Share

28 Losing Game

NAGPAHULI si Norma ng paglabas sa classroom nila. Gusto niyang mapag-isa. Sinabihan na niya sina Vens at Grecia na gusto muna niyang manahimik at mag-isip-isip.

Habang naglalakad siya palabas ng building ay nahagip ng kaniyang paningin ang lalaking nagpakaba sa kaniya. Napahinto siya ng paglalakad. Nakita niya ang kalungkutan sa mukha ni Andrei habang bumababa ng hagdanan. Hindi siya nito napansin. Inihatid niya ito ng tingin.

Napatingin sa itaas ng hagdanan si Norma. Saglit siyang nag-isip, at ipinasya niyang umakyat ng hagdan.

Nang marating niya ang top floor ng building ay nakumpirma niyang tama ang kaniyang hinala. Nasa isang sulok nito si Angelie. Nakaupo ito sa sahig at nakatungo. Wala man siyang naririnig mula sa babae ay alam niyang umiiyak ito.

Hindi niya tiyak kung ano ang dapat niyang maramdaman. Itinuring na niya itong kaibigan. Pero sobra siyang nasaktan sa mga pangyayari.

Nang humakbang na siya pabalik ng hagdan ay nawalan siya ng balanse. Narinig ni Angelie ang tuno
Julia

Hi! Are you still there? I hope so.

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status