Share

CHAPTER 12

Ako:

Coli, may lakad pa ako kaya gagabihin ako ng uwi hehe ;P

Binasa ko ulit 'yong mensaheng pinadala ko sa pinsan ko. Kanina ko pa iyon naipadala ngunit hanggang ngayon ay wala pa akong natatanggap na reply.

Binaba ko ang tingin sa aking relo, 7:30 na ayon dito. Nasa lobby ako ng building at hinihintay ko si Malcolm.

Kanina ay tinanong niya ako kung libre ako ngayon. Nagsinungaling ako na wala kahit nakaplano na may pizza night ngayon.

Mas mahalaga pa ba ang pizza night kaysa kay Malcolm?

Siyempre, hindi.

Mas mahalaga si Malcolm.

Pinagmasdan ko ulit ang text na tinipa ko para sa pinsan ko. I sighed. Makailang text na rin ang naipadala ko sa kanya ngunit wala pa rin akong natatanggap na reply.

Nakalabi ako at nag-compose muli ako ng panibagong mensahe.

Ako:

Enjoy kayo sa pizza night! Sana may matira para sa akin! xoxo

Ilang beses ko muna iyong binasa bago ko sinend. Naghintay pa ako ng kaunting minuto pero tulad nang mga nauna kong text ay wala rin akong natanggap na reply.

"Sophia
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status