Share

- Chapter four - RULE NUMBER EIGHT

Lincoln’s POV

          Pasado alas sais ng gabi nang magdesisyon akong umalis ng condo unit.

Nandito ako ngayon sa parking lot, maya maya biglang tumunog ang phone ko palatandaan na may tumatawag kaya naman agad ko itong sinagot, “Hello,” Wika ko sa tumatawag habang naglalakad papunta sa sasakyan ko.

          “Nasaan kana?” Tanong niya sa akin. Si Patrick lang pala.

Ilang saglit pa nakarating na ako sa sasakyan ko, agad akong sumakay at sinubukang paganahin ang makina nito. “On the way na ‘ko,” Sagot ko sa kanya, kainis! Hindi gumagana ang makina ng kotse ko. Narinig kong bumuntong hininga si Patrick sa kabilang linya.

          “Sige,” Matipid niyang sagot sa akin, “Tawagan mo nalang ako kapag nakarating kana,” Wika niya at pinutol na niya ang linya ng tawag.

Sinubukan ko muli na paganahin ang makina ng sasakyan ngunit hindi ito nag-start.

          Ilang saglit pa nag-ring ulit ang phone ko, sino na naman ‘tong tumatawag?! Muli ko itong sinagot, “Hello,” Wika ko sa kanya.

          “Hello,” Wika niya na nagpakunot sa noo ko, halatang may device siyang ginagamit ngayon para i-edit ang boses niya upang hindi ko siya makilala.

          “W-Who are you?” Nauutal kong tanong. Iba ang nararamdaman ko sa kanya parang may mali.

          “Binalaan na kita Teacher Lincoln na huwag kang magsasalita pero hindi ka nakinig!” Galit na galit niyang wika sa akin. Kahit na natatakot ako binuksan ko ang pinto ng sasakyan at lumabas.

          “Hindi ako natatakot sa ‘yo!” Matapang kong wika sa kanya habang naglalakad paalis ng parking lot na naging dahilan upang sarkastiko siyang tumawa at siya ay nagsalita.

“Oh, come on Teacher Lincoln,” Sarkastiko niyang wika, “Huwag ka nang magpanggap na matapang, ‘yan ang nagpapainit ng ulo ko e,” Dagdag pa niya sa akin.

          What? “What do you want? Money? Ano?” Tanong ko sa kanya at mas binilisan ko pa ang paglalakad ko.

          “Ganito nalang Teacher,” Wika niya at huminga siya ng malalim tsaka siya nagsalita, “Sa mga oras na ito nasa likuran mo ‘ko sa hindi kalayuan. All you need to do is to run hanggang exit ng parking lot pero sa oras na maabutan kita sisiguraduhin kong mamamatay ka,” Seryoso niyang wika na naging dahilan upang makaramdam ako ng matinding takot.

          Hindi! Ayoko pang mamatay. Kumaripas ako ng takbo papuntang exit ng parking lot. Rinig na rinig ko na tawa siya ng tawa sa kabilang linya.

          Bago pa ‘man ako makarating sa exit ng parking lot isang rumaragasang kotse ang bumangga sa akin sa lakas nito pumailalim ako sa sasakyan at nakaladkad ng kaunti, nabitiwan ko rin ang phone ko. Kainis!

Kahit na nahihirapan ako pinilit ko ang sarili kong bumangon at tumakbo ngunit wala na akong sapat na lakas upang gawin iyon.

          Ilang saglit pa narinig kong bumukas ang pinto ng kotseng bumangga sa akin at naglakad papunta sa ‘kin ang nagmamaneho nito, impossible!

Seryoso niya akong tiningnan, “Sorry, but I win,” Sarkastiko niyang wika sa akin.

Ibang-iba ang boses niya ngayon, malakas ang kutob ko na gumagamit siya ng device para mabago ito.

          “You can’t get away with this!” Matapang kong wika sa kanya, napaubo ako ng dugo ng subukan kong bumangon.

Nanghihina na ang katawan ko, pakiramdam ko anumang oras tuluyan ng babagsak ang mga mata ko.

          Nakasuot siya ng kulay black na jacket na may hood, nakasuot din sa kanya ang hood, at nakakulay puting maskara siya, pero kahit ganoon, alam ko na siya ‘yung nakita ko na nagbibigti sa patay nang si Nate. Ibinigti niya ito sa classroom noong gabi ng prom.

          Mayroon siyang hawak-hawak na kutsilyo, “Rule number eight,” Seryoso niyang wika sa akin, “Kill the witness,” Dagdag pa niya at buong lakas niya akong sinaksak ng kutsilyo sa kaliwang mata, isinunod niya ang tagiliran ko kasabay nito ang unti-unti kong panghihina.

………………………………………………………………….

Patrick’s POV

          Nandito ako ngayon sa loob ng condo ni S, nakaupo siya sa sofa at ako naman ay nakaupo sa upuan. Nakasuot siya ng kulay itim na maskara na walang mukha, dito sa condo ni S pinapunta ko si Teacher Lincoln para maging ligtas siya and privacy na rin dahil puro estudyante ang suspek sa pagpatay kay Nate.

          Pwedeng-pwede kong itanong sa kanya kanina kung anong nalalaman niya pero kailangan maging pribado ang kasong ito. Tumingin sa akin si S at siya ay nagsalita, “Where is he?” Tanong niya sa akin.

          Gumagamit si S ng isang device ngayon nang sa gayon ay mabago ang kanyang boses upang hindi siya makilala.

          Kinuha ko ang phone ko at sinubukan ko ulit na tawagan Teacher Lincoln pero out of coverage area na ang telepono niya, “Hindi siya sumasagot,” Wika ko sa kanya.

Ilang minuto lang ang lumipas nakatanggap ako ng text message mula sa kanya. 

          ‘Tulong,’ iyan ang text message na bumulaga sa ‘kin na naging dahilan upang ilagay ko ang phone ko sa bulsa tsaka ako umalis ng condo unit, no! Hindi siya pwedeng mamatay! Agad akong sumakay ng kotse at pinaandar ito papuntang condo unit niya.

Lincoln’s POV

          Ilang saglit pa hinila niya ako papunta sa edge ng parking lot ng floor na ito, “Twinkle, twinkle, little star, how I wonder what you are,” Pagkanta niya habang ginagawa ito, “Up above the world so high, like a diamond in the sky,” Pagpapatuloy niya.

          Nakaramdam ako ng matinding kaba nang makarating kami sa edge ng parking lot, buong pwersa niya akong itinayo at siya ay nagpatuloy sa pagkanta, “Twinkle, twinkle, little star. How I wonder what you are,” Matapos iyon buong lakas niya akong itinulak sa building na naging dahilan ng pagkahulog ko.

Patrick’s POV

          Nang makarating ako sa labas ng building kung saan naroroon ang condo unit ni Teacher Lincoln nakarinig ako ng malakas na kalabog sa bubong ng sasakyan ko kasabay noon ang pagkakagulo ng mga tao.

Lumabas ako sa kotse at isang nakapanlulumong tanawin ang nakita ko sa bubong nito. Iyon ay ang katawan ni Teacher Lincoln, duguan ito at may saksak sa tagiliran at kaliwa niyang mata.

          Inihulog siya sa building, hindi! Impossible! Nahuli na ako! Napaluhod ako at tila ba’y nalupaypay sa nakita ko. Isang buhay ang nasayang dahil sa ‘kin, hindi ko siya nailigtas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status