Alexander's Pov
“Saan ba talaga tayo pupunta Alex?” rinig kong tanong nitong katabi ko
“Malalaman mo rin kapag dumating na tayo doon” sagot ko.
Narito kami ngayon ni Sky sa loob ng aking mamahaling sasakyan dahil niyaya ko siya ngayong ala-una ng hapon na pumunta sa isang lugar na hindi niya pa napupuntahan.
Sana ay magustuhan niya ang lugar na pupuntahan namin dahil labis rin akong natutuwa kapag nakikita ko siyang nakangiti.
“Malayo pa ba tayo prince Alex?” tanong muli nito sa akin.
“Malapit na tayo at ilang ulit ko ba dapat sabihin sayo na wag mo ako tawaging prince Alex kapag tayo lang dalawa?” seryoso kong sagot rito habang naka-focus sa pagda-drive at napayuko naman siya dahil sa sinabi ko.
“Pa-patawad Alex hindi na mauulit” wika nito habang nakayuko.
“Isa pa yan! Wag mong iyuko ang mukha mo kapag kausap kita dahil gusto kong nakikita ang maganda mong mukha” sambit ko.
Napansin ko naman na parang bigla siyang namula dahil sa sinabi ko.
“Oy namumula siya kinilig ka no?” nakangisi kong sabi rito.
“a-ako kinilig? Hindi no ang init lang dito sa sasakyan” utal na sagot nito sa akin.
“Mainit? Nakabukas naman yung aircon ah” patuloy na pang-aasar ko rito.
“Ah basta wag ka na magtanong Alex” wika nito na ikinatawa ko.
Nagfocus na ako sa pagmamaneho at ilang saglit pa ay nakarating na kami sa destinasyon namin.
“Dito na ba yun Alex?” tanong nito at sinisilip ang lugar sa labas
“Yes pero may gusto akong ipakita sayo na mas maganda” sabi ko
“Ha ano naman yun?” takang tanong nito sa akin
“Blindfold first” wika ko sabay pakita sa kaniya ng panyo.
“Kailangan pa ba yan?” tanong niya.
“Oo naman para surprise” sagot ko at iniligay ko na sa kaniya yung blindfold
Nang malagay ko na sa kaniya ang blindfold ay nauna akong lumabas at tsaka ko siya inalalayan papunta doon sa magandang lugar na gusto kong ipakita sa kaniya.
“Narito na tayo” sabi ko at inalis ko na sa kaniya ang suot niyang blindfold
“Wow ang ganda!” manghang sabi nito ng makita niya ang lugar na pinagdalhan ko sa kaniya, narito kami ngayon sa isang bukid kung saan napakaraming tanim na mga halaman at bulaklak.
Dito ko siya naisip na dalhin dahil hilig niya ang mga bulaklak at tama nga ako dahil nakita ko naman siyang masaya.
“Salamat Alex!” wika nito at nagulat ako ng bigla niya akong niyakap, tumugon naman ako sa yakap niya.
“Walang anuman Sky, masaya rin ako dahil nagustuhan mo yung surpresa ko sayo” seryoso kong sagot rito
Naramdaman ko naman na bigla siyang kumalas sa yakap naming dalawa.
“Pero bakit mo to ginawa?” tanong niya na nagpatigil sa akin.
Bakit nga ba? Ang alam ko lang naman sa ngayon ay gusto ko siyang nakikitang masaya dahil iyon din ang nakakapagpasaya sa akin.
“Ah-siyempre ikaw yung best friend ko kaya gusto kitang nakikitang masaya” pilit na sagot ko.
Parang bigla naman nag-iba ang itsura niya dahil sa sinabi ko, nalungkot ba siya? Eeeh bahala na nga, di ko na ito pinansin pa at sabay naming pinagmasdan ang magandang tanawin.
“Ang ganda ng mga bulaklak rito” wika nito at napatitig naman ako sa kaniya.
“Sobrang ganda” wika ko habang nakatingin sa mukha niya
Lumipas ang ilang oras at di namin namalayan na malapit na palang sumapit ang dilim kaya napagpasiyahan na naming umuwi.
Skyler's Pov
Magdidilim na nang makarating kami sa loob ng palasyo at may napansin akong isang lalaki na nag-aayos ng bulaklak na nakalagay doon sa flower vase.
“A-ash?” tanong ko rito
Napalingon naman ito agad at tama nga ako si Ash nga.
“Skyler?” gulat na sagot nito at tumakbo papalapit sa akin, akmang yayakapin na sana niya ako ng biglang humarang si Alex.
“Hey who are you?” nakakunot ang mga noo na tanong ni Alex sa kaniya.
“Alex siya si ash kaibig-” naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita
“Stop, siya ang tinatanong ko hindi ikaw” seryoso nitong sagot sa akin.
“Sorry po mahal na prinsipe pero ako po si Ash anak po ni manang Linda at kaibigan ko po si Skyler” paliwanag ni Ash at yumuko.
“Kaibigan? Since when?” takang tanong nito sa akin.
“Matagal na prince Alex nagkakausap kami kapag pumupunta ako sa kusina” sagot ko rito, nagulat naman ako ng bigla niya akong hinila paakyat papunta sa kaniyang silid.
Nang makapasok kami roon ay agad niyang sinarado ang pinto at humarap sa akin.
“Bakit ka nakikipag-usap sa lalaking yon?” seryoso nitong tanong sa akin
“Kaibigan ko siya Alex at isa pa wala namang masama doon” sagot ko
“Walang masama? Eh mukhang may gusto nga sayo yung lalaking yon!” nagulat naman ako sa sinabi nito
“May gusto? Paano mo naman nasabi?” tanong ko
“Lalaki ako Sky alam ko yan! Nakikita mo ba kung paano siya tumingin sayo?” gigil na saad nito
“Bakit ka ba nagkakaganiyan Alex? Wala namang ginagawang masama yung tao sa akin”pagsagot ko rito.
“Basta, don't talk to him again!” utos nito
“Hindi pwede yun prince Alex!” wika ko
“Anong sabi mo?” takang tanong niya
“Ang sabi ko hindi pwede yun Prin-” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong halikan.
Oo, hinalikan niya ako!! Hindi naman ako nakagalaw agad dahil sa pagkabigla.
“Sabi ko sayo don't call me prince kapag tayo lang dalawa or else i will kiss you” nakangising sagot nito sa akin.
“Bastos!” sabi ko sa kaniya at dali daling lumabas ng kaniyang silid, narinig ko pa siyang tumawa bago ako makalabas.
Pumasok agad ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Hinalikan niya ba talaga ako? Bakit niya ginawa yon?
Ang sarap ng mga labi niya at parang gusto ko pa, ay ano ba yang mga iniisip ko? Kakabwiset yong lalaking yon sino siya sa tingin niya para nakawan ako ng halik? At isa pa first kiss ko yun!
Di ako mapakali sa silid ko at nagpagulong gulong lang ako sa kama ko, bakit mo ba kasi ginawa yun Alex?
Di pa rin matigil ang sayang nararamdam ng puso ko dahil sa ginawa niya. Oo gusto ko siya pero di ko naman inaasahan na hahalikan niya ako may gusto rin ba siya sa akin?
Hays ano ba yan pinapagulo mo ang utak ko!
Skyler's PovNarito kami ngayon sa aming silid ni Alex at gabi na ngayon, talaga namang napagod kami sa pagka-usap sa mga bisita namin kanina sa kasal.Sobrang haba na ng oras na lumipas ang aming kasal pero sa tuwing titingnan ko ang aking singsing na binigay niya sa akin ay tila ba hindi pa rin ako makapaniwala.Kakatapos ko lang maligo at nakaupo ako ngayon sa aming kama dahil hinihintay ko pa si Alex na matapos maligo, dito lang namin naisipan ni Alex na mag honeymoon dahil sabi naman niya sa akin ang mahalaga ay maangkin niya ako.Kahit na ginawa na namin to dati ay kinakabahan pa rin ako dahil matagal na nang huling pumasok sa kweba ko ang alaga niya pero masaya ako dahil siya lang ang lalaking gumagalaw sa akin.Unti-unting bumukas ang pinto at iniluwa nito si Alex na naka topless lang at tanging tuwalyang nakapulupot lang sa kaniyang ibaba ang suot niya.
Skyler's PovDati nangarap lang ako na sana ay mayroong isang lalaki ang magkagusto sa isang tulad ko, alam ko kasing napakahirap maghanap ngayon ng isang taong mamahalin ka ng totoo.Hanggang sa makilala ko si Alex at nagbago ang pangarap ko, simula ng makita ko si prince Alex noon ay naging pangarap ko na sana ay mahalin niya ako dahil minahal ko na siya simula pa lang ng una.Sobrang saya ko kasi dumating ang isang araw na natupad ang pangarap ko at masasabi ko na iyon na ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko at wala ng hihigit pa doon pero nagkamali ako.Ngayon ay nandito ako sa kotse nila Alex pero ako lang mag-isa dito at yung driver nila.Patungo kami ngayon sa simbahan dahil ngayong araw na ang kasal namin ni Alex pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, hindi minsan sumagi sa iisip ko na magpapakasal kami ni Alex.Hindi le
Alexander's Pov“Totoo ba ang lahat ng ito Thyra?” di makapaniwalang tanong ni Ina sa kaniya.“H-hindi po, niloloko lang tayo ng baklang yan!” sagot nito sa Reyna.“Kung hindi kayo naniniwala meron pa kaming ipapakita sa inyo” biglang sabat ni Claude at may bitbit siyang laptop.May kinuha siya sa kaniyang bulsa na isang flash drive at sinalpak ito sa kaniyang laptop, lumapit siya sa amin at may video siyang ipinanood sa aming lahat.Ito ay kuha ng aming CCTV dito sa palasyo, bakit hindi ko rin naisipan na tingnan man lang ang CCTV namin dati? Masiyado akong nagalit kay Sky noon kaya nawala na sa isip ko ang bagay na iyon.Ito ay kuha mula sa labas ng silid ng aking mga magulang, madaling araw na ito base sa oras na nakalagay dito, maya-maya ay dumating si Thyra at maingat na naglalakad patungo sa silid ng aking mga magulan
Alexander's PovIsang buwan ang nakalipas at ito pa rin ako na parang balisa at hindi makapaniwala sa lahat ng pinagdaanan ko.Gusto kong magalit kay Sky pero hindi kaya ng puso ko, maalala ko pa lang ang itsura niya at yung mga panahong masaya pa kaming magkasama ay nawawala na agad ang galit ko sa kaniya.Sa loob ng isang buwan ay palagi kong tinatanong sa sarili ko kung ano bang pagkukulang ko at bakit niya ako nagawang iwanan ng ganun ganun na lang.Sobrang sakit at wala akong ginawa tuwing gabi kundi ang uminom ng alak kasama ang mga kaibigan ko maliban kay Claude.Isa pa sa iniisip ko ay kung bakit hindi pa nagpapakita sa amin si Claude, kapag inaaya namin ito ay palagi niyang sinasabi na may mahalaga siyang ginagawa kaya hindi siya makakapunta.Kahit wala si Sky sa tabi ko ay hindi ako sumuko dahil naniniwala ako na isang araw ay babalik din siya sa ak
Skyler's PovMaaga akong nagising kinabukasan dahil hindi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko, dumiretso ako sa banyo upang maghilamos.Alas-diyes pa lang ng umaga ngayon at mamaya pa namang alas tres kami pupunta sa kaharian ng Monte Verde kaya marami pa akong oras para maghanda.Nang makapag hilamos na ako ay bumaba na ako at dumiretso ako sa mahabang lamesa kung saan kami kumakain.Nagulat pa ako dahil nadatnan kong nandoon sina kuya Claude pati na rin si Ash at may pinag-uusapan silang dalawa.Hindi ko alam kung paano pakikitunguhan si Ash dahil sa mga ginawa niya sa akin pero siguro ay iiwasan ko na lamang siya dahil ngayon lang naman namin siya kailangan.“Kuya ang aga naman ata niyan” sambit ko sa kaniya at napatingin naman silang dalawa sa akin.Lumapit ako sa kanila at umupo ako sa tabi ni kuya Claude.
Skyler's Pov Patuloy pa rin ako sa pag-iyak dito sa silid ko at hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa akin. Pagod na pagod na ako, kung nandito lang sana ang aking mga magulang edi sana meron akong taong nasasandalan ngayong oras. Kinukwestiyon ko ang sarili ko kung ano bang nagawa kong pagkakasala at bakit ako minamalas ng ganito katindi ngayon. Kaya pala hindi ako hinahanap ni Alex ngayon ay dahil galit ito sa akin sa pag-aakalang totoo ang mga pinadala sa kaniya ni Thyra na larawan namin ni Ash. Sobrang miss ko na si Alex, gusto ko na siyang mayakap at mahalikan muli, siya lang ang lalaking minahal ko ng ganito at hindi na magbabago ang nararamdaman ko para sa kaniya kailanman. Napatingin ako sa pinto ng aking silid ng may kumatok mula rito. “Skyler ako to, pwede ba akong pumasok?” tanong ni kuya Claude mula sa labas
Skyler's PovLumipas ang isang buwan at heto narito pa rin ako sa palasyo nila kuya Claude, unti-unti na akong nasanay na tawagin siyang kuya dahil araw-araw ay pinapaalala ko sa sarili ko na magkapatid kaming dalawa.Magaling na ako at nagpapasalamat talaga ako kay kuya Claude pati na rin sa doctor ko dahil talagang nakita ko kung gaano sila katutok sa pagpapagaling sa akin.Ngayong buwan na ang kaarawan ni Alex at malapit na siyang maging ganap na prinsipe kaya sinasabihan ko na si kuya Claude na kailangan ko ng magpakita sa kaniya dahil gusto ko naroroon ako sa tabi niya kapag kinoronahan siya bilang isang prinsipe.Nalulungkot ako kasi hindi man lang ako nagawang hanapin ni Alex, hindi ko man lang narinig kahit kanino dito sa palasyo na hinahanap ako ni prince Alex pero mahal ko siya kaya hindi ko kayang magtanim ng sama ng loob sa kaniya.Napatigil ako sa pag-iisip nang may
Claude's PovFLASHBACK ( 9 YEARS AGO!)“Yehey Birthday ng baby ko ngayon!” masayang wika ni nanay sa akin.“Nay 11 na po ako ngayon hindi na ako baby” sabi ko at nagpout sa harap niya.“No Claude, kahit tumanda ka na at mag-asawa ikaw pa rin ang Baby ko” nakangiting sambit sa akin ni nanay.Kaarawan ko kasi ngayon at ala-una na ng hapon ngayon, nandito ako sa silid ko dahil nagbibihis pa ako ng susuotin kong damit para sa salusalo mamaya.“Nay sabi niyo po inimbitahan niyo ang tunay kong tatay” saad ko sa kaniya.“Oo anak, gusto ko kasi na makilala mo ang tunay mong ama habang bata ka pa” sagot niya sa akin.“Pero nay baka po hindi niya ako tanggapin” malungkot na banggit ko rito.“Anak wag mong isipin iyan, nagka-usap n
Alexander's PovHapon na ngayon at nandito na ako sa kotse ko at nagpasundo ako kay manong Henry pauwi sa palasyo.Noong gabing matanggap ko ang larawan ni Sky at Ash na magkatabing matulog habang nakahiga ay nagpasya na talaga ako na kailangan ko ng umuwi dahil alam kong may hindi magandang nangyayari.Kakarating ko lang ngayong hapon sa Airport at eto na nga at lulan ako ng kotse ko at diretso agad kaming palasyo.Kinakabahan ako at hindi ko alam kung ano ba ang madadatnan ko sa palasyo, sana ay hindi totoo ang lahat ng larawang natanggap ko dahil kapag totoo iyon ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.Naiwan pa si Khalix doon sa ibang bansa dahil tatapusin niya ang pagpupulong at naiintindihan naman daw ako nito kaya hindi niya na ako pinigilan pang umalis.Matapos ang kalahating oras na biyahe ay nakarating na kami sa palasyo, pagbaba ko pa lang sa