Share

Fifth Attack

Author: Glonkie
last update Last Updated: 2021-06-15 19:28:29

Seriously, init na init na talaga ako sa suot ko dahil pinuno nila ng leather ang katawan ko.

"Dudulas lang ang ngipin ng mga zombies d'yan kaya maganda kung puro leather ang suot mo," sabi ni Cedrick habang matamang nakatingin sa akin. Nanliliit ang mga mata niya at nakalagay pa ang dalawang daliri niya sa chin niya na para bang iniisip kung may kulang pa ba.

Unlike Maximus, Cedrick's body is leaner and slimmer. Sakto lang ang kulay niya. Hindi sobrang puti o sobrang brown. His nose is pointed and his lips are red.

"At hindi masakit sa mata, di gaya ng suot mong hospital gown kanina," dugtong naman ni Celine habang inaayos ang collar ng leather jacket na suot ko.

Pinahiram niya ako ng spaghetti strap sando, binigyan nila ako ng leather jacket, faded jeans at combat shoes. Binigyan din nila ako ng gloves. Kung saan nila nakuha ito, hindi ko na alam. Mas okay nga ang suot ko ngayon kaysa kanina.

"Gusto mo bang magkaroon ng bangs kagaya ko?" tanong ni Celine habang nakangiti sa akin. Ipinakita niya ang bangs niyang abot na hanggang sa  ilong dahil matagal na yata noong huling magupitan. Bahagya naman akong umiling. Ayoko ng bangs. "Oh? Sige na! Para nga pareho tayong may bangs eh!"

Umiling ulit ako. Tumalikod siya sa akin at lumabas ng pinto. Dinala nila ako sa isang room na may isang kama at bedside table. Ito yata ang kwarto ni Celine pero dahil dalawa na kaming babae dito sa Squad, dalawa na kaming matutulog dito. Mukha namang wala lang sa kanya kung may katabi siya.

"Wag mo nang pansinin 'yun si Celine. Gustong-gusto niya lang talagang magkaroon ng nakababatang kapatid na babae." Paumanhin ni Cedrick sa akin.

Nakaupo ako ngayon sa kama at suot ang mga damit na pinasukat nila sa akin. Nakatayo naman ang tatlong lalaki sa harap ko at iniisip parin kung ano bang kulang sa suot ko.

"Ilang taon ka na ba, Collier?" tanong ni Maximus sa akin.

Kumunot ang noo ko at pilit piniga ang utak ko para malaman ang mga impormasyon tungkol sa akin pero wala talaga akong maalala.

"Twenty-five," sagot ni Nate. Buti pa siya kilala niya ako samantalang ako, hindi ko kilala ang sarili ko. "Seven years ago, ako ang last dance mo sa debut mo."

Sabi niya na ikinagulat ko. Siya ang last dance ko?! Does that mean, he really matters to me?!

"Really, Nate? You're not feeding us with lies?" Pinanliitan ni Maximus ng mata si Nate.

Nate shook his head. "Believe it or not, you used to like me. Sabi mo kasi dati, ayaw mo sa mga playboy o badboy at mas gusto mo ang mga tahimik na kagaya ko."

I just felt goosebumps. Is he telling the truth or he's just using my condition to raise his ego?

Cedrick chuckled. "You're still lucky, Collier."

"Ano pang alam mo tungkol sa akin?"

"You are Collier Harrington."

Harrington? That doesn't even ring a bell.

"May dalawa kang kapatid. Sina Ate Shan at Kuya Ryle. Ang Mom mo ay sina Tita Becca at ang Dad mo ay si Tito Raven. Nakatira ka sa North wing."

Kahit anong paliwanag niya ay wala akong matandaan. May ate at kuya ako? Si Mom ay Becca ang pangalan? Si Dad ay Raven naman?

Kahit hindi ko maintindihan ay pinilit kong ipasok sa utak ang mga impormasyon.

"Hmm. Oo nga pala, may apat na wing sa bansa. Ang north, east, west at south," paliwanag ni Cedrick at nakaturo pa ang hintuturo sa kisame. "Bago pa lumaganap ang zombies, iba pa ang pangalan ng mga lugar pero nung dumami ang zombies, hinati nalang sa lima. At ang pang lima ay ang Center."

"May pag-asa ba akong makapunta sa North wing?" Nandoon ang pamilya ko, kailangang makarating ako doon.

Bahagyang napailing si Cedrick. "Dadaan ka muna sa Center. At sa Center matatagpuan ang mga Fascists. Kung liliko ka pa sa Eastern boundary o western boundary, masyadong malayo."

"At isa pa, sobrang daming squad sa East wing. Sa West wing naman, sobrang masukal at pwede kang maligaw papunta sa Center," paliwanag naman ni Maximus. "Based on experience."

Pero hindi pa rin imposible. Pwede akong dumaan sa west wing kahit masukal ang daan.

"Dito sa South wing ang pinakaligtas na lugar dahil zombies lang ang kalaban natin dito. Sobrang daming zombies," paliwanag pa ni Max.

"Mas okay nang zombies ang makaharap ko kaysa mga Fascists," komento naman ni Cedrick.

Ano bang nangyari sa akin bago ako mawalan ng ala-ala? Ugh, wala akong mapiga sa utak ko.

"Dapat pareho tayong may bangs!"

Muntik na akong mahulog sa inuupuan ko nang biglang sumugod si Celine habang may hawak-hawak na gunting. Nanlaki ang mga mata ko ng lumapit siya sa akin at akmang gugupitin ang buhok ko.

"S-sandali... Ayoko ng bangs," angal ko pero parang wala siyang naririnig. Kinuha niya ang unahang parte ng buhok ko at sinuklay gamit ang mga daliri niya. "S-sandali lang, Celine..."

"Pagbigyan mo nalang siya. Hindi talaga 'yan titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto niya," sabi ni Cedrick.

Tinignan ko sina Max at Nate at nanghingi ng tulong pero umiling lang sila at sumenyas na hayaan ko na lang.

"Paano ba ang gusto mo? Diretso lang o pa-slant? Gusto mo ba straight lang-"

"Ayoko nang may bangs..."

Pero wala parin siyang narinig at itinuloy ang pagsukat. Binanat niya ang buhok ko pababa at inihanda ang gunting.

"Wag kang gagalaw. Ayaw mo naman sigurong mabulag." Hagikhik niya.

"W-wait... Alam mo ba talaga ang ginagawa mo?"

Hindi na siya sumagot at napapikit nalang ako nang maramdaman ko ang pagkaputol ng buhok ko. Nanatili akong nakapikit at ilang segundong katahimikan ang namayani sa silid. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nagulat ako sa mga hindi maipintang mukha ng apat na tao sa harap ko. Ilang segundo lang ay nagtawanan na ang mga kalalakihan.

"Oh, shit. May higad ka sa noo!"

"What the fuck? Anong ginawa mo sa kanya, babe?!"

"Hindi mo dapat hinila 'yong buhok niya dahil kapag nagupit 'yon, mag-iiba 'yon ng length. Tingnan mo, sobrang ikli ng bangs niya, ni hindi man lang umabot sa kilay."

Napahawak ako sa bangs ko at naramdaman kong hindi nga ito umabot sa kilay ko. Shit. Kung pwede lang pumatay ngayon.

Agad akong napatakbo sa harap ng salamin at doon ko nakita ang resulta.

What the fuck?

Hindi parin tumitigil sa pagtawa si Maximus kahit na sinisiko na siya ni Nate.

"Uh..." ang tanging nasabi ni Celine.

Kinunutan ko lang siya ng noo. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung hindi manlang umabot ng kilay ang bangs mo? Worst, hindi mo pa ginusto ang bangs.

"Okay lang yan para hindi maharangan ng buhok mo yung paningin mo kapag bumaril ka," natatawang saad ni Cedrick.

"M-may elastic band ako rito..." Ngumiti nang awkward si Celine. Alam niyang kasalanan niya ito kaya gumagawa siya ng paraan para palubagin ang loob ko.

"I hate you all," tangi kong sabi.

"Pakitawag nga si Pisces sa kwarto niya. Sabihin mo hapunan na." Nag-iwas ng tingin si Cedrick habang may binubuksang de lata gamit ang kutsilyo niya.

Naghahanda ng mga plato si Celine. Kumukuha naman ng upuan sina Nate at Max. Ako lang ang walang ginagawa kaya ako nalang ang inutusan niya.

Pero ayoko sa aura niya. Nakakakaba. Nakakatakot. Parang anytime, pwede kang saksakin.

"Uh, kung gusto mo, ako nalang ang magbubukas niyan..." sabi ko sa kanya pabalik habang inaayos ang bangs ko.

Binigyan ako ni Celine ng rio at itinali ko naman yun sa bangs ko. Kaya ang resulta, umangat silang lahat at exposed na exposed na ang noo ko. Mukha rin akong ipis na may antenna. lahat ng ito, kagagawan ni Celine.

"Ikaw na. Kaya mo 'yan." Pagpapalakas-loob sa akin ni Nate. May gut feeling ako na ayaw lang talaga nilang makaharap ang team leader kaya ako ang inuutusan nila.

Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo. Wala naman akong ginagawa e.

"Bakit hindi siya nakikihalubilo sa inyo?" tanong ko sa kanila.

"Loner," maiksing sagot ni Nate habang inaayos ang mga upuan.

"Three inches paabante," utos niya kay Maximus. Bakit ba nila inaayos ang upuan ng sobra? Kakain lang naman ng sardinas.

"Mas gusto niya ng tahimik na lugar kaysa marinig ang maingay na bunganga ni Celine," sagot naman ni Max habang inaayos ang upuan na itinuro ni Nate. Dapat yata silang bigyan ng ruler.

"Duh! Mas gusto niya kasing kumanta ng malungkot na kanta buong araw. 'Wag niyo ngang isisi sa akin ang pagkukulong niya sa kwarto niya."

Malungkot na kanta?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Last Squad Standing   Author's Note

    Dan. Meow-Meow. Carrot. Bolt. Huwanie. Zyrah. This story is for you. --- After three years of hardwork, we finally reached the end. I would like to thank all of those people who supported me. It took me a lot of time to finish this because deep inside myself, I never want this story to end. I want to cherish every moment with my very first story. I want to cherish all the lessons that I've learned throughout this journey. I would like to thank you for reaching this part. You made it. I hope I made an impact with your life. I hope that you've learned something from Collier and her friends. If ever you feel like there's no hope for you, always remember that living is really hard... Life is really unfair... Live through it and be happy. I love you so much.

  • The Last Squad Standing   Epilogue

    They said that dying is easier than living. I used to think before that I never wanted to die too early. Everyone count on me and I am their only hope.Reminiscing those memories of the past... Those people that I lost... I think that dying for them could be peace.Yumuko ako para tingnan ang puntod niya. It’s been four years but the wounds are still fresh. I learned to forgive myself but I don’t think I’ll ever forgive fully.“Bago pa man magsimula ang lahat, kinaiinisan ko na siya... Hindi ko gusto ang aura niya.” Cedrick was beside me while holding a bouquet of flower. He is smiling but his eyes were never happy. “Makaka-move on kaya tayo?”I chuckled a little. “Hindi na yata.”

  • The Last Squad Standing   Seventieth Attack Part III

    Tinuloy ko ang paglalakad. Every step I take feels so nostalgic. It’s as if I was back to the nightmare I entered... Just like before, I was the one who enter it to my doom.Nakarinig ako ng pag-uusap sa gitnang parte ng arena. Naaalala ko pang ito ‘yong parte ng arena na madamo. Tiningnan ko ang inaapakan at tuyong damo lang ang mga natatapakan ko. This place is a mess.“Aalis na ako, Sir. Nagawa ko na ang trabaho ko.” Mababa ang boses ng lalaki pero nakapaninindig ng balahibo.“Walang aalis! Sama-sama tayo rito! You entered Fascist and there’s no turning back!”“Hindi ko pa ho gustong mamatay, kung gusto niyo pong mamatay, hindi ako ang tamang tao na dapat niyong idamay.”

  • The Last Squad Standing   Seventieth Attack Part II

    “We have no time for this...” Napaupo ako kahit na nanghihina. “Sabi niya ay pasasabugin niya ang buong bansa! We know his capabilities!”Kunot ang noo ni Apollo habang malalim na nag-iisip.“Matagal nang inihinto ang land bomb project dahil self-destruct ang plano na iyon kaya paanong-” Nanlaki ang mga mata niya sa iniisip na posibilidad.“He’s purposely doing it to self-destruct. Na kung mamatay man siya ay damay ang buong Coventry,” wika ni Nate sa isang malalim na boses.“We have to stop him, Harem.” Puno nang pag-aalala ang boses ko. Ang mga taong umaasa sa pag-uwi namin ay hindi ko maaaring biguin.Sumakay kami sa sasakyan namin upang ihanda na ang

  • The Last Squad Standing   Seventieth Attack Part I

    I really don’t know what gotten into him but after that realization, he helped us... He probably thinks that he doesn’t want Celine to really die in vain.He told us all the possible places. Nakakagulat na sobrang dami niyang alam na kahit pasikot-sikot ay alam niya. Of course, it’s his job!There are three possible hideouts. First, his unit just near La Serpienta. His oil company on Sky Town, and the last one is their vacation mansion on the Isla Corvientos. Some of our men headed to his unit and some went to Sky Town. Kaming lima ay nagpasyang magtungo sa Isla Corvientos dahil iyon ang pinakamalayo.“Hindi kagaya sa Coventry, dito sa Naion ay may signal. Tawagan niyo kami sa kung anong balita. Ganoon din ang gagawin namin,” paalala ni Harem. Sila ang team na pupunta sa unit. Sina Apol

  • The Last Squad Standing   Sixty-Ninth Attack Part III

    “He’s two cities away from Azteria. Ayaw niya rin talagang bumibisita ako dahil may naaalala raw siya. Kaya tinanong ko rin kayo kung sure ba talaga kayo... Lalo na si Collier...” Malapit na kami sa probinsiya ng La Serpienta at mas nadadagdagan lang talaga ang kaba ko sa tuwing maaalala kung kanino kami patungo.“Sigurado naman akong alam niya ang buong Naion dahil mahilig daw mamasyal ang mga amo niya,” dugtong pa ni Nate.Nagkabati rin sila ng fiancée niya kagabi. Nagselos lang daw dahil akala yata ay kinausap ako para sabihing mahal pa ako. Na kaya raw ako umiyak ay dahil mahal ko rin talaga si Nate kaso lang ay hindi na kami pwede. Gusto kong maiyak lalo sa katatawa pero alam ko ang pakiramdam ng nagseselos kaya hindi ko na ginawa pa.Kaya rin busangot kagabi si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status