Share

Chased by Her
Chased by Her
Author: Anastasia Blanc

SIMULA

SIMULA

"How about siargao? Wanna go there?" Umirap ako sa kawalan nang mag banggit na naman si mommy ng lugar kung saan ako pwedeng mag bakasyon. Ilang beses ko nang sinabi na ayaw ko mag bakasyon dahil hindi naman 'yon ang ipinunta ko rito pero ilang beses din ata siyang hindi makikinig at patuloy pa rin sa pamimilit sa'kin.

"Mommy, how many times do I have to tell you na hindi nga bakasyon ang ipinunta ko rito? Wala po akong oras para sa ganyan. Alam naman nating dalawa na kaya ako bumalik ng Pilipinas ay para sa kumpanya lang." Patuloy ang paglalakad ko habang hila-hila ang isang maleta na naglalaman ng mga gamit ko. Kaunti lang ang dinala kong damit dahil saglit lang naman ako rito at meron pa akong damit na naiwan sa bahay namin dito sa Pilipinas.

"Emma, hindi mo man lang ba pagbibigyan ang sarili mo? You've been drowning yourself at work here in New York. Dear, it's your chance to freshen up. Go on a vacation. Spoil yourself. I-momonitor mo lang naman ang bagong branch ng kumpanya riyan kaya hindi ka masyadong magiging busy." Natawa ako nang marinig ang boses niyang parang nabubulol dahil sa pagtatagalog niya. I'm used to it though. Hindi ko lang mapigilan ang matawa sa tuwing nagsasalita siya ng tagalog dahil mas lalong nagiging halata ang pagiging foreigner niya.

My mom is pure american while my dad is pure filipino. And ofcourse, I'm half. FIL-AM daw sabi ni daddy.

"Whatever, mom. I think I should hang up now. I can already see my car outside the airport. Take care, mommy. I love you."

"Okay, okay. I won't bother you na. I love you, Emanuelle." Ngumiti ako sa kawalan bago pinatay ang tawag. Pagkalabas na pagkalabas ko ng airport ay sinalubong ako ng family driver namin. Si Mang Emilio.

"Welcome back, iha. Akin na 'yang gamit mo at ilalagay ko na sa compartment." Nginitian ko siya bago iabot ang maleta ko sa kanya. Mang Emilio's been working for our family for the past 27 years. Hindi pa ako pinapanganak sa mundong 'to ay siya na ang driver ng pamilya namin kaya naman itinuring na rin namin siyang kapamilya.

Tahimik ang naging byahe hanggang sa nakarating kami sa bahay namin. Pagkababa ko pa lang ng sasakyan ay agad na humanga ang buong pagkatao ko. Malaki ang ipinagbago ng bahay namin. Nirenovate kase ito 2 years ago kaya ganon. Masasabi kong eksperto ang engineer na gumawa nito dahil unang sulyap pa lang, hahanga ka na talaga.

"EMANUELLE!" Agad naagaw ang atensyon ko ng babaeng sumigaw ng pangalan ko. Kahit na matanda na ay mabilis niya pa rin akong sinalubong ng yakap.

"Yaya Miranda. I missed you po." Halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap niya sa'kin. Hindi ko naman siya pinigilan doon dahil na miss ko rin siya.

5 years din akong hindi umuwi.

"Nako, ang laki-laki mo na! Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang ay tinuturuan pa kita kung paano maglakad. Tingnan mo ngayon, ang tangkad-tangkad mo na!" naiiyak niyang sabi. Siya kase ang nag-alaga sa'kin simula bata pa ako tuwing umaalis sila mommy dahil sa business namin.

"Halika sa loob, tingnan mo kung gaano kaganda ang bahay niyo." Hinila niya ako papasok sa loob ng bahay at ganon na lang ang pagka-mangha ko nang makita ko ang bagong disenyo nito.

Ang galing naman ng engineer na gumawa nito.

Nag ikot-ikot muna ako sa loob bago umakyat sa kwarto ko. Katulad sa baba, maganda rin ang pagkaka-disenyo nito. Mas pina-simple lang 'to dahil ako mismo ang nag-request kay daddy na huwag masyadong galawin ang kwarto ko.

Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama. Doon ko lang naramdaman ang pagod sa buong katawan ko. 17 hours din akong nakaupo sa eroplano kaya ngalay na ngalay ang iba't ibang parte ng katawan ko. Hindi rin nagtagal ay dumilim ang paningin ko dahil sa antok. Dala na rin siguro ng pagod.

Maaga akong nagising kinabukasan kaya naman ay hindi pa pumuputok ang araw, pawis na pawis na ako dahil sa pagw-work out. Ang aga ko kasi nakatulog kahapon. 5pm pa lang ay tulog na ako at kinabukasan na rin ako nagising. Kaya naman pakiramdam ko ay sobrang lakas ng katawan ko dahil sa sobrang haba ng tulog ko.

"Iha? Hindi ka ba pupunta ngayon sa kumpanya ninyo?" Kinuha ko ang inabot ni yaya Miranda na orange juice habang pinupunasan ang tumatagaktak na pawis ko.

Sunod-sunod ang iling ko habang nilalagok ang iniinom na juice hanggang sa maubos 'to.

"Hindi po. Tumawag sa'kin 'yung secretary ni daddy, Yaya. Sa lunes pa raw po ang appointment ng engineer na kinuha ni daddy." Tumango-tango siya bago umupo sa tabi ko. Tinulungan niya akong mag-punas ng pawis sa mga parteng hindi naaabot ng kamay ko.

"Oh, e anong plano mo ngayon? Hindi mo man lang ba bibisitahin ang mga kaibigan mo?" Napatigil ako sa tanong niyang 'yon. Hindi naman siguro awkward kung bibisita na lang ako bigla 'di ba? Saka, nag-paaalam naman ako noong umalis ako kaya siguro naman ay hindi sila galit sa'kin.

"Sige po, tatawagan ko ho mamaya." Nagpaalam muna ako kay yaya Miranda bago umakyat papuntang kwarto ko. Naligo ako at naghintay muna ng ilang oras bago napag-desisyonang tawagan ang number ni Cloud. Masyado pa kasing maaga kanina kaya hindi ko muna tinawagan dahil baka natutulog pa. Baka masigawan pa ako ng mala-microphone na boses ni Cloud. Sana ito pa rin 'yung gamit niyang number.

Idadial ko na sana ang number niya nang tumunog ang cellphone ko, senyales na may tumatawag.

Unknown number calling...

I honestly don't pick a call from unknown numbers dahil baka nagkamali lang ang pag-tipa ng mga 'to pero dahil ilang beses na tumunog ang cellphone ko at parehong number pa rin ang lumalabas sa screen, sinagot ko 'to.

"Hello? Emanuelle Dizon, speaking."

"KYAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" Mabilis kong nailayo ang cellphone ko sa tainga bago pinatay ang tawag. Ang lakas naman ng trip non, tumawag para tilian ako. Itinuloy ko ang planong pagtawag kay Cloud nang tumunog na naman ang cellphone ko, revealing the same unknown number again. Ano bang trip nitong caller na 'to? Inis kong pinindot ang answer button at itinapat uli sa tainga ko.

"Emma speaking. What do you want?" Ipinahalata ko ang taray sa boses ko para iparamdam sa kanya ang inis ko.

"OMG TOTOO? IKAW TALAGA? Hoy Emma gago ka ba si Cloud 'to! Anak ng kingina hindi mo ba natatandaan ang maganda kong boses?" Napaayos ako ng upo nang matandaan ko ang boses ni Cloud. Nagbago rin kase ang boses niya kaya siguro hindi ko nabosesan agad kanina. Tapos tumili pa siya nang pagkalakas-lakas.

"Uy, Cloud. Kamusta na? Tatawagan sana kita pero naunahan mo 'ko. Saan mo pala nakuha 'yung number ko?"

"Eto, okay lang naman HAHAHA! Maganda pa rin. Nakuha ko 'yung number mo kay Freya. Sinabi kase niya sa'kin kahapon na uuwi ka raw kaya 'yon, kinuha ko agad number mo. Kahapon sana kita tatawagan pero baka kase pagod ka kaya ngayon na lang." Sabi ko kay Freya 'wag munang sabihin na uuwi ako dahil gusto kong sa'kin manggaling. Baka kase sabihin nila na sa iba pa nila malalaman na uuwi ako at baka rin isipin nila na wala akong balak ipaalam sa kanila.

"I see. Bakit ka nga pala napatawag?"

"Nako te, dahil uuwi ka, kailangan natin mag celebrate! Antagal mo ring nawala, ah? Hindi na ako magugulat kung ginto na ang itinatae mo dahil balita ko ay maganda raw ang daloy ng negosyo niyo sa new york. Mamayang alas tres ng hapon, dito sa condo ko. Text ko na lang sayo address. Magpainom ka, ah? Uubusin namin pera sa banko mo HAHAHAHA! Sige, bye na dahil wala pa akong hilamos at nanakit na ang mata ko kakatanggal ng muta ko." Natatawa kong pinatay ang tawag. After 5 years, hindi pa rin nagbabago si Cloud. Madaldal pa rin at walang preno ang bibig.

Maya-maya ay nakatanggap ako ng text galing sa number ni Cloud. Address ng tinitirahan niyang condo ang nakalagay roon.

Isinave ko muna ang number ni Cloud bago pumasok sa walk in closet ko para mamili ng damit na susuotin mamaya. Alas diez pa lang ng umaga pero hinahanda ko na ang damit ko. Baka kase maliliit na ang damit ko na naiwan sa bahay kaya naman inumpisahan ko nang maghanap. Luckily, meron pa namang kasya sa'kin.

Napagdesisyonan kong iligpit lahat ng damit na nasa loob ng maleta ko habang naghihintay ng oras. Wala rin naman kase akong gagawin kaya why not arrange my stuffs, 'di ba?

Sumapit ang ala-una kaya naghanda na ako. Naligo ako ulit dahil napawisan ako sa kakalakad sa buong bahay kanina matapos kong ayusin 'yung mga gamit ko.

Suot ko ang prussian blue panel dress ko na pinartneran ng white boots. Nakalugay ang natural na kulot at blonde kong buhok na hanggang gitna ng likod ko. Light make-up lang ang inilagay ko sa mukha ko.

Hindi na ako nagsayang ng oras at nag-maneho na ako papunta sa condo na tinitirhan ni Cloud. Dumaan muna ako sa tabing grocery store para bumili ng san mig. Baka sermonan ako ni Cloud 'pag wala akong dala. Pagkarating ko roon ay agad akong dumiretso sa receptionist na agad naman akong binati.

"Good Afternoon, ma'am. Welcome to Victoria's Condominium. How may I help you?"

"Afternoon. What floor 'yung unit ni Bible Claudine Sanchez, miss?"

"Name mo po, ma'am?" tanong niya sa'kin bago ibaba ang tingin sa monitor na nasa harapan niya.

"Emanuelle Dizon. She's expecting me to come here today."

"Yes, ma'am. Nakalagay nga po rito. Unit 473, 88th floor po. Have a nice day, ma'am." Nginitian ko siya bago ako lumapit sa elevator. Pinindot ko ang button kung saang floor ako titigil. Maya-maya ay huminto ito at bumukas, senyales na nandito na nasa 88th floor na ako.

Lilinga-linga ako upang tingnan 'yung mga nakapaskil na number sa pinto. Ilang hakbang pa ang ginawa ko bago ko makita ang mga numerong 473. Naglabas ako ng malalim na buntong hininga bago kumatok. Ilang segundo ang lumipas pero wala pa ring nagbubukas.

Maling unit ba 'yung sinabi ng receptionist kanina?

Ilalabas ko na sana ang phone ko upang tawagan si Cloud nang bumukas ang pinto, revealing Kairus Atienza, one of our bestfriends.

"HALA! ANAK NG TINAPA! IKAW NA BA 'YAN, EMMA?" Natatawa akong tumango habang nakatingin sa nanlalaki niyang mata. Lalong tumangkad si Kai, lalo ring pumogi. Siguro ngayon ay may girlfriend na nga 'to.

Nilakihan niya ang bukas ng pinto at agad akong pinapasok. Nang makarating kami sa sala ay sabay-sabay na nagsi-tinginan ang mga tao roon. Sabay-sabay rin silang nagtaka muna bago nanlaki ang mga mata. Siguradong hindi sinabi ni Cloud at Freya na darating ako dahil halata naman sa mga itsura nila na wala silang mga alam.

"Oh my holy mother of shit! Emma?!" sabay-sabay silang tumayo at patakbong lumapit sa'kin. Si Freya ay nananatiling nakaupo sa couch at maarteng nakatingin sa'min. Araw-araw ko ba namang kausap 'yan sa facetime tapos taon-taon pang nabisita sa'kin sa new york, malamang hindi ako namiss niyan. Parang last month lang ay ginugulo niya pa ako sa opisina ko sa new york.

"Huy kamusta na?" puro ganon ang tanong nila sa'kin. Hindi naman ako napagod na sagutin lahat 'yon. Maya-maya ay lumapit sa'kin si Cloud na kakalabas lang ng sa tingin ko ay CR, may tunog kase ng flash kanina.

"NAKNAMPUTA! ANG GANDA MO, AH? Kamusta ka na? Hayop sa pa-boots natin, ah? Amoy imported! Ano bang klaseng hangin ang meron sa NYC at nangamoy imported ka? Hayop, pasampal nga!" Natawa ako nang mahina nang malakas niyang sinampal ang puwitan ko.

"Parehas lang naman ng hangin, HAHAHA! Kayo? Kamusta na kayo? Wala akong pasalubong kase biglaan pagdating ko. Don't worry, bumili naman ako ng ala--"

"Sorry, I'm late." Naestatwa ako sa pagkakatayo nang marinig ko ang baritonong boses na 'yon. Nag-matured ang boses niya pero alam kong siya 'yon. Paano ko makakalimutan ang boses niya e isa 'yon sa mga kinabaliwan ko sa kanya noon?

Halos kasabay ko lang ata sina Cloud na lumingon sa kakapasok lang na si Yael.

Halos mabali ang tuhod ko nang magtama ang paningin namin. Halata na nagulat siya nang makita ako pero agad ding nawala 'yon.

He matured

Patuloy ang pagtitig ko sa kabuoan niya. He looks so expensive.

His dagger looks towards me, parang hindi siya 'yung Yael na kilala ko noon.

Yael na minahal ko nang sobra na kahit na ikasira ko, keri lang.

Yael na kinabaliwan ko nang sobrang noon.

At Yael na patuloy na dumudurog sa'kin hanggang ngayon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status