Share

Chapter 14

Title: The innocent girl

Genre: Comedy, Romance

Author: Lady-v 

Saan na tayo pupunta ngayon? Nakikita mo naman Darwin mag gagabi na. Pag-alalang tanong ni Dorothy kay Darwin.

Wag kang mag-alala hanap tayo ng matutuluyan natin. Hindi na muna tayo babalik doon mahirap na baka may kalaban pang umaaligid.

Bakit? 'di ba nga patay na yong humahabol sa atin?

Oo nga pero hindi tayo sigurado marami ang kalaban Dorothy hindi lang isa. Kaya kong ako sayo wag ka na maraming tanong nag-iisip ako.

Sorry ha kung naistorbo ko ang pag-iisip mo. Ano ba talaga plano mo? Bakit hindi pa tayo babalik? 

Gusto mo ba talagang mamatay? 

Ano ako baliw? Virgin pa nga ako eh tapos mamamatay na ako? Unfair naman yon.

Yun naman pala eh so tatahimik ka na susunod ka na sa akin. 

Yes sir.

Hindi ko ito plano Dorothy utos ito ng lolo mo. Kong wala kanang maraming tanong? Pwede sumakay kana para makaalis na tayo dito.

Sige wala naman akong magagawa utos mo yang.

" Sa unang sabak palang ni Dorothy sa laban halos mamatay na s'ya sa takot. Paano nalang kaya sa susunod na laban? Magiging ligtas parin ba kaya siya? Mapoprotektahan pa rin ba kaya ni Darwin ang heredera? 

Ok kalang? Tanong ni Darwin kay Dorothy habang nasa byahe napansin kasi n'yang tahimik lang ito.

Magiging sinungaling ako pagsasabihin kong oo. Aaminin ko subra akong natakot first time ko ito Darwin halos hihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko kanina. 

Sa bagay sa nangyari ba naman kanina talagang matatakot ka ngayon mo lang palang kasi naranasan ang ganon sa buhay mo. Diba?

Talagang kanina palang, kong sa labanan lang? May kaaranasan na ako pero yong kanina may barilan? Kahit hanggang ngayon Darwin nanginginig pa ang tuhod ko. Ikaw ba natakot karin ba kanina? 

Kinain na nang buong laman ko ang salitang takot Dorothy dahil sa trabaho ko araw-araw na akong napapalaban. Alam mo namang ang trabaho nang pulis.

Pasensya kana kong wala man lang akong naitulong sa'yo kanina pakiramdam ko tuloy pabigat lang ako sa'yo!

Totoo ba yan? Oh nagdrama kalang?

Darwin naman eh seryoso ako dito kaya wag ka mag umpisang magbiro.

Ok, wag mong sabihing pabigat kalang sa'kin. Dahil ikaw ang dahilan kong bakit ako nakipaglaban kanina. Trabaho ko ang iligtas ka dahil misyon ko yon kahit ano pagsubok ang dumating sa buhay mo? Kasama na ako don lagi na akong nakabuntot sa'yo. Kahit kailan 'di ko naisip na pabigat kalang sa akin. Sa totoo lang simula nong nakasama kita nagkakulay na ang mundo ko.

Bakit black and white lang ba ang buhay mo kay Donna noon? 

Ayan kana naman nag e-emote ako dito tapos ikaw naman mapanira ng moment. Akala ko ba seryoso ka? Kung alam mo lang ang ang nararamdaman ko para sa'yo. 

May sinasabi ka? Lakasan mo naman di'ko marinig ano nga ulit yon?

Wala wag mo nalang itanong.

'Di nga totoo ba ang sinasabi mo sa'kin ngayon? Baka nasabi mo lang yon dahil nasaktan ka n'ya. Nang napansin ni Dorothy di na umimik si Darwin agad n'yang binawi ang sinabi niya.

Ikaw na nga pinapatawa e nasabi ko lang naman yon para gumaan din ang pakiramdam mo. 

Ako ba talaga oh ikaw? 

Oo ako na ang takot alam mo naman yon. Kung may sakit lang ako sa puso? Siguro kanina inataki na ako. Huminto nalang si Darwin sa pagmamaniho at hinarap si Dorothy.

Bakit? May nasabi na naman ba akong mali?

Wag kanang mag-alala andito naman ako lagi mo akong kasama. Lagi kang ligtas kapag ako ang kasama mo senyorita.

Talaga? Hindi mo ako iiwan?

Oo nga salamat din dahil sa'yo kaya ko nang ngumiti ng ganito. Simula nong dumating ka sa buhay ko nagbago na ako hindi na ako yong Darwin na tahimik at lalo hindi palakaibigan. 

Bakit ngayon ano kana pala?

Baliw na ako ng dahil sa'yo.

Para kang tanga d'yan, ang sabihin mo nalagay sa kapahamakan ang buhay mo dahil sa isang herederang wala namang alam. 

Hindi kaya, 

Ganon yon, binubula mo lang ako e.

Sabing hindi ganon eh. Biglang lumapit si Darwin kay Dorothy. Sasagot pa sana si Dorothy kaso sinunggaban na n'ya nang halik ang mga labi nito. Matagal ang pag hahalikan ng dalawa talagang ninamnam nila ang bawat halikan nila. Dahan-dahan ng gumalaw ang mga kamay ni Darwin sa katawan ni Dorothy. Kaso biglang tumigil at lumayo si Dorothy kay Darwin. 

Bakit? Ayaw mo ba?

Wala lang, wag kang mag alala gusto ko yon nasa sasakyan lang kasi tayo. Ang hirap kaya kapag nakaupo lang pwede naman sa malambot na kama 'di ba? Nagtatawanan nalang silang dalawa dahil sa sinasabi ni Dorothy.

Puro ka kalukuhan, alis na nga lang tayo pinaandar ko na ang kotse at umpisa na naman ang aming pag lalakbay. 

Galit ka? Tanong ni Dorothy kay Darwin dahil natahimik ito habang nakatingin sa kalsada.

Hindi, bakit naman ako magagalit? Nirespito kita kaya ok lang yon. 

So galit ka nga. 

Hindi nga pasensya kana pala!

Saan? 

Don sa halik hindi kona kasi napigilan ang sarili ko. Para bang may nag utos sa'kin na halikan ka.

Ok lang dina tayo mga bata noh. Alam mo first kiss ko yon. I mean ikaw ang first kiss ko.

Talaga? Totoo ba yan?

Oo kahit ganito ako may pagka lukaluka hindi naman ako kaladkaring babae noh. 

Wala akong sinasabing ganyan,

Mabuti ng sasabihin ko na agad kaysa naman ano pa iisipin mo? Oh 'di ba? 

Hindi ako ganon.

" Mahaba-haba pa ang paglalakbay nila dahil hindi pa sila nakarating sa lugar na may mga bahay. Hanggang sa naabutan nalang sila ng gabi sa daan at nakatulog na si Dorothy sa byahe.

Nakatulog na pala s'ya tayka lang ayusin ko mo na s'ya mukhang nahirapan sa position n'ya. Binaba ko kaunte ang sandalan ng upoan at hinubad ko ang jacket para gawing n'yang kumot. Dahil malamig na ang gabi. Ikaw lang talaga ang babaeng nakagawa sa'kin ng ganito. Ano bang meron sa'yo? Anong meron ka ng wala sa iba? Bakit hindi ka mahirap mahalin? Kahit may pagka abnormal ka. Kong di kalang talaga isang heredera siguro pinakasalan na kita. Nabigla nalang si Darwin dahil biglang gumalaw si Dorothy at nakaharap na ito sa kanya. 

Ito na naman s'ya ang hininga n'yang nakakabaliw pag naamoy ko talaga ito nadadarang agad ako. Bakit ba? Ano ang meron sa mga labing yan? Bakit nakakaadik halikan? Kahit isang beses ko pa lang natikman yan? Pero hinahanap hanap kona. Muling namang hinalikan ni Darwin ang mga labi ni Dorothy pero sandali lang ito at bumalik narin s'ya sa manobela. Upang ipagpatuloy ang paghahanap ng matuloyan nila. Talagang gusto ng pakawalan ni Darwin ang nararamdaman n'ya para sa dalagang may pagka-abnormal dahil sa ugali n'yang walang kadelikadisa. Lumipas pa ang mga oras may na pansin si Darwin may mga bahay kaya mas minadali pa n'ya ang pagmaniho. Nang makarating na sila ay agad sila naghanap ng hotel para don manuluyan. Pero nalibot na n'ya ang lugar na iyon wala talaga s'yang makitang hotel at muli namang nagising ang dalaga. 

Darwin asan na tayo? 

'Di ko alam san ito. Pero wag kang mag alala naghahanap na ako ng matuloyan natin.

May nakita ka naba? 

Wala pa e wala namang hotel dito.

Bakit ka naghahanap ng hotel? Pwede naman yong bahay kahit maliit lang. 

Tulad ng ano?

May tawag yon e. Pariho din yon sa hotel. Kung saan nag pupunta ang mag jowa. Tama ba? May pangalan yon e. Alam mo ba? 

Inn ba tinutukoy mo o lodge? Nag pupunta din kasi ang mag jowa sa mga gan'yang lugar. 

Oo yon nga ang pangalan lodge.

Ok lang ba sa'yo? Pupunta tayong dalawa.

Bakit hindi? Isa pa di porket isa akong heredera hindi naman ibig sabihin non magbabago na ako. Ako parin to si Dorothy Sebastian na walang pakialam sa mga tao basta makakain lang at makahanap ng gwapo di parin nag babago yon.

Dapat talaga isali ang gwapo?

Naman? Ganon talaga alangan namang panget? Ang panget ko na nga mag hahanap pa ako ng panget? Ano nalang kaya ang mukha ng anak namin?

Ibang klase ka talaga kahit kailan walang prino yang bibig mo pag magsalita. 

Oh bakit totoo naman ahh.

Halikana nga bumaba na tayo mag hanap tayo baka may Inn dito. Tao po, maari po bang mag tanong?

Pwede ijo ano yon? 

May alam mo ba kayong kwarto pinapaupahan dito? Yong kada oras may bayad.

Wala yan dito ijo pero kung bahay ang hanap n'yo? Meron doon yon sa kabilang bahay.

Ok salamat po tutuloy na po kami don manang.

Walang ano man ijo sige puntahan niyo lang doon. 

Tara don tayo. Nagtaka nalang si Dorothy dahil hinawakan ang kamay n'ya ni Darwin. Kahit alam naman niya na iniingatan lang siya ng binata dahil isa siyang heredera. Di parin mawala sa isip n'yang walang impossibleng magka gusto din ito sa kanya. Hanggang sa may nakita na silang bahay maliit lang ito at isang kwarto lang din ang bakante.

Dito na tayo? Pwede po mag tanong? May pinapaupahan kayo ditong kwarto kahit dalawa tao lang?

Oo meron pero isang kwarto nalang ang bakante. Agad namang pumayag si Darwin para makapag pahinga na ang heredera. 

Dorothy ok lang sayo ang ganitong kwarto?

Ok lang sa'kin kahit ganito kaliit na kwarto basta wag lang ganito kaliit ang sa'yo. 

Ha? 

Wala sabi ko ok na ako dito.

Ok tara na pasok kana bibili lang mo na ako ng pagkain natin. May kainan doon  bibili nalang ako para dito na tayo kakain.

Pano yong damit natin? 

Maghahanap ako dito siguro naman may nag bibinta rin kahit ukay-ukay lang. 

Ok lang sa'kin pero paano ka? 

Ok lang sa akin di naman ako maarti alis na ako para makakain na tayo. Ilang sandali bumalik na si Darwin may dalang pagkain at may mga damit din. 

Dito na ako pakibukas nalang ng pinto.

Sige salamat naman at may mga damit tayo.

Oo naghanap talaga ako para may pangpalit tayo. 

Oo nga mahirap na baka mangangamoy.

Tumigil kana nga lang tayka lang ihanda ko muna tong pagkain natin. Agad namang umiiwas si Darwin dahil mamahiya lang siya kung saan naman mapupunta ang usapan nila. Makalipas ang isang oras natapos na silang kumain at nakapag ligpit na rin sila ng kinakainan nila. Natapos na rin sila maligo at naghanda na lang sila para matulog.

Darwin ok lang sa'yo? 

Ang alin?

Ang mag katabi tayo? Ang liit ng higaan natin.

Ok lang ako dito sa sahig alangan naman dalawa tayo d'yan. Hindi naman tayo mag-kakasya. 

Ok lang sa'yo diyan ka sa sahig?

Oo ok lang ako ikaw dapat ang mahiga diyan. Alangan naman ako ang nasa kama tapos ikaw yung nasa sahig? 

Talaga? Ok lang sa'yo?

Oo naman sige na pahinga kana. Nag pahinga na nga ang dalawa si Darwin ay nasa sahig si Dorothy naman ay nasa maliit na kama. Pero hindi makatulog si Dorothy dahil naiinitan ito at umpisa ng mag huhubad hindi naman talaga s'ya makatulog ng hindi nakahubad. Mapapansin naman siya ni Darwin na hindi makatulog.

Dika makatulog? 

Hindi eh ang init.

Pagbangon ko para tingnan siya na bigla nalang ako dahil naka panty at bra nalang ito at wala pang kumot. Nako Dorothy wag mo naman akong ilapit sa tukso. Baka di ako makapag pigil ngayon mabasag ko na talaga yang pakwan mo. Tanging bulong ng isip ko pero di parin ako nagpapatalo sa isip ko bumangon ako at kinumotan s'ya. Kumoha nalang ako nag pamaypay para hindi na siya maiinitan pa.

Wag mo kasi akong kumotan Darwin ang init eh.

Dapat talaga naka gan'yan ka? Lalaki kaya kasama mo pwede ba itago mo naman yan.

Bakit ba? Ano ba problema mo sa katawan ko? 

Papaypayan nalang kita basta itago mo lang yan. 

Ayaw ko nga pwede ka namang mag paypay d'yan kahit gan'yan yan.

Dorothy please naman oh wag mo naman akong ilapit sa tukso. Alam mo namang lalaki ako mahina ang laban namin pagdating diyan.

Iwan ko sa'yo itulog mo nalang yan sasakit lang puson mo dyan. 

Ang tigas naman talaga ng ulo nito. Pag ako hindi makapag pigil Dorothy wag mo talaga akong sisihin. Ilang sandali pa pinag papawisan na ng tudo si Darwin halos hindi na siya titingin kay Dorothy dahil magtitigas lang ang alaga niya dito. Ang ginawa n'ya ay lumabas nalang siya para don mag pahangin. 

Oohh pambihira parang mapalaban ako dito sa babaeng to. Walang delikadesa sa sarili wala pang pakialam kong lalaki ba ang kasama niya. Hndi talaga ako makapasok sa loob diko talaga alam kong mapipigilan ko pa ang sarili ko. Kong ako lang masusunod? Matagal ko ng ginawa ang gusto ng puso ko kaso ayaw ko naman magalit sa'kin si sir Lance. Ang laki ng tiwala n'ya sa'kin kaya diko yon sayangin. Dito nalang mona ako sa kotse matutulog para makaiwas ako sa tukso.

" Kay bait ni Darwin kahit palay na ang lumalapit at kahit nahawakan at nakita na ng dalawang mata n'ya. Hindi parin s'ya nagpapatalo sa tukso nangingibaw parin ang kanyang pagka maginoo lumabas s'ya para doon sa kotse matulog. Pero naabutan nalang s'ya ng hating gabi nadilat parin ang mga mata. Hindi maiwasang pumasok sa isip n'ya ang nakita kanina. Pero dahil mabait s'ya? Minabuti nalang n'yang lumabas at para narin magbantay sa kanilang kaligtasan.

To be continued.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status