Share

27 Bewilderment

Bewilderment

IPINASYA nina Andrei at Angelie na hindi muna sabihin sa mga kaibigan nila ang tungkol sa pag level up ng kanilang relasyon. Ipinagpapasalamat nila na hindi nagsasalita tungkol dito sina Norma at Alvin sa kabila ng nalalaman ng dalawa na katotohanan tungkol sa kanila.

Hindi pa rin kayang tingnan ni Angelie ng tuwid si Norma. Lagi na lang siyang nakatungo sa loob ng klase para makaiwas sa mga mata nito.

Naaawa naman si Andrei kay Angelie. Siya man ay nahihiya rin kay Norma. Alam niyang umasa ang huli na magiging sila, pero binigo niya ito. Ang parte na nahihirapan siya ngayon ay ang katotohanang nahuli silang dalawa ni Angelie sa panahong asang-asa pa si Norma sa posibilidad na magiging nobyo niya si Andrei. Hindi niya tuloy mailagan ang masakit na sumbat sa kaniya ni Alvin.

Nagpipigil naman ng emosyon si Norma. Sinisisi niya si Andrei sa ginawa nito sa kaniya. Umasa siyang totoo na ang inakala niyang namumuong pagmamahalan nilang dalawa. Masyado siyang nagtiwala sa mga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status