Share

CHAPTER 03

"Grabe! Ang suwerte mo talaga Phia!" paulit ulit na sabi ni Jessica.

Hindi ako makaimik. Kalmado na rin ang tibok ng puso ko. Hindi na tulad kanina na nagwawala. Pero tuwing nagre-replay ang nangyari kanina ay bumibilis ang takbo nito.

"Kain muna tayo, Sophia, treat ko dahil muntik ka ng mahulog sa stage kanina at dahil na rin kinunan mo kami ng picture ni Hendricks!" sabi ni Jessica at yumakap pa sa aking braso.

Hinatak ako ni Jessica sa isang pizza place. Siya na ang umorder para sa amin. Naiwan ako roon sa table habang nasa counter si Jess. Naiwan ako doon sa pag-iisip tungkol kay Malcolm Humphries.

For a big muscular guy like him, he held on me so gently. His concern is genuine. His body is so warm which help calming me down a bit.

Hindi ko na rin nakausap ang nakahila sa akin kanina. There's nothing I could tell her anyway.

"Bakit namumula ka riyan?" usisa ni Jessica na nakapagpatalon sa akin.

"A-ano! Wala!" I nervously laughed.

She placed the tray containing 2 big slices pizza, churros, and 2 large cola. However, I don't have much of an appetite to eat.

Pinanood kong kumain ang kaibigan. Samantalang 'di ko naman naubos iyong sa akin. Pina-take out ko na lang iyong akin.

"Sigurado ka bang okay ka lang na umuwi mag-isa?" tanong sa akin ni Jessica.

Sa Makati pa kasi siya uuwi kaya mabuting sumakay na siya ng LRT dahil bandang Central station lang naman ako. Puwede ko rin namang lakarin na lang ang distansiya ng mall at ng aking dorm.

"'Wag ka ng mag-alala sa akin, i-text mo na lang ako pagka-uwi mo." bilin ko sa kanya.

Nag-aalangan pa siya bago umakyat ng Pedro Gil station. Hinintay ko pang mawala siya sa paningin ko bago nagsimulang maglakad pauwi sa dorm ko. 

Malapit ng mag-alas nuwebe nang makarating ako sa dorm namin. Gulat ang ilang naroon na muntik akong mahuli sa curfew nang land lady namin.

"Ngayon ka lang yata lumabas ng Sabado..." si Heart.

"Muntik pa kamong mahuli sa curfew ni Madam!" si Kim.

Hindi na ako sumagot, sa halip ay ipinasok ko sa fridge ang tira kong pagkain matapos lagyan iyon ng pangalan ko. Dahil hati-hati ang mga naroon sa space, kailangan lagyan ng palatandaan ang kung ano ang iyo dahil hindi maiiwasang hindi maangkin ng iba.

Mabilis lang din akong nag-shower dahil medyo malagkit ang katawan ko sa pawis maghapon. Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Jessica sinasabing nakauwi na siya.

Ilang sandali na akong nakatitig sa kisame pero hindi pa ako dinadalaw ng antok. Wala yatang balak ang utak ko na patulugin ako. Dinadala ako ng isip ko sa memorya nang guwapong mukha at kulay abong mga mata ni Malcolm Humphries.

Heto na naman ang bilis nang tibok nitong puso ko. Ipinahinga ko ang kamay sa dibdib ay pinakiramdaman ang tibok nito. The mere memory of him makes my heart beat this fast. Sa bilis ay nakakatakot na. Baka sumabog na lang ito bigla.

Normal lang naman ang tibok nito kaninang umaga. Nagbago lang noong muntik akong malaglag sa stage. At iba rin noong nasa bisig niya ako.

Napabangon ako ng wala sa oras. Dahil hindi ako pinapatulog ng utak ko ay nagdesisyon akong hanapin siya sa internet. Sinimulan kong maghanap ng mga artikulong tungkol sa kanya sa G****e. Pinatulan ko na rin maging ang mga fan sites. Binasa ko rin ang mga impormasyong nakatala tungkol sa kanya sa Wikipedia.

Malcolm Hinge "Mac" Yapjuangco Humphries (born 17 June 1990) is a Filipino-American with Spanish descent actor and model based in the Philippines.

Malcolm Hinge Humphries

Born: 17 June 1990 (age 27) Los Angeles, California, USA

Occupation: Actor, Model

Years Active: 2012-present

Relative/s:

Von McCormick Humphries (Father)

Hillary Grace Yapjuangco-Humphries (Mother)

Mavianna Anais Humphries (Sister)

Marianna Anais Humphries (Sister)

I even took note of his shows. Balak kong panoorin ang mga palabas na nagawa niya kung sakaling may libreng oras ako. 

I don't know what took over my system but turns out, I'm converted to a fangirl now. I stan Malcolm Hinge Humphries. Funny as it may seems but it is true.

I'm hoping this isn't just like those of my hyper fixation, where I love one thing because I just want to do it one time.

Dinala ako ng fascination ko kay Malcolm sa kanyang mga social media accounts. I liked and followed his official F******k page, followed him in both I*******m and Twitter.

I saved a couple of his photos for anatomy references. Deeply awed in the he posed for photos, it looked graceful and at the same time masculine.

Hindi ko mapigilan ang mga ngiting gumuguhit sa aking labi sa patuloy kong pagbabasa ng kanyang early life, career, at maging ang kanyang personal life. Napa-proud ako sa kanya, kahit pa bago lang ako sa larangang ito.

May mga awards at mga nomination siya na naipapanalo niya kahit sa International scene. He started with modeling but he's now one of the leading actors of the country.

Mga alas dos na nga ng madaling araw ako inantok at nakatulog kakaisip sa kanya. Sana nakatulog siya ng mahimbing. Dahil napapahagikhik ako tuwing naiisip na 'di siya makatulog dahil iniisip ko siya.

"Ano na naman itong inilalabas nilang merchandise?" sigaw ko sa harap ng computer ko.

Sa screen ko ay naka-display ang teaser ng limited edition collection ni Malcolm at isang kilalang clothing brand. The price ranges from 599-799 pesos. 

I'm absolutely broke.

Naiiyak na lang ako sa parami nang parami na merchandise na lumalabas ngayon. It's as if the world is conspiring just to break my wallet. With the current job I have, it's impossible to afford this collection.

I'm just a freelance artist, and a full-time fangirl to my ultimate celebrity crush, Malcolm Hinge Humphries.

It has been a year. Yes. Isang taon na ang lumipas nang muntikan akong mahulog sa entablado at sinagip niya ako. Some thought that I idolize him for his looks but to break it to those who didn't know, he saved me from falling off of the 4 foot makeshift stage.

Na-marathon ko na ang mga palabas na nagawa niya. I watched it all in Jeepney TV at iWant TV. I was obsessed in everything that concerned him, saying that meant that I have read every written article about him. Be it a scandal, a rumor, or even just plain news article about him.

Alam kong sobra na. Inaamin kong sobra akong naging obsessed kakasunod sa kanya. Minsan pa'y dumayo ako ng South para sundan ang mall show nila.

Hinalughog ko rin ang marketplace ng F******k o group pages na buy and sell, Twitter, I*******m, Carousell, Lazada, at Shopee para sa mga Malcolm collectibles, magazines, at merchandise.

I've even made a compilation of informations about him. Aside from what you can read on Wikipedia. Gumawa ako ng sariling website na solely for Malcolm only. People doesn't even know that he likes his coffee black with two packets of sugar.

His favorite color? White. Though he likes neutral colors.

Favorite food, you ask? Tuna Pesto Pasta, Chicken Cordon Bleu, and Spicy Chicken sandwich from McDonald's.

Most of this facts are posted on the website and to my F******k page, as well. I do memes of him, too. I do sell some fan made merch of Malcolm to cover my fangirl streak.

I don't do it as often as before, though. Ginagawa ko na lang iyon sa free time ko dahil naghahanap ako ng trabaho sa ngayon. I still do fangirl once in a while pero hindi naman ako kikita sa pagfa-fangirl, mas lalo lang akong nagiging broke sa totoo lang.

Kinakailangan kong magbukas ng 25-30 slots in a month in order to help my family. I need to help pay the electric bill, and grocery for us.

"Commission done!" sigaw ko at nag-inat.

Sapat na ang presyo nang komisyong 'to para sa isang damit na imo-model ni Malcolm. Napahigikhik ako sa naiisip.

Nag-inat ako sandali dahil bahagyang sumasakit ang likod ko at maging ang kamay ko'y nawalan na ng lakas sa magdamagang pagguhit. Sinigurado kong nai-save ko ang mga digital commissioned drawings bago ako bumaba upang makainom ng isang basong tubig.

Madilim na sa ibaba at sigurado akong tulog na rin sina Mama at Papa. Ayon sa orasan na nakasabit sa dingding ay alas dos na ng madaling araw. Pinagkibit ko na lang iyon ng balikat.

I rummage the shelves for something to eat. A glass of water wasn't sufficient for my growling stomach.

"Kahit cup noodles lang..." bulong ko.

"Anong hinahanap mo riyan?" 

Napatalon ako sa gulat nang makita ko si Mama na nasa hagdan. Nasapo ko ang dibdib dahil sa biglang pagtatanong ni Mama.

"Nakakagulat ka naman po, Mama..."

Namewang si Mama sa harap ko, "Ano kako ang hinahanap mo?" pag-uulit niya ng kanyang tanong.

Nangisi ako kay Mama, "Medyo gutom ako, Ma, naghahanap ako ng cup noodles..."

"Anong cup noodles?"

"Iyong kay Malcolm, Mama..." kinikilig kong sagot.

My mother snorted. At saka niya ako bahagyang tinulak sa tabi at siya na ang naghalughog sa kanyang cabinet at nahanap niya ang mga noodles. Nakasibangot si Mama habang iniaabot niya ang noodles na ini-endorse ni Malcolm.

"Ikaw na lang ang magligpit, kung tamad kang maghugas ay iwan mo sa lababo at ako na ang mag-urong mamayang umaga." bilin sa'kin ni Mama bago pumasok sa banyo.

I happily ate my noddles and placed the dishes by the sink before going upstairs to lay on my bed. Hinahaplos ko ang tiyan kong 'di pa nalaki kahit noong bata pa ako.  Hinanap ng aking kamay ang bolster na madalas kong yakapin.

"Goodnight, Malcolm." bulong ko roon sa bolster pillow.

Tanghali na ako nagising, at pagkabangon ay iniayos ko agad ang pinaghigaan. Tapos ay dumiretso sa aking desk upang tignan ang aking e-mails o mga DMs.

May ilang commission pa akong kailangan tapusin dahil bayad na ang mga iyon. Kailangan ko na lamang i-send ang mga natapos ko na. May painting commission rin na kailangan kong ipadala sa LBC.

Kailangan kong maitawid itong pagiging fangirl ko. Lalo na't may bagong palabas si Malcolm at may ilalabas silang mga bagong merchandise. I've been collecting his every merch, 'di puwedeng magkulang ang mga iyon.

Pero hindi lang naman sa pagfa-fangirl ko napupunta ang kinikita ko. Siyempre ay nagbibigay at tumutulong din ako sa mga magulang ko. Hindi kalakihan ang naiaambag ko pero okay lang daw sabi ni Mama.

"Sophia?" tawag ni Mama mula sa labas.

"Po?"

"Kumain ka muna ng almusal, mamaya niyan ay mapabayaan mo ang katawan mo." 

Binuksan ko ang pinto at sumalubong sa akin si Mama na naka-bihis, suot niya ang damit na isinusuot lamang niya tuwing mamamalengke. Binalikan ko ang pitaka upang magbigay ng kaunting panggastos. 

"May ipapabili ka?"

Umiling ako, "Dagdag pamalengke, Mama, kung may extr-"

"Alin? Noodles o 'yung inumin?"

"Inumin naman ngayon, Ma."

Lumarga si Mama at naiwan ako roon sa bahay. Tulad nang bilin niya ay kumain muna ako ng aking almusal habang nanonood ng Magandang Buhay.

Ngunit habang nanonood ay kinakalikot ko rin ang aking phone. Karamihan ng naroon sa news feed ko ay mga kaklaseng nagta-trabaho na sa mga graphic design firms, animation studios, advertisement, at iba pa.

Pero heto ako ngayon. Tambay sa bahay.

Hindi mo maiwasang 'di ma-insecure. Hindi mo maiwasang 'di i-compare ang sarili mo sa iba. Kuwestiyonin ang sarili mo.

Bakit? May Latin naman ako, pero bakit hindi trabaho ang lumalapit sa akin? Sabi sa amin noon ay kung may Latin ka, ang trabaho ang maghahanap sa'yo. Kaya nagsikap akong makatapos na may Latin.

Pero ba't ganun?

Andito pa rin ako. Maybe the problem was me. Maybe I didn't look hard enough, or work hard enough to find a stable job.

"Trabaho rin naman 'to ah!" I smack my own head. "Parang tanga talaga!" 

Bumalik ako sa kuwarto matapos kong ayusin ang kalat na nagawa ko roon sa sala. Tatapusin ko na ang ilan sa proyekto ko para mai-close ko ang commission slots at makapagpahinga ng kaunti bago buksan ulit iyon.

Nang makatapos ng ilan ay pinahinga ko muna ang mata. Narinig ko din kasing dumating si Mama. Amoy ko na agad ang sibuyas maging ang paminta. Nilaga ang ulam namin.

Nang makita ang dami ng notifications ko sa F******k ay kinuha ko ang anti-radiation glasses ko upang masilip kung ano ang mga iyon.

Ilan ay mga messages na nagtatanong magkano ang rate ko. Ang iba nama'y nagtatanong kung puwede ko silang i-guhit at bibigyan daw nila ako ng shout out. Lol. May ibang notification din ang tungkol sa mga job openings.

Napasinghap ako nang makakita ng job listing around Quezon City. Binasa ko ang description. Napasigaw ako sa gulat at excitement dahil agad kumatok ang opportunity sa akin.

Berkshire & Rockefeller Entertainment Media is having a mass hiring on their building on Monday! Yes! It is the same agency kung nasaan si Malcolm!

"Omg!" paulit-ulit kong sambit.

Mabuti at 'di ako inakyat ni Mama. My mom must've thought that I'm fangirling! Kinalma ko ang sarili kahit na alam ko sa sariling hindi ako makakalma!

Agad kong inasikaso ang paggawa ng resume bago man lang ako mag-inquire ukol sa trabaho. Nanood ako ng video sa Youtube kung paano gumawa ng professional resume.

Matapos kong gawin ang resume base sa napanood kong video ay agad akong nag-fill up ng form sa kanilang website para sa online application. Sa huli ay binigyan nila ako ng mga requirements na kailangan kong dalhin sa pagpunta ng kanilang opisina.

Pagkatapos kong makakuha ng confirmation para sa scheduled interview ko sa Lunes ay bumaba ako kay Mama. Kahit nasa edad na ako na puwedeng magdesisyon mag-isa ay nasanay na akong ipaalam kay Mama ang mga bagay bagay.

Pagkababa ay naabutan ko siyang naroon at naghihiwa ng patatas para sa lulutuin niyang Nilagang Baboy.

"Mama!" 

"Punyeta! Sophia Kristalene!" sigaw ni Mama dahil sa gulat.

I smiled at my mother, "Aalis po ako sa Lunes, may hiring po akong pupuntahan sa QC." sabi ko.

"Ano ang gusto mong gawin ko?"

Napanguso ako, "Share ko lang naman, Mama." 

"Sabihin mo kay Papa mo para may pamasahe ka..."

Tumango na lang ako bilang sagot bago umakyat muli sa aking kuwarto upang maihanda ko na ngayon ang mga gamit na kakailanganin ko sa Lunes. May gusto pa yatang sasabihin si Mama ngunit nabitin iyon sa ere dahil paakyat na ako.

Kahit anong trabaho ay tatanggapin ko na. Ayoko na mag-stay dito sa bahay at nauurat na ako. Maganda siguro kung 'yung trabaho ay parati kong makikita si Malcolm, ano?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status