Share

Chapter 6

Our Impenetrable Love

Chapter 6  

MAGKASALUBONG ang kilay, hindi agad nakasagot si Genevieve sa tanong nito. She scoffed. Lumaki ata ang ulo nito dahil sinabi niyang happy streaming kahapon? But she just said it for…she doesn’t know, courtesy? Bigla nalang iyon lumabas sa bibig niya pero hindi ibig sabihin no’n ay fan na siya! He might even think she’s been screaming at him all this time because she actually likes him!

“Gago,” napamura siya nang mapatay siya ng kalaban. The match is 3 for them and 0 for the enemy so there’s a high chance that they’ll win, but now she can’t answer and keeps getting distracted!

“Ano? Minumura mo ba ‘ko?” came his annoying voice.

Ayos na talaga kung itikom niya nalang ang bibig niya! Why did she even think about liking this guy when he’s got the looks but has a shitty attitude? Mas ayos pa siya sa hindi gaanong kagwapuhan pero may ilalaban naman sa ugali! She can’t believe she actually thought of him as a guy she’d want to be in a relationship with!

He’s even famous in the game. Kahit first game nila, may nakakakilala na sa lalaki at nagpapa-shout out ito sa kanya pero nagtataka siya na hindi naman ito nirereplayan ni Xhyro. Maybe he only notices fans on the stream and not during the game. O baka naman pokus talaga ito sa laro kaya hindi na ito nag-aabala pang basahin ang chat.

“Hindi ako nanonood ng stream mo.” Diretsong saad niya habang muli silang naglaro. The next round will determine if they’ll get a straight 4 points or the enemy can score a point.

Search and Destroy is all about the teamwork and skills. Mabuti at paborito niya naman itong laruin kaya ayos lang sa kanya na inaya siya nito rito. Bukod sa mabilis lang ito natatapos kahit maraming round, naeensayo rin ang skills niya. Be it being more attentive, practice different guns, and reading the enemies’ moves, she can practice all of this with this mode.  

Hindi nagsalita ang dalawa, abala at seryoso sa laro dahil silang dalawa ang natira laban sa limang kalaban.

Shit. Mukhang makakahabol pa ang kalaban sa amin.

Nagulat siya nang tumawa ito sa kabilang linya. “The best sniper and the best shotgun user, dapat kahit lima pa sila, matakot sila sa’tin!”

“Hoy, ang yabang mo!” Sigaw niya rito kahit natawa rin siya kalaunan. It’s nice to think that he thought of her as the best shotgun user. Kahit pampagana lang iyon sa laro, masarap pa rin iyong pakinggan. Believe it or not, she even cried out of frustration before because she couldn’t master the shotgun and the moves properly.

“Boom, silip ka pa, ah!” Komento ni Xhyro nang may mapatay ito sa kabila. Napangiti siya. It’s them versus 4 enemies.

“Nasaan ba sila?” Naiiritang tanong niya at mukhang nagtatago lang ang mga kalaban nila dahil wala siyang makita. “Hindi na siguro sila magpa-plant, hinihintay nalang nila tayong patayin.”

“Nasa base. Silipin mo muna tapos sabihin mo sa’kin kung ilan. Hanap ako pwesto,” mabilis na utos nito na agad niya namang sinunod.

She smirked. Their teamwork’s sort of nice. One specializes in a short-range weapon na the other for long range. Mababantayan siya nito sa malayo kapag sumugod siya.

“Bantayan mo ‘ko diyan sa building! Baka mamatay ako, ah!” She exclaimed, focusing on the game. Kung hindi siya nagkakamali, siguro dalawa o tatlo ang nasa base ng kalaban ngayon. “Pakinggan mo rin footsteps.”

“Alam ko na ‘yon, ‘wag mo na sabihin!” sigaw nito.

“Bobo! Sinasabi ko lang para i-remind ka!”

“’Di ko kailangan nang remind mo at maalam na ‘ko rito! Porket nasa leader boards ka, ikaw na magaling!”

Kumunot ang noo niya. “Aba, kaya nga leader boards kasi magaling? Bulok ka lang kaya ‘di ka umabot do’n!”

“Putangina!”

Napangiwi siya nang magmura ito dahil napatay ito, kaya mag-isa nalang siya laban sa apat.

“Ayan, kabobohan!” Hindi niya mapigilang isigaw. “Sabing bantayan likod, e!”

“E pa’no ko babantayan, ang ingay-ingay mo? ‘Di ko na rinig footsteps!”

“Ako pa may kasalanan? Edi sana nag-mute ka! I was just reminding nicely, ikaw ang unang sumigaw!” She yelled and focused on the game.

Para hindi siya mapahiya dahil puro talak siya na nasa leader boards siya, dapat maubos niya ang kalaban.

“Bahala ka nga! Hindi ko naman kasi kailangan masabihan!”

She rolled her eyes. His pride can’t take it when someone tells him that because he thinks he’s always the best among everyone.

Hindi niya nalang ito pinansin at dahan-dahang lumibot sa mapa para hanapin ang kalaban.

‘The bomb has been planted.’

Umayos siya ng upo. The enemies are already making their move. Dahil apat pa sila, sigurado siyang kanya-kanya ang pwesto nito para mabantayan ang planting area. She has to be careful.

Napangisi siya nang makita ang isa sa mid na tumatakbo, ngunit siya ang nasa likod. Mabilis siyang tumakbo papunta ro’n para patayin ito.

Boom. Head shot.

Kahit si Xhyro ay natahimik. She at least expected a compliment because of her moves there, but obviously, his pride can’t take that again. Sabagay, kung siya rin naman ang tatanungin, mahihiya rin siyang magsabi rito.

“Oh! How’s that, Xhyro Gaming?” She smirked and put down the phone for a while to stretch her fingers after sucessfully clutching and killing all enemies.

“Heh! Naka-chamba ka lang!” bulyaw nito. “K-kaya ko rin ‘yon, ‘no!”

She chuckled. “Yabang yabang mo pa, ah.”

“Hindi nga! Akala mo ikaw lang may kaya no’n? Nakakagulat naman kasi talaga mga galaw mo, hindi ka matamaan ng kalaban!” Sunod-sunod na banggit nito nang matapos na ang laro at nanalo sila.

5-0 ang naging score ng laro. Lamang talaga sila ro’n. Kahit napanalo niya sa pang-apat na round, she won’t deny that Xhyro’s sniping skills are really on another level. What happened was just an accident, sure, but her pride also can’t take saying sorry.

“Isa pa ba?” tanong niya nang matapos at naghihintay nalang sila sa lobby.

“You haven’t even answered my question earlier yet,” seryosong sagot nito.

“Anong hindi? Sabi ko kanina hindi ako nanonood, ah. Isn’t that an answer already?” she asked, clearly getting irritated again. Kahit naman straightforward siya sumagot sa ibang tao, pakiramdam niya kapag kay Xhyro, masama ang nagiging labas at tono no’n.

“Sabi mo kagabi ‘happy streaming’,” he whispered, but it was load enough for her to hear.

She laughed out loud. “Kasi dumadaan ka sa newsfeed ko! And I’ve watched a couple sniper highlights of yours kagaya nang nasa pinned mo before I even talked to you kaya nasabi ko ‘yon. Sana pala hindi ko nalang sinabi. Kinilig ka ata, ‘no?” she teased.

Pareho pa silang nasa lobby at hindi naman nito sinisimula ang laro. Hindi na siguro sila maglalaro ulit.

“Hindi na ako makakalaro kasi magsisimula na ako mag-stream,” kalmadong sambit nito. “Kapag nanood ka, papakitaan kita ng sniping skills ko!”

Natawa siya sa anunsyo nito. “At ba’t kita papanoorin?”

“Para malaman mong hindi ako bobo! Kinakabahan lang ako kapag may kalaro!”

“Kinakabahan kapag may kalaro o kapag may babaeng kalaro?” she teased even more.

“Kala mo naman sa kanya napakaganda! Basta, manood ka nalang. Dapat mag-comment ka rin na ikaw ‘yon, ah,” hindi pa ito natigil sa kapipilit sa kanya.

“Kahit hindi kagandahan, at least magaling,” tawa niya. “Pero sige, manonood ako.”

Now, why did she have to say that?

“Siguraduhin mo! Shout out pa kita r’yan, e!” he chuckled. “Kaaway ko nga pala, guys,” example nito.

“Sige na, mag-ready ka na para sa stream mo,” nagmamadali niyang saad. “Magco-comment ako!”

She badly needs to make a dummy account…and quick.  

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status