Naabutan ni Asha si Rowan na sinusuntok ang punching bag habang nakasalampak naman sa sahig si Lexi.
Pawisan na si Rowan pero hindi pa rin ito tumitigil, mas lalo lang nitong nilalakasan ang pagsuntok.
"Naglalabas ka ba ng sama ng loob?" tanong ni Asha saka pumasok sa loob. Napatingin sa gawi niya ang dalawa.
Itinaas ni Asha ang supot na dala, "Chocolates," sabi na at doon ay agad lumapit ang dalawa sa kanya at basta na lang kinuha sa kanya ang supot na may lamang chocolates.
"Salamat Ash!" sabi ni Lexi na agad nilantakan ang mga tsokolate. Pareho ng nakasalampak sa sahig ang dalawa kaya umupo na rin si Asha sa sahig.
"Bakit nagba-boxing ka na ngayon? Pinayagan ka na ba ng doctor mo?" nagtatakang tanong ni Asha kay Rowan.
Napatigil naman ito sa pagkain at napatingin sa mata ni Asha, bigla itong ngumisi at parang naintindihan na ni Asha ang sitwasyon kahit hindi nito sinabi.
Napaikot ang mata ni Asha, "Pasaway ka talaga," tanging nasabi ni Asha.
Natawa naman si Lexi at Rowan sa sinabi niya, "Hindi ka na nasanay sa kanya Ash," sabi ni Lexi na ngumunguya ng chocolate bar.
"Aalis na ako Rowan, mag-ingat ka sa pag-alis mo," sabi ni Asha.
Saglit niyang nakita ang sakit sa mata nito pero kalaunan ay nawala rin. Napagdesisyonan nitong umalis ng bansa para na rin kalimutan ang ex nito.
"Yeah, hoping for a new journey," makahulugang sabi ni Rowan.
"Hindi ko kayo ma-gets, love life yata pinag-uusapan niyo eh," lukot na mukhang sabi ni Lexi.
Katulad ni Asha ay ayaw din nito sa relasyon, kaya ganito na lang ang reaksyon nito. "Hindi mo talaga maiintindihan hanggat hindi mo nararanasan," sabi ni Rowan.
"Hindi na namin kailangang intindihin dahil alam na namin, sayo pa lang alam na namin kung anong pwede naming sapitin sa relasyon relasyon na iyan," nakabusangot na sabi ni Asha. Kumuha na rin siya ng chocolate dahil pakiramdam niya masyado siyang bitter kaya kailangan niya ng sweetness ng chocolate.
"O'o nga, hindi na namin kailangan maranasan para lang maintindihan ka. Sapat na ang nakikita namin para matuto kami," dagdag pa ni Lexi.
"Tsk, baka mamaya bigla na lang kayong ma-in love. Wag kayong magsalita ng patapos," banta ni Rowan sa dalawang dalaga.
Hindi niya lubos maisip kung bakit ayaw na ayaw ng mga ito ang makipagrelasyon samantalang lahat ng babae gustong gusto ang kiligin at mahilig manood ng romantic movies.
Kakaiba talaga ang mga babaeng ito, napaka independent.
"Wag mo kaming igaya sayo, saka wag ka ngang magsalita ng ganyan. Si Natalie lang naman sineryoso mo sa lahat ng nakarelasyon mo," sabi ni Asha na ikinatawa naman ng malakas ni Lexi.
"Boom. Toasted," pang-aasar ni Lexi kay Rowan. Hindi naman naapektuhan si Rowan sa sinabi ni Asha dahil totoo naman talaga iyon.
Saka lang naisip ni Rowan na baka nga kinarma siya sa ginawa niyang pananakit sa puso ng mga babae noong hindi niya pa nakikilala si Natalie.
"Kinarma ka na sa ginagawa mo dati na halos araw araw kang nagpapalit ng babae," sabi pa ni Lexi habang natatawa.
Nalukot naman ang mukha ni Rowan pero hindi umimik. "Akala mo kung sinong expert eh," dagdag ni Asha. Kaibigan niya si Rowan kaya alam niya lahat ng baho ng lalaking iyon.
"Yeah, maybe this is my karma and I learned a lot of things out if it," seryosong turan ni Rowan. Natahimik naman si Asha at Lexi.
"Gaano ka katagal mamamalagi sa probinsiya?" tanong ni Rowan ng hindi na umimik si Asha. "Baka abutin ng linggo o buwan," sabi ni Asha. Hindi naman niya kasi alam kung talagang magugustuhan niyang magbakasyon.
Sanay kasi ang katawan niya sa pagod at puyat kaya paniguradong mahihirapan siyang mag adjust sa buhay sa probinsiya.
"Sana makatulong sayo ang pagbabakasyon para makalimutan mo na iyon," sabi ni Rowan. Rowan knows about Asha's nightmares.
Asha just smiled, hindi niya rin kasi alam sa sarili niya kung makakalimutan niya ba ang bangungot na iyon sa pamamagitan ng bakasyon.
"Gusto ko na nga sanang magbakasyon eh, kaso sabi ni Doctor Jace kailangan muna akong manatili rito," nalulungkot na turan ni Lexi.
May tama kasi ito ng baril sa tagiliran at ang spinal cord nitong napuruhan dahil sa malakas na paghampas ng matigas na bagay.
"Bakit nga pala nandito ka, di ba dapat nasa kama ka lang para gumaling yang likod mo," nag-aalalang sabi ni Asha at gaya ng ginawa ni Rowan ay nginisihan lang siya nito.
"Delikado yang sitwasyon mo----." Naputol ang sasabihin ni Asha ng marinig niyang may dalawang lalaki at babaeng pumasok sa gym kung nasaab sila.
"Hi Ash!" bati ng dalawang lalaking kakapasok lang at agad tumabi ng upo kay Asha sa sahig. Agad namang nainis si Asha sa presensiya ng dalawang asungot na si Easton at Drake.
"Ano na naman ginagawa niyo rito?" masungit na tanong ni Asha. Hindi pa niya nakakalimutan ang nangyari sa fast food chain nong isang araw.
"Grabe Ash, ang sungit mo naman," reklamo ni Easton na nakatingin na naman sa chocolates na nakakalat lang sa sahig. Umaatake na naman ang pagiging matakaw ni Easton, mambuburaot na naman yata.
"O'o nga, para namang others," dagdag ni Drake. Inikutan lang ito ng mata ni Asha.
"Kayong dalawang asungot kayo anong pakay niyo rito?" tanong ni Rowan na may halong pananakot.
Napalunok naman ang dalawa, kapag ibang tao na kasi ang kaharap ni Rowan at nag-iiba ang pakikitungo nito.
"Wala po, magba-boxing po talaga kami ni Drake," dahilan ni Easton na agad tumayo at hinila rin patayo si Drake para makipag spar dito.
"Hoy ano ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Drake. "Magboxing tayo o magpapabugbog ka kay Rowan?" mahinang bulong ni Easton. Agad namang naintindihan ni Drake ang sinasabi nito kaya kusa na itong kumuha ng boxing gloves at hinagisan ng boxing helmet si Easton.
"Para saan ito?" tanong ni Easton. "Suot mo yan baka mahimatay ka sa lakas ng suntok ko," pagmamayabang ni Drake ikinalukot ng mukha ni Easton.
"Kapal ng mukha mo Drake, mas malakas kaya ako kaysa sayo," galit na sabi ni Easton at hinagis pabalik ang helmet kay Drake na nasapol sa mukha.
Natawa naman si Easton kaya ang dapat boxing na mangyayari nauwi sa habulan ng dalawang lalaking malaki nga ang katawan at mukhang lalaking lalaki pero isip bata naman.
"Bakit parang wala na akong tiwala sa mga nire-recruit ng headman?" hindi makapaniwalang tanong ni Jill.
"Tsk, takot lang niyan sa akin," mayabang na sabi ni Rowan at tumayo na para magtungo sa kinaroroonan ng dalawang lalaking naghahabulan pa rin.
Napangiti na lang si Asha sa kakulitan ng dalawa kahit naiinis siya. Parang nawawala ang sakit ng katawan at pagod niya dahil sa mga taong nakakasalamuha niya na nagbibigay ng magandang memorya sa kanya.
Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay agad bumaba si Apollo, hindi pa man siya tuluyang nakababa ay agad siyang inakbayan ng kaibigan niya.“Okay ka na ba?” tanong nito saka pasimpleng ginulo ang buhok na nakapagpairita sa kanya.“Stop that! Kakasuklay ko pa lang niyan!” naiinis na tugon ni Apollo saka nagpatuloy sa pagbaba.“Nakaayos tayo ngayon ah, ano meron Almazan?” parang nang-aasar na tanong ni Ashton sa kaibigan.“Bakit? Bawal na ba mag-ayos ngayon kahit wala namang ganap?” masungit na tanong ni Apollo.“Bakit di ka na lang muna maglakad lakad sa labas, Ash pakisamahan na lang si Apollo,” biglang sabi ni Ashton.Agad kumunot ang noo ni Asha at nagtataka itong tiningnan, “Sige na,” dagdag pa nito.Agad tumayo si Asha saka nilapitan si Apollo na tahimik lang, “Ashton is right, kailangan mo munang maglakad lakad,&rdqu
Pagkatapos ng nakakapagod na pagtakbo nila Jill at Asha ay agad na silang umuwi para magbihis.“Mga apo kung lalabas kayo, pakiusap mag-iingat kayo. Muntikan ng mabundol ng kotse si Ashton kaninang umaga sabi ng mga kapitbahay natin,” nag-aalalang sabi ng matanda habang nagbuborda sa sala ng bahay.Nagkatinginan si Asha at Jill, “I'll just check Ashton, wanna go with me Ash?” pag-aaya ni Jill na agad namang sinang-ayunan ni Asha.“Kung ganoon ay kumuha kayo 'nung niluto kong Letche Flan para may maibigay kayo sa kanila,” sabi ng matanda.Agad gumalaw si Asha at Jill saka nagtungo sa bahay nila Apollo.“You just need some rest, tapos linisin mo palagi ang sugat mo para hindi magkaimpeksyon,” narinig nila ang boses ng doctor na nasa living room.“Hi Ashton!” pagbati ni Jill kay Ashton na kasalukuyang ginagamot ng doctor. “Hey! Halika kayo!” tugon ni
Tahimik na pinagmamasdan ni Mrs. Almazan ang anak niyang natutulog. Halata sa mukha nito ang pagod at pag-iyak.“What happened Ashton?” tanong ng ginang sa kaibigan ng anak niyang nasa tabi lamang niya.“Honestly tita, hindi ko alam. Naalimpungatan kasi ako kagabi tapos parang may narinig akong bumagsak kaya bumaba ako tapos nakita ko na lang si Apollo sa kusina na duguan na at parang may hinahanap,” pagkukwento ni Ashton. Hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang kilabot sa kanyang katawan ng mabasa niya iyon.Pakiramdam niya ay parang may mali sa lahat ng nangyayari, “Jesus, ano ng nangyayari sa anak ko,” bulalas ng ginang at napaluha na lamang. Akala niya ay maayos na ang lahat pero nagkakamali siya.“He keep saying Lucienda's name, para bang naroon si Lucienda kahit wala naman,” dagdag ni Ashton saka pasimpleng hinaplos ang sariling braso dahil naramdaman niya ang pananatayo ng balahibo niya.Mrs.
Gabi na at nakatulala pa rin si Apollo habang nakahilata sa kanyang kama. Hating gabi na at hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.“It's so soft,” usal ni Apollo. He can't get enough of Asha, her skin is so soft and warm. So comfy.Ramdam pa rin ni Apollo ang balat nito sa kanyang mga palad. Para siyang nawala sa sarili nang mahaplos niya ang malambot nitong labi.Wala sa sariling napahawak si Apollo sa kanyang labi, agad siyang napatayo ng makaramdam siya ng pagkauhaw.Dahil hating gabi na ay natutulog na ang lahat sa bahay kaya dahan dahang naglakad si Apollo ng sa ganun ay hindi niya maabala ang tulog ng mga tao roon.Pababa na ng hagdan si Apollo nang makarinig siya ng ingay sa kusina, mahina lang iyon pero rinig na rinig niya dahil na rin sa katahimikang bumabalot sa buong bahay nila.Nagtaka si Apollo dahil ang alam niya ay wala ng gising ng ganitong oras bukod sa kanya. Dahan dahang humakbang si Apollo pababa ng hagdan para
Kakauwi lang ni Ashton pagkatapos gawin ang kailangan niyang gawin related sa trabaho.Paakyat na ng hagdan si Ashton ng makita niyang lumabas si Asha galing sa silid ni Apollo. Agad kumunot ang noo ni Ashton sa kung ano ang ginawa ni Asha roon pero agad din namang nawala nang magkaideya siya.“Hi Asha! Kumusta ka?!” bati ni Ashton at kumaway pa sa dalaga. Tumigil ito sa tapat niya at tipid na nginitian siya. “Okay na ako,” sagot ni Asha.Naalala ni Ashton ang eksenang nakita niya noong dinala ito sa hospital, “Pasensiya ka na Asha hindi na kami ulit nakadalaw sayo, na busy kasi ako tapos naging mainitin ang ulo ni Apollo nitong nakaraang linggo.” Bakas ang sensiridad ng lalaki kaya naiintindihan ni Asha ang dahilan nito.“Ayos lang 'yun saka ayaw ko rin namang manatili ng matagal sa hospital,” kaswal na tugon ni Asha.“Tell me Asha, may boyfriend ka ba?” biglang tanong ni Ashton. Sa
Kasalukuyang nakaupo si Apollo sa living room ng bahay nila. Ramdam na ramdam ni Apollo ang mariing titig ni Asha habang ginugupitan siya ng tinawagan nitong barbero.“Ma'am kay gwapo naman po pala ng nobyo niyo, hindi pa ako tapos maggupit pero nakikita ko na ang tinatagong kakisigan nito,” puna ng barbero.Humigpit ang hawak ni Apollo sa kanyang kamay dahil sa maling akala nito na nobyo siya ni Asha, “She's not my girl---.” Hindi na natapos ang dapat na sasabihin ni Apollo dahil biglang sumabat si Asha.“He's handsome with or without a new haircut,” sagot ni Asha na parang wala lang iyon sa kanya pero halos magwala na ang puso ni Apollo sa sinabi nito.Naalala niya ang tinuran nito ng hilain siya nito paalis ng harden. Mukha raw siyang ermetanyo pero ngayon naman ay pinupuri nito ang kagwapuhan niya.“Is that a change of mind?” mapait na tanong ni Apollo. Hindi niya maintindihan ang daloy ng utak ni
Napakunot ang noo ni Jill nang mapansin na bigla na namang nawala si Asha pagkatapos kumain ng tanghalian.Kahapon niya pa napapansin ang kakaibang kilos ng kaibigan simula kagabi pero kahit anong tanong niya ay hindi naman ito sumasagot.Umakyat si Jill sa taas para sana magtungo sa kanyang silid ng makarinig siya ng kalabog mula sa isa sa mga kwarto roon.Napatingin si Jill sa pinakadulong parte ng second floor ng bahay at ito ay ang pinakadulong kwarto. Out of curiosity ay nagtungo siya roon saka narinig ng mas maayos ang tunog mula sa loob ng kwarto.Pinakinggan niya ito ng mabuti saka nalamang pamilyar sa kanya ang tunog 'nun, pinihit niya ang door knob ng pinto saka ito binuksan.Tumambad sa kanya ang pawisan na si Asha. Asha is punching the punching bag real hard kaya kahit malayo pa si Jill ay naririnig na niya ang tunog niyon.Nakakunot ang noong pinanonood ni Jill ang kaibigan na mukhang walang pakialam sa paligid
Inabot na sila ng gabi sa pamamasyal sa Uugong Park at nagtatampisaw sa magandang falls doon.Umahon na si Asha at nagtungo sa Mahogany House nila, katabi lamang nito ang falls. Saglit na umupo si Asha at tinuyo ang buhok gamit ang tuwalya saka kumuha ng barbecue.Tahimik na nagmamasid si Asha sa paligid hanggang sa tumunog ang telepono niya hudyat na may tumatawag doon.Nakita ni Asha na hindi registered ang number na tumatawag at hindi niya ugaling sumagot sa tawag ng hindi niya kilala.But she have this feeling that she have to answer the call so she do it. Nang masagot niya ang tawag ay hindi siya nagsalita, hinihintay niyang marinig ang boses ng tumatawag sa kanya.“Hello my dear friend, how are you? Do you already forget about me?” tanong ng lalaki sa kabilang linya. Bumalatay ang gulat sa mukha ni Asha ng marinig ito.“Hey, I thought you're dead,” malamig na sabi ni Asha at s
Hindi maintindihan ni Apollo ang sariling nararamdaman. Nang makaalis si Asha at ang kaibigan nito ay dali dali siyang humakbang paakyat ng hagdan at hindi na naisip na maaari siyang mahulog ng tuluyan.Agad siyang pumasok sa kanya silid at narinig niya pa ang pagtawag nang kaibigan. “Hey bud, you okay?” rinig niyang tanong nito sa labas ng kanyang silid.“Leave me alone!” malakas na sigaw ni Apollo. “Okay, just call ne when you need something,” sagot ng kaibigan bago niya narinig ang yapak nito paalis sa harap ng kanyang silid.Agad nagtungo si Apollo sa kanyang kama at dali daling ibinagsak ang katawan doon at isinubsob ang mukha sa unan habang sumisigaw. Nilalabaw niya ang lahat ng hindi niya maintindihang pakiramdam.Lumipas na ang isang linggo at walang ibang ginawa si Asha kundi ang matulog at kumain dahil hindi siya pinapayagang pagalawin ng kanyang lola at kaibigan niyang si Jill.Ngay