Home / All / What is Love / Chapter 4

Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2021-07-12 11:17:10
 

What is Love?

“Light feelings can happen too in times of darkness.”

 

“Ma’am Matti.”

Doon ko lang napagtantong kanina pa pala akong nakatingin sa lugar kung saan dumaan at nawala si Axl. My heart is breaking for him. I want to help him. Pero ano namang mapapala ng tulong ko kung siya nga na mahal ni Luna ay hindi pa din kayang makipag-balikan? Siya nga na mahal na mahal ang babae at ginagawa ang lahat ay walang nangyari, sa akin pa kaya?

I’m too young to know much of how love goes. But I wonder, isn’t it unfair? Why people fight for the wrong love? They are wasting so much time for that.

Nang harapin ko si Tatay Hector ay nakalapit na siya.

“Tumawag po si Sir. Hinahanap ka na sa bahay.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakakapagtaka naman na maagang umuwi si Papa at pinapahanap ako. Kahit naman yata gabihin ako ng uwi ay wala siyang pakealam.

“May sinabi po bang rason kung bakit niya ako hinahanap?” nagbaba siya ng tingin sa hawak na phone saka matigas ang pagtango. Bumuntong-hininga ako. “May problema po yata.”

“Imposible namang sa business ‘yan ni Tita Eleanor diba? Hindi naman niya ako hinahanap kapag…” ako na mismo ang pumigil sa sarili ko.

I know that when it comes to family business, wala naman talaga akong parte. Dati. Ngayong may gumuguhit na kasunduan sa pagitan ng pamilya namin at ni Axl ay alam kong parte na ako nito.

Tumango na lang ako kay Tatay Hector. Unit-unting nawala ang mga taong nakisawsaw sa pakulong ginawa ni Axl. Wag lang sana na ito ang dahilan kung bakit niya ako pinapatawag. Hindi naman na ako magtataka kung ito nga dahil sikat ang firm ng mga Vergara dito sa Pilipinas. At ang anak ng Vergara na may pasabog na ganito ay hindi malabong pagpiyestahan ng mga tao sa social media.

Pagpasok ko ng sala ay naabutan kong kausap ni Papa si Mr. Vergara sa phone. Nang makita niya ako ay agad siyang nagpaalam sa kausap.

“Matti, what’s this?” kararating ko pa lang, wala man lang batiang magaganap? Sunggaban agad ng galit? Ano na namang kasalanan ko ngayon?

“What?” mahirap mangapa. Kung tungkol ito kay Axl, wala akong alam.

“Why did Axl suddenly drop his subjects?”

“Ha?” nabigla ako sa tanong niya. Iyon ang tunay na hindi ko alam. Drop? Anong-? Paano? Akala ko ay lawyer na siya? So nag-aaral pa pala siya?

“Mr. Vergara called me. He told me that Axl is suddenly stopping law school. Magt-take na lang daw siya ng business.” Oh.

“Iyon naman pala eh. Anong kinalaman ko dito?” Hindi ko inaasahan na maiinis ko pala si Papa sa saad kong iyon. Napahimas siya sa kaniyang noo.

“What’s the meaning of this?”

“Alin ba, Pa? Kung ikaw naguguluhan, ano pa ako? Hindi ko naman talaga sila kilala.” I can’t believe I can raise my voice on him. Sa ilang taong wala si Mama at sinusunod ko ang lahat ng gusto ni Papa ay hindi ko matandaan na sinigawan ko siya. Mukhang nabigla din siya. Na-guilty ako bigla pero di ko naman makuhang humingi ng tawad. Probably, pride is taking control of me this time.

He sighed again before he continued. “May kasunduan sila ni Axel at Margarette na kung hindi siya mag-te-take ng business course ay pwede niyang ipagpatuloy ang kaniyang law school in one condition. And that’s to marry you.”

Hanggang ngayon talaga ay nakakapagtaka pa rin ang biglaang desisyon nila na fixed marriage. Wala akong matandaan na tradisyon ‘to ng parehong pamilya. Matagal nang magkaibigan ang dalawang pamilya pero hindi ko talaga matandaan na nagkaroon ng ganoong kasanayan sa mga lumipas na taon.

“Tapos biglang ganito.” Hindi ko alam kung bakit problemadong-problemado siya samantalang ako ay pinapanood lang siya. “I thought you’re doing good-“

“Pa. just let him be. Kung iyon ang gusto niya, ‘wag na nating ipilit sa kaniya.”

“No!” nagulat ako sa reaksyon niya. ‘Yung totoo, bakit ba sobrang importante ng engagement na ito sa kaniya? “Hindi pwede! Can’t you see we’re all doing this for you!”

“Ang alin ba Pa? What are the things I can’t see that you’re doing for me? Forcing me into a marriage I never wanted?” hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob ko.

Natigilan siya sa sinabi ko. Pumungay ang mga mata niya matapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Ano? Hindi niya alam?

He frustratingly cover his hands to his face. Naririnig kong mahina siyang nagmumura. I suddenly wanted to hug him. He looks problematic at this moment. Hindi ito ang hinihiling ko. He seems so concerned but not for me. Only for this marriage.

“She’s wrong about this.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pabulong lang iyon pero malinaw siya sa pandinig.

“What?” Kahit alam kong hindi niya iyon sasagutin ay tinanong ko pa din. Tiningnan niya lang ako saka umiling. Akala ko ay magtatagal pa kami. Akala ko ay pagsasabihan niya ako o di kaya ay sisisihin dahil sa nangyari pero hindi na niya ginawa.

Kinuha niyang muli ang phone sa bulsa saka pumindot ng tatawagan.

“We have to fix this. I don’t want to disappoint her.” Dinig kong sabi ni Papa sa kausap niya habang paakyat ng hagdan.

Napatulala ako sa kung saan siya dumaan. I should be happy now that everything went - well not really smooth but it’s… somewhat different from the other days. But I can’t. Ayaw ko man ng paraan niya pero hindi ko maipagkakailang ako ang nalulungkot kapag problemado siya. Padagdag ang edad niya. Kaya ayaw kong binibigyan ko pa siya ng problema.

Ma, ano pong gagawin ko? Sabi niyo ay dapat hindi ko binibigyan ng problema si Papa. Pero paano ko ba ‘to gagawin?

Ma, kailangang-kailangan na talaga kita.

Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ay bahagya akong natauhan. Hindi ko na iyon nilingon at hinakbang ang mga paa ko.

“Ate?” agad akong napalingon. Nakita ko si Euriel at Iris na nakatigil sa mismong pintuan. Hinintay ko silang magsalita pero nagsisikuhan lang silang dalawa. Hindi naman sa naiinis ako pero pakiramdam ko ay napagod ako sa buong maghapon kaya sa halip na hintayin pa silang dalawa na magsalita ay humakbang na ako paakyat.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay narinig ko na namang tinawag nila ako. Lumingon ako pagkatapos kong bumuntong-hininga. Pakiramdam ko ay sobra ang naging pagod ko dahil lang sa pag-akyat ng hagdan.

“S-sasabay ka ba sa amin mag-dinner?” Si Euriel ang nagsalita. Ibinuka ko ang bibig ko para sabihing hindi ako makakasabay pero natanaw ng mata ko ang mukha ni Iris. ‘Yung mukha niya, parang nagmamakaawa. Sa sobrang inosente ay ang hirap tanggihan.

Sa huli ay tumango ako at ngumiti. “Katukin niyo na lang ako sa kwarto ko kapag ready na ang dinner.” Nagliwanag ang pareho nilang mukha. Iyon ang nagpangiti sa akin.

Isinubsob ko ang aking katawan sa kama. Nakadapa ako at nakapaling sa headboard ang aking mukha. Nakikita ko ang malaking portrait namin ni Mama at Papa.

I miss you.

Sometimes, I still can’t believe how changes ruined the life of someone. In just a blink of an eye, the things that you used to have suddenly fades away. The people you used to be with, suddenly leave you at the moment you can’t be alone. When things become what you used to do, it’s so hard to let go.

Mula dito ay malinaw na malinaw ang mga ngiti ng tatlong nasa larawan. Si Papa na naka-akbay kay Mama habang karga ako sa kabilang braso. This portrait seems so perfect. Ang sarap pagmasdan. Nakakalunod ‘yung mga ngiti namin. Ang bata ko pa sa portrait. Ang inosente ng mga ngiti.

Itinuon ko ang tingin ko kay Papa. Napatayo ako nang makita ang kaniyang ngiti. His smile is so pure. Pwede kong isipin na mahal niya naman talaga si Mama nang panahon na ito. Hindi siya mukhang napipilitan. Sumiklab ang sakit sa dibdib ko.

Why can’t you smile like this now when you’re with me Papa? Bakit pinagkakaitan mo ako ng sobrang gandang ngiti na katulad nito? Bakit ipinagdadamot mo sa akin na masilayan ang kahali-halinang ngiting ito? Kailan ko ito pwedeng makita, Papa? Kailan ko ulit mararamdaman na safe and secured na secured ako sa ‘yo?

Gusto kong isipin na inagaw na ng mga bago kong kapatid ang atensyon niya pero alam kong hindi. Iyon man ang pumapasok minsan sa isip ko ay alam kong walang kinalaman ang mga step siblings ko sa komplikadong relasyon meron kami ni Papa. I just don’t get myself. Galit ako na hindi niya nagagawa sa akin ang mga bagay na ginagawa nila nina Iris at Euriel pero kapag kaharap ko na siya, parang gusto ko na lang maging bula.

Sa halip na lalong mag-isip ay kumuha ako ng soft towel na kasing-laki ng portrait. Umakyat ako sa kama at itinakip iyon sa imahe ng mukhang perpekto at masayang pamilya. Wala ako sa mood na makita iyon. Naba-badtrip ako.

Naglinis ako ng katawan at nagpalit. Pinalipas ko muna ang oras na nakikinig ng music online bago ako katukin ng magkapatid. Palihim akong natawa nang makitang parehas pa silang sumundo sa akin, parehas ding nahihiya. Nauna ako sa kanilang bumaba dahil pakiramdam ko ay hindi sila kumportableng magkakasabay kaming naglalakad.

Pagdating ko sa dining area ay kumpleto pala sila. Nag-angat ng tingin si Tita Eleanor at Papa at nababasa ko sa mga mukha nila ang gulat. Nang lingunin ko ang magkapatid ay parang guilty na guilty sila sa pagkakayuko. Hindi tuloy ako mapakali. Kinagat ko ang labi ko sa hiya. Nilapitan ko ang magkapatid at hinila patungo sa lamesa. Gulat silang nakatunghay sa akin.

“Tara na kumain.” Saad ko na lang.

The dinner started with a super awkward silence. Tanging mga kitchen utensils lamang ang naririnig sa buong area. I refused to look at my father even though I can feel his eyes on me. Hangga’t maaari ay ayaw ko munang magsalita siya tungkol sa plano nilang engagement. Iyon lang naman talaga ang rason kung bakit hindi ako madalas sumabay sa kanila. Bukod doon ay feeling ko out of place lang ako dahil madalas nilang pinagkukwentuhan ang school ng magkapatid. Nag-uusap sila na parang wala ako.

“A-ate?” doon lamang ako napatunghay. “M-may ano kasi sa school…” nakatingin lamang ako sa kanilang dalawa habang hinihintay ang sasabihin nila. “Ikaw na kasi ang magsabi…” dinig kong bulong ni Iris kay Euriel.

“Ikaw na. Ikaw ang babae diba? Sabi mo mas magaling kang mag-explain sa akin.” Bulong din naman ni Euriel sa kapatid.

“Mas matanda ka kaya ikaw na…”

“Mas malakas ka kay Ate kaya ikaw na…”

“Iris. Euriel. Ano bang pinagbubulungan ninyo? Nasa harap kayo ng pagkain.” Sabay na yumuko ang dalawa pero dahil katabi ko sila ay nakita kong naghahampasan pa sila ng kamay sa ilalim ng lamesa. Hindi ko maiwasan na mapangiti.

“Matti-“ hindi ko na pinatapos si Papa sa balak niyang sabihin. Kung tungkol iyon sa lintik na engagement ulit ay dapat naiiwasan ko na ng maaga.

“So, anong meron sa school niyo?” sa paglingon ko sa magkapatid ay hindi nakaiwas sa akin ang paglingon ni Tita Eleanor kay Papa. Ganoon din ang magkapatid. Now what? They think I’m a brat?

Nagkatinginan muna ang dalawa.

“A kasi… ate… May c-celebration… Ay hindi p-pala. May ano sa s-school, t-tapos kasama kami ni Kuya na mag-aano…” natigilan sila nang napangisi ako. Wala akong maintindihan.

“Ate, you smiled.” Nagtaka man sa naging reaksyon nila ay binale-wala ko iyon.

“So ano bang meron sa school niyo?”

“Ako na nga. Ang pangit mo mag-explain.” Inirapan ni Iris si Euriel dahil sa sinabi nito. Kahit binata’t dalaga na sila, para pa din silang mga bata kapag magkasama. “Ate, ganito kasi iyon.” Tila ginanahan ako nang masiglang humarap sa akin si Euriel. “May plano po kasi ang Talents Club sa third week ng December. The day after your birthday, may Christmas Special Celebration po ang club namin. At may performance po kami.”

Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi nila. Hindi talaga ako fan ng live music sessions or live concert type of celebration pero na-excite ako bigla sa sinabi niya. Hindi pa man ako nakakarating sa mga ganoon ay may ideya na agad ako sa kung anong mangyayari.

“Talaga?” tumango silang dalawa.

“Kunin mo na, dali.” Bahagyang tinulak ni Euriel ang braso ni Iris. Akala ko ay mag-aasaran na naman sila pero malawak ang ngiti na tumango si Iris at nagtatakbo patungong sala. Pagbalik niya ay kung gaano siya kabilis tumakbo ay ganoon naman kabagal na iniabot niya sa akin ang 2 black piece of silk paper.

Tinanggap ko iyon at tiningnan ng maayos. May logo ng school pati ng club. Sa right portion of the rectangle paper ay nakalagay ang listahan ng mga performers. Maliit lamang ang ticket pero nakalagay na doon ang mga expected performers at ang details about sa event.

“Start na po kasi ng selling of tickets kanina. Ang dami po agad na bumili kaya binili ka na namin ni Kuya. Baka kasi maubusan ka.”

“Naalala kasi namin na tinanong mo kami kahapon kung may banda kami. Ako ay may sariling banda, hindi pa nga lang ganoon kakilala sa school. Si Iris naman ay dancer ng Talents Club.” Tumango-tango ako sa naging paliwanag ni Euriel. Siniko niya si Iris. “Sabi ko sa ‘yo, mas magaling akong magpaliwanag.”

“Edi wow sa ‘yo.” Inirapan ni Iris ang kapatid.

“Dancer ka pala?” Nahihiyang tumango si Iris. Pinaupo ko silang dalawa. Hindi ko na namalayang nakatayo na pala silang dalawa dahil lang nag-explain sila.

“So you’re inviting me in your..?” hindi ko masundan kasi hindi ako sigurado kung anong event ba ang pupuntahan ko.

“Mini concert po ng club namin Ate.” Tatango-tango ako habang pinagmamasdan ang dalawang ticket. Iniisip ko na yakagin si Dessa. Pero naalala kong after ng final exams namin next week ay uuwi na sila sa probinsiya. Doon daw sila magce-celebrate ng Christmas.

“Hindi po ba kayo makakapunta Ate?” agad akong umiling kay Iris.

“Of course, I’ll go. Iniisip ko lang kung sinong pwedeng isama kasi sayang ang isang ticket.”

“Why don’t you invite Axl then?” muntik na akong mapairap sa sinabing suggestion ni Papa. Hindi ako umimik. Ipinagpatuloy ko ang pagmamasid sa ticket.

Papa, bakit kasi nagsasalita ka pa?

“I’ll go now.” Saad ko saka tumayo.

“You’re not finished yet.” Nakakunot ang noo na sita sa akin ni Papa.

“I’m still full. Kumain kami ni Dessa sa labas kanina bago niyo ako pinatawag pauwi.” Dahilan ko kahit hindi naman totoo.

Ginulo ko ang parehong buhok ng magkapatid bago ako tuluyang lumabas ng dining area. Sa kwarto ay nakasandal ako sa headrest ng kama, nakatitig sa dalawang ticket sa kamay ko.

“Kanino ko ibibigay ang isa?” tanong ko dito.

God knows I hate being alone. Kahit gaano pa ako ka-interesado sa isang bagay ay hindi ko iyon pupuntahan kung wala naman akong kasama. I sighed. Kinuha ko ang phone sa bedside table. I open the calendar app. That’s 7 days from now. Nagkibit-balikat ako. Sana ay ma-delay ng pagluwas sina Dessa para siya ang maisasama ko.

Ayaw kong biguin ang dalawa. Humanap ka ngayon ng paraan, Matti, DAHIL sa pagiging busy sa final exams ay hindi ko namalayang mabilis na palang lumipas ang panahon. Naging busy ako sa pagre-review kaya naman ay sa examination week ko ay hindi ako nakakasabay sa dinner. Nagpapahatid na lamang ako sa serbidora ng pagkain sa kwarto.

Nang natapos naman ang exams ay sinulit ko ang mga nagdaang araw. Nagkulong ako sa kwarto at nagbasa ng mga bagong pabili kong libro kay Tatay Hector. Dahil doon ay hindi ko namalayang birthday ko na pala bukas. Kung hindi pa ako binati ni Dessa nang alas-onse ng gabi ay hindi ko pa maaalala.

 

From: Dessa

Happy Birthday bibi! Sensya na talaga ha, hindi ako makakasama sa debut party mo bukas. Libre na kasi pamasahe namin kaya hirap magdemand kina Inay. Btw, enjoy your day kahit wala ako. ‘Wag kang malulungkot kasi special day na ‘yon. Sulitin mo okay? Ingat ka palagi diyan. Text mo ako kung ako ang unang bumati sa ‘yo ha. ☺ Ily!

 

Enjoy my day kahit wala ka? Imposible. Wala naman dito si Mama.

Nireplyan ko siya. Sabi ko siya ang unang bumati sa akin. Tuwang-tuwa naman siya sa nalaman. Maya-maya ay tumawag siya at kinantahan ako kahit wala pa namang alas-dose ng madaling araw. Nagpuputol-putol pa siya kaya madali lang din ang naging pag-uusap namin. Minura pa niya ang signal doon.

Ilang minuto na lamang ay tatama na ang maliit na kamay ng orasan sa numerong 12. Dahil hindi pa ako tinatamaan ng antok ay hinintay ko na nga ang birthday ko. Nagulat na lamang ako nang saktong 12 ay tumunog ang phone ko. May notif.

Natalia Iris tagged you in a post.

Euriel Dominique tagged you in a post.

Napangiti agad ako. Last week lang kami naging friends sa facebook dahil hindi ko daw sila ina-accept. Nang tinginan ko ang list ng friend request ko ay 2 years ago na pala ang kanila. Pinaliwanag ko na lamang sa kanila na hindi ako active sa facebook at hindi ako nagbibisita ng mga nagse-send ng friend request kaya hindi ko alam.

Nang buksan ko ay video iyon. Magkaiba sila. May ginawa silang kanta… sa akin? Una kong pinanood ang kay Iris. Sa may garden siya nagvideo. English ang lyrics at gitara ang gamit niyang instrument. Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako the whole time na nagp-play ang video. Sa dulo ay binate niya ako at nagsabi ng kaunting message bago nag blow ng kiss.

Si Euriel naman ay gitara din ang gamit. Sa tingin ko ay sa study room siya nag-video dahil puro libro ang nasa likod niya. Tagalog naman ang ginamit niyang lyrics kaya damang-dama ko ang bawat mensahe niya. Sa huli ay may binasa pa siyang spoken poetry. I saved the video into a video collection. I named the collection: MY BABIES GIFT FOR ATE.

Dahil doon, nakatulog ako ng sobrang payapa. Na hindi ko alam kung kailan sa loob ng dalawang taon nangyari sa akin.

 

KINABUKASAN ay panay ang buntot sa akin ng magkapatid. Isinasama nila ako sa video nila na para daw sa vlog nila. Nakikisama na lang ako dahil mukha silang masaya. At isa pa ay birthday ko naman. Sa kanila pa ba ako magiging kj?

Wala naman talaga akong inaasahan ngayong gabi. Bago magsimula ang party ay nakausap ko pa si Dessa. Nagkwentuhan at nagbatian lang saka natapos ang tawag. Sunod na tumawag ay sina Lola na nasa Batangas. Hinahanap nila ako. Tinatanong kung kailan daw ulit ako bibisita.

Ang hacienda talaga nina Lola Leona ang paborito kong pinupuntahan lalo na kapag bakasyon. Iyon kasi ang madalas naming pasyalan nina Papa at Mama noon… noong bata pa ako. Dalawang taon na akong hindi ulit nakakabisita dahil hindi ko lang feel na bumalik doon. Baka maalala ko na naman si Mama or worse, magpakita na naman siya.

Naluluha si Lola nang magkausap kami. Siguro dahil hindi siya nakapunta dito. Ang sabi niya ay may sakit daw si Lolo at hindi niya maiwan kaya hindi sila makakarating. Pero alam ko naman na bukod doon ay hindi rin siya masayang makita ang bagong pamilya ni Papa. Ewan ko nga ba. Bago naman mamatay si Mama ay alam kong malapit din si Lola Leona kay Papa. Hindi ko lang alam kung bakit ganito na sila kalayo ngayon. Kahit alam kong nalulungkot siya ay hindi niya iyon pinahalata sa akin. Bagkus ay sinabihan niya akong susunduin niya daw ako sa bakasyon dito. Malugod naman akong pumayag. Miss ko na ang lugar na iyon. Baka sakaling maging ayos ako ahit kaonti kapag nakabalik na ako.

Nagsimula ang party. Akala ko ay hindi ko na mararanasan ang ganito dahil wala na si Mama. Natuloy pa din pala dahil daw ni Tita Eleanor. Binati niya ako kanina. Pinasalamatan ko pero hindi talaga ako ganoon ka-kumportable sa kaniya. Ni hindi ko nga siya matawagan na Mama. Pero masaya ako sa ginawa niya.

Akala ko din ay matutuloy pa ang pag-a-announce ng engagement party ngayon. Kinabahan ako dahil nakita ko sina Mr. Vergara. Nang palapit na sila ay tatakbo na sana ako palayo nang may mabundol ako sa likod ko. Nang sipatin koi yon ng tingin ay napakurap ako.

“Happy Birthday, Teresa.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • What is Love   About the Author

    About the AuthorNethaniah Miesha (Author's pen name) is an eighteen year old college student who's been fond of written literature and novels since her childhood. Even though she's been a fan of writing stories, she couldn't find the motivation to finish a story until 'What is Love?'. She believes that her writing has a purpose and that she's writing for a reason.

  • What is Love   Epilogue

    "Know the healer."I smiled as I roamed my eyes around the room. Everything is in its perfect places right now. Everyone is listening attentively.Every hanging word I've spoken left them admired. I can't blame them. These words are the words from our God.Time flies so fast."He is life. And he brings healing."Tumigil ang aking mata sa babaeng nakasuot ng white floral dress. Nakaupo ito sa unang row ng upuan. She's looking at me with full of admiration and her eyes are screaming that she's so proud of me.Ngumiti ito nang maglapat ang aming mga tingin. "I love you," I read her mouth.Hindi ko nagawang sumagot dahil nagpatuloy ako sa pagtuturo.This isn't the first time I did this but this still feels like the first. Everytime feels like the first time.Natapos ang sunday service ay nagtipon-tipon na ang mga leaders and members nila para sa life group. Habang magkakasama sila sa kani-kanilang grupo ay hindi ko mapigilang pagmasdan silang lahat. Ang iba ay nag-iiyaka

  • What is Love   Chapter 40

    What is Love?“LOVE NEVER FAILS”"Some books are meant to be close to halfway reading it because it's not worth reading anymore." Ito ang huling linya ko sa pagtuturo ng prayer meeting. "But there is only one book that will never fail you. It contains His words and promises. The book that tells you that love never fails."Mula dito sa maliit na entablado sa unahan ay kitang-kita ko ang mga nangingilid na luha sa mga mata nila.Sa kabila non ay lalong sumigla ang dibdib ko sa nakikita ko.Through His words, it will never fail His children."May ibang bagay na hindi mo nakukuha kahit ilang beses mong ipagdasal. Hindi dahil binigo ka. Hindi ka kailanman kayang biguin ng Diyos. Iyon ang pag-ibig. He provides you the best plan you can ever encounter."I, once again, smile."You may not see it now, but someday, you will."The prayer meeting starts at three am and it lasts for almost three hours."Tay, uuwi na po kayo?" Nilingon ko si Grace matapos kong magpaalam kay

  • What is Love   Chapter 39

    What is Love?“Love always wait” "I knew what's going on with you and Iris, Euriel.""What can I do, Kuya? I love her.""You have to let go.""No, I can't."Those memories played one more time in my head.I wish I could finally regain those I've lost. I am tired of the never-ending headaches. I was completely a naive man trying to remember something that's leading my heart in vain.Euriel...Iris...Dessa...Matti..."Hey," boses ni Luna ang nagpatigil sa akin sa pag-iisip. "How are you?"Napatitig ako sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang lumipas ang ilang taon na wala na talaga kami. Ang pagkakatanda ko ay lumalaban pa ako. Sigurado at determinado akong mabuo ulit kaming dalawa.I always think of not wasting every time and moments we spent together.Paanong nangyari ito?She's now five months pregnant. And Tony - my brother - is the father."Aren't you hungry?"Umiling ako saka nilipat muli ang atensyon sa TV. It's been months now since I got out of t

  • What is Love   Chapter 38

    What is Love?“Love stays”Warning: This chapter contains harmful scenes. If you find it disturbing, kindly skip this one.Ayaw akong makita ni Mommy. Hindi niya ako hinayaang makausap siya matapos ang gabing iyon. Sa kabila ng paglalasing ay pakiramdam ko ay nahihimasmasan ako dahil sa nangyari.Sinalubong ako ng madilim at tahimik na kwarto ko. Alas-tres na ng madaling araw. Hindi nawawala sa pakiramdam ko ang pagbigat ng talukap ng aking mata.Nakakapagod. Ano lang ba ang ginawa ko sa buong maghapon? Naghabol lang naman ako kay Luna. Pinilit magpaliwanag ngunit ayaw naman pakinggan. Sinubukan itama ang mali niyang iniisip tungkol sa akin pero hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon na gawin iyon.Nakatitig lamang ako sa kisame habang lumilipad ang aking isip. I'm lying at my bed horizontally."I'm sorry I couldn't celebrate our birthday, Adi."Wala akong nakikita kundi ang dilim na lalong nagpa-alala sa akin ng panahon na nawala at hindi ko nailigtas ang kap

  • What is Love   Chapter 37

    What is Love?“Love pursue”Hindi ko kayang umalis sa tabi ng kabaong ni Adi.Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Ni hindi ko man lang natugunan na mangyayari ito. Walang ideyang ganito ang mangyayari sa akin, o kay Adi.I was just staring at my cell phone. On my call logs, there's that 32 seconds phone call with her.Gusto kong magwala.Galit na galit ako sa sarili ko. Isa ako sa may kasalanan ng pangyayaring ito maliban sa hayop na demonyong iyon.Kahit saang anggulo tingnan, malaki ang parte ko dito.Putangina, hindi ko makayanan tingnan ang sarili ko sa salamin. Ang lakas pa ng loob ko na tumabi sa kaniya ngayong gabi matapos nang hindi ko pagtugon sa kaniya.Umiiyak siya nang tawagan niya ako.Ngunit wala pa din akong ginawa.I couldn't afford to look at her through that glass barrier of her casket."Anak?"Pag-angat ko ng tingin ay ang pugtong mata agad ni Mommy ang sumalubong sa akin. Kahit siya ay hindi ko matingnan kaya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status