"Iniinom mo ba lahat ng gamot na binigay ko sayo?" tanong ni Doctor Jace kay Asha.
Nag follow up check up kasi si Asha to make sure na gumagaling na ang sugat niya.
Natigilan si Asha, nakalimutan niya kasing uminom kanina after niyang kumain dahil nanggulo sila Drake at Easton.
"Yeah," sagot ni Asha. Doctor Jace knows that Asha is lying. "You do know that you need to take the medicines to heal your wounds faster," paalala ni Doctor Jace.
Tumango lang si Asha at maya maya pa ay nakatulala na ulit. Asha is thinking of ways on how to make her vacation meaningful aside from sleeping and eating. Maybe Drake's idea of vacation in the province with Lola Ciel is a great one.
"Okay we're done," anunsiyo ni Doctor Jace, agad namang tumayo si Asha at isinuot ulit ang t-shirt at jacket niya.
"Please Ash, don't forget to take your medicines," paalala ulit ng doctor. "Yes doc, thank you," pagpapasalamat ni Asha at yumukod sa harap ni Doctor Jace bago umalis.
Bibisitahin niya si Rowan at ang iba pa sa Recovery Room ng HQ nila. Agad siyang pumasok at nakita niyang natutulog ang iba samantalang nakatitig naman si Rowan sa telepono nito.
Rowan got hurt badly, napuruhan ang braso nito. "Hey Ro, what's up," bati ni Asha bago umupo sa upuang nakaharap kay Rowan.
"Nah dude, I'm fine," matamlay nitong sagot at napatitig ulit sa screen ng cellphone nito.
Napasandal si Asha sa upuan at tinitigang mabuti ang kaibigan, Rowan look bothered about something she can't name.
"Waiting for something?" tanong ni Asha, titig na titig kasi ito sa telepono na parang may pinapanood ito roon.
"Uhh... No I'm not, just thinking about something," mahinang sagot nito. Asha knows Rowan too well, kaya alam niya ang kinikilos nito.
"What is it, you can tell me. I'm good at keeping secrets," pangungumbinsi ni Asha sa kaibigan. She can't do anything to lessen the pain in Rowan's body but she can lessen the burden inside him just by talking with him.
Nagkaroon kasi ito ng ingkwentro habang kasama nito ang ka-teammates kaya nabaril si Rowan dahil siya ang nasa front seat.
Alam niyang may pinagdadaanan ito, nag-aalangan si Rowan kung sasabihin niya ba o hindi pero sa huli ay napagpasiyahan niya ring sabihin na lang.
Hindi naman ibang tao si Asha sa kanya, Asha is a good friend na pwedeng pwede mong hingian ng tulong anytime and not to mention that nagkaroon ng crush si Rowan kay Asha.
"Natalie is," mahinang sabi ni Rowan at parang nahihirapang huminga habang inaalala ang nangyari sa kanya. "She broke up with me," nasasaktang sabi ni Rowan.
Napabuntong hininga si Asha sa nalaman, wala siyang kaalam-alam sa mga romantic relationship pero alam niyang masakit base na rin sa nakikita niyang lungkot at sakit sa mata ni Rowan.
"What happened? Cheating?" tanong ni Asha, ang alam niya ay balak ng dalawa na magpakasal ngayong taon kaya nakakagulat na bigla na lang silang maghihiwalay.
"Iniwan niya ako kasi wala na raw akong oras sa kanya, puro trabaho na lang daw ang inaatupag ko," nahihirapang sabi ni Rowan at yumuko.
Hindi na nagulat si Asha sa dahilan ng babae dahil yun naman talaga ang madalas na dahilan ng mga heart broken niyang katrabaho.
"She doesn't deserve you, walang kwenta ang dahilan niya para iwan ka. Kung nag-iisip siya dapat sinabi niya sayo ang kung ano mang pagkukulang mo hindi iyong bigla ka na lang niyang iiwanan," naiinis na sabi ni Asha.
How can someone leave a person loving them dearly just because of lack of time for them. So immature.
"Kasalanan ko nama----," agad pinutol ni Asha ang iba pa nitong sasabihin. "It is not your fault, hindi ka naman nambabae, nagtatrabaho ka para sa future niyong dalawa. Sa madaling sabi wala kang kasalanan wala ka talagang pagkukulang. Masyado siyang immature mag-isip at hindi na lang niya inintindi ang sitwasyon mo." Nagpipigil si Asha na lumabas ang galit niya.
Nagagalit siya at nasasaktan para sa kaibigan niya, Rowan is a good man kaya hindi niya matanggap ang balikong rason ng babaeng iyon para iwanan si Rowan.
Maya maya pa ay nakita ni Asha na yumuyogyog na ang balikat ni Rowan, he's crying from pain. Not in hes body, but in hes heart.
Niyakap na lang niya si Rowan hahang hinahaplos ang likod nito, kaya natatakot pumasok si Asha sa isang relasyon dahil alam niyang masasaktan siya katulad ng nangyayari kay Rowan.
Kung makikita lang ng iba na umiiyak si Rowan siguradong magugulat sila. Si Rowan ang tipo ng taong matibay pa sa bato, kahit anong sakit ng katawan at kahit anong hirap hindi mo siya makikitang umiyak o magreklamo man lang.
Pero ng dahil lang sa babae, dahil sa pag-ibig nawala ang tapang ni Rowan at ngayon ay umiiyak dahil sa sakit.
"Gusto mo bang sumama sa akin magbakasyon sa probinsiya?" tanong ni Asha, maybe he want some refreshment para makalimutan na nito si Natalie.
Agad umiling si Rowan, "No Asha, mas lalo ko lang siyang maiisip, kailangan kong maging abala para hindi siya sumagi sa isipan ko," sabi nito at suminghot singhot.
"Tinanggap mo na ba ang offer ni Headman?" tanong ni Asha. "Kakausapin ko pa lang siya," sagot ni Rowan. Ipapadala si Rowan sa ibang bansa para sa isang misyon na hindi na binanggit ng headman nila.
"That's good, at least you're trying to move on," panatag na sabi ni Asha, mahahanap din ni Rowan ang babaeng karapat dapat sa kanya in the right time.
Nakatitig na ulit si Rowan sa telepono nito, kinuha ni Asha ang telepono at binuksan. At nang mabuksan ito ay nakita niya ang napakadaming larawan ni Rowan kasama ang ex nitong si Natalie.
Ito siguro ang dahilan kaya nakatitig lang ito sa cellphone nito kanina pa, "Don't use this again Rowan, kumuha ka na lang ulit ng bagong cellphone sa Technocom Team." Agad nang ibinulsa ni Asha ang telepono ng kaibigan at hindi naman nagprotesta si Rowan.
Hindi matatawag na pangingialam ang ginagawa ni Asha, tinutulungan lang niyang makalimot si Rowan at alam ni Rowan iyon kaya naiintindihan niya ang ginagawa ng kaibigan.
Ang technocom Team ay grupo ng mga katrabaho nilang naka assign sa mga technology at communication. Hindi na sila bumibili ng cellphone dahil sa kanila na sila kukuha at automatic na may nakalagay ng contact nila sa HQ. Bukod sa cellphone, dito na rin sila kumukuha ng iba pang gagamitin kapag nasa misyon tulad ng, earpiece, spy pen, lipstick gun and lipstick knife at marami pang iba.
Tumayo na si Asha at nagpaalam na aalis na bago pa man makalabas si Asha ng silid ay nilingon niya ulit ang kaibigan, "Bibisitahin ulit kita Rowan, bibili ako ng chocolates para sayo," sabi ni Asha at agad namang nagliwanag ang mukha ni Rowan ng marinig nito ang chocolates.
Tumango lang ito bilang sagot, "Ako rin ate Ash, pahingi ako," biglang sabat ni Lexi na kakagising lang. "Sige," sagot ni Asha at lumabas na ng silid.
Uuwi na siya para makapagpahinga at para na rin maihanda ang mga gamit niya para sa pag-alis bukas papunta ng probinsiya pagkatapos niyang ihatid ang mga chocolates bukas.
Sobrang sakit ng katawan niya at limitado lang ang galaw ng kaliwang balikat niya pero sanay na siyang indahin ang sakit kaya itutulog na lamang niya pag-uwi.
Nang makalabas ng HQ ay agad siyang sumakay sa motor niya at agad itong pinaandar para makauwi na.
Nang makarating ay agad siyang pumasok sa condo unit niya at parang nauupos na kandilang napaupo na lang si Asha sa likod ng pintuan ng unit niya.
Sa labas ng kanyang kwarto ay mabibilang lang sa kamay ang emosyong pinapakita niya, laging walang emosyon ang mukha at mata niya lalo na kapag nasasaktan siya.
Nagkukuwaring ayos lang siya kahit ang totoo ay pagod at nasasaktan siya. Asha is a great pretender.
Pero sa loob ng kwartong ito ay inilalabas niya lahat ng tinatago niyang emosyon. Lungkot, pangungulila, sakit, at pagod.
Pinilit ni Asha na tumayo at magtungo sa kama niya, napaungol siya ng kumirot ang sugat niya. Agad siyang humiga padapa sa kama at pinilit ang sarili na matulog para mawala ang sakit ng katawan at puso niya.
"Mom, nasaan si papa?" tanong ng batang si Asha.Nakasuot ito ng pantulog habang bitbit ang malaking Doraemon stuffed toy.Nilingon ng magandang ginang na nakaupo sa Piano bench ang anak na kinukusot ang mata at halatang inaantok pa."May inayos lang saglit ang daddy anak, mamaya uuwi na rin siya," sabi ng ina ni Asha at nilapitan ang anak saka binuhat ito."Ang tagal naman niya mama, sana umuwi na siya para tabi tayo matulog inaantok na kami ni Doraemon ko eh," maktol ni Asha sa ina.Ngumuso pa ito at kinakamot ang pisngi, ganito ang ginagawa ni Asha kapag naiinis siya o may hindi siya nagustuhan.Mahinang natawa ang ina ni Asha at pinanggigilan ang pisngi ng anak saka pinaulanan ng halik ang buong mukha ni Asha at humahagikhik si Asha sa ginagawa ng ina."Gusto mo ba
Narinig ni Asha na may nag doorbell kaya agad siyang tumayo at pinuntahan ang pinto.Pagkabukas ay agad niyang nakita si Jill na nakasuot ng all black attire."Hi Ash good morning, ano tara na?" bati ni Jill sa kanya. "Hello, good morning," bati rin ni Asha at agad kinuha ang maleta niya."Daan muna tayo sa grocery store, bibili ako ng chocolates," sabi ni Asha bago lumabas ng unit niya at isinarado ang pinto."Sure, bibili rin ako ng pang snack natin," masiglang turan ni Jill.Naglalakad na sila papunta ng elevator at kada taong madadaanan nila ay napapatingin kay Jill.Naka bad girl attire kasi ito taliwas sa mukha nitong mukhang anghel. Makulit at madaldal ito na parang hindi napapagod kakasalita.Ikinawit ni Jill ang isang kamay nito sa braso ni Asha h
Naabutan ni Asha si Rowan na sinusuntok ang punching bag habang nakasalampak naman sa sahig si Lexi.Pawisan na si Rowan pero hindi pa rin ito tumitigil, mas lalo lang nitong nilalakasan ang pagsuntok."Naglalabas ka ba ng sama ng loob?" tanong ni Asha saka pumasok sa loob. Napatingin sa gawi niya ang dalawa.Itinaas ni Asha ang supot na dala, "Chocolates," sabi na at doon ay agad lumapit ang dalawa sa kanya at basta na lang kinuha sa kanya ang supot na may lamang chocolates."Salamat Ash!" sabi ni Lexi na agad nilantakan ang mga tsokolate. Pareho ng nakasalampak sa sahig ang dalawa kaya umupo na rin si Asha sa sahig."Bakit nagba-boxing ka na ngayon? Pinayagan ka na ba ng doctor mo?" nagtatakang tanong ni Asha kay Rowan.Napatigil naman ito sa pagkain at napatingin sa mata ni Asha, bigla itong ngumisi at parang naintindihan na ni Asha ang sitwasy
Nasa biyahe na si Asha at Jill patungo sa Rizal province, nananakit na ang pwet ni Asha sa kakaupo. Halos isang oras na silang nasa biyahe at mabuti na lamang at hindi traffic dahil mas matatagalan sila.Nanood na lang si Asha ng anime movies habang tutok na tutok naman si Jill sa pagmamaneho.Habang nanonood si Asha ay bigla na lang nagprino si Jill kaya tumilapon ang telepono ni Asha, "Sh*t, Jill what happened?" agad na tanong ni Asha.Pati si Jill ay nagulat din, nang tingnan ni Asha ang nasa harapan nila ay laking gulat niya ng makita niya ang tatlong lalaki at ang kaawang awang lalaking nakahandusay na pinagsisipa at pinagsusuntok ng tatlong kalalakihan.Agad lumabas ng kotse si Asha at sumunod naman Jill. Asha gritted her teeth because of the sudden rage when she saw how does bast*rd hurting that helpless guy."Hey, stop that or I'll call the p
Pagkarating sa presinto ay agad lumabas ng kotse si Asha pero bago pa yun ay natawagan na niya ang abogado niya.Baka pati silang dalawa ni Jill makasuhan dahil sa kalagayan ng tatlong lalaking iyon.Nang makapasok sa presinto ay agad silang kinuhanan ng statement kaharap ang tatlong lalaki na bugbog sarado.“Bakit ganito kalala ang inabot ng tatlong ito? Athlete ba kayo? UFC fighters?” nagtatakang tanong ng babaeng pulis na kumukuha ng statement nila.Nagkatinginan silang dalawa ni Jill at nagkaintindihan sila sa pamamagitan lang nito. “Mga ordinaryong mamamayan lang po kami ma'am,” sagot ni Jill na namumula ang pisngi.Alam na alam ni Asha ang ganitong reaksyon, “Gusto lang po talaga naming ipagtanggol ang kapwa namin ma'am kaya ganyan ang inabot nila,” dagdag ni Asha. Pati siya namula ang pisngi sa sagot niya.“Gra
Tinulungan ni Asha si Apollo na tumayo. Nakita niya itong nakatayo lang sa gitna ng kalsada habang may paparating na truck kaya agad niya itong tinulak.“Dapat hindi ka lumalabas ng walang kasama,” nag-aalalang sabi ni Asha. Kakatapos lang nilang maglibot ni Jill at ito na naman ang naabutan niya.“Wala kang pakialam,” masungit na tugon nito habang pinapagpagan ang sariling damit para matanggal ang dumi.“Tsk ang sungit,” bulong ni Asha sa sarili. “Ano yun?” biglang tanong ni Apollo na mukhang narinig ang sinabi niya.“Huh? Ah wala yun,” sabi niya at inayos ang sarili mabuti na lamang ay hindi sumalpok ang truck sa kabahayan pagkatapos makaiwas kay Apollo.“My god Apollo! Ano bang ginagawa mo ha!” singhal ng ina nitong namumula ang tainga sa galit at pag-aalala sa anak.
Agad tumayo si Apollo at saka lang niya nalaman na nasa loob pala siya ng kwarto ng kanyang ina. Dito na siya nakatulog pagkatapos ng nangyari kagabi.Maingat siyang naglakad palabas at mabuti na lamang at hindi na siya ulit nabangga sa kahit na anong bagay sa loob ng kwarto.Agad niyang pinihit pabukas ang pinto at gaya ng ginawa niya kagabi ay dumikit ulit siya sa pader para malaman niya kung saang parte na siya ng bahay nila.Makalipas ang ilang segundo ay narinig ni Apollo ang mahinang tunog ng kanyang tiyan na hudyat na gutom na siya. Kaya nang makapa niya ang door knob ng panghuling kwarto ay agad siyang tumalikod sa pinto ng kanyang likod bago humakbang ng tatlong beses saka niya nahawakan ang hawakan ng hagdanan pababa.Napalunok si Apollo ng maalala ang itsura ng hagdanang ito. Mahaba ang hagdan at napakaraming baitang. Mahigpit na humawak siya sa hawakan ng hagdan saka humakbang ng dahan dahan.Nakita ng isang katulong si Apollo na mag-is
Pagkatapos kumain ay umuwi na lamang si Apollo kasama si Manang Fe, kailangan niyang sanayin ang sariling tainga na maging matalas sa lahat ng tunog na naririnig niya.“Naku hijo kung nakikita mo lang si Asha siguradong hahanga ka sa kanya,” pagkukwento ng matanda habang naglalakad sila pauwi. Kanina pa ito nagkukwento ng kung ano ano tungkol kay Asha.“Manang just stop talking about her,” masungit na asik ni Apollo sa matanda. Nagsisimula na siyang mainis sa dalaga kaya umuwi na lang siya agad.“Ahh sige, doon na lang muna ako sa likod bahay,” pagpapaalam ng matanda at dali daling umalis. Napahawak si Apollo sa kanyang sintido, hirap na hirap siyang matutunan ang una nitong itinuro sa kanya.It's really not easy to tell the direction of things just by hearing it lalo na kung mahina lang. Naiwan si Apollo sa living room at nag-iisip ng pwede niyang gawin para masanay niya ang kanyang pandinig.Maya maya pa ay nak