Share

Third Attack

Itinulak niya ako papasok sa sirang bahay dahil wala akong balak maglakad kasama niya. Kunot-noo kong binagtas ang maputik na daan. Wala akong sapin sa paa dahil sino ba naman ang magsusuot ng pumps habang nakaratay sa isang hospital bed? Kung hospital bed nga ba ang pinanggalingan ko.

"Bilisan mo!" pag-angal niya habang itinutulak ako gamit ang baril niya. "Magkano kaya kita maibebenta? Mukha kang mahina that's why I doubt na mahal ang halaga mo," palaisipan niya na para bang patabaing baboy lang ang kinakausap niya. Anong karapatan niyang ipagbili ako? Hindi niya naman ako pag-aari!

Nakarating kami sa harap ng isang bahay na sira-sira ang mga bintana pero may terrace. Kulay puti ang bahay at hindi mo aakalaing may titira pa roon dahil sa malubhang kalagayan. American-style ang bahay na ito pero gawa sa bato ang karamihan.

I thought he's going to save me! 'Yon pala ay siya ang makikinabang sa akin!

"Bilisan mo, pitcher girl!" sigaw niya at itinulak ako sa unang baitang ng hagdan papunta sa pinto ng bahay. "I wonder how you survived using a pitcher and a tray," takang sabi niya at napatingala pa. "That's pretty cool."

Nakaisip ako ng magandang ideya sa kung paano ako makakatakas sa leather man na ito. Nabanggit niya narin ang pitsel na hawak ko, ihampas ko nalang kaya sa kan'ya?

Agad akong humarap sa kanya para sana ihampas sa ulo niya ang pitsel na hawak ko pero nang ihahampas ko na ito ay agad niyang napigilan ang kamay ko. Hinawakan niya ito nang mahigpit hanggang sa mabitawan ko ito.

"Not so fast, missy..." nakangisi niyang saad.

I groaned in pain. I didn't know that he's strong as fuck.

"Let go! Bastard!" I yelled. Agad niya naman akong binitawan at itinulak ulit papasok sa bahay niya. Pero dahil nasa hagdan nga pala kami, nakalimutan kong humakbang kaya nadapa ako at tumama ang siko ko sa baitang. Bwisit! Wala na bang mas imamalas ang araw ko?!

Pinulot ko ulit ang pitsel na hawak ko. Baka magamit ko ito bilang self defense. Baka.

"Walk," he commanded while poking me with his gun.

"Wait, bastard. Can't you see that I'm struggling here?" I exclaimed, getting irritated second by second.

Hindi pa ako nakakatayo ay may babae nang sumulpot sa pinto. Nakangiti siya kay Leatherman nang pagkalawak-lawak at parang sobrang tagal nilang hindi nagkita. I think they're couples.

"Baby!" sigaw ng babae at tumakbo palapit kay leatherman. "I missed you!"

The guy chuckled. "I missed you, too."

Lumambitin ang babae sa braso ng lalaki at naglambingan na sila. I can say that the girl is pretty. Mahaba ang chocolate brown niyang buhok kagaya ng sa lalaki. Hanggang balikat naman ang buhok niya at may bangs pa siya. Mahaba ang pilik mata niya at mapula ang labi niya kagaya ng sa lalaki. So, the best way to look like couple is to look like siblings, huh?

Ito na ang chance ko para makalayo! Habang naglalampung- Uhm, PDA pa sila, dali-dali akong tumayo at nagtatakbo palayo. Nang makalayo ako ay agad akong nagtago sa isang halamanan.

Oh, shit! I can feel my heart beating so fast. Parang may nagkakarerahan, parang may nagtatambol, parang may nagmamartsa. Agad akong napahawak dito at nakaramdam ng kirot. Shit, nasobrahan yata ako sa takbo. It took a little while before it could settle.

"At sa tingin mo makakatakas ka?" Muntik nang lumabas ang puso ko mula sa ribcage ko nang marinig ulit ang boses niya. Ang boses ni Leatherman. Ugh! Nasundan niya ako! I thought nakalayo na ako.

Really? What's happening with the world now?!

"I want beef steak, baby!" The girl twinkled her eyes. She's the jolliest girl I've ever met and it's really irritating.

Lalo na kung ang pinag-uusapan nila ngayon ng asawa or boyfriend or whatsover niya kung anong kakainin nila kapag naibigay na nila ako sa Fascists.

Hindi na ako pinakawalan ni Leatherman na nagngangalan palang Sijrik. I don't know, 'yon kasi ang tawag ni Jolly girl sa kanya. Pilit akong kumakawala sa kanila pero walang saysay. It's either hahampasin nila ako ng baril sa likod or itutulak nila ako nang mas malakas.

Ano na bang nangyari sa bansa at bakit nagkaganito na ang mga tao? Ano na bang taon ngayon?

"Babe, siguradong matutuwa si Leader kapag nakita niya ang nahuli mong isda..." The jolly girl giggled.

"Yeah, malas nga lang natin dahil dilis ang nahuli ko. Pero pwede nang pang laman-tiyan," sagot ni Sijrik.

Nakarating kami sa second floor at may dalawang lalaking nakatalikod mula sa amin. Naghahasa ng katana ang isa habang naglilinis naman ng sniper ang isa.

Ang naghahasa ng katana ay malaki ang katawan. Lumingon sila pareho sa amin at nang makita ako ni muscleman ay ngumisi siya na para bang nakakita ng beef jerky.

Sumunod na lumingon ang lalaking mas payat na naglilinis ng sniper. Nakasalamin siya at nagulat pa nang makita ako. Kumunot naman ang noo ko sa kanya.

"Nasa kwarto si Leader. Sigurado akong matutuwa 'yon kapag nalaman niyang nakahuli kayo," sabi ni Muscleman at itinulak ulit ako ni Sijrik para ipagpatuloy ang paglalakad sa hallway.

"Baby, hihintayin nalang kita rito. You know, Leader and I are not in good terms." Nalukot ang mukha ni Jolly girl nang mapahinto kami sa isang puting pintuan na may kulay pulang ekis sa gitna. Parang pintura ang ipinansulat dito.

Kumatok muna si Sijrik sa pinto bago ito buksan. Pagkabukas na pagkabukas nito ay agad niya akong itinulak pababa sa sahig kaya sumubsob ako rito. Nag-ingay ang hawak kong pitsel at tray na dahilan para tumigil sa pag-hum ang lalaking nakaupo sa swivel chair. Pamilyar ang kinakanta niya pero hindi ko talaga maalala kung ano 'yon.

Tiningnan ko nang masama si Sijrik na nakangisi na sa akin ngayon.

"Are you even familiar with the word gentle?!" iritado kong tanong sa kanya.

Unti-unting humarap ang tinatawag nilang leader sa akin at napansin ko ang scar sa noo niya. Is he a fan of Harry Potter? Hindi nga lang lightning bolt ang nasa noo niya kung 'di straight na hiwa na umabot pa hanggang sa kilay niya.

"What do we have here?" His voice sent shivers down my spine. His voice was low and hoarse.

"I found her outside the safe zone fighting with two zombies using her pitcher and tray. We can sell her at the Fascist's Market... What do you think?" This Sijrik bastard suggested.

Nag-warn na sa akin si Isaiah na may mga grupo ng mga tao na nanghuhuli ng mga taong hindi pa infected para ipagbili sa mga namumuno ngayon pero nahuli pa rin ako!

"Hmm... A pitcher and a stainless tray." His voice vibrated and his Adam's apple protruded as he spoke.

"Maglalagay na ba ako ng gas sa van para ihatid ang babaeng 'to roon?" tanong ni Sijrik at hindi makatingin nang diretso sa leader.

"No. Not yet," bulong ng leader habang pinag-aaralan ang itsura ko. "Bakit parang galing ka sa hospital?"

Napatingin din ako sa suot ko. Nakahospital gown lang ako at nakayapak ang paa. May mga galos ako kung saan-saan, kagagawan ng bwisit na Sijrik na 'to.

"I don't know." I shrugged. Hindi ko talaga alam. Ang building na 'yon ay hindi hospital. Hindi mukhang hospital. Mukhang hotel.

The leader's forehead creased. Pati ang scar sa noo niya ay nagusot.

"Potential?" tanong niya na nagpagulo sa akin. Ano bang pinagsasabi niya?

Lumingon siya kay Sijrik. Tingin ko ay hindi ako ang kinakausap niya kaya lumunok nalang ako ng tatlong beses. The air here is suffocating. I really don't like them.

Sijrik nodded his head. "I think so. Fighting zombies with a pitcher is quite hard." Nilingon niya ako. "She's a speed fighter."

Speed what? Ano bang pinag-uusapan ng mga 'to?

"Good. We don't have one." He gazed at me making me nervous. What the heck are they talking about?

Agad akong itinayo ni Sijrik at inakay palabas ng silid. Kung kanina ay tinutulak-tulak ako, ngayon ay para na akong babasaging pigurin sa harap niya.

Paglabas namin ay nginitian niya ako. "Welcome to the squad, speed fighter." He smiled sheepishly.

Kumunot ang noo ko. Wala talaga akong naiintindihan sa mga nangyayari. Somebody should explain it now!

Naglabasan ang tatlo pa nilang kasama. Sina muscleman, Jolly girl at Neutron.

"Beef Jerky!" Jolly girl shouted in joy.

"Hmm, nagke-crave ako sa dumplings," sabi naman ni Muscleman habang hinihimas pa ang tiyan niya.

Neutron looked at me worriedly. "Collier..." he muttered.

My eyes widened. "Kilala mo ako?" gulat kong tanong sa kanya.

Nag-iba ng direksyon ang paningin niya. "Of course."

"T-Tell me, nasaan ang family ko? Nasaan ako? Anong nangyari? Bakit nagkaganito ang lahat?" I asked. Sobrang dami kong gustong itanong pero hindi ako sigurado kung kilala niya ba talaga ako at kung masasagot niya ba talaga ang mga tanong ko. "Bakit mo ako kilala? Sino ka? Close ba tayo?" patuloy ko sa pagtanong.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status