Phoenix’s POV
Dinala ng mga pulis si mama sa ospital dahil medyo malalim ang saksak niya sa balikat habang ako naman ay naiwan sa bahay kasama ng ibang pulis na nag-iimbistiga sa nangyari kanina. Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin sila natatapos mag-imbistiga.
Nakaupo ako ngayon sa lapag sa tabi ng pinto nang kwarto ni mama, maya maya pa lumapit sa akin si SPO2 Patrick Smith, “Wala na rito ang killer,” Wika niya na nagpayukom sa kamay ko. Nakakainis!
Pakiramdam ko nag-uunahang umakyat ang dugo ko papunta sa ulo ko, “Anong klase kayong pulis isang kriminal lang hindi n’yo pa mahuli!” Inis kong wika sa kanya.
Hindi siya nakapagsalita nang marinig niya iyon, totoo naman e, hanggang ngayon hindi pa nila
Phoenix’s POV Nandito kami ngayon ni Sage sa swimming pool area ng school, dito ako nagpa-practice lumangoy kapag may mga competition na sinasalihan ang school namin sa paglangoy. Kaya rin ako sumali dahil may scholarship akong natatanggap, libre pa pagkain, at vitamins. Nakasuot kami ng swimwear, at ang swimming pool ay parang pang competition talaga, “Kung sino ang unang makarating dito ang panalo,” Wika niya, “Are you ready to lose?” Sarkastiko niyang tanong sa akin. Mawawala ang kayabangan nito kapag tuluyan ko na siyang nalampaso sa laban, “Anong stroke ang gagamitin natin?” Tanong ko sa kanya. “Butterfly,” Matipid niyang sagot sa akin at sabay kaming tumingin sa swimming pool tsaka naghanda nang tumalon, “At the count of three. One…. Two…. Three,” Wika niya at sabay kaming tumalon sa pool. Mabilis akong lumangoy papunta sa kabilang sid
Patrick’s POV Nandito ako ngayon sa condo ni S, nakaupo siya sa sofa habang ako ay nasa upuan. Sa mga oras na ito wala siyang suot na maskara, Sage Taylor ang tunay niyang pangalan, bumubuo siya ng puzzle na tanging kulay puti lang ang naroroon sa maliit na lamesa. Mayroon din siyang suot na salamin. “Ano bang plano mo Sage?” Tanong ko sa kanya, “Bakit mo sinabi kay Phoenix ang tunay mong pangalan? Pinakita mo rin ‘yung itsura mo sa kanya,” Dagdag ko pa. “Maghintay ka lang Patrick,” Wika niya sa akin habang binubuo ang puzzle na tanging kulay puti lang ang naroroon, “Hintayin mong tuluyang matanggal ang maskara ng tunay na mamamatay tao sa sarili kong paraan,” Dagdag pa niya at ilang saglit lang tuluyan na niyang nabuo ito,
Athena’s POV Maya maya pa lumabas ng cr si Juaqin, nakatapis siya ng twalya, at lumapit siya sa ‘kin, “Hey, bakit ka umiiyak?” Tanong niya sa akin. “Natatakot ako Juaqin, paano kung malaman nila ang nangyari!” Kinakabahan kong wika sa kanya, “Paano kung malaman nila na tayo ang—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan sa labi, pinunasan niya rin ang mga luhang tumulo sa mga mata ko. “I promise, walang makakaalam sa nangyari,” Wika niya sa akin, “Kakausapin ko nalang rin si Phoenix bukas para wala siyang sabihin sa nakita niya,” Dagdag pa niya na nagpagaan sa pakiramdam ko. Hindi dapat ako mag-alala dahil sigurado ako na he will do his best to hide our secret. …………………………………………………………………. Phoenix’s POV
Athena’s POV Nandito ako ngayon sa cafeteria, hinihintay ko si Juaqin na dumating na um-order ng pagkain. Hinawakan ko ang tiyan ko at ngumiti, excited na akong sabihin sa kanya ang magandang balita. Maya maya dumating nasi Juaqin at inilagay niya ang pagkain sa lamesa tsaka siya umupo sa upuan na nakalaan sa kanya, “Kain na,” Wika niya sa akin. Ilang saglit lang nagsimula na kaming kumain. “Babe may surpresa ako sa ‘yo,” Wika ko dahilan upang mapangiti siya. “Ano ‘yun?” Matipid niyang tanong habang siya ay kumakain, at ako ay huminga ng malalim bago ako magsalita. “I’m pr
Athena’s POV Nandito ako ngayon sa garden ng school nakaupo sa bench mag-isa, hindi pumasok ngayon si Juaqin kaya wala akong kasama. Hindi rin naman ako kinikibo nila Phoenix dahil sa ginawa namin, malas nila wala akong pake. Maya maya pa lumapit sa akin si Sage, may hawak-hawak siyang isang envelope, nakasuot siya ngayon ng salamin, “Mag-isa kalang?” Tanong niya sa akin. “Pake mo?” Pagsusungit ko na nagpangisi sa kanya at umupo siya sa tabi ko. “Nasaan si Juaqin?” Tanong niya sa akin, kainis ‘to! Alam naman niya sigurong absent yung tao, matalino naman siguro siya. “Absent!” Iritado ko
Juaqin’s POV Lumabas ako ng bahay nila Athena dala ang kutsilyong ginamit ko pangsaksak sa nanay niya at agad akong sumakay sa sasakyan tsaka ito pinaandar. Habang pinapaandar ko ito, naalala ko nalang ang lahat ng nangyari sa buhay ko. Flashback Bata palang kami ni Monica namatay na ang nanay namin dahil sa sakit sa puso, kasi nahuli niya si papa na nakikipaghalikan sa ibang babae, kaya ayun namatay siya. After that inalagaan kami ni papa, at syempre nagpakasal siya sa babae niya at nagkaanak sila ng dalawa. Namuhay sila ng mat
Athena’s POV Alas otso na nang gabi, nandito kami ngayon ni Juaqin sa restaurant kumakain, naalala ko madalas kaming kumain dito noon. “Bakit ka nga pala biglang nagyayang kumain sa labas?” Tanong ko habang kumakain na nagpangiti sa kanya at siya ay nagsalita. “Nothing, I just want to celebrate dahil magkakaanak na tayo,” Sagot niya sa akin. Maya maya lumapit sa amin ang isang waiter na may dala-dalang isang bote ng wine, “Here’s your order sir,” Wika niya kay Juaqin at inilapag niya ito sa lamesa. “Thank you,” Sagot niya sa waiter bago ito umalis. Kinuha niya ang wine na nasa lamesa tsaka siya nagsalin ng kaunti nito sa wine glass ko, “Have some,” Wika niya sa a
Athena’s POV “Si Nate,” Pag-amin ko sa kanya na naging dahilan upang bahagya siyang lumayo sa ‘kin, kaya naman napaubo ako kasi umayos na ang paghinga ko, kailangan ko nang umamin dahil nakasalalay rito ang buhay ng anak ko! “Hindi ko sinabi sa ‘yo ang totoo dahil mahal kita!” Paliwanag ko dahilan upang mapaupo siya. Sarkastiko siyang tumawa at galit na galit niyang sinuntok ang tiyan ko, “Pare-pareho kayong lahat!” Galit na galit niyang wika sa akin, “Pare-pareho kayong manloloko!” Dagdag pa niya. Naramdaman ko ang paghilab ng tiyan ko at nanlumo ako nang maaninag ko ang dugong umaagos sa hita ko, hindi! “Anak ko!” Umiiyak kong wika, hindi pwede ‘to! Naiinis ako sa sarili ko, wala akong magawa para iligtas ang anak ko dahil hanggang ngayon nakatali pa rin ako sa up