Share

Chapter 7

Title: The innocent girl

Genre: Comedy, Romance

Author: Lady-v 

Darwin pov.

'Di ko alam kong sa susunod na gagawin mo yon Dorothy. 'Di ko na talaga masasabing mapipigilan ko pa ang sarili ko. Aminin ko sa tuwing may ginagawa kang kalokohan sa akin may parte sa puso ko na gusto ko rin ang ginawa mo. Kahit pinagtatabuyan kita oh inaayawan? 'Di mo lang alam iba ang sabi nang puso ko sa lumabas sa bibig ko. Ang sabi nang puso ko sige pa Dorothy suyoin mo pa ako pilitin kung kinakailangan dahil bibigay din ako sa'yo, Parang timang lang 'di ba? Kong alam mo lang pigil na pigil ako sa sarili ko para hindi lang ako magkasala sa'yo. Kahit gustong gusto na kitang patulan kaso hindi pwede kasi hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko para sa'yo. Aminin ko mahal na kita kahit may pagka-abnoy ka pero ayaw kong saktan ang puso mo dahil lang sa may sa may gusto ka sa akin. Gusto ko pag papatulan na kita yong wala na sanang masaktan pang iba. At lalo kana hindi ako papayag na masasaktan ka Dorothy lalo na pag ako ang dahilan. Hiling ko sana wag mona ulitin yong ginagawa mo sa akin baka tuloyan na akong magkasala sa'yo. Hanggat kaya ko pang pigilan ang nararamdaman ko sa'yo pipigilan ko basta 'di ka lang makita nang mga mata kong nasasaktan. Kong alam mo lang kong gaano ko ka gusto ang pinag-gagawa mo sa 'kin. Dorothy abot-abot hanggang langit ang ngiti ng puso ko gano'n ako kasaya pag nand'yan ka. Lalo na makita ko ang mga ngiti mong napaka inosente napaka-ganda mo sa mga mata ko. Hindi ko alam sa tinagal-tagal na nating pagsasama sa iisang bahay ay nahulog na ako sayo. Sa totoo lang Dorothy simula nong nakasama kita natoto na akong ngimiti nang patago. Sa tuwing naalala ko ang kahibangan mo napapatawa nalang ako bigla. Alam ko sa pagtatapat ko sa'yo nito? Ay hindi mo rin narinig dahil nga tulog kana. Sana dumating yong time pag malaman mo ang totoo tungkol sa pagiging amo ko sa'yo? Kong alam mo lang ikaw yong amo ko at ako ay isang hamak na pulis lang na binabantayan ang mahalagang tao tulad mo. Mahalaga ka sa lahat, mahalaga ka sa lolo mo, mahalaga ka dahil ikaw ang heredera at mahalaga ka dito sa puso ko. Kong sakali kayang malaman mo ang totoo? Matatanggap mo parin ako at mamahalin mo parin kaya ako? Kapag mangyari man ang kinakatakutan ko Dorothy? Yong malaman mong ikaw ang nawawalang heredera? Tapos ikaw na ang pinaka-mayaman sa buong mundo dahil ikaw si Ms Alicia Sebastian. Mapapansin mo pa kaya ako? Kahit akoy isang ordenaryong pulis lang?

" Kaya pala pigil hininga si Darwin kapag may ginawang kababalaghan si Dorothy. Dahil minahal na pala n'ya ito at hindi siya papayag masaktan ang nag iisang heredera sa mga kamay niya.

Pag-gising ko tirik na tirik ang araw at nandito na ako sa kwarto ko tiningnan ko ang oras 8 na ng umaga. Kaya lumabas nalang ako kahit masakit pa ang ulo ko sir, sir Darwin tawag ko sa kanya. Bakit parang wala siya? Ang alam ko ay wala siyang pasok ngayon. Saan kaya pumonta?

Hindi ko na hinintay na gumising si Dorothy umalis nalang ako para puntahan si sir Lance. Hindi rin nagtagal nakarating na ako sa mansyon at hinanap ko na si senyorito Lance.

Sir Darwin andito po si senyorito, senyorito si Darwin bisita niyo.

Magandang umaga po sir.

Magandang umaga rin Darwin, kumosta kayo nang apo ko? 

Sir? A-e.

Darwin? Anong nangyari sa'yo? 

Sir pasensya na po ito nalang po ang tingnan niyo sir kuha nang CCTV sa buong bahay na po yan sir.

Gano'n ba? Sige halika panunuorin natin. Mukhang may iba sa kanya? Kong ano man yon? May tiwala ako kay Darwin alam ko hindi niya ako bibiguin. 

Ikaw po yong bahala sir sige po.

" Lagot napakamot nalang si Darwin sa ulo nakuha din kasi ang paghahalikan nila ni Dorothy at yong pagtulak niya nang malakas sa dalaga. Buwan-buwan kinukuha ni lance Sr ang kuha ng CCTV footage nila para may idea ito kong sakaling malalaman na nang apo niya ang totoo niyang pagkatao.

Halos hindi ako makakilos sa inupuan ko at pinagpawisan ng tudo. Nakita na kasi ni senyorito yong paghahalikan namin ni Dorothy. Nakita ko sa mga mata niya ang pagkabigla pero hindi ako umimik. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya dahil nahihiya ako sa oras na yon. Alam ko kahit hindi man niya aminin sa akin nagalit siya sa ginawa ko. 

Anong nangyari? 

Se-senyorito? Pasensya na po kayo hindi ko po sinasadya. Nabigla lang po ako pasensya na po hindi na po mauulit senyorito.

Ano kaba umayos ka nga, hindi yon ang ibig kong sabihin Darwin. Anong nangyari sa kanya? Bakit siya naglasing kahapon? 

Huh? Ka-kasi po senyorito day off niya kahapon at binigay ko sa kanya ang sahod niya. 

Saan siya uminom? 

Sa club po pero andon po ako senyorito binabantayan ko po siya. Hindi nga lang ako nagpakita sa kanya galit kasi siya sa ginawa ko nong nasa video po?

Ah gano'n ba? Mabuti at hindi mo siya hinayaang mag-isa doon? 

Trabaho ko po ang bantayan siya senyorito kaya dapat lang naroon ako sa tabi niya. Sorry nga po pala sir doon po sa nakita niyo.

Wag kang mag sorry Darwin ang totoo nga dapat magpa-salamat ako sa'yo Darwin. Dahil hindi mo siya pinatulan kong sa ibang lalaki pa yan? Siguro ay ginawa na nila ang gusto nilang gawin sa apo ko. Salamat Darwin dahil nasa mabuting kalagayan ang apo ko.

Po? Hindi po kayo galit? Pagka-bigla ko sa sinasabi ni senyorito hindi ko akalaing magpasalamat pa siya.

Hindi, kasi kahit gano'n ang apo ko hindi mo parin siya pinatulan believe ako sa'yo. Dahil nakaya mong pigilan ang nararamdaman mo sa kanya. 

Ano po ibig niyong sabihin senyorito?

Alam ko ang lahat Darwin. Alam ko noon kapa may pagtingin sa kanya pero pinigilan mo lang. Bakit? Bakit mo ginawa yon? Kahit alam ko na ang lahat nilihim ko lang ito. Dahil gusto kong makita oh sabihin na nating gusto ko sukatin kong gaano kalaki ang respito mo sa akin at lalo na sa apo ko.

Nererespito ko po kayo sir kaya makakaya ko po kong ano paman ang susunod na mangyayari. Pasensya na po kong hindi nagawang pigilan ang sarili ko sa sandaling yon. 

Salamat hindi nga ako nagkamali sa pagtitiwala ko sa'yo Darwin. Wag kang mag-alala hindi ako galit sa'yo ngayon masasabi ko talagang swerte ang apo ko dahil minahal siya nang kagaya mo.

Walang ano man po sir maraming salamat din po sa tiwala niyo. Yon lang po ang sadya ko sir aalis na po ako baka gising na siya ngayon.

Sige Darwin salaman ulit.

" Umalis na si Darwin sa Mansyon kaya pala pigil na pigil si Darwin sa ginagawang kalokohan ni Dorothy dahil  natatakot siya baka magalit oh madismaya ito si sir Lance Sr sa kanya.

Yon ang dahilan ko Dorothy kong Bakit lagi kitang iniiwasan. Bukod sa pag titiwala ni senyorito Lance sa akin? Minahal narin kita. Kaya nga mas lalo akong nagugulohan ngayon dahil nangako ako ng kasal sa girlfriend kong si Donna. Pag-uwi ko sa bahay hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa hinahanap ko agad siya. Para kumostahin ang araw niya sigurado ako masakit ang ulo niya dahil sa alak.

Sir andiyan kana pala? Kain po tayo.

Hindi na Dorothy tapos na ako ikaw nalang ang kumain kumosta ang naramdaman mo? Ok kana ba?

Masakit pa ang ulo ko pero ok narin ako siguro ipagpahinga kulang mo na ito.

Mabuti pa nga magpahinga ka muna. Aalis din ako ngayon may importante akong gagawin.

Saan ka pupunta? Diba wala kang trabaho ngayon? 

May pupuntahan lang ako importanteng tao.

Ok, alam ko namang girlfriend mo yon kahit ano talaga ang gawin ko dimo parin ako mapansin dahil katulong mo lang ako. Pagkatapos kong sinabi ang linyang iyon umalis agad ako sa harap niya. Ayaw kong makita kong ano man ang maging reaksyon niya alam ko namang magagalit lang siya sa'kin.

Anong nangyari don? Mukhang naging mahinahon ata. Umalis parin ako para puntahan ang girlfriend ko pero hindi niya alam na dadalaw ako sa kanya ngayon. 

" Pagdating ni Darwin sa bahay ng girlfriend nagtaka siya kong bakit may bagong kotse sa garahe. Agad siyang nag doorbell para makapasok sa bahay ng girlfriend. 

Mommy pakibukas po may tao sa labas may ginagawa po kasi ako.

Nasaan pala si James anak?

Andon sa kwarto ko mommy nagpapahinga uuwi din daw yon mamaya.

Kung gano'n? Sino kaya ang bisita natin ngayon? Maliban kay James wala namang pumopunta dito. Diba?

'Di ko alam mommy.

Tayka lang bubuksan ko muna ang pinto. 

Magandang umaga po tita nasaan po si Donna? 

Darwin? Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Donna si Darwin nandito.

Opo ako po, bakit gan'yan ang reaksyon niyo? Para naman akong ibang tao nito tita. Sabi ko sa kanila dahil pariho silang hindi makapag salita.

Darwin? Bakit ka umuwi? I mean bakit hindi ka nagsabing uuwi ka?

Bakit? Parang nakakita ata kayo nang multo? Ako lang ito Donna bakit gan'yan ang reaksyon mo? Ano ba?

A-a-e wala naman nagtaka lang ako sa pag-uwi mo sabi mo kasi nasa misyon ka. Hindi kapa nagpaalam na darating ka ngayon. 

Hindi na ba ako pwedeng dumalaw sa fiancee ko?

Syempre naman 0o namiss kaya kita. 

Ijo, kailan kapa dumating?

Ngayon lang tita kakarating ko lang galing trabaho pero aalis din ako agad alam niyo na ang buhay pulis laging busy.

Mabuti naman.

Ano po tita? Ano po ng mabuti naman?

Huh? Wala sabi ko mabuti naman nakauwi ka diba Donna?

Opo mommy mabuti naman umuwi ka Darwin.

Donna namiss kita kumosta ka na? 

O-ok lang naman ako Darwin ikaw?

Ano bang nangyari sa'yo? Bakit mukhang kinakabahan ka halatang nauutal ka d'yan.

Wala to Darwin siguro dala lang ito sa sakit ng ulo ko.

Masakit ang ulo mo? Uminom kana ba nang gamot? Baka nag papagod ka masyado dito.

Hindi naman sa gano'n Darwin ngayon lang talaga ito. Wag kang mag alala hindi ko nakalimotan ang bilin mo sa'kin.

Mabuti naman kong ganon wag ka kasi masyadong magpagod. Alam mo namang minsan sumasakit yang ulo mo diba.

Wag kanang mag-alala magiging ok rin ako. 

" Makalipas ang isang oras nagpapaalam na si Darwin kay Donna at Merry dahil may misyon pa siyang babalikan. Parang nabunutan ng tinik si Donna dahil aalis na ang kanyang fiance. Mabuti na lang din hindi lumabas ng kwarto si James kaya hindi sila na pag-abot ni Darwin.

Alis na ako mag-iingat ka dito huh.

Oo naman Darwin sige mag iingat ka.

Salamat hinalikan ko siya sa noo bago tumalikod papuntang pintuan. Lalabas na sana ako nang naalala ko ang kotse sa garahe.

Bakit?

Donna kaninong kotse yon? Yong nasa garahe?

Akin yon Darwin bago kung nabili. 

Gano'n po ba tita sige po mauna na ako sa inyo.

Sige bye.

" Walang kaalam-alam si Darwin na iniikotan na pala siya sa ulo nang girlfriend niya. Si James Lu ang tunay na may-ari ng kotse. Walang iba kundi yong artestang kinahuhumalingan ni Dorothy noon. Ano naman kaya ang ginawa ni James sa bahay ni Donna? Kahit nagtataka si Darwin dahil impossible namang makakabili sila nang bagong kotse. Hindi parin niya pinag-isipan ng masama ang girlfriend. 

Mukhang may mali! Bulong ko habang nasa kotse ako impossibleng makabili sila ng ganon. Pero kong ano man yon? Bahala na sila basta hindi ko lang malaman ang totoo. Ano ba ang dapat kong gawin? Lalo na't umaasa parin si Donna sa sinabi kong kasal sa kanya. Paano na si Dorothy? Mahal ko siya hindi ko kayang mawala siya sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko dalawang apo ni senyorito ang iniibig ko. Hindi ko maaring saktan yong heredera niya alam ko kong gaano niya ito kamahal. Malaki ang utang na loob ko sa kanya dapat lang hindi ko sasaktan nag iisang heredera niya. Naalala ko pa ang ginawa niya sa pamilya ko.

FLASHBACK..

Darwin anak lagi mong iingatan ang sarili mo ha at lagi mo rin iisipin mahal na mahal ka ni mommy.

Yes po mom hindi ko po yon makakalimotan at lagi po yon sa puso't isip ko mommy. Please po lumaban pa kayo paano naman po ako? Nangayong wala na si daddy. 

Anak pasensya kana hindi na kaya ni mommy. Parang awa mo na anak wag mong pahirapan ang loob ko please. Gusto ko sanang pag-aalis ako ay masaya ako pwede ba yon ha mahal ko?

Pipilitin ko mommy sorry kong hindi ko po kayo matulongan sa sakit n'yo I'm sorry po.

It's ok anak tanggap na ni mommy alam ko namang hanggang dito nalang ako paalam anak mahal na mahal kita.

Paalam mommy. Ang sakit mommy mag-isa nalang ako ngayon hindi ko alam kong saan ako magsisimula ngayong wala na kayo pariho ni daddy. Paalam mom magpahinga kana alam ko pagod kana sa sakit mo. Paalam mommy paalam.

END OF FLASHBACK.

" Napag alaman ni lance Sr nag-iisa nalang ito pariho nang patay ang mga magulang niya. Matagal nag lingkod biglang personal budyguard ang ama ni Darwin kay Lance Sebastian Sr. kaya lang dahil sa pagtatangol niya sa kanyang amo. Siya naman ang binawian nang buhay hindi rin nang tagal sumonod ding pumanaw ang ina ni Darwin dahil sa brain tumor. Kaya si lance Sr nalang ang tumolong kay Darwin para makapagtapos ito sa kulehiyo at maging ganap na pulis. Napaiyak nalang si Darwin kapag maalala ang pang-yayaring yon. Kong tutuosin ay wala siyang karapatang humindi sa pakiusap ni Lance para sa kanyang apo. Dahil may utang na loob ito sa pamilya Sebastian lalo na kay lance Sr kong hindi dahil dito ay wala siya sa kanyang kinalalagyan ngayon bilang pulis.

To be continued..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status