Share

Chapter 11

Title: the innocent girl

Genre: comedy, romance

Author: Lady-v 

" Hindi gaanong nahirapan si Darwin sa pagtuklas ni Dorothy sa katutuhanan. Pero alam niya kasabay ng pagkabuko niya ni Dorothy sa lihim nila. Alam din nilang malapit na sa kanila ang kalabang naghahanap kay Dorothy. Samantalang dumako naman tayo sa dalawang nagtaksil kay Darwin. 

Ano gagawin natin Mahal?

Wag kang mag alala magiging ok din tayo. Siguro ay tama lang na malaman n'ya ang totoo sa atin para hindi na tayo nagtatago pa.

Kilala ko si Darwin James hindi siya yong tipo ng lalaking tatahimik nalang kapag may bumabangga sa kanya.

Kong ganon wag kang matakot dahil hindi ako takot sa kanya. Hindi siya dapat katakutan mahal dahil pulis lang siya. Para sabihin ko sa'yo wala pang kumalaban sa'kin ng hindi ko matatalo.

Ayaw kong mangayari yon sa pagitan niyong dalawa. Ayaw kong masaktan ka oh siya pasensya kana James naawa lang kasi ako sa kanya. Nasaktan ko na siya sana wag mo nalang dagdagan pa.

Paano kong gagawin niya yong sinasabi mo? Anong gagawin ko? Tutunganga nalang ako ganon?

Hindi naman siguro James natatakot lang ako baka balikan pa tayo ni Darwin alam ko nasaktan ko s'ya at kitang kita ko yon sa mga mata niya. Sabihin na natin gusto ko nang magkahiwalay kami pero sana hindi sa ganong paraan.

Ano pa ba gusto mo? Nangyari na yon dina pwedeng ibalik at pwede ba Donna maging masaya ka nalang para sa atin dalawa? Malaya na tayo. Pwede na tayong lumabas kahit saan mo gusto hindi kaba masaya? 

Masaya naman ako James pero nagi-guilty lang sa ginawa natin sa ganong paraan pa talaga niya nakita.

Kong gusto mong makipag hiwalay ng maayos? Puntahan mo siya sabihin mo sa kanya dimo na siya mahal at ako na ang minahal mo.

Hindi ko naman magagawa yon natatakot na nga ako nong nakita niya  tayo mismo sa kwarto ko.

Kong natatakot ka? Bakit binabalik mo pa ang nangyari na? Bakit hindi ka nalang maging masaya para sa atin.

Sorry na wag ka namang magalit sa akin masaya naman ako pero nag-alala lang ako paano kong hindi ako magustohan nang daddy mo?

Ano ba talaga ang gusto mong palabasin ha? Si daddy ba talaga ang dahilan oh mahal mo parin ang pulis patula na yon?

Hindi sa ganon James mahal kita alam mo yan. Sinaktan ko na si Darwin para sa'yo e dahil mas mahal kita kaysa sa kanya.

Kong ganon? Bakit kapa nag hihinayang sa pagkawala nang boyfriend mong tanga. Isa pa pinabayaan ka lang n'ya kaya ka pumatol sa akin diba?

" Hindi nalang umimik si Donna dahil narin sa takot niya kay James. Kahit isang besis hindi siya nasigawan ni Darwin lagi s'yang iniingatan nang binata at pinapahalagahan bilang isang babae at laging malumanay kong mag salita. Iniisip pa ni Darwin ang mga sinasabi n'ya bago ito bibitawan.

OTHER PERSON..

Magandang umaga may itatanong lang kami manang kong ok lang po?

Ano po yon? Mukhang hindi po kayo taga rito mga sir? 

Kilala niyo ba ang babaeng to? Hinarap ko sa kanya ang dala kong larawan ng heredera. Sa nakita ko sa kanyang mukha ay kilalang-kilala niya ito dahil sa kanyang pagka-bigla.

Ano po ang kailangan niyo sa kanya? 

Sa tanong mong yan manang mukhang tama ang nasa-isip ko kilala mo s'ya hindi ba? 

Oo nga tama ka salamat naman kong ganon'? Hindi na tayo mahihirapan pa sa paghahanap pa. Manang saan namin siya makikita?

Oo dito siya nakatira sa lugar namin pero hindi ko na alam kong nasaan siya ngayon.

Ano hindi mo alam? Paanong hindi? Diba kilala mo nga s'ya? Bakit dimo alam kong saan siya? Kami ba pinagluluko mo? 

Hindi ko gagawin yon sa inyo sir pero talagang wala na siya dito matagal na siyang umalis.

Sasabihin mo ba sa amin kong saan ang babaeng to? Oh papatayin kita? Mamili ka?

Diko na alam kong nasaan s'ya ngayon simula nong namatay ang lola niya hindi kona siya nakikita pa. Pero may  narinig ako dito sa amin nag tatrabaho na siya.

Saan?

Diko rin alam pero kong gusto n'yo malaman? Kausapin mo ang nakatira sa kabilang bahay na yan si Maris matalik po silang mag kaibigan ng babaeng hinahanap niyo.

Mabuti naman sige aalis na kami wag kang mag sumbong oh magsisigaw kundi papatayin talaga kita.

Opo sir, 

" Pagkatapos sabihin ng tindera ang pangalang Maris agad itong pumonta sa bahay na tinuro niya. Agad kumatok ang mga ito sa kabilang bahay tok tok tok.

Sino po sila? 

Ikaw ba si Maris? 

Oo ako nga ay gwapo naman bulong ko sa sarili ko kahit nagtataka dahil bago lang ang mga mukha nila sa lugar namin. Bakit niyo ako hinahanap? 

May kailangan kami sa'yo kaya sumama ka sa amin at ituro mo kong saan ang kaibigan mo.

Bakit naman? At sinong kaibigan? Wala na akong kaibigan matagal na s'yang wala.

Anong wala? Sige kunin niyo yan isakay niyo sa kotse.

Wag po ano ba bitawan niyo nga ako tulong tulongan niyo ako mga kapitbahay. 

" Wala ni isang tumolong kay Maris sa oras na yon dahil na rin sa takot may mga dala itong baril at mukhang mga armado pa. Kaya walang naglakas loob na tulongan siya hanggang sa magtagumpay nga sila sa pagkuha kay Maris.

Tumahimik ka ang ingay-ingay mo.

"Bigla nalang sinikmuraan ng isang lalaki ang dalaga dahilan para mawalan ito ng malay. Talagang gagawin nila ang lahat para lang mapatay ang nag iisang heredera kahit ang kaibigan man nito ay hindi pinalagpas. Lumipas pa ang dalawang araw nabigla nalang si Darwin dahil sa balita. Agad siyang bumalik sa bahay para ipaalam kay Dorothy ang nangyari sa kaibigan niya. 

Ma'am Dorothy ma'am pakibukas ng pinto. Bilisan niyo po may sasabihin ako sa inyo importante lang.

Oo ito na tayka lang naman bakit ba? Ma'am kanang ma'am? Diba sabi ko sa'yo wag mo nga akong tawaging ma'am? Ikaw rin ang nagsabi na mag-iingat tayo? Kaya ako dapat ang tatawag sa'yo nang sir.

Ok sorry bahala na kong ano paman ang itawag ko sa'yo oh itawag mo sa akin ang bahala malaman mo ito.

Ang alin?

Si Maris po.

Bakit anong nangyari kay gorang?

Ma'am wag ka sanang mabigla patay na po ang kaibigan niyo.

Ha? Ba-bakit? Wag ka namang magbiro ng gan'yan Darwin masama yan. Buhay yong tao tapos sasabihan mong patay na bawiin mo ang sinasabi mo magagalit talaga ako sa'yo.

Ma'am kahit bawiin ko pa hindi na rin mabalik ang buhay ng kaibigan mo.

So totoo talagang si Maris yon?, Hindi yan totoo wala namang kaaway yon eh kahit ganon yon mabait naman siya at ni isang kaaway wala yon.

Ma'am hindi naman kaaway n'ya pumatay kundi ang mga armado.

Ano? Ano ibig mong sabihin? 

Ma'am isa lang ibig sabihin non malapit na sa atin ang mga taong naghahanap sa inyo. 

Ha? Paano na tayo ngayon? Natatakot ako Darwin paano kung ako na ang isusunod nila? Ayaw ko pang mamatay noh lalo pa't virgin pa ako.

Pwede ba kalimutan mo muna ang bagay na yan. Ito po isipin niyo kaibigan mo siya 'di ba? At sabi ng lolo niyo ay nakalabas na si Javier? Kaya wag na tayong magtaka kong pinatay ang kaibigan niyo. 

Anong gagawin natin Darwin? Gusto kong makita ang kaibigan ko gusto ko makita ang labi n'ya. Ako nalang ang pamilya niya Darwin pariho na kaming ulila sa pamilya.

Ma'am hindi pwede baka kayo po ang mapahamak.

Pero hindi ako matatahimik Darwin sige na kahit ngayon lang. Gusto kong makita si gorang tulongan mo ako gusto ko makita si Maris. Please 'di ko mapapatawad ang sarili ko kapag hindi ko makita ang labi n'ya sa huling sandali. 

Sige ganito nalang po ma'am gagawa ako ng paraan pero kailangan wala pong makakaalam lalo na ang lolo n'yo. Dahil mahigpit pong pinagbabawal niya sa akin ang palabasin ka pag ganito na ang setwasyon. Alam mong delikado ito kasi nakilala kana nila ma'am hindi kana basta-basta makalabas ng bahay. 

Pakiusap Darwin gawan mo naman ng paraan para makita ko ang kaibigan ko. 

" Nag iiyak nalang sa bisig ni Darwin si Dorothy dahil sa balitang hatid ng binata. Kahit ano pa man ang gagawin ni Dorothy ay wala na siyang magawa dahil sa pag hahanting sa kanya nadamay ang nag-iisang kaibigan niya. 

FLASHBACK..

Anong gagawin n'yo sa akin? Bakit ako nandito? 

May napakapag sabi sa amin matalik mo daw na kaibigan ang isang heredera? 

Sinong heredera? Sa mukhang kong to? Makapag kaibigan ako ng isang heredera? Nag iisip ka ba? Mahirap lang ako kahit nga yang mayayaman d'yan hindi kami kayang pansinin? Isang heredera pa kaya?

Hindi yan ang sagot ng tanong ko? sumagot ka nang maayos pag tinatanong ka.

Hindi ko nga yan kilala sino ba kasi yan? Nagtatanong ka tapos nong sinasagot ka naman nanampal ka. Baliw ka pala e.

Ito ang larawan niya oh nakita muna siguro naman kilala mo ito?

Gorang??? 

Sinong gorang? 

Si gorang yan eh kaibigan ko paano naman naging heredera yan? Hahahaha nakakatawa naman kayo kilala ko yan mula pagkabata at alam ko lahat tungkol sa buhay niya. Tapos ngayon sasabihin niyo heredera siya? Naka drugs ata kayo e.

Sagutin mo nalang para hindi ka madamay. Saan namin siya matagpuan?

Hindi nga siya ang herederang hinahanap niyo, bitawan mo ako ano ba? 

Hahanapin ba namin siya kong hindi siya isang heredera? 

Malay ko sa inyo bakit ako ang tinatanong niyo kayo naman ang nagpakahirap para hanapin lang ang taong hindi naman tunay na heredera. 

" Kahit nagugulohan na si Maris hindi parin naman siya nagsasalita kong nasaan ang kaibigan. 

Ano ba ang gagawin natin dito? Baliw pala ito e hindi kaba natatakot sa amin?

Sino ba naman ang hindi matakot? Hindi ko kayo kilala tapos hinahanap niyo pa sa akin ang heredera. Mga adik pala kayo eh kong siya tinanong niyo? Oo kilalang-kilala ko yan kaibigan ko yan e pero di ko sasabihin kong nasaan s'ya. At kong hinahanap niyo naman ang heredera? Yon ang hindi ko kilala.

Sasabihin mo ba sa amin kong nasaan ang babaeng ito oh hindi?

Hindi nga bingi kaba? Gwapo ka sana kaso bingi lang sayang ka naman.

Papatayin ka namin kapag dimo sasabihin ang nalalaman mo. 

" Natahimik bigla si Maris dahil natakot narin ito baka tutuhanin nila ang banta sa kanya.

Ano hindi parin ba nagsasalita yan?

Wala eh ayaw niya talaga magsalita hindi daw ito ang herederang hinahanap natin? 

Kong ganon diyan ka naniniwala? Patayin niyo na nga lang yan para matapos na. Wala rin naman palang kwenta yan nagsasayang lang tayo ng oras dito.

Sir pwede naman siguro makahirit total papatayin naman yan eh.

Bahala kayo? Basta kailangan patayin niyo yan wala naman palang silbe yang nakuha niyo. Ano na ang sasabihin natin kay boss Javier? 

Anong magagawa namin eh ayaw niyang mag salita! 

Bahala kayo basta yong utos ko wag kayong tatanga-tanga, maliwanag?

Masusunod sir.

" Talagang tinutoo nila ang sinasabi kay Maris pero bago man iyon pinag-sawaan mona nila ang dalaga bago pinatay. Limang lalaki ang gumahasa ng paulit ulit kay Maris bago paman siya namatay. Hanggang sa tinapon nalang ang bangkay niya sa tabeng ilog para walang makakita. Lumipas ang ilang araw may nakapansin sa bangkay niya sa tabing ilog. Isang mangingisda hindi naman siya nagdadalawang isip agad siyang tumakbo sa baranggay nila upang ipaalam ang nakita niyang bangkay.

END OF FLASHBACK.. 

" Dumawa ng paraan si Darwin kong paano maka punta si Dorothy sa morgue kong nasaan ang kaibigan n'ya.

Ma'am kailangan don kayo dumaan sa likuran ng bahay sa kabilang banda ay hindi makuha ng CCTV.

Sige pero susunod ka ahh.

Oo wag kang magpahalata sa kilos mo baka makahalata ang mga tauhan ko. Alam mo namang hindi lang ako ang nag babantay sa'yo dito simula nong nalaman mo ang totoo.

Oo Darwin gagawin ko yan. 

" Pagkatapos lumabas ni Dorothy agad namang sumonod si Darwin sa kanya at salamat dahil hindi sila nakita ng ibang nagbabantay. Ilang sandali nakarating na sila sa morgue kong saan si Maris ang sabi kasi ililibing s'ya agad dahil walang pamilya kukuha sa bangkay niya. 

Ma'am andito na tayo halikana. 

Sige, pagpasok ko nakita ko agad ang puting tila alam ko sa ilalim non ay tao pero di ko iniisip na si gorang iyon. Dahan-dahan kong tinanggal ang kumot napalakas nalang ang iyak ko dahil totoo ngang si Maris ang taong naruon sa ilalim ng puting tila na yon.

Lakasan niyo ang loob mo ma'am mahirap na.

Gorangggg bakit?? Bakit mo ako iniwan? Bakit dimo ako hinintay gorang? Paano na ako ngayon? Alam mo namang ikaw nalang ang kaibigan ko eh tapos ng iwan ka pa.

Ma'am di tayo pwedeng magtagal dito. Sumaglit lang tayo sa loob dahil wala pang nagbabantay. Pasensya na pero kailangan na nating umalis dito.

Tayka lang Darwin saglit lang ayaw ko pang iwan ang kaibigan ko. 'di ko kaya ang nakita ko Darwin di ko kaya. 

Tama na po yan andito lang naman ako kong kailangan mo ng kausap. Wala akong magawa sa nararamdaman mong sakit ngayon I'm sorry.

Ano na ang gagawin sa kanya ngayon?

Ililibing din daw yan mamaya ma'am mabaho na ang katawan niya. Dalawang araw na kasi siya sa tabing ilog at nangangamoy na. 

I'm sorry gorang nadamay kapa tuloy sorry kong dahil sa akin namatay ka sorry. I'm sorry 'di ko nagawang iligtas ka I'm sorry gorang.

Ma'am tama na po yan kailangan na nating umalis.

" Walang nagawa si Dorothy kundi sumama nalang kay Darwin. Dahil kaligtasan lang naman niya ang iniisip ng binata. Pero simula nong paglabas nila ng morgue hanggang pagdating ng bahay ay hindi nagsasalita si Dorothy lagi nalang itong umiiyak sa kwarto.

Sayang gorang iniwan mo na ako alam nong nalaman ko mayaman pala ako? Subrang saya ko kasi mararanasan ko na ang magandang buhay. Pero 'di ko alam may kasama palang piligro. Alam mo ba gorang isasama sana kita sa Mansyon pag ok na ang lahat. Gusto ko kong anong meron sa akin ganon karin kasi nga parang mag kapatid na tayo pero hindi na mangyayari yon dahil wala kana iniwan muna ako.

To be Continued...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status