Monstrous Academy 1: Gangster's Love
Monstrous Academy 1: Gangster's Love
Author: Hikikomori
Chapter 1: Exchange student

“Miss, pwede bang magtanong? Mukhang naliligaw na kasi ako

“Sampung piso kada tanong.” Malamig na sagot nito, dahilan para awtomatikong kumunot ang aking noo, ganito ba talaga sa lugar na ito? May bayad kapag magtatanong? Umalis na lamang ako sa harapan ng babae at lumapit sa matandang lalaki na nagbabasa ng diyaryo malapit sa tindahan.

“Pwede po ba akong magtanong?”

“Ay nako hija, wala kaming talong.” Eh? Nahampas ko ang noo ko gamit ang palad dahil sa nakuhang sagot. Ano ba naman itong nangyayari? Kanina pa ako pa-ikot ikot sa West district na ‘to pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahanap ang school na paglilipatan ko. Wala pa akong mapagtanungan ng maayos, isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan ko bago pumikit ng mariin.

“Uhm, hi Miss, kanina pa kita nakikitang paikot-ikot. Naliligaw ka ba?” Agad kong naimulat ang mata nang tanungin ako ng isang lalaking lumapit sa akin, nakasuot ito ng itim na jacket, maputi, medyo may pagkapula ang kanyang buhok at hindi ko maitatanggi na gwapo siya.

“H-ha? Ah eh oo, hindi ko kasi makita ‘yung Monstrous Academy. Alam mo ba kung saan ‘iyon?” Tanong ko nang bitawan ko ang dalagang bagahe at ipakita sa kanya iyong papel kung saan nakalagay ang address ng school na paglilipatan.

“Actually papunta ako roon ngayon, kung gusto mo sumabay ka na lang sa’kin. Malapit na rin naman ‘yon dito.” Suhestiyoni niya at tila nag-alangan ako bigla. I mean, hindi ako pamilyar sa lugar na ito at hindi rin ako pamilyar sa mga taong nasa paligid ko. Marami pa namang masasamang tao sa panahon ngayon, kapag hindi ka nag-ingat tiyak mapapahamak ka.

“Don’t worry, Miss. You can trust me.” Mabilis akong napatingin sa lalaki nang magsalita siya. Nababasa niya ba ang nasa isip ko? What kind of sorcery is this?

“Hindi, halata lang kasi sa mukha mo. So ano?” Wala sa sarili akong napatango dahil nakakamangha talaga ang kakayahan niyang magbasa ng isip. Napatingin ako sa suot na orasan at nakitang Alas tres na ng hapon, kung hindi pa ako tataya ay baka amagin ako kakahanap ng eskwelahan na iyon kaya kahit nagdadalawang isip ay pinili ko pa ring sumama sa kanya.

“Gusto mo bang ako na ang maghatak niyang dala mo?” Tanong niya at agad akong umiling.

“Okay lang, kaya ko na. Salamat.” Habang palayo kami ng palayo ay pakonti rin ng pakonti ang mga tao sa paligid at mas lalong tumatahimik. Wala pa gaanong sasakyan ang dumadaan sa kalsada, hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng kaba. Tama ba ang desisyon kong sumama sa kanya?

“Relax ka lang, medyo tago kasi ‘yung school, eh.” Sabi ng lalaki habang naglalakad kami sa diretsong daanan na may mga sunod-sunod na malalaking puno sa gilid. Napalingon ako sa kanya at ngumiti ng tipid, ganoon ba kahalata na kinakabahan ako? “Look.”

Ngumuso siya sa bandang unahan ng dinaraanan kaya sinundan ko kung ano ang itinuturo niya. Lahat ng pangamba ko ay nawala nang matanaw ko ang malaking gate sa dulo ng daan. Mukha iyong palasyo kung titignan dahil sa sobrang laki noon. Hindi ako makapaniwalang doon ako na ako mag-aaral.

“Ano nga palang gagawin mo rito?” Tanong niya nang huminto kami sa tapat ng malaking gate kung saan nakalagay ang Monstrous Academy sa pinakataas noon.

“Hmm exchange student ako.” Tipid kong sagot at nginitian niya lamang ako bago kami pumasok sa loob. Agad ko namang naramdam ang kakaibang aura na bumabalot sa buong eskwelahan. Ewan ko pero kinilabutan ako bigla, ibang-iba kasi ito kumpara sa dati kong school sa probinsya. Bukod sa maraming building ang makikita sa paligid ay talaga namang sobrang lawak ng kabuuan nito na kapag sinubukang libutin ay talagang maliligaw ka.

Kapansin-pansin din ang limang building na mayroong iba’t ibang kulay; Blue, Red, Black, Purple at Brown. Sa lahat ng building na narito ay masasabi kong iyong limang iyon ang pinaka-espesyal  dahil na rin sa disenyo noon. Kung susumahin ay talagang napakasosyal ng eskwelahan na ito ngunit hindi pa rin noon maitatago ang kakaibang bumabalot dito.

Hindi ko na lang gaanong pinansin ang nararamdaman at nagpatuloy sa paglakad hanggang sa pumasok

kami sa pinaka-mataas na building. School ba talaga ‘to o office tower?!

“Ito na ‘yung faculty, hindi na rin kita masasamahan sa loob. Kailangan ko na kasing bumalik sa dorm, eh.” Sabi ng lalaki nang huminto kami sa isang pintuan. Gusto ko sanang tanungin kung ano ang pangalan niya kaso pinangunahan ako ng kaba.

“Sige, salamat ah. Ingat ka.” Ngumiti ako ng tipid at tumango lamang siya kaya inayos ko ang sarili at hinawakan ng mahigpit ang dala kong bagahe.

Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ko bago tuluyang kumatok sa pintuan. Halos 30 seconds din ang hinintay ko bago iyon bumukas.

“Yes? What can we do for you? Transferee? Your face is not familiar.” Dire-diretsong sabi ng babaeng nagbukas ng pinto, dahilan para pilit akong mapangiti at mapatingin sa suot niyang I.D. Janna De Vera? Mukha pa naman siyang dalaga kaya Ms. De Vera na lang siguro ang itatawag ko sa kanya. 

“Uhm exchange student

“Rain Celvero?” Hindi siguradong tawag nito sa pangalan ko at tumango lamang ako ngunit laking gulat ko nang may itapat siya sa mata ko. Nag-flash iyon na parang camera kaya naman napaatras ako ng bahagya dahil sa pagkasilaw.

“Wow! So you are 100% Keen. Ang swerte mo naman, come! Sasamahan kita sa dorm mo.” sabi nito at sinundan ko lamang siya. Hindi man lang ba nila ako iinterview-hin about sa pagiging exchange student ko? O kaya naman ay pag-usapan ang magiging schedule ko?

Nagkibit na lamang ako ng balikat at nagpatuloy sa pagsunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang malawak na building na may limang palapag. Agad kong napansin na walang katao-tao sa loob noon nang pumasok kami. Bukod doon ay napansin ko rin ang mukhang hotel na disenyo nito, ang lobby ay mayroong couch at isang flastscreen T.V, kaaya-aya rin sa mata ang kulay ng malaking kurtina at ang magarang chandelier.

Hindi ko na gaanong nasuri pa ang paligid dahil umakyat na kami sa second floor at huminto sa tapat ng kwartong may nakalagay na #218. Kinatok iyon ni Ms. De vera kung saan bumungad sa amin isang magandang babae pagbukas ng pinto. Mukha pa siyang may sakit dahil ang putla niya pero kahit gano’n ay ang ganda pa rin niyang tignan.

“Ms. Chua, this is Ms. Celvero. She will be your roommate from now on and please, tell her everything she needs to know. Okay?” Bilin ni Ms. De Vera at saka humarap sa akin “Balik ka sa office mamayang gabi para sa unifom at schedule mo. Sa ngayon, magpahinga ka muna.”

“Sige po, salamat.” Ngumiti siya ng tipid at saka nagmadaling umalis, halatang marami siyang ginagawa kaya siguro hindi na rin sila nagtanong about sa akin.

“Hi. Ikaw ba ‘yung exchange student? Ako nga pala si Ayesha.” Napatingin ako sa babae nang magpakilala siya sa akin at inabot ang kamay niya. Hinawakan ko naman iyon dahil akala ko ay makikipag-shakehands siya pero nabigla na lang ako nang dinala niya ako sa loob ng kwarto. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti ng tipid at tignan ang kabuuan nito.

Nakakabilib kasi ang laki nitong kwarto, hindi mukhang pangdalawahan lang dahil halatang kasya ang apat dito. Bukod kasi sa malaki ang dalawang kama ay malawak pa ang space ng kwarto. Mayroon ding ding balkonahe na talaga namang nakakahanga. Para na itong isang classroom sa dati kong school sa probinsya. I guessed I’m really lucky to be here. Sino ba naman ang tatanggi sa ganitong kagara na eskwelahan?

“Nice to meet you, Ayesha. Rain na lang ang itawag mo sa’kin.” Sabi ko bago ko pa makalimutan ipakilala ang sarili ko.

“Nice to meet you, too. Rain. Bakit ka nga pala naging exchange student?” Tanong niya nang maupo siya sa magulong kama, sinundan ko siya at naupo sa kama na sure naman akong magiging pwesto ko. Malinis kasi iyon at halatang hindi hinihigaan.

“To be honest, hindi ko rin alam ang dahilan.” Marahan siyang tumango habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

“Gano’n ba.”

“Ah.. Pwede ba kong magtanong? Ano ba ‘yung Keen?” Medyo nahihiya ko pang tanong sa kanya. Binitawan naman niya ang kamay ko at nagpunta sa tabi ko, doon ko nakumpirma na may sakit nga siya dahil ang init ng katawanan niya. Kahit hindi dumikit ang balat niya ay nararamdaman ko pa rin ang init mula sa kanya.

“Keen ka? Wow! Amiable naman ako!” Nakangiting sabi nito na parang wala siyang sakit. Ano naman kaya iyong amiable na ‘yon? Ang weird naman yata ng school na ito.

“This school has 5 kind of students. Ang Keen, Robust, Amiable, Probity at Insolent...” Panimula niya ng pagpapaliwanag.

“Ang keen, iyon ‘yung mga matatalinong estudyante. Robust, sila naman ‘yung malalakas. Amiable, sila iyong mga friendly na gaya ko. Probity, mga honest na estudyante sila, and last. Ang Insolent, oh God! Stay away from them kasi masasama silang tao, I mean some of them are gangsters. A really bad gangsters. Delikado silang lapitan.” Hindi ko alam pero napangiwi ako sa mga nalaman. Ang weird sa pakiramdam na may ganoon silang sistema rito na ginugrupo ang estudyante base sa ugali o kakayanan na meron sila.

“Ugh. Nahihilo na naman ako. Ayaw bumaba ng lagnat ko, wait lang, ah? Pupunta akong infirmary. Hihingi ako ng gamot.” Tatayo na sana si Ayesha ngunit mabilis ko siyang napigilan, ang energetic niya para sa isang tao na may sakit.

“Ako na lang, magpahinga ka na lang dito. Baka kasi mas lalong tumaas ang lagnat mo, eh. Ituro mo na lang kung saan ko makikita ‘yung infirmary.” Nginitian niya ako at saka may kung anong kinuha sa maliit na cabinet malapit sa kama niya. Nagtaka pa ako ng i-abot niya sa akin ang isa mapa. Hindi ako nagkamali na malawak nga tagala itong Monstrous.

“Sige, aalis na ako. H’wag ka masiyadong magalaw para hindi ka mahilo..” Bilin ko at laking gulat ko na lang nang yakapin niya ako. She’s too friendly but I like it, mukhang madali lang kaming magkakasundo.

“Thank you, Rain!” Ngumiti lamang ako at lumabas na rin ng kwarto nang kumalas siya ka yakap. Nawala sa isip kong linggo nga pala ngayon, kaya siguro walang katao-tao sa paligid dahil nagpapahinga ang mga estudyante sa kanya-kanya nilang kwarto, but still ang strange pa rin sa pakiramdam. Hindi ako makapaniwala na rito na ako mag-aaral simula ngayon.

Ang bilis kasi ng pangyayari. Hindi naman ako ganoon kayaman, ako lang din ang mag-isa rito sa Pilipinas dahil nasa ibang bansa ang tatay ko, madalang kaming magkausap kaya wala talaga ako gaanong alam kung ano ang nangyayari sa kanya sa Dubai. Wala rin akong kapatid at pumanaw na ang mama ko noong elementary pa lang ako. Basically, nag-iisa ako sa buhay pero kahit ganoon ay nakayanan ko naman tumayo sa sariling paa at sana magawa kong maka-survive sa bagong chapter nitong buhay ko, sana lang talaga.

Sinundan ko ang direksyon na nakalagay sa mapa, masiyado mang malawak ang campus ay hindi iyon naging dahilan para mahirapan ako sa paghahanap. Pumasok ako sa building kung saan kami pumasok noong mabait na lalaki kanina at agad nakita iyong infirmary dahil nasa unang palapag lang iyon. Itinago ko ang hawak na mapa sa bulsa at saka kumatok ng tatlong beses pero walang nagbukas noon. Sinubukan ko ulit kumatok pero wala pa rin kaya pinihit ko na ang doorknob at binuksan ng bahagya ang pinto para sumilip sa loob.

“Tao po?” Nilibot ko ang paningin sa apat na sulok ng kwarto nang pumasok ako hanggang sa may nakita akong gumalaw doon sa kurtina na nakapalibot sa kama. Nag-aalangan man ay nagpunta pa rin ako roon at nakakita ng isang lalaki.

“Who the fuck are you?!” Galit na tanong niya nang mapansin ako. Okay, medyo oa siya sa part na ‘yon pero hindi ko na ginawang big deal.

“Ikaw ba ‘yong nurse? Kailangan ko kasi ng gamot.” Tinignan niya ako ng masama kaya naman wala sa sarili akong napalunok. Dahan-dahan pa siyang lumapit sa akin habang ako naman ay paatras nang paatras hanggang sa tuluyang tumama ang likod ko sa pader.

“Sino ka sa tingin mo para utusan ako?” Tanong nito.

“Estudyante ako rito. Nurse ka, kaya"

“At sinong nagsabi na nurse ako?” Madiing tanong niya nang isandal nito ang kamay niya sa pader para makorner ako. Damn! Ano ba ‘to? Masiyado siyang malapit. Halatang Insolent ang isang ito kaya naalala ko iyong sinabi ni Ayesha. Gusto ko mang lumayo sa lalaking ito ay hindi ko nagawa dahil napansin ko ang pagdurugo ng kanang braso niya.

“May sugat ka.”

“Wala kang pakialam,” Lumayo siya sa akin at bumalik doon sa kama kung saan siya nakaupo kanina.

“Wala ba ‘yung nurse dito? Akin na gagamutin ko ‘yang suga
” Tinignan niya ulit ako ng masama, dahilan para kabahan ako. Nakakatakot naman ‘tong lalaki na ito. Buti nga’t concern ako sa kanya kahit na hindi ko siya kilala at isa siyang insolent.

“Sabi ko nga hindi na, eh. Ituro mo na lang sa akin kung nasaan ‘yung paracetamol para makalabas na ako.” Sabi ko ngunit hindi pa rin niya inaalis ang masamang tingin na ipinupukol niya sa akin. Ano bang problema niya? Gan’yan ba talaga ang mata niya? Para siyang may sanib.

Balak ko na sanang umalis at hanapin ng lang iyong gamot para kay Ayesha pero sa tuwing titignan ko ang sugat ng lalaking kaharap ay hindi ko maiwasang mag-alala.

“Incision, your wound bleeds alot. Nasugatan ka ba ng sharp objects? Shard of glass?” Tanong ko dahil walang tigil ang pagdugo ng sugat sa braso niya, halos kumalat na nga iyon hanggang sa kamay niya. Hindi ko mapigilang hindi pansinin dahil baka maimpeksyon iyon, ang lalim pa naman.

“Kailangan natin hugasan at i-disinfect ‘yung sugat mo para matanggal ‘yung dumi at debris, tara na.” Hinawakan ko ang kabilang kamay niya pero tinabig niya iyon na naging dahilan para ma-out of balance ako at tumama ang likod ko sa kanto ng katabing kama.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa sakit na naramdaman pero ininda ko iyon at inis na tumayo para harapin ang nakakainis na lalaking iyon. Siya na nga ang tinutulungan, siya pa itong maarte.

“Ano ba?! Maiinfect nga ‘yang sugat mo kapag hindi nalinisan agad!” Sigaw ko dahil sa naubos yata ang pasensya ko sa kanya. Kahit bwisit ay hinatak ko ulit siya at this time ay hindi na niya ako tinabig. Mukhang nabigla siya sa pagsigaw ko. Hindi ko na lang iyon pinansin pa at inumpisahan na ang paglilinis ng sugat niya. Gusto ko pa sana siyang tanungin kung ano ang nangyari rito pero pinili kong itikom na lang ang bibig ko. Mukha kasing totoo ang sinabi ni Ayesha na delikado ang lumapit sa isang Insolent, mahirap na at baka ma-trigger siyang saktan or what dahil sa pagiging pakialamera.

“Yan, okay na. Iwasan mo na lang mabasa. Maybe two or three weeks, matutuyo na ‘yang sugat mo,” Tumayo ako at inumpisang hanapin ang talaga namang pakay ng pagpunta ko rito sa Infirmary. Wala naman kasi akong mapapala kung magtatanong pa ako sa kagaya niya, wala siyang alam kung hindi ang tumitig ng masama. Parang galit siya sa tao, kakaiba.

“Oh!” Napahinto ako sa kalagitnaan ng paghahanap at napalingon sa kanya, agad ko namang nasalo ang binato niya sa akin at napangisi nang makita ang paracetamol sa palad ko. Marunong naman pala siyang tumanaw ng utang na loob.

“Salamat. pagaling ka,” Lumabas na ako ng infirmary at agad bumalik sa kwarto pero pagbalik ko ay nakatulog na si Ayesha. Mukhang natagalan din kasi ako sa pagkuha ng gamut niya. Minabuti ko na lang na ayusin na ang gamit ko at magpahinga muna.

-

“Rain, gising. Dinner time na, hanggang 9:00 p.m lang bukas ‘yung cafeteria.” Ramdam na ramdam ko ang pag-alog ni Ayesha sa likod ko kaya mabilis akong nagising, doon niya kasi ako hinawakan sa parte kung saan tumama ang likod ko kanina. Marahan akong bumangon bago ito hinarap.

“Magpapalit lang ako ng damit,” Sabi ko habang nagkukusot pa ng mata. Tumango lang siya kaya nagpalit na rin ako ng oversized t-shirt at shorts, itinali ko rin ang mahaba kong buhok bago kami tuluyang lumabas ng kwarto.

“Salamat sa gamot, ah? Teka, naligaw ka ba? Ang tagal mo kasi kanina, eh.” Sabi niya habang naglalakad na kami palabas. Mukhang okay na rin siya, nahiya tuloy ako dahil pinaghintay ko siya ng matagal.

“Ah, may lalaki kasing sugatan sa infirmary kanina, eh. Nagktaon na wala ‘yung nurse kaya ginamot ko na. Tingin ko nga insolent ang isang ‘yon, eh. Ang pangit kasi ng ugali.” Kibit balikat kong sabi at sa hindi malamang dahilan, bigla na lang niyang niyakap ang braso ko na para bang isa siyang bata.

“Wow! Talaga? Ginamot mo ang isang Insolent? Ang tapang mo naman. Alam mo bang walang nagtatangkang lumapit sa mga insolent? Para kasi silang may sumpa, eh. Once na madikit ka sa kanila, it’s either mamalasin ka o masasaktan ka.” Napangiwi lamang ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam ang i-rereact dahil ayoko namang basta-basta maniwala pero tuwing maiisip ko ang nangyari sa infirmary kanina, hindi malabong totoo nga iyon. Imagine, sinusubukan mo lang tumulong tapos sasaktan ka pa.

Pero kahit ganoon ay hindi ako nagsisisi sa ginawang paggamot sa sugat ng lalaking iyon , at isa pa hindi naman ako matapang, ginawa ko lang ‘yung alam kong tama at kung sakaling mauulit iyon, I will still do the same. Sabi nga ni Will Smith sa pelikula niyang after earthdanger is real but fear is a choice.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Raymond Ambon
nakakaexcite na basahin
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status