family where my father used to work?
Kaagad naman akong dumilat at nagtama ang mga mata namin. Tatayo na sana ako nang bigla niya akong hilahin pabalik sa kama. “Are you okay? May masakit pa ba sa ’yo?” tanong niya na ikinailing ko.
“I'm fine. Kain na tayo,” usal ko na ikinatango niya.
“Okay, I’ll just change my clothes, wait me outside or here if you want to see my body,” sambit ni Louis na ikinatakip ko ng mukha nang bigla niyang hubarin ang T-shirt niya.
“Lalabas na ako,” sagot ko at dali-daling tumakbo palabas ng kuwarto nang bigla siyang humarang sa pinto na ikinaharap ko.
“Is this your first time seeing a man’s body?” tanong ni Louis habang nakatitig sa akin. Umiwas ako ng tingin.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Halos mabingi na ako sa tibok ng puso ko.
“.A-Ano kasi,” nauutal na wika ko nang bigla niyang ilapit sa akin ang katawan niya. Was he testing me?
“We will be married before this year ends. Maybe we should have our honeymoon now? What do you think?” tanong ni Louis. Tagaktak ang pawis ko kahit napakalakas ng aircon dito sa loob ng silid.
Ano ba ang sinasabi niya? Wala naman akong sinabi na pumapayag ako sa kasal na ang tanging alam ko lang ay parang nangako si Ama para mabayaran ang utang niya.
“Ano bang kasal ang sinasabi mo?” tanong ko habang ibinubuhos ang buong lakas para itulak ang katawan niya.
Kung sabagay, napunta ako sa kalagayan na ito dahil gusto kong malaman ang tungkol sa sinasabi ni Louis na kasal na ayaw sabihin sa akin ni Ama.
“Why didn’t your father tell you? Ha, that old hag is really a headache. Maybe I should kill him,” wika ni Louis na ikinalaki ng mata ko kaya kaagad ko siyang sinigawan.
“Don't you ever do that. I swear, I will call the police to sue you!”
Tinakpan niya naman ang labi ko gamit ang kamay niya. “Shh. Don't shout.”
Marahas kong tinatanggal ang kamay na nakatakip sa bibig ko, pero sadyang napakalakas niya. Sa sobrang inis ko ay kinagat ko ang palad niya kaya napabitiw siya.
“My father is innocent. Kayo nga itong—” Bago ko matapos ang sasabihin ko ay dumampi ang kaniyang labi sa akin. Nanlaki ang mga mata ko gulat.
Nang makabawi ako ay sinampal ko siya nang malakas.
“Fuck, why did you do that?” Nakakunot ang noo at hinawakan ang kamay ko na ikinadaing ko dahil sa sakit.
“You didn’t even ask for permission when you tried to kiss me. Ano ang ine-expect mong gawin ko?” sagot ko.
“I will tell you this once. You're my fiancèe now, therefore, behave nicely. This marriage is the payment of your father’s debt to us. And listen carefully, he’s the one who proposed this thing,” wika ni Louis na ikinahina ng katawan ko.
Parang kanina lang ay ayos pa ang mood niya, pero ngayon parang ibang tao na siya.
Lumabas siya sa silid at naiwan akong tulala. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang buong kuwento, pero isa lang ang malinaw sa akin, ako ang kabayaran sa utang ni Ama.
Naantala ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto. Nang buksan ko ito ay isa itong maid. “Ma’am, pinabababa na ho kayo ni Sir Louis. Kumain na raw po kayo sa dining room, huwag n’yo na raw pong hintayin na buhatin ka pa niya.”
Hindi naman ako sumagot kaya umalis na lang ito.
Kailangan ko nang umuwi at mas mabuti siguro kung pipilitin ko si Ama na magsalita tungkol sa bagay na ito.
Nagulat ako nang bumukas ang pinto at tumambad si Louis na nakakunot ang noo.
“Let’s go. You should eat to gain your energy,” wika ni Louis at saka ako binuhat na parang sako ng bigas sa kaniyang balikat.
Magagalit si Ama kapag hindi pa ako umuwi ngayong gabi, siguradong sasabihin niya ito kay Kaizer para magpatulong na hagilapin ako.
“Ibaba mo ako! Kailangan ko nang umuwi!” sigaw ko habang naglilikot. Pababa na kami ng hagdan. Napatigil ako nang biglang may pamilyar na boses na nagsalita.
“Elaine . . . ,” wika nito at nang itaas ko ang paningin ko ay nakita ko si Kaizer na nakatayo habang ang kamay niya ay nasa bulsa.
Ano’ng ginagawa niya rito?
Kaagad akong nagpumilit bumaba sa pagkakabuhat ni Louis, ngunit sa sobrang lakas niya ay hindi ko ito magawa kaya napabuntonghininga na lamang ako.
Mukhang wala akong choice kundi kausapin si Kaizer sa harapan niya.
“Kaizer, ano ang ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ko dahil hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang lumitaw sa mansion ni Louis. Ni hindi ko pa nga natatawagan si Ama dahil natatakot ako na mag-panic ito.
“Wife, how did you know him?” sabat ni Louis habang nakataas ang kilay niya sa pagtataka.
Hindi ko gusto ang posisyon namin dahil nasa balikat niya ako habang nakahawak siya sa gawing baywang ko upang hindi ako mahulog kaya nakaharap ako kay Kaizer na parang ahas.
“Anong wife ka riyan? At saka puwede bang ibaba mo na ako? Nahihirapan na kaya ako sa posisyon na ganito,” reklamo ko habang sinusubukang gumalaw, ngunit nagulat ako nang bigla niya akong ibaba sa balikat at saka binuhat na pa-bridal style na ginawa niya noong iniligtas niya ako.
Ano ba ang ginagawa niya? Baka kung ano ang isipin ni Kaizer!
Napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa hiya na nararamdaman, pero nagulat ako nang biglang higitin ni Kaizer ang kamay ko.
“Elaine, halika na, umuwi na tayo. ’Di ba, gusto mo nang makita si Tito?” tanong ni Kaizer. Halata sa boses niya na parang malungkot siya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano sasabihin kay Ama ang dahilan bakit ako napunta rito.
Akmang magsasalita na sana ako nang biglang sumagot si Louis, “What do you think you're doing, jackass?”
Nang dumako ang tingin ko sa mukha niya ay nakakunot na naman ang makapal niyang kilay na parang hindi siya sumasang-ayon sa sinabi ni Kaizer.
“It's obvious that Elaine wants to go home. Just let her go and look for someone who is suitable for your shit,” singhal pabalik ni Kaizer at humigpit ang hawak sa kamay ko. Mas lalong tumaas ang tensiyon sa pagitan nila kaya huminga ako nang malalim.
“Stop it, both of you. Oo na, gusto ko nang umuwi, pero nakakahiya kung aalis ako nang hindi pa nakakapagpasalamat kay Louis. I should thank him for saving me, and paano mo nalaman na nandito ako. Care to explain, Kaizer?” tanong ko habang nakataas ang isang kilay. Mukhang may itinatago siya sa akin.
Hindi kaya ang pinag-uusapan nila ni Ama kanina ay tungkol sa kasal na sinasabi ni Louis? Kung gano’n, kailangan ko talagang malaman ano ang kaugnayan niya sa bagay na ito.
“I just followed you, that’s it,” direktang sagot ni Kaizer na hindi ko pinaniwalaan.
Masiyadong halata kapag hindi siya nagsasabi ng totoo. Besides, kung sinundan niya ako, bakit hindi siya ang tumulong sa akin?
“Tapatin mo nga ako. May alam ka ba sa mga nangyayari? Like, this deal?” tanong ko. Nag-iwas naman siya ng tingin sa akin na parang ayaw niyang may masabi siyang hindi dapat.
“Wife, Kaizer is one of my fellow men at work. Can we continue in the dining room? He’s just wasting our time,” usal ni Louis na kaagad kong ikinanganga. Ano raw? Isa si Kaizer sa mga tauhan niya? Kung gano’n, may alam nga siya sa nangyayari!
I know that Montemayor Group has the darkest secrets like the one in their old building. I doubt that it was for legal business, I think they are part of an illegal organization.
Kaagad kong hinigit ang kamay ko sa pagkakahawak ni Kaizer na hindi makapagsalita. There was a part in me na na-dissapoint. May alam pala siya, pero bakit pinili niyang itago sa akin? Edi sana ’di ba, hindi ko na inilagay sa panganib ang buhay ko para malaman ang bagay na may alam pala siya, or worse, parte.
“Elaine, sandali lang, magpapaliwanag ako, huwag ka naman magalit!” sigaw ni Kaizer na mabilis na naglakad upang sundan kami ni Louis.
Napabuntonghininga naman ako. This day, marami akong nalaman na ikina-disappoint ko lang. Mas mabuti kung hindi na rin madamay si Kaizer sa personal na problema ng pamilya namin dahil kami ang may utang sa pamilya ni Louis Montemayor.
“Kaizer, ayos lang. Wala ka dapat ipaliwanag. Puwede mo bang sabihin kay Ama na safe lang ako kaya huwag siyang mag-alala? Nasa mabuting kamay naman ako ng mapapangasawa ko,” wika ko at pilit na ngumiti. Hindi ko kayang magsinungaling kay Kaizer, pero ayaw kong idamay siya sa nangyayari sa pamilya namin lalo na’t isa rin siya sa mga tauhan ni Louis.
“Pero, Elaine, hindi naman—”
Pinutol ni Louis ang sasabihin ni Kaizer, “You heard my wife, Kaizer. Leave, and don't interrupt us again. We will be having our dinner,” pang-aasar ni Louis na agad namang ikinakagat ng labi ni Kaizer sa inis.
“Fuck you. If you lay your hands on Elaine, I will kill you, Louis,” singhal ni Kaizer na masamang nakatingin kay Louis na hindi man lang natinag sa sinabi niya.
“I will lay a hand on her later on our bed,” pilyong sagot ni Louis na mas lalong ikinainit ng ulo ni Kaizer kaya naglabas ito ng baril na ikinagulat ko.
“Shoot,” matapang na sambit ni Louis na nakangisi.
Kaagad naman akong nagsalita na ikinatigil nilang dalawa. “Puwede bang tumigil na kayo? Gutom na ako. At isa pa, Kaizer, ayos lang ba na sigawan mo ang boss mo? Huwag ka nang mag-alala sa akin, ayos lang ako rito,” wika ko habang nakakrus ang mga kamay.
Napatalikod naman si Kaizer. “Magpasalamat ka at nandiyan si Elaine, ayusin mo lang ang pagtrato mo riyan,” wika nito at tuluyan nang naglakad paalis.
Itinaas ko naman ang tingin ko para makita si Louis. “Pumapayag na ako sa kasal na sinasabi mo, pero may kondisyon ako.” Nagtama ang mga mata namin. Umiwas ako ng tingin.
“What is it?” tanong ni Louis.
“Let me get down first,” utos ko. Nang ibaba niya ako ay hindi ko maiwasang mamangha sa chandelier na nakasabit sa kisame, at mas lalo pang nanlaki ang mata ko nang makita ang disenyo sa mansion.
“Wow,” sambit ko habang iniikot ang mata upang tingnan ang kabuuan nito. Isa lang ang masasabi ko, talagang napakayaman ng mga Montemayor.
Mabilis akong tumakbo nang makita ang malaking shelf na puno ng mga libro.
Matagal na akong mahilig sa mga libro lalo na sa nobela ni Arthur Conan Doyle na Sherlock Holmes, pero dahil wala akong pambili ng libro ay sini-search ko lang ito sa G****e kapag nagkaka-data ako.
Sinusubukan kong abutin ang Sherlock Holmes na libro na nasa bandang taas ng shelf. Napasimangot ako nang hindi ko ito maabot, pero ibinuhos ko ang buong lakas ko para tumingkayad at tumalon. Nanlaki ang mata ko nang matutumba ang shelf dahil sa ginawa ko, pero bigla akong niyakap ni Louis habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa itaas ng shelf, ang mga libro ay tuluyan nang nahulog.
Sobrang lapit namin sa isa’t isa kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa mukha niya. Wala itong bahid ng inis, pero nakita ko ang pag-aalala.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Louis na ikinatango ko.
Parang naputol ang dila ko habang ang puso ko ay parang hinahabol ng liyebre sa sobrang bilis ng kabog.
“Sir. Ako na po riyan. Nakahanda na po ang hapag para sa inyong dalawa,” usal ng isang lalaki na mabilis na pumunta sa gawi namin para ayusin ang shelf.
“Tulungan ko na po kayo,” prisinta ko. Itinulak ko naman nang marahan si Louis at nagtungo sa mga libro na nalaglag.
“Naku, ma’am, hindi na, magtatawag na lang ako ng mga maid,” wika ng lalaki. Sinubukan ko itong pilitin, pero tinanggihan lang ako kaya sa huli ay sumunod na lang ako kay Louis na papunta na sa dining room.
“Wife, do you want anything?” tanong ni Louis habang magkatabi kaming naglalakad. Ang gusto ko lang naman ay mahawakan ang libro ng Sherlock Holmes, hindi ko lang makuha dahil sa height ko.
“None,” maikling sagot ko.
Pagkatapos ng mahabang paglalakad ay huninto kami sa isang malaking pinto na may nakasulat na Salle à Manger na hindi ko maintindihan.
“It means dining room. Translated in French,” wika ni Louis na parang nahulaan ang nasa isip ko.
Nang buksan ito ng maid ay bumungad sa amin ang napakalaking mesa na gawa sa marboles. Sa gitna ay isang vase na punong-puno ng rosas.
“Here, let me help you,” wika ni Louis saka hinila ang isang upuan. Hindi ko alam kung bakit parang bigla siyang bumait, parang kanina lang ay halos mag-transform na siya bilang tigre.
“Salamat,” sagot ko bago tuluyang maupo.
Ang mga putahe ay dahan-dahang inihahanda ng mga lalaking nakasuot ng pang-chef. Para tuloy akong nasa mamahaling restaurant sa librong lagi kong binabasa.
Sasandukan na sana ako ng isang babae nang bigla kong kuhanin ang sandok sa mga kamay niya. “Ayos lang po. Ako na ang kukuha,” wika ko at ngumiti sa kaniya.
"Oo nga pala, Mr. Montemayor, tungkol sa kondisyon na sinasabi ko,” paalala ko habang nagsasandok ng kanin. Napatitig siya sa akin na parang hinihintay ang susunod na sasabihin ko.
Itutuloy ko na sana ang sasabihin ko nang biglang may pumasok sa pintuan na lalaking naka-tuxedo. Tumigil ito sa harapan ng lamesa.
“Oh, I see you’re having dinner with one of your flings,” sambit nito at tiningnan ako na parang kinikilatis.
“Well, sorry to interrupt, but, I found an information about Mariella and she’s in the hospital right now,” pagtutuloy nito na parang walang pakialam sa presensiya ko.
Tumayo si Louis. “Excuse me, wife,” sambit niya at hinalikan ako sa noo na ikinagulat ko. Bago pa man ako makapag-react ay lumabas na siya kasama ang lalaki na kapapasok lang.
Sino ba ang babaeng tinutukoy nila? Ganoon ba siya kaimportante na kailangang sa labas pa pag-usapan at parang pinababantayan pa ni Louis?
ElaineMabilis lumipas ang mga araw, nalaman namin ang balita na nakawala si Zap kaya mas lalong dumoble ang security namin habang naghahanap ng leads kung sino ang tumulong kay Zap na makatakas at kung nasaan ang tunay kong ama.Nagbitiw ako ng malalim na buntonghininga bago tuluyang isandal ang ulo ko sa upuan. Ang buong akala ko ay matatapos na ang kasamaan ng mga Valencia, pero we were back to zero again.“Everything will be fine, wife. As long as we are together, we can do anything. I’ll dispatch more people to look for leads,” wika ni Louis. Hinawakan niya ang kamay ko. Napangiti ako.“Thank you, hubby, for always being by my side. Even when I’m still looking a part of my past identity, you’re patient,” usal ko at binigyan siya ng halik sa pisngi.Kinagabihan, habang inaasikaso ko ang paperworks na ipinasa sa akin ng wedding organizer na kinuha namin ay biglang umiyak si Mace
LouisI’ve always thought of myself as the man who knew everything. Someone who was calculated, cold, and efficient—that’s who I am. Or rather, who I was, before Elaine. She wasn’t just a woman I was ordered to marry; she was the reason I started questioning everything about my carefully constructed world.It all started when I saw her for the first time walking with her friends down the street. I was in the backseat of my car, flipping through meaningless reports about the family’s business when I caught sight of her. She wasn’t extraordinary by any conventional standard. She had oversized glasses perched on her nose, braces, and hair that seemed to have a life of its own. Yet, there was something about her laugh. It was carefree. It was pure.“Who’s that woman?” I blurted out, startling Brennon.His eyes flicked to the rearview mirror, confused. “I—I don’t know, si
Elaine Malamig ang simoy ng hangin noong araw na nagpunta ako sa sementeryo. Tirik ang araw, pero hindi masakit sa balat dahil pa-hapon na. Tahimik, ramdam ko pa rin ang bigat sa puso ko habang nilalakad ang daan patungo sa puntod ni Ama. Sariwa pa rin sa akin ang lahat ng nangyari, sa isang iglap ay natapos ang lahat ng kasamaan ng mga Valencia. Pero alam kong hindi pa rin dito nagwawakas ang lahat dahil may mga organisasyon pa rin na gustong mapasakamay ang ledger na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala. Sa huli, nakulong si Zap na may patong-patong na kaso habang si Mariella ay dinala ni Lucas sa psychiatrist dahil halos mabaliw ito sa lahat ng nangyari. Binasa ko ang lapida na may nakasulat na Raymond Natividad. Ibinaba ko ang bouquet na ng puting rosas at nagsindi ng kandila. Napakabuting ama niya sa akin, lahat ay ginawa niya para maprotektahan ako. “Ilang buwan na lang, manganganak na ako. Sisiguraduhin kong dadalhin ko sila rito para makita mo,” wika ko habang kumiki
Elaine Nang idilat ko ang mga mata ay naramdaman ko ang pahirap na nakatali sa aking mga kamay. Ito ay matigas at malamig, parang sinadyang higpitan para magdulot ng matinding sakit. Nanginginig kong tiningnan ang paligid. Para kaming nasa storage room, at bukod sa akin ay may dalawa pang tao—si Kaizer at Ama, na parehas ding nakatali sa upuan. “Ely . . .” Boses ni Kai. Mahina iyon ngunit puno ng pag-aalala. “Ayos ka lang ba?” Tumango naman ako kahit taliwas ang sinasabi ng puso ko. Mabilis ang pintig nito dahil sa kaba at takot na may mangyayari sa amin na masama. “A-Alam mo ba kung nasa’n tayo?” tanong ko. Nag-crack ang boses ko. Napailing siya. “Sa ngayon, ang alam ko lang ay na-kidnap tayo ng Valencia Organization. Hindi ko alam kung paano nila tayo nahanap, I will make sure na makatatakas tayo.” I was scared for the baby in my womb. Wala siyang kinalaman dito. “Everything will be fine, Ely, trust me,” sambit ni Kaizer. Mukhang may plano siya. “Ugh,” ungol ni Ama habang dah
ElaineNag-stay kami ni Louis sa Florida nang dalawa pang linggo. Nang makita ako ni Louis noong gabing iyon ay lagi niya akong kino-comfort. Bihira na lang din kaming gumala ulit at kung lalabas man kami ay may bantay kami. Hindi niya rin ako tinanong kung ano ang nangyari, mukhang hinihintay niya na ako ang kusang magkuwento.Ngayong araw ay susunduin kami ni Valerian para ihatid kami pabalik sa Pilipinas.“I want to stay here for awhile,” wika ko habang inaayos ang mga damit at pasalubong na binili namin.“We will come back here again. This is one of our houses now, I just need to finish all my work,” Louis answered and pecked a kiss on my cheek.Nang makasakay kami ay nginitian ako ni Valerian. “Looks like the newlyweds enjoyed their honeymoon that much. Aunt Hacel said to get both of you after three days, but someone wants to stay longer.”“Shut up, dickhead,” wika ni Louis na ikinatawa ko. So siya lang pala ang nagplano na isang buwan kami rito.“Nasaktan naman ako sa bati mo, pr
ElaineIt had been a week, paulit-ulit ang naging routine namin ni Louis. Para na talaga kaming tunay na mag-asawa. Sa umaga ay ipinagluluto niya ako at gagala kami sa buong maghapon. Halos gabi-gabi ring may nangyayari sa amin. Sa totoo lang, parang panaginip ang lahat at ayaw ko nang magising.“Wife, are you still mad at me? I didn’t mean to act roughly last night,” wika ni Louis habang sinusubukan akong subuan ng kanin.“No. I’m not mad,” matipid na sagot ko.“Then why are you so quiet? Hmm,” tanong ni Louis. Sa totoo lang, gugustuhin ko na lang na nandito kami dahil baka mamaya kasi kapag umuwi kami ay may magbago na naman sa relasyon namin.“May iniisip lang ako,” sabi ko.Sumeryoso ang mukha niya. “What is it? You can tell me.”Bahagya na lang akong napangiti. Mas mabuti nang itago ko na lang muna ang nakita ko. Baka mamaya ay paghinalaan niya ako na may connection kay Zap.“I’m just thinking about where we will go today. Ang dami palang magagandang view rito. Maligo muna ako par
ElaineNagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, mukhang wala pa rrin si Louis. Dahan-dahan akong bumangon dahil medyo masakit pa ang ulo ko at mugto ang mga mata. May mga sugat pa ang daliri dahil sa pagpulot ko sa nabasag na frame.Pumunta ako sa kusina at kinuha ang litrato. Pinagmasdan kong muli ito bago lukutin at ilagay sa loob ng bulsa ko. Hindi dapat ito makita ni Louis, nakasisiguro ako na tanging si Ama lang ang makasasagot ng lahat ng katanungan na mayroon ako tungkol sa tunay na katauhan ng lalaki. Binuksan ko ang ref, pero wala itong ibang laman kundi tubig. Napabuntonghininga na lang ako at naligo para lumabas. Hahanap na lang ako ng grocery store.“Wife, where are you going?” Halos lumundag ang puso ko sa gulat nang makita si Louis. Magulo ang kaniyang buhok at malalim ang eyebags. May bakas ng dugo sa damit niya at may gasgas siya sa noo. “Are you okay?” tanong ko at hinawakan ang noo niya na may gasgas.Kaagad kong napagtanto kung ano ang ginawa k
ElaineNaalimpungatan ako nang bigla akong makarinig ng malakas ringtone na galing sa cellphone ni Louis.“Answer your call,” utos ko. Nakita ko naman si Louis na pinatay ang tawag at ibinalik ang pagtitig sa akin.“I’m sorry for waking you up,” wika ni Louis. Kinuskos ko ang dalawang mata ko upang mas lalong makita ang mukha niya dahil medyo madilim sa silid.“Ayos lang, naalimpungatan lang ako. But why are you still awake?” tanong ko sa kaniya at akmang babangon para sana kumuha ng maiinom sa kusina.Aray.Kaagad akong napapikit nang mariin nang maramdaman ang kirot sa bandang ibaba ko. Ganito rin ang nangyari sa akin noong unang p********k namin. Parang binibiyak ang katawan ko sa dalawa.Nang mapansin ni Louis na parang may iniinda akong sakit ay inalalayan niya ako. “Are you okay, wife? Should I call a doctor?” concerned na tanong niya kaya hindi ko maiwasang tumitig sa itsura nya. Was he really concerned about me?Napangiti naman ako dahil sa tuwa, pero kaagad na pumasok sa isi
ElaineNang makabalik ako sa loob ng venue ay kaagad lumapit sa akin si Venice. “Mabuti naman at nandito ka na, baks. Hinihintay ka ng lahat sa balcony para masimulan nang ibigay sa inyo ni Louis ang regalo nina Tita Hacel,” aniya. Hindi ko naman mapigilang mapalunok dahil sa kaba.Ano na naman ba ang pakulo ng pamilyang Montemayor?Kaagad naman akong nagpilit ng ngiti nang makita kong nakatingin pa rin sa akin si Venice. Wala siyang kaalam-alam kung ano ang mayroon sa pagitan namin ni Louis. Hindi ko siya masisisi dahil sigurado akong itatago sa kaniya ni Volstrige ang bagay na iyon.“Pasensiya na, mukhang na-late na naman ako. Nag-restroom kasi ako saglit,” paliwanag ko at akmang ihahakbang na ang mga paa ko nang biglang hawakan ni Venice ang braso ko dahilan upang mapatigil ako.“Sandali lang naman, baks. Talagang inabangan kita rito kasi may balak akong ibigay sa ’yo. At saka, lutang ka ba? Hindi naman diyan ang daan sa balcony. Ayan ba ang epekto ng alak?” Humagalpak ito ng tawa.