Phoenix’s POV
Iminulat ko ang aking mga mata, nandito ako ngayon sa isang ospital at kung ano-anong aparatos ang nakatusok sa ‘kin. Maya maya pa pumasok sa kwarto kung saan ako naka-confine si SPO2 Patrick Smith, “Gising kana pala,” Wika niya sa ‘kin, “Tatlong araw kang comatose,” Wika pa niya na ikinayukom ng aking kamay.
“Ligtas ba si mama?” Tanong ko, ngunit hindi niya ito sinagot sa halip ay bumuntong hininga lang siya, “Answer my question,” Malamig na tono kong wika kaya naman tiningnan niya ako ng seryoso.
“She’s dead,” Sagot niya dahilan upang mapapikit ako, tama lang sa kanya ‘yun dahil napakawalang kwenta niyang ina. Hanggang sa huli mas pinaboran niya ang masama kong kuya kaysa sa ‘kin, “Nal
Phoenix’s POV Napangisi ako nang i-text sa ‘kin ni Mantus ang isang address kung saan niya gustong makipagkita kaya naman pinasa ko ito kay Sebastian, at minaneho ko ang aking sasakyan papunta roon. Nararamdaman ko na malapit na ang katapusan ni Mantus, seven na ng gabi nang makarating ako sa lugar kung saan niya gustong makipagkita, isa itong abandonadong warehouse. Agad kong pinarada ang aking sasakyan at pumasok doon. Nakita ko na nakaupo si Mantus sa lapag habang bumubuo ng rubik’s cube, “Bakit mo ko pinapunta rito?” Tanong ko ngunit hindi niya ito sinagot sa halip ay pinagpatuloy lang niya ang kanyang ginagawa. Ilang saglit pa tuluyan
Phoenix’s POV Hindi ko na nagawang barilin si Mantus nang pagbabarilin ako ni SPO2 Patrick Smith sa katawan, “Tumigil kana!” Sigaw niya. Hindi na ako muling nakatayo nang mangyari iyon, tumulo naman ang kanyang mga luha, at siya ay napaluhod. “Walang hiya ka! Sino sa tingin mong binabaril mo?!” Galit na galit kong tanong sa kanya kasabay ng pag-ubo ko ng dugo at pagkabitaw sa pagkakahawak ko sa baril, muli akong tumingin sa lahat, “Hindi n’yo ba nakikita? Biktima lang ako rito ng kapatid ko!” Galit ko pang wika, at ilang saglit pa kinuha ni Mantus ang baril ni SPO2 Patrick Smith tsaka niya ito itinutok sa ‘kin. “Arrest him now,” Malamig na tonong wika ni Mantus sa mga pulis, kaya naman lumapit sila sa
Rules to be a murderer: 1. Accuse someone of the crime you did. 2. Be a liar. 3. Be smart. 4. Choose an appropriate weapon. 5. Create a strong alibi. 6. Do not be afraid. 7. Erase the evidence. 8. Kill the witness. 9. Kill your conscience. 10. Plan everything before and after the crime. Author's note: I_am_Nobody833 is an online writer on W*****d. Currently, he is taking Bachelor of Arts in Broadcasting because he wants to become a successful journalist. Furthermore, he changed his penname to 'SavedByImmanuel;' 'Immanuel' means God with us. Also, one of his dreams is to become a published author. Lastly, he is very thankful at GoodNovel for giving him an opportunity to be an online author.
Phoenix’s POV Iminulat ko ang mga mata ko, nanlalabo ang paningin ko ngunit ilang saglit lang unti-unti na itong luminaw. Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto sa ospital at kung ano-anong aparatos ang nakatusok sa ‘kin habang nakahiga ako sa kama. Maya maya pumasok sa kwarto si mama, “Gising kana pala,” Wika niya habang siya ay lumalapit, “Nakausap ko ang doctor mo kanina and he told me that you have a selective amnesia, at sa kasamaang palad, hanggang ngayon nawawala pa rin ang kuya mo,” Dagdag pa niya na nagpakunot ng noo ko. “Kuya?” Tanong ko sa kanya, nakita ko na mugto ang mga mata niya na para bang kagagaling lang niya sa pag-iyak. Mayroon akong selective amnesia, may mga ibang pangyayari sa buhay ko na hindi ko maalala kabilang na ang nangyari bago ako magka-amnesia
Phoenix’s POV Napatingin ako sa lalake nang sabihin niya iyon, tumayo naman si Patrick at nakipagkamay sa kanya, “S!” Masaya niyang wika sa lalake, nakasuot siya ng kulay itim na maskara na walang mukha. Tumayo rin ako at tiningnan siya, “Sino siya?” Tanong ko kay Patrick na nagpangiti sa kanya. “I want you to meet S,” Pagpapakilala niya sa lalake, “Detective siya, marami na siyang na-solve na case hindi lang dito sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa,” Dagdag pa niya sa akin. “Pake ko?” Sarkastiko kong wika dahil ang tinatanong ko lang naman ay kung sino ang lalake hindi kung ano ang mga nagawa niya, tsaka pakiramdam ko masyadong arogante ang lalakeng pinakilala niya. &
Phoenix’s POV Huminga ng malalim si Sebastian at siya ay nagsalita, “Kainis na Nate ‘yan, mamamatay na nga lang gumawa pa ng problema!” Inis niyang wika na naging dahilan upang mapatingin ako sa kanya. “Anong sabi mo?!” Inis kong tanong sa kanya, pakiramdam ko nag-uunahang umakyat ang dugo ko papunta sa ulo ko. Iritado siyang tumingin sa akin at siya ay nagsalita, “Totoo naman hindi ba?!” Inis niyang wika sa akin. “Sebastian!” Pagsaway sa kanya ni Melody, “Tumigil kana!” Wika pa niya kay Sebastian ngunit imbes na tumigil siya sarkastiko pa siyang tumawa at iritadong tiningnan si Melody. “So ako na naman may kasalanan?” Sarkastiko niyang tanon
Lincoln’s POV Pasado alas sais ng gabi nang magdesisyon akong umalis ng condo unit. Nandito ako ngayon sa parking lot, maya maya biglang tumunog ang phone ko palatandaan na may tumatawag kaya naman agad ko itong sinagot, “Hello,” Wika ko sa tumatawag habang naglalakad papunta sa sasakyan ko. “Nasaan kana?” Tanong niya sa akin. Si Patrick lang pala. Ilang saglit pa nakarating na ako sa sasakyan ko, agad akong sumakay at sinubukang paganahin ang makina nito. “On the way na ‘ko,” Sagot ko sa kanya, kainis! Hindi gumagana ang makina ng kotse ko. Narinig kong bumuntong hininga si Patrick sa kabilang linya. “Sige,” Matipid niyang sagot sa akin, “Tawagan mo nalang ako kapag nakarating kana,” Wika niya at pinutol na niya ang linya ng tawag. Sinubukan
Patrick’s POV Tumayo ako tsaka ko kinuha ang phone ko sa bulsa at tinawagan si S. Nandito pa rin ako sa labas ng building ng condo ni Teacher Lincoln, “Hello,” Wika ko kay S. Pinagmamasdan ko ang bangkay ni Lincoln na nasa bubong ng sasakyan ko, habang ang mga tao sa paligid ko ay nagkakagulo. “Nasaan na siya?” Tanong niya na nagpayukom sa kamay ko. May nadamay nasa kasong hinahawakan ko, hindi na ako papayag na may madamay pang iba. Sa mga oras na ito, alam ko na gumagamit ng device si S upang i-edit ang boses niya nang sa gayon ay hindi siya makilala. “Patay na siya,” Sagot ko at narinig ko ang pagbuntong hininga niya, halatang nadismaya siya sa sinabi ko, “I’m sorry—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.