Share

CHAPTER 06

From where I am standing, it was an obvious mess. There's no visible trash loitering around, but there's lots of frosted garment's bag placed on the couch without care. Agad kong napansin ang iba roon ay nakita kong nasuot na niya nang nakaraang linggo sa mga TV guesting niya.

Absent-mindedly, I fixed the garment's bag to make space for my bags which was kind of heavy plus considering my well-being, it pains me.

Judging by the way the clothes piled up here, I'm unsure whether it's clean or not. Sinikap kong bitbitin ang iilan doon. At saka ko lang naisapan na hanapin ang laundry area. 'Di rin naman mahirap hanapin dahil natagpuan ko agad iyon sa likod lamang ng kitchen.

Doon nakakita ako ng basket at iilang mesh humper. Hindi ko ginalaw ang mga damit na nasa clothes bag dahil obvious na mga damit na iyon ay kailangang dalhin sa dry-cleaners.

Ang ibang naroon at wala sa bag ay agad kong pinaghiwa-hiwalay ang puti at ang dekolor nang masimulang labhan. Mahirap na kung maghalo ang mga kulay niyon. 

Matapos kong mailagay ang unang load ko sa washing machine ay nagpunta ako sa kusina upang tignan kung may puwede akong mailuto para sa kanyang brunch. Hindi ko na rin naman kailangan pang mamoblema dahil smart appliance ang washing machine kaya't maari akong mag-multitask.

Ayon sa schedule niya ay 9 o'clock ang gising niya. He needs to work-out for an hour before taking his brunch by 10 AM.

Contrary from what I was thinking, his cupboards and fridge are filled. Ano ba ang inihahanda kapag brunch? Is it the same as what normal people eat during breakfast?

Nag-saing ako gamit ang 'di pa yata nagamit na rice cooker, at saka ako nagsimulang magprito ng itlog, hotdog, at bacon. Matapos iyon ay parati kong binabalikan ang labahin ko tapos ay nagwalis na rin ako at nagtanggal ng mga alikabok sa mga naka-display sa mga istante.

15 minutes to 9 o'clock, I'm already done with the cleaning. Makakalahati ko na ang laundry at tapos na ako sa paglilinis. Aayusin ko na lang ang mesa kapag handa na siyang kumain.

5 minutes to 9 o'clock. I run upstairs to the penthouse's second floor. There are about five doors in here. Alin dito ang kuwarto niya?

I took the leap of faith and trusted that the double doors by the end of the hallway were his room. Bago ko iyon buksan ay kumatok pa ako. May manners naman ako.

Nang walang sumagot sa akin ay dahan dahan kong pinihit ang doorknob at doon ay may namataan akong mga painting at isang sculpture. Namali ba ako ng pasok.

Ngunit dahil narinig akong ungol mula roon ay maingat akong pumasok at naroon nga si Malcolm. Kita ko ang kanyang hubad na likod, nagpi-flex pa ang kanyang back muscles. Samantalang natatakpan naman ang ibabang bahagi ng katawan niya.

I can't help but stare at his sleeping figure. I even tilted my head to catch a glimpse of his sleeping face. This is beauty is illegal.

How could someone be so gorgeous while sleeping? With his lips parted like that it is tempting.

But it's time for you to wake up Sleeping Daddy...

I giggled at the thought.

I did some breathing exercises, mentally preparing myself before I let my hand touch the sleeping figure of the godly Malcolm.

Marahan kong tinapik ang kanyang balikat. Matigas. Napamura ako sa isip.

"Sir, Sir gising na po." pabulong na sabi ko. "Sir, gising na po." ulit ko dahil baka hindi niya ako narinig nang una.

He groaned as he rolled, revealing his chiseled chest and washboard abs. Iniiwas ko ang tingin dahil nagkakasala ang mata ko. 

"What time is it?" he asked, sitting up. Nagpalinga linga siya ng tingin bago iyon natigil sa akin. "Who are you?" tanong niya.

"Good morning, Sir Malcolm." bati ko. "I'm Sophia Grande, your new personal assistant, and to answer your question regarding the time," sinulyapan ko ang relo sa aking pulso, "It's 9:05 AM na po, Sir."

Tumangu-tango siya at saka marahas niyang tinanggal ang comforter. Akala ko'y magkakasala muli ang mga mata ko pero mabuti't naka-pajamas pants siya. Tinulungan ko siyang ayusin ang kanyang kama. 

Inilibot ko pa ang mga mata ko sa kanyang kuwarto kung may kailangan bang labhan roon o linisin man lang. Ngunit wala akong nakitang dumi roon.

Palabas pa lamang ako ng kanyang kuwarto ay narinig ko na ang pagbukas at sarado ng pinto sa kabila. Doon siguro ang kanyang gym? Baka nga.

Imbes na manatili roon, bumalik ako sa laundry area upang tapusin ang mga naisalang ko roon. Inayos ko na rin ang hapag dahil 10 o'clock ang oras ng pagkain niya.

Ten minutes to 10 o'clock, I was done with most of the laundry. And by ten, I already spotted him sitting on the dining table while looking at his iPad.

Umangat ang tingin niya sa akin kaya't napatigil ako sa ginagawa ko. Baka may iutos siya. 

Pinanood ko siya habang pinupunasan niya ang gilid ng kanyang labi. Sandali akong napapikit. Mapula masyado ang labi natin, Malcolm. 

"Sophia, right?" biglang tanong niya kaya't agad akong napadilat.

"Yes, Sir." patangu-tango ko pang sagot.

"Join me for brunch, please."

"Po?" naguguluhang tanong ko.

"I said, join me for brunch..." nakangisi niyang usal. Nagpapahinga pa man din ang baba sa kanyang palad. Animo'y parang nasa teleserye kami at inaakit niya ako.

Hindi agad ako nakasagot. Nanlalambot kasi ako at sigurado akong manginginig din ang boses ko. Labis na nakakapanghina ang mga titig niya. Lalo pa't diretsong nakatingin sa'yo ang kanyang kulay abong mga mata.

"A-ano po," napalunok ako, "Sandali po, Sir." I excused myself and ran towards the living room, where I left ng belongs. Andoon kasi ang pabaong lunch ni Mama.

Nakakunot ang noo niya nang bumalik akong bitbit na ang baunan ko. I grinned at him as I proudly unfold the meal my mother prepared for me.

"What is that?" he asked.

"Ano po, baon ko po."

"You prepared me food and you'll eat that one?"

Tumango ako bilang sagot. Hindi ako sigurado kung makakain ko pa 'to 

"Inihanda po kasi 'to ng Mama ko at saka matatagalan bago ko ulit matikman ang luto niya..." I trailed off.

He nodded, "Then why are seated right there? If there's seats available right here?" tanong niya, ibig niyang sabihin ay iyong mga upuan malapit sa kanya, "You can seat here." Turo niya sa upuan malapit sa kanya.

Nalunok ko na yata ang dila ko kasama lahat nang laway sa bibig ko.

"Okay naman na po ako dito." I smiled.

Para nakikita kita habang kumakain ako. Hihi.

Sinaluhan ko siyang kumain. Kinikilig ako habang nakikita siyang kinakain ang pagkaing hinand ko para sa kanya. Panay rin ang pagsulyap sulyap ko sa kanya. Lalo na nasa harap ko lang naman siya.

Ang guwapo niya talaga. Kahit naka-simpleng sando at jogging pants lang. Umaapaw pa rin ang kaguwapuhan niya.

Nakatitig ako sa kanya nang bumaling ang tingin niya sa akin. Parang luluwa ang puso ko mula sa bibig. Hihimatayim ako sa kaba dahil sa kanya!

Bakit kasi bigla bigla kang lumilingon, Malcolm, ha? Bakit?

"You know, Sophia, you don't need to clean my entire unit, may ibang taong gagawa niyan." sabi niya sa akin habang naglalagay ng dagdag na kanin sa kanyang plato. "Since you're hired as my assistant, and your job is to assist me with my work and that doesn't include cleaning my place or doing my laundry." he told me while his molten gray eyes was staring at me the whole time.

Hindi ko alam kung matatakot ba ako o kikiligin ako. Dahil sa totoo lang, I'm living the fangirl dream. Every girl who admire him would kill just to be where I am now.

Can I just apply to be your wife?

If, Yes...

Yes, I do the cooking.

Yes, I do the cleaning.

Hindi ko napigilang mapahagikhik. He eyed me curiously but said nothing.

"Okay lang naman po, hindi lang po talaga ako sanay na may makitang kalat," sabi ko habang hinihimay ang karne ng manok gamit ang kutsara't tinidor. "Turo po kasi iyon ng Mama ko kaya nakasanayan ko na rin."

Umangat ang tingin ko sa kanya. Nakita ko siyang tumangu-tango bago bumalik sa pagkain.

The conversation ended there. Medyo na-down ako roon lalo na gustung-gusto kong naririnig ang boses niya. It was very far from the voice I hear on the television. It was more charismatic and deep.

I was imagining Malcolm serenading me with his deep baritone voice. 

Patapos na akong kumain nang umangat muli ang tingin ko kay Malcolm, nakakunot na naman ang noo niya habang nakatingin sa akin.

I stopped myself from touching my face. May problema ba sa mukha ko? May dumi? Antakaw ko bang tignan? Hala siya! Anong gagawin ko?

"Sir? May problema po ba?" kabadong tanong ko.

I don't know what's wrong. I just find it unsettling when he's staring at me that intently.

Umiling siya bilang sagot sa tanong ko, "I don't know, actually," he said as he rested his chin on his palm and kept on intently looking at my face, "You seem so familiar and I don't know why?" I swallowed, naaalala niya kaya ako? Does he remember me almost falling off the stage? Does he remember catching me?

Ilang sandali pang ganoon ang titig niya sa akin ngunit sa huli ay umiling na lang siya, "Nevermind, I'll go ahead and prepare now," sabi niya sa akin at saka tumayo na. Kailangan na niyang mag-ayos ngayon upang makarating kami sa kanyang campaign shoot on time para pa naman iyon sa isang local brand.

"If you want to wash the dishes, please use the dish washer so it won't be a hassle to you." sabi niya bago tuluyang iwan ako sa hapagkainan.

Nang masiguro kong wala na siya ay agad kong nasapo ang aking dibdib. Ang sweet naman niya... Ayaw niya akong ma-hassle! Ayaw niya sigurong napapagod ang reyna niya. Chos lang! Fangirl mode turning off. Natatawa ako sa kung ano ang pumapasok sa utak ko.

Hindi pa tuluyang na-off ang aking fangirl mode nang bumalik si Malcolm, "Sophia," natigil ako sa kinauupuan ko at napalingon sa dako kung nasaan si Malcolm.

"Sir?" hilaw akong napangiti, kabado ako. Baka nahuli niya akong kinikilig dito. He'll think of me as a crazed ass fan. Matanggal pa ako sa trabaho.

He half-smiled, "Please do tell Ferdinand to use the car that's parked in B2 157, Thank you." he said and left me again.

Hindi pa ako nakasagot nang iwan niya ako ulit doon. Hindi ko na rin naman inisip iyon at tinapos na ang pagkain ko at isinalansan ang maruruming pinggan sa dish washer.

Imbes ay habang kumikilos ako ay sari-saring tanong ang sumusulpot sa utak ko. Nakita niya kayang kinikilig ako? Sana naman hindi, pero paano kung nakita niya? 

Shit! Nakakahiya. Hindi ko talaga maiwasang hindi mag-fangirl. Upang matigil ang mga boses na tanong nang tanong ay marahan kong sinampal ang magkabilang pisngi ko.

"Huminahon ka, Self." bulong ko sa aking sarili. "Trabaho ka muna bago ka mag-fangirl." napatangu-tango ako nang medyo mahimasmasan ako.

Binalikan ko ang aking bag upang kuhanin ang cellphone roon at tatawagan ko si Mang Ferdinand. Tulad ng ibinilin sa akin ni Malcolm, iyon din ang sinabi ko kay Mang Ferdinand.

"Oh siya sige, hija, tawagan mo na lang ako kung pababa na kayo..." sabi niya sa akin.

"Sige po, Mang Ferdinand..." 

Matapos ibaba ni Mang Ferdinand iyong tawag ay agad kong binalikan ang huling load ng laundry na papatuyuin sa dryer.

Alas onse y media ay tapos na ako sa gawaing bahay at nakaupo na ako sa couch. Nakatingin sa schedule niya. Hindi jam packed ang schedule niya para sa ngayong araw.

He just have 3 prior commitments for today. Interview with the King of Talk ang huli niyang commitment ngayong araw.

"Are you ready?"

Umangat ang tingin sa ikalawang palapag at nakita ko roon si Malcolm. Naka-baby blue polo at denim jeans at isinusuot ang kanyang relo.

Tipid na tango ang sagot ko. Baka kasi 'di ko mapigilang tumili kung pilit kong buksan ang bibig ko.

"Then shall we go?" he asked.

Tumatangung tumayo ako at saka kinuha ang mga bitbitin ko. 

"May bibitbitin pa po ba ako?" tanong ko. Nakatingin ngayon sa iilang garment's bag na nasa couch.

"I can carry those..."

"Per-"

He didn't let me finish talking and took a few of garment's bag with sticky notes on it.

"Let's go, Sophia..."

Sa huli ay napabuga na lang ako ng hangin at sumunod sa kanya palabas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status