Alexander's Pov
Isang buwan ang nakalipas at ito pa rin ako na parang balisa at hindi makapaniwala sa lahat ng pinagdaanan ko.
Gusto kong magalit kay Sky pero hindi kaya ng puso ko, maalala ko pa lang ang itsura niya at yung mga panahong masaya pa kaming magkasama ay nawawala na agad ang galit ko sa kaniya.
Sa loob ng isang buwan ay palagi kong tinatanong sa sarili ko kung ano bang pagkukulang ko at bakit niya ako nagawang iwanan ng ganun ganun na lang.
Sobrang sakit at wala akong ginawa tuwing gabi kundi ang uminom ng alak kasama ang mga kaibigan ko maliban kay Claude.
Isa pa sa iniisip ko ay kung bakit hindi pa nagpapakita sa amin si Claude, kapag inaaya namin ito ay palagi niyang sinasabi na may mahalaga siyang ginagawa kaya hindi siya makakapunta.
Kahit wala si Sky sa tabi ko ay hindi ako sumuko dahil naniniwala ako na isang araw ay babalik din siya sa ak
Alexander's Pov“Totoo ba ang lahat ng ito Thyra?” di makapaniwalang tanong ni Ina sa kaniya.“H-hindi po, niloloko lang tayo ng baklang yan!” sagot nito sa Reyna.“Kung hindi kayo naniniwala meron pa kaming ipapakita sa inyo” biglang sabat ni Claude at may bitbit siyang laptop.May kinuha siya sa kaniyang bulsa na isang flash drive at sinalpak ito sa kaniyang laptop, lumapit siya sa amin at may video siyang ipinanood sa aming lahat.Ito ay kuha ng aming CCTV dito sa palasyo, bakit hindi ko rin naisipan na tingnan man lang ang CCTV namin dati? Masiyado akong nagalit kay Sky noon kaya nawala na sa isip ko ang bagay na iyon.Ito ay kuha mula sa labas ng silid ng aking mga magulang, madaling araw na ito base sa oras na nakalagay dito, maya-maya ay dumating si Thyra at maingat na naglalakad patungo sa silid ng aking mga magulan
Skyler's PovDati nangarap lang ako na sana ay mayroong isang lalaki ang magkagusto sa isang tulad ko, alam ko kasing napakahirap maghanap ngayon ng isang taong mamahalin ka ng totoo.Hanggang sa makilala ko si Alex at nagbago ang pangarap ko, simula ng makita ko si prince Alex noon ay naging pangarap ko na sana ay mahalin niya ako dahil minahal ko na siya simula pa lang ng una.Sobrang saya ko kasi dumating ang isang araw na natupad ang pangarap ko at masasabi ko na iyon na ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko at wala ng hihigit pa doon pero nagkamali ako.Ngayon ay nandito ako sa kotse nila Alex pero ako lang mag-isa dito at yung driver nila.Patungo kami ngayon sa simbahan dahil ngayong araw na ang kasal namin ni Alex pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, hindi minsan sumagi sa iisip ko na magpapakasal kami ni Alex.Hindi le
Skyler's PovNarito kami ngayon sa aming silid ni Alex at gabi na ngayon, talaga namang napagod kami sa pagka-usap sa mga bisita namin kanina sa kasal.Sobrang haba na ng oras na lumipas ang aming kasal pero sa tuwing titingnan ko ang aking singsing na binigay niya sa akin ay tila ba hindi pa rin ako makapaniwala.Kakatapos ko lang maligo at nakaupo ako ngayon sa aming kama dahil hinihintay ko pa si Alex na matapos maligo, dito lang namin naisipan ni Alex na mag honeymoon dahil sabi naman niya sa akin ang mahalaga ay maangkin niya ako.Kahit na ginawa na namin to dati ay kinakabahan pa rin ako dahil matagal na nang huling pumasok sa kweba ko ang alaga niya pero masaya ako dahil siya lang ang lalaking gumagalaw sa akin.Unti-unting bumukas ang pinto at iniluwa nito si Alex na naka topless lang at tanging tuwalyang nakapulupot lang sa kaniyang ibaba ang suot niya.
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.I DO NOT CLAIM THE PICTURES IN MY STORY AS MY OWN. ALL CREDIT GOES TO THE RIGHTFUL OWNER/ PHOTOGRAPHER***Una sa lahat BL story po ito so meaning lalaki sa lalaki ang kwento na ito kaya kung makitid ang utak mo at hindi mo gusto ang mga ganitong uri ng kwento ay pwede na po muna kayo umalis dito at maghanap ng kwentong babagay sa panlasa ninyo.Malikot po ang aking imahinasyon kaya sa mga iilang kabanata nito ay maaaring maglaman ng maseselang pangyayari na alam kong gustong gusto ng iba sa inyo charot haha.Ito po ay pang-apat na kwentong ginawa ko na kaya sana ay suportahan niyo rin po ito katulad ng pagsuporta ninyo sa mga nauna kong kwento.Gagawin ko
Skyler's PovDi ko talaga maitatanggi na napakalawak ng nasasakupan ng kaharian ng Monte Verde, mula rito sa tuktok ng palasyo ay makikita mo ang buong kaharian at ang iba't ibang klase ng tao.Nariyan ang mga mahihirap na pamilya kung saan makikita mo na talagang nagsusumikap at naghihirap sila sa kanilang mga trabaho upang may pangkain sila sa araw-arawMayroon ding mga taong nasa gitna lamang ang level ng antas ng kanilang pamumuhay, hindi sila mayayaman ngunit hindi rin sila mahihirap at masasabi ko na mas maswerte sila kesa doon sa mga mahihirap na naninirahan dito sa kaharian.At ang mga taong pinakamayaman at may kapangyarihan dito sa kaharian ay ang Hari, Reyna at ang Prinsipe.Ang ganda talaga ng tanawin dito sa tuktok ng palasyo kaya naman ay madalas akong nagpupunta rito lalo na kapag ako ay malungkot o nangungulila sa mga namatay kong magulang na isa ring reyna at har
Skyler's PovNarito kami ngayon ni prince Alex sa kaniyang malaking silid at hinihintay ko pa siyang matapos maligo, nakabihis na ako ng aking simpleng kasuotan na isang puting long sleeve at itim na pantalon na sumakto naman sa katawan ko.Malawak ang silid ni prince Alex at maganda ang pagkakaayos at malinis ito dahil ako ang nagpapanatili na maging malinis ito sa paningin niya.Lumakad ako papunta sa veranda nitong silid na ito sa tabi ng kaniyang malaking kama, pinatong ko ang kamay ko sa bakal na harang dito at dumungaw sa baba upang makita ko ang magandang tanawin ng hardin.Bukod sa tuktok ng palasyo ay paborito ko ring puntahan ang hardin dahil hilig kong alagaan at diligan ang mga bulaklak rito, hindi naman ako pinigilan ni prince Alex at mabuti pa nga raw iyon ng may pagka-abalahan ako tuwing kailangan niyang umalis mag-isa at hindi ako kasama.“Narito ka na pala Sky” nap
Skyler's Pov“Sky What do you think? Bagay ba sa akin itong sapatos na ito?” tanong ni Alex sa akin habang inangat ang kulay puting sapatos na Air Jordan ang tatak.“Oo naman mahal na prinsipe bagay na bagay” magiliw kong sagot“Ok I'll get this then” sabi niya sabay abot ng sapatos doon sa sales lady na kanina pa malagkit ang tingin sa kaniya.Sino ba naman ang hindi mapapatitig sa kaniya eh halos nasa kaniya na ang lahat at isa pa siyang prinsipe kaya naman agaw pansin talaga siya dito sa loob ng mall pero ayaw nilang lumapit dahil masama magalit si prince Alex at ayaw ko siyang nakikitang galit dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.“How about you Sky wala ka bang gustong bilhin dito? sagot ko na” sambit niya sa akin“Eh hindi naman ako mahilig sa mga sapatos eh” sabi ko at di ko naiwasang&nbs
Skyler's PovNarito ako ngayon sa loob ng kusina dahil ipaghahanda ko si prince Alex ng kaniyang umagahan bago siya maglaro ng basketball kasama ng mga kaibigan niya.Sandwich lang ang gagawin ko dahil ayaw ni prince Alex ng heavy meal tuwing umaga at isa pa maglalaro siya ng basketball, kinuha ko na sa ref ang mga ingredients na kakailanganin ko at nagsimula ng magluto.“Magandang umaga Skyler” bati ni Manang Linda sa gilid ko. Si manang linda ang pinaka head ng mga kasambahay dito sa palasyo at mga bata pa kami ay narito na siya.“Magandang umaga rin po Manang” sagot ko habang piniprito ang mga bacon“Tulungan na kita jan Skyler” alok ni manang Linda sa akin“Ay wag na po manang kaya ko na ho ito at isa pa alam niyo naman po na ayaw ni prince Alex” sagot ko rito at inayos ko na ang sandwich