Share

CHAPTER 3

Skyler's Pov

“Sky What do you think? Bagay ba sa akin itong sapatos na ito?” tanong ni Alex sa akin habang inangat ang kulay puting sapatos na Air Jordan ang tatak.

“Oo naman mahal na prinsipe bagay na bagay” magiliw kong sagot

“Ok I'll get this then” sabi niya sabay abot ng sapatos doon sa sales lady na kanina pa malagkit ang tingin sa kaniya.

Sino ba naman ang hindi mapapatitig sa kaniya eh halos nasa kaniya na ang lahat at isa pa siyang prinsipe kaya naman agaw pansin talaga siya dito sa loob ng mall pero ayaw nilang lumapit dahil masama magalit si prince Alex at ayaw ko siyang nakikitang galit dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.

“How about you Sky wala ka bang gustong bilhin dito? sagot ko na” sambit niya sa akin

“Eh hindi naman ako mahilig sa mga sapatos eh” sabi ko at di ko naiwasang  inguso ang labi ko nakita ko naman na napatitig siya sa mga labi ko kaya agad ko itong tinakpan.

“Bakit ganiyan ka makatingin sa mga labi ko?” tanong ko at bigla naman siyang umiwas ng tingin.

“No-nothing” utal na sagot nito

“Uhm excuse me mahal na prinsipe ito na po yung sapatos na binili niyo” pagsingit ng sales lady sabay abot ng paper bag, hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako kasi ang landi nitong sales lady na to at ito namang lalaki na to eh parang wala lang sa kaniya.

“Thankyou miss beautiful” tila naman parang kiti kiti si ate dahil sa sinabi nitong lalaking to.

Umalis na ako sa store na yun dahil baka hindi ako makapag pigil ay masabunutan ko silang dalawa. 

“Sky wait!” rinig kong sigaw ni prince Alex pero hindi ko ito pinansin.

Ilang saglit lang ay naabutan niya na ako at tumigil naman kami sa paglalakad.

“Sky ano ba? Bakit bigla kang nang iiwan?” tanong ni prince Alex ng maabutan niya ako.

“Eh mukhang busy ka pa kasi doon makipag landian” sarcastic na sabi ko sa kaniya.

“Bakit nagseselos ka ba?” nabigla ako sa sinabi niya at kitang kita ko sa mukha niya ang malaking ngisi na binibigay niya sa akin.

Ganon na ba ako ka-obvious? Masiyado na bang nahahalata yung nararamdaman ko?

“Ha? Eh siyempre hindi no! At bakit naman ako magseselos? Naiihi lang ako kaya ako lumabas oo yun nga" taranta kong sabi sa kaniya

“Wow! Masiyado ka namang defensive haha pero wag ka ng magselos dun mas maganda ka naman doon eh” bigla naman akong namula sa sinabi nito sa akin.

“Si-siraulo!” sabi ko at nakita ko naman na tumawa siya dahil sa naging reaksyon ko.

“Joke lang hindi ka naman mabiro” sabi niya sabay akbay sa akin at naglakad na ulit kami.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko ng maglapit ang aming mga katawan dahil sa ginawa niyang pag-akbay sa akin, medyo naiilang naman ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao rito.

“Pi-prince Alex pinagtitinginan na tayo ng mga tao” sabi ko at pilit na inaalis ang pagkaka-akbay niya sa akin ngunit mas malakas siya sa akin kaya di ko ito nagawa.

“Hayaan mo lang sila Sky wag lang nila tayo guguluhin” seryoso nitong sabi kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Ilang saglit na paglalakad ay nagtaka ako dahil huminto kami sa store ng mga bulaklak.

“May kailangan ka bang bilhin dito prince Alex?” takang tanong ko sa kaniya pero ngiti lang ang sinukli nito sa akin sabay hila papasok ng store.

“Ako wala pero ikaw alam kong mahilig ka sa mga bulaklak kaya sige na kunin mo ang lahat ng gusto mo sagot ko na” nakangiti niyang sabi sa akin na labis ko naman ikinatuwa.

“Totoo ba ito prince Alex?” tanong ko sa kaniya

“Yes Sky kaya ano pang hinihintay mo? Pumili ka na ng mga bulaklak” sagot nito sa akin at hindi ko naman napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya ng mahigpit dahil sa labis na kasiyahan.

“Salamat prince Alex sobrang saya ko!” masaya kong wika sa kaniya habang nakayakap.

“I see, kaya siguro napayakap ka sa akin bigla eh” agad naman akong napabitaw at yumuko dahil sa hiya.

“So-sorry prince Alex masaya lang talaga ako” wika ko habang nakayuko, naramdaman ko naman na hinawakan niya ang baba ko at unti unti itong inangat dahilan para magtama ang aming mga mata.

“You don't need to say sorry Sky masaya nga ako kasi nakikita kong masaya ka rin” sabi niya at namula naman ang mukha ko dahil doon.

Napansin kong pinagtitinginan na kami ng mga sales lady at iba pang tao na narito kaya agad akong umayos ng tayo.

“Ah-eh sige prince Alex pipili na ako ng mga bulaklak” wika ko at agad na umalis upang tingnan kung ano bang magandang bulaklak ang magandang bilihin.

Lumipas ang kalahating oras at natapos na rin ako sa pagpili na mga bulaklak at heto kami ngayon ni prince Alex naglalakad papunta sa sasakyan niya.

Nakakatuwang makita yung mga tao dito sa loob ng mall na kahit ano pang ginagawa nila kapag makikita nila si prince Alex ay yumuyuko sila bilang paggalang.

Nakarating agad kami sa sasakyan ni prince Alex kaya agad naming nilagay ang mga pinamili namin sa likod ng kotse at nang makasakay kami rito ay pinaandar niya agad ito.

6pm na ng gabi at pauwi pa lamang kami dahil nasayahan kami sa pamimili ng kung anu-ano sa loob ng mall.

“Sky sumama ka pala sa akin bukas maglalaro kami ng basketball ng mga kaibigan ko” sabi nito habang naka-focus pa rin sa pagda-drive

“Akala ko ba ayaw mo akong kasama kapag nag ba-basketball kayo ng mga kaibigan mo?” takang tanong ko dahil hindi niya talaga ako pinapasama kapag naglalaro sila ng mga kaibigan niya hindi ko naman alam kung bakit.

“Gusto kitang isama bukas para makilala mo naman ang mga kaibigan ko at hindi ka laging nasa palasyo” seryosong sagot nito at tumango naman ako bilang pagsang-ayon

Nagtataka siguro kayo kung bakit wala man lang tinutulong si prince Alex sa palasyo, sinusulit na kasi niya ngayon ang mga panahon na pwede pa niyang gawin ang mga gusto niya dahil sa oras na mag 21 yrs. Old siya ay tutulong na siya sa ama niya sa pagtataguyod ng kaharian ng Monte Verde.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status