Share

Chapter 1

 

What is Love?

“Yes. It is normal that love hurts.”

 

"Kamusta?" Iyon agad ang bungad sa akin ni Dessa nang hindi ko naramdamang nasa tabi ko na pala siya.

Naglalakad ako sa hallway papunta sana sa library dahil maaga pa naman. Pero dahil nandito si Dessa, niyaya ko siya sa Cafeteria. Hindi man niya sinasabi ay alam kong hindi siya nag-uumagahan kaya palagi akong dito kumakain sa school para maibibili ko din siya. Iyon ulit ang ginawa ko ngayon.

"Alam mo kaya ako naba-bash eh." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Nabu-bully ka pa din?" Nakakunot ang noong saad ko sa kaniya. Hindi kami magkaklase mula last year kasi magkaiba kami ng strand na kinuha kaya wala akong masyadong alam tungkol sa nangyayari sa kaniya maliban na lang kung ikukwento niya. I respect her privacy. But sometimes, I'm really worried when she's experiencing bullying without me knowing about it.

"Sino?"

"Wala. Sabi ko, kumain ka sa inyo ng breakfast. Wag mo palaging iniiwasan ang tatay mo." Aniya habang inuunti-unti ang kaniyang pagkain.

I don’t want to use my privilege as one of the rich kids here in school kaya ko tinatanong kung sino ang nambu- bully sa kaniya. I don’t like using money but I have to admit that the system we have is something that I always loathe. Money can buy everything, even the freedom of everyone.

Pinanood ko siyang kumain. Hindi man niya ipaalam sa akin ay alam kong gutom na siya. Nang naramdaman niyang nakatitig ako ay nag-angat siya ng tingin kaya naman nagsimula na akong kumain. Kumain.

"Matti?"

"Hmm?" Patuloy lang ako sa pag-aayos ng pagkain ko.

"Naaawa ka ba sa akin?" Kunot-noo ko siyang tiningnan.

"Naaawa ka ba sa akin?" Balik kong tanong sa kaniya. Inirapan niya ako. "Wag mong intindihin ang mga ginagawa o binibigay ko sa 'yo, Dessa. I'm just thankful I have you."

I know that she's too soft so it's normal for me when I hear her small sobs. Hindi ko na lang iyon pinansin. Napapangiti na lang ako ng palihim.

We just eat there until we're done. Saka pa kami nagbukas ng mga topic na pag-uusapan habang naglalakad papunta sa aming respective rooms. Una naming nadaanan ang classroom niya kaya nagpaalam na ako.

"Mamaya ikwento mo ha."

"Wala nga akong ikukwento kasi hindi ko nga nakita yung lalaki." She just pouted and nodded.

"Goodluck sa klase mo." Ngumiti ako. Mabuti at hindi na siya nagtanong pa about sa engagement party na nangyari. Wala talaga ako sa mood para alalahanin pa iyon sa ngayon.

Pag-upo ko ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. I received a text message from Dessa.

Dessa

Birthday mo na nga pala next month. Anong gagawin natin?

Gusto ko sana siyang replyan pero hindi ko na ginawa. Wala namang magandang mangyayari sa birthday ko. Dahil sa hindi naging maganda ang engagement party kagabi ay alam kong magse-set ulit sina Papa ng panahon para doon. And I heard, baka sa birthday ko pa. Itinago ko na lang ang phone ko. I'm actually planning to have a trip with Dessa sa birthday ko. When Mama was still here, palagi siyang nagpa-plano tungkol sa birthday ko. Palaging magara. And every night of my birthday is unforgettable. It's like I'm already a princess. A princess that doesn't need a prince since I thought that having my queen is enough.

All those years, I knew that money isn't the best material thing that I have. Even Dessa agreed to that. Sinabi niya sa akin na ayaw niyang mapunta sa sitwasyon ko. Kung ganoon daw siya kasaya sa pamilyang meron siya, hindi niya daw iyon ipagpapalit sa pera.

Nakakaasar. Kung sino pa ang may pera ang mga hindi nakukuntento sa kung anong meron sila. Bakit kailangan pa akong ipakasal sa mayaman? Bakit kailangan pang hawakan ang desisyon ko? Bakit kailangan pang pigilan ang kalayaan ko? Bakit kailangang bawiin ang pagpipilian ko? At bakit ako?

I don't think that rich people always get what they want. Well, not in my case. It just makes my feelings worse than ever. Indeed, life is still fair after all.

Last subject namin ay inaantok na ako. Pinapagawa kami ng movie review tungkol sa palabas na "A Walk to Remember" at gagawan daw namin ng poetry. Hindi ako mahilig manood ng movies kaya hindi ko talaga alam ang isang ito. Noong una, hindi ko naiitindihan dahil siguro hindi ako interesado? Muntik pa akong makatulog dahil doon. Good thing, our teacher is busy on the back. Akala ko tuluyan ko nang makakatulugan ang pinapanood namin pero nakakapagtaka na nakuha ng movie ang buong atensyon ko. I've read so much stories that similar with the plot of the movie. Typical love story tapos may mamamatay. Well, it's really sad... kung binabasa ko siya. Dahil pinapanood ko siya, ay hindi ko siya masyadong na-appreciate.

Natapos ang subject at nagsimula nang mabawasan ang mga estudyante sa classroom. Inaayos ko pa lang ang mga gamit ko nang marinig ko na ang tawag ni Dessa mula sa labas. Nang nag-angat ako ng tingin sa kaniya ay nakipag-apir pa siya sa isa kong lalaking kaklase bago ito umalis. That's why I'm confused why people are always rude to her. She's too lovely and easy to be with. Marami lang talagang perfectionist sa campus na 'to, palibhasa karamihan ay mape-pera.

"Nandito si Tatay kanina." Salubong niya sa akin nang makalabas ako. Yakap-yakap niya ang dalawa niyang libro. "Nakapagpaalam na ako..." malungkot niyang saad saka yumuko.

"Hindi ka pinayagan?" Tumunghay siya at tumingin sa akin na ganoon pa din ang hitsura. Nginitian ko siya saka tinanguan. Sasabihin ko pa sanang okay lang iyon nang nagpeace sign siya saka ngumiti.

"Ako pa ba?" Nagmamalaking saad niya. "Malakas ka kina Tatay diba? Eto nga oh," hindi ko namalayang may dala pala siyang plastik na puti. Kung hindi niya pa iyon ipinakita sa akin ay hindi ko pa malalaman. "Binilhan ka pa ng tinapay."

Nakakapagod ang buong maghapon. Panay ang quiz. Lugaw ang utak ko tuloy ngayon. Mabuti na lamang at kasama ko si Dessa ngayong gabi. Kahit siguro nakakapagod ang araw ngayon ay malalim na ang gabi kami makakatulog mamaya.

Malawak ang ngiti namin pareho habang nagkukwentuhan palabas ng campus. Madami siyang kakilala na nakaka-kamustahan niya pa habang ako ay taga-ngiti lamang. Money makes you popular. Kaya kilala ako ng mga kakilala niya. Pero it doesn't mean they like me. This is why Dessa got more friends than me. Mapa-mayaman o mahirap, nakakasundo niya. I wish I also have that social skills. But I know, I'm contented just by having her.

I'm stuck between being content and feeling a lack of unknown.

Nang nasa parking lot na kami ay napakunot ang noo ko nang hindi ko makita ang sasakyan na ginagamit ni Tatay Hector. Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung may text sya pero wala. Magta-type na sana ako nang sasabihin sa kaniya nang maramdaman ko ang pagsakbit ni Dessa ng kamay sa braso ko at ang sapatos na nasa harapan ko.

Inangat ko ang tingin sa taong nakatayo. His brow is naturally arched at its place as if it was born to be there. His eyes are a bit intimidating and at the same time, gorgeous. But it's not calming. His features seem to be familiar until I realized my fiancé’s face. I can say he's good looking but I can't be that attracted to him. He looked so dangerous while staring at me like that. It's like, he's telling me how much rage he has inside him right now.

"Yes?" Kalmado kong saad nang hindi siya nagsalita. Tiningnan ko si Dessa na ngumiti lang sa akin pero alam kong natatakot siya. Sabagay, lagi naman siyang takot sa mayayaman.

"Assume that this will be the last time I’ll do this. Just for my mother's sake." Diretso ang tingin sa akin na aniya bago siya tumalikod at nagsimulang humakbang. By the way how he acted, alam kong inutusan siya na sunduin ako dito sa school.

"As if I expected you to be here anyway." Hindi pa siya nakakalayo kaya alam kong narinig niya iyon dahil napansin ko ang paglingon niya sa akin pero sinulyapan ko lamang si Dessa at kinuha ang kaniyang kamay.

Nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin ang lalaki. I don't even know his name. Ang saya talaga.

Mukhang kinakaladkad ko na lamang si Dessa habang naglalakad.

"Ano ba? Para kang bata." Saway ko kay Dessa nang nakalapit kami sa lalaki. When I looked at him, hindi man lang nabago ang ekspresyon niya. "Where's your car?" Kalmado kong tanong. Kung galit man ako sa sitwasyon, sa sitwasyon lang. Hindi ko na kailangang ibaling sa kaniya ang inis ko. At isa pa, galit din siya. Dadagdagan ko pa ba?

Tinitigan niya lang ako. I wanted to roll my eyes at him. I know that he's judging me right now. What? I don't even know what to react. As if I'm interested at fixed marriage right? Lumipat ang tingin niya kay Dessa.

"Sino 'yan?" Kalmado na ang tono ng boses niya, walang bahid ng pagkainis. Favoritism?

"Best friend ko. Sa amin siya didiretso. Doon siya matutulog." Tumango lang siya at naglakad na palayo na sinundan namin ni Dessa.

Sa paghawak niya sa akin ng mahigpit ay ramdam ko ang pagpapawis noon. Inilingan ko na lang siya. Nakapag-overnight na siya sa bahay, napagsilbihan na ng mga serbidora doon, hindi pa din siya nasasanay sa mga mayayaman. Takot pa din.

Binuksan niya ang backseat at una kong pinapasok si Dessa. Nang ako na ang papasok ay gumalaw ang pinto kaya napaatras ako. Gulat kong tiningnan ang lalaki. Muntik na akong maipit.

"Papasok pa ako," kalmado pa ding saad ko kahit nakakagulat ang ginawa niya.

"Gagawin mo akong driver?" Naiinis na saad niya. Kinagat ko ang dila ko sa inis. Ang arte naman. Sino bang magda-drive? Diba't siya naman talaga?

At kahit gusto ko siyang murahin o pilosopohin, alam kong mahina ang tingin niya sa akin. Madalas laging nami-misinterpret ng mga tao ang reaction ko. Kapag nakikinig, mukha daw akong galit. Kapag nakatitig, ang taray ko daw. Kapag tahimik, nasa loob ang kulo. At kung kailan ako galit, mukha daw akong naiiyak.

Sana nagdala siya ng driver kung ayaw niyang magmukha siyang ganoon. Aware naman siya na susunduin niya ako. But instead of complaining too much, I nodded my head and give him a fake smile. Umurong ako at lumipat sa pinto ng shotgun seat saka binuksan iyon. Pagkaupo ko ay agad kong sinuot ang seatbelt at nilingon si Dessa.

"You okay?" She smiled and nod her head.

"Are you?" Napatingin ako sa driver seat nang pumasok na ang lalaki. He look at me straight in the eye so I averted my eyes away from him and sit properly - the reason I couldn’t answer Dessa. The last thing I want to hear is another complain from him.

Usually tahimik din naman ang biyahe ko kapag si Tatay Hector o ang ibang driver ang sumusundo sa akin, pero ngayon ay pakiramdam ko ay maririndi ako sa katahimikan. Gusto kong silipin si Dessa sa likod pero ayaw kong gumalaw. Baka pati paggalaw ko ay may reklamo na naman ang katabi ko. Sigurado ako pag-uwi namin ay dadaldalin ako ni Dessa. Hindi siya nakakatagal na hindi magsasalita. Maliban ngayon. Baka akikiramdam din siya.

"Aren't you gonna ask where I'm taking you?" I arch my eyebrow without looking at him. I'm still familiar with where we're going. Papunta sa bahay. Bakit ko pa

tatanungin?

"Alam ko namang sa bahay ang diretso." Tahimik na sagot ko.

"Aren't you gonna ask why I'm the one who fetch you at school?" Can't he just stay quiet? Alam kong napipilitan lang din siya pero hindi niya na kailangang ipahalata sa akin iyon. The annoyance and lack of interest in his tone is so transparent and it’s annoying me.

"Wala akong tanong." Kung anuman ang reaksyon niya, wala na akong balak alamin. Mabuti na lamang at tumahimik na siya.

Naramdaman ko kaagad ang kamay ni Dessa sa akin nang makalabas ako ng sasakyan.

"Ang lamig ng kamay mo." Nang tingnan ko siya ay hindi ko maipinta ang mukha niya. "Okay ka lang?"

"May saltik talaga kayong mayayaman. Tingnan mo ang langit, nagbabadya na, umulan tapos naka-aircon pa kayo. Balat-kalabaw ba kayo?"

Napangisi ako sa reaksyon niya. Nakalimutan kong ginawin nga pala siya. Tinanggal ko ang jacket na suot ko at ibinigay sa kaniya. Hinigpitan ko ang hawak sa kaniya bago kami pumasok. Kumunot ang noo ko nang marinig ang tawanan sa may kusina. Am I hearing it right? Bumalik ang tingin ko sa may pintuan at nandoon na ang lalaki. Oh. That's why he fetch me? And even enter the garrage? Okay?

Yayayain ko na sana si Dessa pataas nang nagsalita ang lalaki.

"We're here." Oh great! Tiningnan ko si Dessa.

"Okay lang." Aniya.

Liar.

Hihilahin ko na sana siya paakyat pero pinipigilan niya ako. Iniisip na naman niya sina Dad.

"Magpapalit lang tayo tapos bababa din tayo-"

"Matti, anak? Are you there already?"

"I fetch her so probably she's here." I heard his voice again.

"Axl." I heard a familiar voice. Mr. Vergara. They're here.

Hinila ko si Dessa, hindi papunta sa taas ngunit papunta sa dining area. Naramdaman ko ang mga mata nila sa amin ni Dessa. Bahagya akong nagulat nang makitang kumpleto sila doon. Nandoon si Dad, Tita Eleanor, Euriel and Iris, pati sina Mr. And Mrs... Vergara? I thought she was hospitalized? May dalawa pang lalaking mas batang tingnan kay... Axl?

What's special tonight? Noong new year, christmas last year pati noong birthday ko ay wala sila.

Nakabuka na ang bibig ko para magpaalam na magpapalit muna kami ni Dessa ng damit kahit balak kong hindi sumabay sa kanilang kumain. Kahit ayaw ko ay may respeto naman ako sa kanila at sa sarili ko. Isa pa, ayaw kong bigyan pa ng kahihiyan si Dad. Nang tingnan ko si Axl ay masama ang tingin niya sa kaharap na pagkain. Nginitian ko sina Mr. And Ms. Vergara saka bumaling kay Dessa. Nakita ko ang tahimik na utos ni Mr. Vergara kay Axl na hindi ko alam kung para saan pero hindi ko na pinagtuunan iyon ng pansin. Sa halip ay kinuha ko ang atensyon nila.

"Mr. Vergara, Ms. Vergara, this is Dessa, best friend ko po."

“Oh,” malawak ang ngiting bumaling ang mag-asawa sa kaibigan ko. “How are you hija?”

“Mabuti naman po.” Nahihiyang saad ni Dessa, yumukod pa ng konti para sa paggalang.

“May I know your last name hija?” Dessa looked at me warily but with a worry in her eyes before she told Mr. Vergara her last name. “Dantes? Familiar with Dantes?” lumingon si Mr. Vergara sa asawa ngunit iling lamang ang nakuha nitong sagot. “I couldn’t remember Dantes. What’s your parent’s profession hija?”

I feel Dessa tensed a bit beside me.

“Mr. Verga-“

“Hindi po ako mayaman, Sir.”

Mr. Vergara’s mouth formed an ‘O’ after what my best friend said. I remained silent but I could feel my nails’ rage in my palm as my knuckles clenched.

“Papa, magpapalit lamang po kami ni Dessa ng damit.” Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Hinigit ko na ang kamay ni Dessa paakyat sa kwarto ko.

“We won’t come back there if you’re not comfortable.” I said as I took off my ID.

“Sino namang may sabi sa ‘yo na hindi ako kumportable?”

Hinarap ko siya. She looks so little with my jacket on her even though she’s a little taller than me. Kahit gaano pa niya galingan ang pag-arte, hindi iyon uubra sa akin. She’s too transparent for me to easily read her mind but she’s also negligent about it.

“Magpalit ka ng damit.” Saad ko na lang sa kaniya. Tumango siya saka dumiretso sa walk-in closet. Hindi kagaya noon ay hindi na siya masyadong nahihiyang kumuha ng damit doon. I actually reserve some dresses for her. Some of the dresses were also from my mother.

“Gusto mo bang bumaba?” nilingon niya ako. Pumasok ako dahil kukuha din ako ng damit ko.

“Ikaw ba?”

I smile weakly. Magkaibigan talaga kami. Ultimo meeting of rich families bored us.

“Ayaw ko.” Parehas kaming natawa sa pareho naming sagot.

“Friendship goals,” we said giggling.

The dinner went fine. Fine because Dessa and I just stare at each other for most of the times. Kapag nag-uusap sila about business and politics, may sarili kaming senyasan ni Dessa. Kapag itinatanong ang about sa engagement, we’re totally quiet. Parang trabaho ko lang ang sumang-ayon sa gugustuhin ni Papa.

The most interesting part here is no one really made a sound, even the other two Vergara’s children. Parang napipilitan lamang silang sumama. Baka ganun talaga kapag parte ka ng socialite katulad nila. It turns out that Axl and my parents are the only people that wanted this dinner.

Ang dalawang anak na lalaki ay sakay sa sasakyan ni Mr. and Mrs. Vergara. Naunang umalis si Axl gamit ang sariling sasakyan nito. Hindi niya na nagawang magpaalam pa sa mga magulang ko.

Nasa baba kami ng hagdan nang tawagin ako ni Papa. Sinenyasan ko si Dessa na mauna na siya.

“Yes po?”

He’s intently looking at me. Kinabahan ako saglit. Wala naman akong matandaang ginawang mali kanina sa hapag ng kainan. Or maybe there are just some things na napansin na naman niya na hindi niya nagustuhan? Ano naman yun? Yung pagtawa ko?

“I hope you’ll get along with Vergara.” He sounds strict but his face is soft. I just nodded and headed to my room. I exaggeratedly let out a breath.

“In fairness, may hitsura ang fiancé mo.” Saad ni Dessa nang magsimula kaming manood ng netflix sa kwarto.

“Ikaw ang magpapatay ng tv ha,” utad ko.

“Sabi ko, may hitsura ang fiancé mo.” Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay.

“Narinig ko nga.”

“Akala ko nag-iiba ka na naman ng topic eh.”

Nang matapos ang dinner ay natatandaan kong inaantok na ako. Pero nakita kong pasado alas-dose na ng madaling araw ang nakatala sa wall clock ng kwarto. Nang ibaling ko ang tingin ko sa katabi ko ay malaya na siyang natutulog. Ako din pala ang magpapatay ng tv.

Tumayo ako para patayin ang tv at kumuha ng malamig na tubig sa mini-ref malapit sa bintana. Nang makakuha ako ng isang bottled water ay dumiretso ako sa tapat ng bintana at umupo sa window seat nito.

I wonder what life I’d lived in my past life. Was I happy before? Have I lived my life worthy?

Wala sa sariling hinanap ng kamay ko ang kwintas sa leeg ko miss you, Mama. I wish you were here.

The following weeks passed by without a presence of Vergara. Not that I’m wishing for it but I just thought they are that persistent with this kind of set up. Nakampante ako. Alam ko naman na hindi ako titigilan ni Papa hangga’t hindi maipakasal. Medyo nakakahinga ako ng maluwag sa ngayon dahil hindi pa ako naiipit sa sitwasyong iyon. Paghahandaan ko na lang muna.

Habang nasa biyahe ay hindi ko mapigilan mapaisip. If it’s because of the business, pwede naman sigurong gawan ng paraan? Hindi naman kailangan ng pangalan ng Vergara para maisalba ang isang negosyo. Is it also because he’s in politics? Nagpapabango sa pangalan? Using me?

“Matti?” lumingon ako kay Tatay Hector nang tawagin niya ako. Palabas na sana ako ng sasakyan. “Si Sir Vergara yata ang susundo sa inyo mamaya.”

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya pero tumango na lamang ako. Iilang lingo pa lang akong nakakatakas sa isiping kasal ay nandito at bumabalik na agad. I diverted my mind out of it and focus to what Dessa’s talking about when I reached the cafeteria.

 

Masyado akong focus sa mga subjects na hindi ko namalayang lunch na pala. Dumiretso ako sa room nina Dessa saka tumabi sa kaniya.

“Papagutom ka na naman?” nagulat siya nang makarating ako.

Napailing na lang ako. Siya na lang ang hindi pa nakain dahil sa sinusulat niya. Ang sipag talaga. Hindi naman masama iyon basta ba nakakakain siya ng tama.

“Mamaya na ‘yan.” Umupo ako sa tapat ng upuan niya. Halos lahat ng kaklase niya ay kung hindi sa cafeteria nakain ay sa study area dumadayo, kahit study area iyon.

“Saglit lang, patapos na eh. Bawal kasi ma-late magpasa.”

Hindi pala niya sinusulat lang basta. Nag-iisip pa siya ng isasagot at mukhang hirap na hirap pa.

“Ano bang subject ‘yan? Tulungan na kita.” Hindi siya madadali kung hindi siya kakain muna. Nakita ko pang ilang papel pa ang nakalapag sa kaniyang table.

Nagtaka ako nang mabasa ko ang takot sa mukha nya nang kuhanin ko ang mga papel.

“Bakit?”

“Wala naman,” halata sa boses ang kaba. “Akin na yan, ako na lang ang magtatapo-“

Hindi ko iyon hinayaan na kuhanin niya. Tiningnan ko ang mga papel. Puro case study. Pero pansin kong magkakaparehas lang naman iyon. Parang pare-parehas na photocopy. Ibabalik ko na lang sana sa kaniya nang mapansin kong may pangalan ang bawat papel sa taas.

“Dessa.” Mariing tawag ko sa kaniya. Agad niyang hinablot ang mga papel at pinagsama-sama sa white folder.

“Nahihirapan kasi sila kaya nag-volunteer akong tulungan sila,” ngumiti siya. At akala niya talaga paniniwalaan ko siya? “Kain na tayo.” Pinilit pa niyang pasiglahin ang boses niya.

Nang mailabas niya ang kaniyang balutan ay inumpisahan ko na ‘din na ihanda ang pagkain ko. Naging tahimik ang pagkain namin, hindi katulad dati. Nararamdaman ko ang mga nakaw-silip niya pero hindi ko siya tinitingnan. May gusto akong gawin. Hindi ko lang alam kung paano.

“Nauuhaw ako.” Agad niyang kinuha ang baon niyang tubigan saka inalok sa akin.

Mali pala. Akala ko wala siyang tubig, balak kong lumabas at sugudin ang mga abusadong palakang kaklase niya. Hindi niya maiisip iyon dahil hindi ko naman talaga gawain iyon pero nakakasuka na ang ugali nila.

“May tubig ako.” Kinuha ko ang akin at iyon ang ininom. Nagpatuloy kami sa pagkain ngunit hindi ako mapakali.

”Nauuhaw talaga ako.”

“Ha? Wala ka na bang tubig?”

“Meron. Parang naghahanap ang lalamunan ko ng softdrinks.” Nagtaka ang hitsura niya.

“Ha? Hindi ka naman nainom ng softdrinks.” Tinignan ko ang oras sa wristwatch ko saka sa balutan niya. Talagang binibilisan niya ang kumain. May 50 mins pa siya.

“Bakit ka nagmamadaling kumain?”

“Hindi ah,” tanggi niya. “Ganito lang talaga ako.”

Hinintay ko siyang matapos para magpabili ng tubig sa cafeteria. Idinahilan ko na lang na hindi ko gusto ang tubig na baon ko. Buti pinaniwalaan niya iyon kaya agad kong hinanap ang papel niya sa loob ng folder nang makalabas siya.

Hindi pa ako tapos kumain pero inihiwalay ko ang papel niya at maingat na inilagay iyon sa table niya bago ako lumabas at ipagtanong sa nadadaanan kong mga estudyante kung nakita nila ang mga babaeng ubod ng tamad sa katawan na walang ibang alam kundi kaartehan.

Nakita ko sila sa tapat ng Music Room. Dinig doon ang tunog mula sa loob. Mukhang pati dito ay nagagawa niyang lumandi?

“Joyce and company.” Sabay silang napalingon sa akin nang marinig nila ang sigaw ko.

Nakataas ang kilay ni Joyce nang lumapit ako sa kaniya. Nagsinghapan sila sa ginawa kong paghagis ng mga papel sa mukha nila, kasama ang folder na siyang mismo tumama sa ilong niya. Nagpupuyos siya sa galit dahil sa ginawa ko.

“Sana bago ka kumiri, tinapos mo muna ang gawain mo. Talagang kinapalan mo ang mukha mong magpaawa sa kaibigan ko.” She sarcastically laughed at me. Abot-langit ang kaba ko. Hindi kailanman ako nag-eskandalo. Ako pa nga ang takot na gumawa ng mga ganitong eksena.

“And who the fuck are you? Angas mo ah.” Nanlilisik ang mata niyang tumingin sa mga papel na nakakalat na ngayon sa sahig. Nanlaki ang mata niya sa akin nang makita ang pangalan niya doon sa papel. “How dare you?” napapitlag ako sa naging pagsigaw niya.

Marahas niyang kinuha ang papel sa sahig. Nangangatal ang kamay at namumula ang mukha.

“May sagot na!” galit niyang sigaw. Dapat ba akong magpasalamat na walang tao sa hallway o mas matakot na lang? “And how dare you to—“ nanggagalaiti siya sa galit.

Dumaan ako sa CR kanina at talagang dinumihan ko ang mga papel nila. I don’t even know what I’m thinking. Basta na lang nagawa ng kung ano-ano ang kamay ko. Dala lang ‘to ng galit.

Kahit kinakabahan ay hindi man lang ako natinag sa kinatatayuan ko pero dahil nangangalay na ako at naririndi sa tinis ng boses niya, tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo. Sinapian na naman ng demonyo si Joyce nang sumigaw sya at maramdaman ko ang matalas niyang kuko na bumaon sa anit ko.

Hindi ko nagawang gumanti. Hindi ko kayang manakit ng pisikal. Hindi ako lumaki sa mundong may karahasan sa paligid. Kaya wala akong kakayahan. Gusto kong magreklamo pero wala na akong magagawa. Ako naman ang unang sumugod. If this is the price, okay then.

Tikom-tikom ko ang bibig. Pinipigilang mapahikbi o palagpasin man lang ang luha sa mata ko. Unang pagkakataon ito na nasabunutan ako at napa-away. Unang pagkakataon din na napatawag sa Principal’s Office.

Nakakahiya.

Ramdam ko pa din hanggang ngayon ang panlilisik ng mata ni Joyce. Hinihintay na lang namin ang magulang ko – o kung sino man na magiging representative nila – para pag-usapan ang nangyari. I was expecting for Tatay Hector, but I was shocked when Axl entered the room.

“I’m sorry, I’m late. I had to run an errands.” Matigas na saad niya. Narinig ko ang pagsinghap ni Joyce sa harap ko.

Nilingon ko si Axl nang makatabi siya sa akin.

“I’d never imagine that my future wife would be a trouble maker.” Saad niya na tanging kami lang dalawa ang nakarinig. Walang bahid ng emosyon ang kaniyang mukha pero dama sa tinig niya ang inis.

“Why are you here?”

“I’m responsible for this. You’re my future wife, remember?” he said as if I’m the one that caged him to this bullshit idea. He said that as if I’m the one that forced him to go here. He said that as if I’d never done things right.

I diverted my eyes away from him because I can feel my tears at the verge of peeking. He’s so cold that I was frozen by his words. I shouldn’t be affected like this because I spent two Decembers with cold feelings ever since my mother wasn’t here anymore.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status