Share

20 She Loves Me, She Loves Me Not

"She loves me,... she loves me not," ang mahinang usal ng binata habang isa-isang itinuturo ng kaniyang hintuturo ang mga talulot ng tanim na rosas ng kaniyang ina. Ayaw niyang pigtalin ang mga talulot kaya itinuturo na lang niya ito. Nakakatatlong rosas na siya na laging "she loves me" ang huli niyang nasasambit.

"She loves you, Kuya!" ang biglang bungad sa kaniya ni Errol. Pabatok naman itong sinaway ng ina niyang si Flor.

Nagulat man sa ginawa ni Errol ay ngumiti na lang si Andrei. Pinilit niyang itago ang tila paglundag ng puso niya dahil sa sinabi ni Errol.

"Pumasok ka na nga doon," utos ni Flor sa anak. Kakamot-kamot naman sa ulong tumalima naman ito.

Ngumiti si Flor sa binata. Tinabihan niya ito. "May gumugulo ba sa isipan mo?" Kanina pa kasi niya napansin na tahimik na nakaupo rito ang binata. "Para kasing malalim ang iniisip mo mula pa kanina."

Saglit namang nag-isip si Andrei. Tinitimbang ang sasabihin niya sa katulong nila na itinuring na niyang parang kamag-anak. Nasa
Julia

Salamat po sa pagbabasa. Please share the love. ❤️

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status