Dalawang araw ang lumipas simula nang mangyari ang gulo sa loob ng hell’s gate at hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok si Thunder dahil sa nangyari. Dahil doon ay dalawang araw na ring payapa ang buhay ko, hindi ako nasangkot sa kahit anong gulo at hindi ako nasaktan pero hindi ko magawang magsaya. Kahit na naman kasi sabihing hindi ko pa siya napapatawad sa ginawa niya sa akin noon sa infirmary ay hindi ko pa rin maiwasan ang ma-curious kung ano nangyari sa kanya. Gusto ko man siyang puntahan sa boy’s dorm o kaya sa hideout nila para kamustahin ay hindi ko magawa. Ayoko nang bumalik sa lugar na iyon.
Flashback/
Kahit narito na ako sa loob ng hideout nila ay hindi pa rin mawala ang takot sa dibdib ko. Malayo man ako sa gulo ay tanaw na tanaw ko pa rin dito mula sa pinto ang away na nagaganap dahil hindi naman ganoon kalayo ang pwesto nila, at isa pa gawa sa salamin ang pader at pintuan ng buong hideout.
Tumakbo na rin papunta roon sila Axel para tulungan ang dalawang kagrupo. Napatingin na lamang ako sa kamay ko dahil nagdudugo iyon. Masiyado yatang malakas ang pagkakahawak sa akin ni Thunder kaya na-pressure ang sugat ko
‘Yung lalaking ‘yon. He really have his ways para takutin ako, pero mabuti na lang at may natitira pang konting kabaitan sa loob niya. At ‘yung ginawa niya sa akin kanina, hindi ko akalain na gagawin niya iyon. He saved me, again.
“Tara na. Mag-uumpisa na ‘yung klase.”Mabilis akong napatingala nang marinig ang boses ni Jiro, hindi ko namalayang pumasok sila. Sinundan ko siya ng tingin habang inaayos niya ang uniform niyang nagulo, muli akong napatingin sa labas at nakitang nakahiga na sa lupa ang mga third year na nakaaway nila. Alam kong kabaliwan itong gagawin ko pero may nagtutulak talaga sa akin na yakapin si Jiro kaya naman hindi ako nag-alinlangan na gawin iyon.
“Salamat.” Iyon lang ang nasabi ko at agad ding kumalas nang makita ko si Thunder na pumasok na rin ng hideout. Lalapitan ko sana siya para pasalamatan ngunit tinignan niya lamang ako ng masama.
“Umalis na kayo. Hindi ako papasok,” Bored na sabi nito at saka padabog na umakyat ng hagdan, dahilan para mapatingin ako sa apat niyang kagrupo.
“Tara na.” Kibit balikat na aya ni Jasper bago kami sabay-sabay na lumabas sa hideout nila. Sa dami ng nangyari ay hindi ko na tuloy naisip na kasama ko ang grupong kinakatakutan ng mge studyante rito sa Academy, bahagya pa akong nakonsensya dahil hindi ko sinunod ang bilin sa akin nila Ayesha at Liam. Bukod doon ay nakokonsensya din ako dahil hindi ko man lang napasalamatan si Thunder dahil sa ginawa niyang pagligtas sa akin.
End/
“Inaalala mo ba si Thunder?” Tanong ni Axel nang mapansing balisa ako. Agad akong napalingon sa kanya at umiling. Kasalukuyan kaming magkatabi ngayon dahil kami ang mag-partner sa iniwang activity na binigay ng prof, ang weird lang isipin na parang sinasadya talaga ng tadhana na ilapit ako sa grupo ng dark. Masasabi ko rin na medyo naging komportable ako sa kanila matapos kong sumugod sa hideout nila. Minsan tuloy ay naiisip ko kung may saltik na rin ba ako, but to be honest? Hindi naman sila ganoon nakakatakot gaya ng sinabi sa akin nila Ayesha. Insolent nga sila pero hindi sila ganoon kasama, mukhang pangit lang talaga ang imahe nila dahil sa Kind na meron sila.
“Hindi naman sa nag-aalala, hindi ko pa kasi siya napapasalamatan. Bakit nga pala hindi siya pumapasok? May sakit ba siya?” Tanong ko dahil baka nabinat siya or what, hindi pa naman kasi ganoon kagaling ang sugat niya.
“Oo, nasuntok kasi ng ilang beses ang sugat sa braso niya. Yun siguro ang dahilan kung bakit nilalagnat siya hanggang ngayon.” Nakapalumbaba g sagot ni Axel habang nakatingin sa akin.
“Nasaan siya ngayon? Pupuntahan ko siya.” Nagmadali ako sa pag-aayos ng gamit ko nang malamang may sakit nga ang kumag na iyon.
“Wag na, malayo naman ‘yon sa bituka. Don’t mind him.”
“Please?”
“Ayaw.” Napanguso na lamang ako at tumayo para lapitan si Matthew. Napakafeeling close ko nang gagawin kong ito pero hindi na ‘yon mahalaga. Wala na rin akong pakialam kung tignan pa ako ng mga kaklase ko. Hindi ako nagdalawang isip na hawakan si Matthew sa pulsuhan at hatakin palabas ng classroom, sure naman kasi ako na sa kanilang lima ay siya iyong pinakamabait. At isa pa kahit hindi ko siya ganoon kakilala, masasabi kong malayo ang ugali kay Thunder. Kung hindi ko nga lang alam na insolent siya ay aakalain kong nabibilang siya sa grupo ng amiable.
“Saan mo ako dadalhin cutiepie?” Tanong niya habang naglalakad kami sa hallway. Tsk, wala na ba siyang naiisip na mas magandang itawag sa akin bukod sa cutiepie?!
“Samahan mo ko kay Thunder.”
“Ha? Anong kapalit?” Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niyang iyon. Napahawak pa siya sa baba niya na tila nag-iisip. “Hmm alam ko na, dance with me later.”
Napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya, binitawan ko na rin ang isa niyang kamay dahil sa mga estudyanteng nakakasalubong naming sa hallway. “Anong dance with you later?”
“Basta.” Kinindatan niya ako bago kami pumasok ng elevator. Ayon sa kanya ay wala raw sa hideout si Thunder ngayon kaya naman sa boy’s dorm kami dumiretso. Bawal itong ginagawa ko pero okay na ‘to kaysa hindi ako patulugin ng konsensya ko. Mabuti na lang at wala mga estudyante rito dahil lahat ay nasa klase.
“Ayan, kwarto ‘yan ni Jiro at Thunder. Sigurado kang papasok ka mag-isa? Baka rapin ka ni Thunder.” Seryosong sabi ni Matthew nang huminto kami sa tapat ng room 318. Mabilis akong napalingon sa kanya habang hindi maipinta ang mukha ko. “Nah, just kidding. Sige na pumasok ka na sa loob bago pa may makakita sa’yo.”
“Thank you.” Tinapik niya lang ang balikat ko bago tuluyang umalis. Huminga naman ako ng malalim at saka kumatok sa pintuan. Halos mag-iisang minuto rin bago iyon bumukas, balak ko pa sanang magsalita pero agad akong napaiwas ng tingin nang mapansing wala na namang pang itaas si Thunder.
“Ginagawa mo rito?” Bored na tanong niya pero bago ko siya sagutin ay pumasok muna ako sa loob. Halatang nabigla siya sa ginawa kong iyon ko pero pinanatili niya ang blankong ekspresyon sa mukha niya.
“Kamusta?” Kaswal na tanong ko habang tinitignan ang buong kwarto. Sarado ang mga kurtina kaya naman madilim dito sa loob, halata ring kwarto ito ng lalaki dahil magulo at nagkalat ang maduming damit sa kung saan.
“Nah, I’m okay. Ikaw? Sa tingin mo ba ay magiging okay ka nang tayong dalawa lang dito?” Tanong niya nang mahiga siya sa kama habang ginagawa niyang unan ang kaliwang braso. Napalunok pa ako nang makita ang pagngisi niya pero pinilit kong wag iyon pansinin. Alam kong hindi ako hindi siya gagawa ng masama ngunit kahit ilang beses kong kumbinsihin ang sarili ko ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan.
“Yung sugat mo ‘yung kinakamusta ko. Hindi ikaw,”Lumapit ako ng bahagya sa kanya para sa tinignan ang sugat niya pero sa iba bumabaling mga mata ko. Tss, wala man lang ba siyang balak magsuot ng t-shirt?
“Sure ka?” Tanong niya at laking gulat ko na lang nang bigla niya akong hinatak, dahilan para pumaibabaw ako sa kanya. Dali-dali kong ipinikit ang mga mata dahil sa sobrang kaba, sinubukan ko ring bumangon ngunit niyakap niya ako para hindi makatakas. Manyak talaga ang isang ito! May sakit na siya pero nagagawa niya pa ring magbiro nang ganito. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya, nakakapaso.
Halos sampong segundo ang lumipas nang maramdaman kong lumuwag ang pagyakap niya sa akin, kinuha ko ang pagkakataong iyon para bumangon at tignan siya ng masama habang inaayos ang uniform kong nalukot. Natawa siya ng bahagya bago maupo at sumandal sa headboard ng kama, kinuha na rin niya ang sando sa tabi niya at nagbihis. Mabuti naman at marunong siyang makaramdam.
“Gagamutin ko lang ‘yung sugat mo tapos babalik na ako sa klase.” Sabi ko nang kuhain ko ‘yung first aid kit na nasa ibabaw ng cabinet lamesa malapit sa kama niya. Halatang sinusubukan niyang linisin ang sugat niya ng mag-isa dahil magulo pa iyong kit at nagkalat ang bulak sa sahig. Tinignan ko siya bago maupo sa dulo ng kama at tignan ang sugat niya.
Nakakabigla rin dahil hindi siya nagreklamo gaya noong unag nagprisinta ako na gamutin ang sugat niya, kusa din niyang inilapit ang kanang braso niya sa akin. Mukhang may sakit nga talaga siya ngayon.
“I know I’m beautiful but staring is rude you know?” Tanong ko nang maramdaman kong nakatingin siya sa akin habang abala ako sa paglilinis ng sugat niya.
“Alam mo bang ayaw ko sa presensya mo?” Hindi ko siya tinignan matapos iyong marinig at nagpatuloy lang ginagawa.
“The feeling is mutual kaya babalik tayo sa pagiging magkaaway ‘pag tapos nito.” Bahagya akong napangisi dahil baka akala niya ay nakalimutan ko na ang kasalanan niya sa akin, nandito lang naman ako dahil ayokong kainin ng konsensya ang utak ko mamayang gabi at isa pa, hindi pa ako nakakapagpasalamat ng matino.
“Bakit? Hindi ka rin ba sanay tumanaw ng utang na loob?” This time ay hindi ko na napigilan ang sarili at tinignan na siya habang nakangiti ng pilit.
“This is my way of saying thank you. Kung hindi dahil sa inyo ni Jiro, malamang ay nababaliw na ako ngayon.”
“Tss!” Iyon lang ang lumabas sa bibig niya kaya kahit alam kong awkward ay pinili ko pa ring magkwento sa kanya. Tutal siya naman ang dahilan kung bakit bumalik sa akin ang mga masasamang alaala na iyon, so might as well ipaalam ko na rin sa kanya.
“Second year highschool ako nang mamatay si mama. Simple lang naman ang buhay namin, hindi kami gano’n kayaman at namumuhay lang ng normal pero isang gabi, may grupo ng mga kalalakihan ang biglang nanloob sa bahay namin..”
“..Nagkataon na ako lang ang tao sa bahay noong gabing ‘yon. Hindi ko alam kung ano talaga ang pakay nila hanggang sa subukan akong gahasin ng isa sa kanila, habang ang iba niyang kasamahan ay may kung anong hinahaluglog sa bahay..” Huminga ako nang malalim at saka ginupit ang bandage na hawak bago magpatuloy sa kwento.
“Wala akong sapat na lakas noong oras na ‘yon para lumaban dahil masyadong malakas ang lalaki pero biglang dumating si mama, iniligtas niya ako sa kapahamakan. Pilit niyang inilayo ang masasamang tao sa akin at sobrang takot na takot ako noong mga oras na ‘yon to the point na hindi ko magawang kumilos para tulungan si mama sa mangyayaring aksidente..” Ramdam kong lalabas na ang luha sa mga mata ko pero pinigilan ko iyon.
“Kung hindi dahil sa akin, siguro ay hindi siya mababaril at malamang ay buhay pa siya ngayon. Simula noon ay takot na akong makakita ng away, takot akong masangkot sa kahit anong riot… At saka alam mo ba na dahil sa ginawa mo sa akin noon sa infirmary ay bumalik ‘yung trauma ko?” Tanong ko nang tumayo ako dahil nailagay ko na ang bandage sa braso niya. Ibinalik ko na rin ang first aid kit kung saan ko iyon kinuha kanina.
“Hindi mo na kailangan sagutin ang tanong ko. Sinabi ko lang ‘yon para kahit paano ay makonsensya ka naman kung meron ka man noon. Babalik na ako sa room, pagaling ka.” Nakatitig lamag sa akin si Thunder at hindi nagpakita ng kahit anong emosyon kaya naglakad na ako patungo sa pintuan pero bago pihitin ang doorknob ay nilingon ko muna siya.
“We’re still enemies, Thunder Cross, wag mo ‘yon kalimutan.” Paalala ko at nagngisian lang kaming dalawa bago ako tuluyang lumabas. Kahit papaano ay gumaan na iyong bigat sa loob ko, naka-ready na rin ako para sa pagbabalik ni Thunder.
Malapit ko nang marating ang kinarorooanan ni Yb ngunit isang kalabog ang pumaalinlang sa apat na sulok ng kwarto. Sa isang iglap ay tumumba si Yb dahil sa pagbato sa kanya ni Thunder.Kinuha ko na ang pagkakataong iyon para kunin si Erin, kasabay noon ay ang pag-abot sa akin ni Thunder ng hawak niyang shotgun.“Ilabas mo na si Erin.” Bilin ko at mabilis niya akong hinalikan sa labi bago lumabas kasama si Erin na ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.Nang tuluyan silang makalabas ay nilingon ko si Yb. Nakita kong inaabot nito ang baril niya na tumalsik kanina.“Isang maling galaw Yb. Kakalat ‘yang utak mo rito.” Banta ko nang itutok ko sa kanya ang baril na ibinigay sa akin ni Thunder.Mabilis siyang humarap sa akin at bago pa niya makalabit ang gatilyo ay inunahan ko na siya. Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw kasabay ng pagtalsik ni Yb sa pader. Hindi ako nakuntento at pinaputukan pa siya ng isang beses, sa sobrang la
Mabilis lumipas ang taon, at first day na ngayon ni Erin sa elementary. Natutuwa naman ako dahil namana niya ang katalinuhan ko pero at some point nadidismaya ako dahil sa dinami-rami ng pwedeng niyang manahin sa Daddy niya ay ‘yung ugali pa.“Ano ba! Sabi ko akin ‘to, eh.” Rinig kong sigaw ni Erin kay Zero. Sinilip ko silang dalawa sa living room at nakitang pinag-aagawan nila ang robot ni Xian.“Anong iyo? Kay Xian nga ‘yan eh, bigay niya ‘yan sa’kin!” Reklamo pabalik ni Zero kaya lumapit na ako sa dalawa, lagi na lang silang nag-aaway tuwing magkasama. Lagi kasing busy sila Jiro at Zea kaya ako na ang naghahatid kay Zero sa school. Magkaklase naman kasi sila ni Erin kaya wala na iyong kaso sa akin.“Anak Erin, ibigay mo na ‘yan kay Zero. Panglalaki ‘to eh.” Kinuha ko ang pinag-aagaan nilang robot at saka iyon inabot kay Zero, sakto naman dahil dumating si Ayesha kasama ang anak niyang si Xian.“Beb, si Liam? Hindi mo kasama?” Tanong ko nang
[1 and half year later]“Rain, matagal pa ba kayo?” Tanong ni Zea mula sa labas ng apartment ni Thunder. Nagmadali naman akong kunin ang gamit ko habang si Thunder ay halos hindi magkanda ugaga sa pag-alalay sa akin habang bumababa ng hagdan.“Ulan naman, eh. Sabi ko tawagin mo ako kapag bababa ka ng hagdan, mamaya n’yan mahulog ka.” Suway niya habang nakahawak sa kamay at baywang ko. Naiintindihan ko na concern siya sa amin ng anak niya pero helloㅡhindi naman ako clumsy ‘no.Oo, siyam na buwan na akong buntis at anytime pwede na akong manganak. Mas’yadong mabilis ang panahon kaya ito at todo alaga sa akin ang asawa ko.“Oh, nasaan si Jiro?” Tanong ko kay Zea, kung hindi niyo na itatanong ay buntis na rin siya. Baka nga sabay pa kaming manganak dahil kabuwanan na rin niya ngayon.“Nandito ako, bakit? Ang kulit kasi ni Matthew, hindi makapaghintay. Excited na excited sa kasal nila.” Napapakamot na reklamo ni Jiro. Sa magbabarkada kasi ay si Matthew
Ilang buwan ang lumipas ng mawala si Cloud sa amin. I know he’s okay, kasama na niya si Lord and I know that he’s watching us everyday.Kahit na puno ng galit sa akin si Sunny dahil nawala ang lalaking pinakamamahal niya, tinanggap ko iyon at alam kong mapapatawad din niya ako.“Rain, bilisan mo naman.” Reklamo ni Thunder mula sa ibaba. Kasalukuyan akong nag-aayos kasama si Ayesha dahil graduation na namin ngayon.“Maghintay ka!” Sigaw ko habang nasa harap ng salamin. Nilapitan naman ako ni Ayesha para izipper ang dress ko sa likod.“Beb, tara na.” Aya niya nang kunin niya ang toga niya. Kinuha ko na rin ‘yung akin at sumilip sa balkonahe kung saan doon naghihintay ang mainipin kong boyfriend.“Kulog. Pababa na kami.” Sabi ko at nag-okay sign lang siya bago umalis doon. Paglabas naman namin ng kwarto ni Ayesha ay nakasalubong namin sila Tymee, Zea, Amethyst, Pink at Emerald.“Oh my god. I can’t believe na gagraduate na tayo. Ang bilis ng pan
“Nasaan siya?” Tanong ko nang makarating ako sa hospital. Pagtapos ng nangyari sa hideout kanina ay sinubukan kong habulin si Yb pero bullshit! Nakatakas na naman siya. Hindi ko na alam gagawin ko, napakahirap niyang tapusin.Humingi na rin ako ng tulong sa mga pulis dahil sa nangyari at sa ngayon ay restricted muna ang sa mga estudyante sa hell’s gate.“Bakit ayaw niyo sumagot?” Tanong ko kila Axel na nasa tapat ng emergency room. Tahimik lang sila, ang iba ay nakaupo at ang iba ay nakasandal sa pader na tila ba namatayan sila.“Rain, wala na siya. D-dead on arrival.” Napalingon ako nang sabihin iyon ni Matthew sa seryosong paraan.“Pwede ba Matthew, hindi ‘to oras para magbiro.” Tinignan ko si Axel at nakatingin lamang siya sa sahig.“Nagsasabi ng totoo si Matthew. Hindi na siya umabot.” Hindi ko alam pero biglang nangilid ang luha ko nang magsalita si Jasper. Tila nanghina ang tuhod ko at napaupo na lamang sa sahig. Impo
Thunder’s POVPagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay agad kong sinubsob ang mukha ko sa unan. Kung hindi ko pa makikita ang picture sa wallet ni Sunny, hindi ko malalaman na si Cloud pala ang ikinikwento niya sa akin. Masaya ako na hindi talaga sila engaged ni Rain pero bigla akong nakaramdam ng takot nang malamang may taning ang buhay niya.Sinubukan kong matulog pero biglang dumating si Jiro at padabog na sinara ang pinto.“Anong problema?” Tanong ko at napansin ko na lang na may mga sugat siya sa mukha.“Nakasuntukan ko ‘yung grupo ng ex ni Zea, ‘yung nanggulo noon sa reception. Fuck that guy!” Galit na galit na sabi niya nang sipain niya ang upuan. Dahil doon ay nagkaroon ako bigla ng idea.“Want some revenge? Gusto ko ng mapaglalabasan ng sama ng loob, eh.” Sabi ko at tipid siyang ngumisi. Hindi na ako nagsalita pa at tinawagan na agad ang tatlo. Matagal na rin no’ng huli kaming nakipag gangfight, mukhang magadang exercise ito.