Share

CHAPTER 09

I woke up about 2:59 AM. Mga anim na oras lang ang naging tulog ko ngunit wala na akong oras para matulog pa dahil may naka-schedule na guesting si Malcolm sa Umagang Kay Ganda!

Nagmadali na akong naligo at nag-ayos. Pagkatapos ay dumiretso na ako ng kusina upang makapag-luto ng agahan para sa mga kasama ko sa bahay at para na rin sa almusal ni Malcolm.

Ayon sa rules niya ay kailangang may nakahandang almusal bago ang pagpi-prepare niyang umalis sa kanyang unit. Except for today. Dahil may almusal silang kakainin sa gitna ng programa.

Ako lang talaga ang may gusto na ipaghanda soya ng almusal. Hindi naman bawal, gusto ko lang maging extra.

"Good morning, Sophia." nilingon ko ang bumati sa aki at nakitang si Christine iyon. Tulad nang panahon namin sa SIU library, maganda pa rin ang istilo ng kanyang pananamit.

She's wearing a baby blue long sleeved blouse, a black pantyhose, and a black tube cut skirt. Wearing a slider

"'Yan po ang suot mo sa work mo?" nag-isip pa ako kung Christine o Ma'am ang itatawag ko. Pero tulad nang sinabi niya kagabi ay tinawag ko na lang siya sa pangalan niya.

"Yes, unlike sa SIU library na walang uniform, doon sa Liberty de Dios library ay merong strict uniform code." sabi niya na may ngiti sa labi.

Napatangu-tango ako. Tapos ay pinagpatuloy ko ang pagluluto. Napansin kong bumaba ang kanyang tingin sa niluluto kong almusal para sa lahat.

"By the way, if okay lang, can I have some toast and bacon?" aniya. "That's my usual breakfast kasi."

Tumango ako dahil hindi lang naman para sa akin ang mga niluto ko, para rin 'yon sa kanila. She took 3 pieces of toast and two pieces of bacon. Kumuha rin siya ng isang tasang kape na walang asukal o creamer man lang. Plain black, pait noon!

"Thank you, Sophia..." she smiled warmly at me, "You eat, you have a long day ahead," she followed.

I smiled at her in return. Tapos nang nakita ko siyang kinakain na ang kinuhang toast at bacon,"Ah, Christine, hindi ka po magba-baon?" kuryosong tanong ko.

Nakangiti pa rin siyang umiling sa tanong ko, "Ngayon ang birthday ng head librarian namin, magpapakain siya mamayang tanghali kaya hindi na ako magbabaon." magalang niyang sagot, tumango na lang ako at pakonti-konting kumakain ng pagkain.

Nag-aayos ako ng mga gamit ko para sa araw na iyon. Naayos ko na rin ang hapag kaya kakain na lang mamaya.

"Gusto mo bang sumabay?" napalingon ako kay Christine na nakapag-ayos na nang tanungin niya ako.

Libreng pamasahe? Bakit hindi? Maligayang tumango ako.

"Salamat po! Tapusin ko lang pong ayusin 'to." sabi ko at nagmadaling ayusin ang aking bag.

4:30 AM na sabi nang orasan sa dingding. Kinuha ko na 'yung tote bag na pinaglagyan ko ng almusal ni Malcolm at nilagay ko na lang sa bag pack ko ang pagkain ko mamayang tanghalian.

Sabay kaming lumabas ni Christine. Nagpresinta na akong magbukas nang gate at nilabas naman ni Christine ang kotse niyang puting Honda Civic.

Ito siguro ang kotse'ng ilang taon niyang huhulugan sa bangko. Nabanggit niya ito sa akin noon. Isa raw ito sa mga pangarap niyang ipundar.

Sino bang hindi?

"Tara na, Sophia, sabihin mo na lang sa akin kung saan kita ibababa." sabi niya sa akin nang makaupo na ako at naisara ko na ang pintuan ng kotse.

As the engine revved up to life and soon we are smoothly cruising on the street at the average run of 60 kmps.

I had the opportunity to open a conversation, "Saan po 'yung bago niyo pong workplace?" binalingan ko siya nang itanong ko iyon, "Nabanggit lang po kasi nila Marjorie nang kailan na nag-resign na raw po kayo sa library nang SIU after graduation..." bahagyang napanguso ako dahil parang imbestigador ang dating ko sa pagtanong.

She made a quick glance my way and answered, "Dito lang rin sa Quezon City," she answered with a gentle smile. "Like I said last night, kumuha lang ako ng experience sa SIU library bago ako mag-apply doon,"

"Bakit po?"

"Library of Liberty de Dios is where my mom used to work as a librarian, too." pagbabahagi ni Christine.

Patangu-tango ako, "Marami po bang pumupunta roon?" out of the blue na tanong ko.

"To be honest, just a handful of people but you know what," mabilis niya akong nilingon, "There's actually a music video that is going shoot in the library next week," saad niya, "They asked permission and was approved just yesterday..."

"Alam niyo po anong music video?" kuryosong tanong ko.

She pouted a bit, "From what I heard, Youth yata iyong title nang kanta."

"Iyong singer po, kilala niyo?"

"Shawn Warner at may isa pa kaso nakalimutan ko ang pangalan..."

Matapos noon ay 'di na ako nag-usisa pa dahil mabilis din ang naging biyahe namin. Malapit lang din naman ang bababaan ko at madaling araw pa. Itinabi niya ang sasakyan sa gilid upang makababa ako.

Tinanggal ko ang seat belt at kinuha ang mga gamit na dala ko, "Bye, Ma'am! Salamat po!" paalam ko sa kanya, "Ingat ka po."

She smiled and waved at me, "Bye, Sophia!" sabi niya sa akin bago inangat ang bintana nang kotse. Hinatid ko pa siya ng tingin bago ako pumasok ng ABS-CBN building.

"Good morning po, Manong!" bati ko roon sa guwardiya. Binati ako ni kuya guard at in-inspect ang gamit ko bago ako tuluyang nakapasok.

Nagmadali akong pumunta sa Studio 13 kung saan live na nagshu-shoot ang morning show na Umagang Kay Ganda. Sinabihan na ako ni Malcolm na 'wag nang pumunta pa sa kanyang unit at dumiretso na dahil sayang nga naman sa pamasahe at gas kung pupuntahan ko pa siya roon.

I went to Studio 13 and saw how busy the staffs this early morning. The director wasn't here but on the booth. Ganito pala ang kanilang eksena sa umaga. Namangha akong makita ang behind the scenes ng isang palabas.

Maraming tao ang nasa likod ng kamera na hindi nakikita ng simpleng manonood. Hindi lang ang artista, direktor, o cameraman. There is a hundred people behind a show.

Kaya sa oras na mawala ang istasyon ay libu-libong tao ang mawawalan ng trabaho. Babagsak rin ang ekonomiya kung mangyari nga iyon.

"Ikaw ba yung assistant ni Malcolm?" tanong sa akin nang babaeng staff na may hawak na clipboard.

Tumango ako, "Opo, Ma'am."

May tinuro siya sa akin na puwesto na may tatlong monoblock chair at make-shift table. "Doon ka na lang, Miss, at pag dumating na si Malcolm ay paki-sigurado na handa na siya at ready na to join the news team." sabi sa akin nung staff. Tumango ako bilang sagot at saka niya lang ako iniwan.

Ibinaba ko ang mga gamiy ko sa table at upuan. Tapos ay kinuha ko ang cellphone at iPad mula sa bagpack ko. Kailangan kong tawagan si Mang Ferdinand at iche-check ko rin ang schedule ni Malcolm ngayong araw.

"Good morning, Mang Ferdi, nasaan na po si Sir Malcolm?" tanong ko kay Mang Ferdinand nang sagutin niya ang tawag ko.

"I'm here, Sophia." I was startled at the sudden appearance of Malcolm behind me. Sa gulat ko ay napahawak ako sa aking dibdib.

"Papunta na siya diyan sa studio, hija, pahintay na lang diyan..." sagot ni Mang Ferdinand mulas sa kabilang linya.

"Opo, Sige po." sabi ko kay Mang Ferdinand. "Thank you po, Mang Ferdi, bye po!" paalam ko at saka binaba na 'yung tawag.

Binalingan ko si Malcolm na ngayo'y nakaupo na sa monobloc chair at nakangiti. Hindi nga yata ngiti iyon kung 'di ay ngisi.

"Sir naman!" reklamo ko, "Nakakagulat ka naman po!"

Nagkibit balikat lamang siya at nangingiti sa reaksyon ko. "Good morning to you too, Sophia." bati niya sa akin.

Binati ko rin siya tapos ay bumaba ang tingin ko roon sa iPad upang tignan ang susunod niyang commitment pagkatapos nito.

"Have you ate your breakfast?" tanong niya.

Umangat ang tingin ko sa kanya at tumango ako bago ibinalik ang tingin sa iPad na nasa kandungan ko.

"Nag-kape po ako sa bahay kanina, at saka kumain ng dalawang toast habang nagluluto ako." pagboses ko sa aking sagot mula roon sa tanong niya at inabala ang sarili sa pagtingin sa kanyang schedule ngayong araw.

Dahil baka matunaw ko siya sa aking mga tingin kung mananatili sa kanya ang tingin ko.

"Do you have anything I can munch while waiting?" tanong niya at inukupahan ang silya sa tabi ko.

Agad kong naalala ang niluto kong pagkain kanina! Iyong Adobo flakes na nagpatagal sa akin kanina!

"Ah! Pinagluto pala kita ng agahan!" medyo may kaunting kalakasang sigaw ko.

Agad kong kinuha ang inihandang pagkain upang ibigay sa kanya. Sinangag, sunny side up, at Adobo flakes na siyang nagpatagal sa akin ng kaunti.

He smiled, "Thank you."

You're very much welcome...

Pero hindi ako sumagot. Nginitian ko lamang siya pabalik.

"Do you have any utensils I can use?" he asked.

It took me a moment to nod.

"Yes, Sir, I have."

Pero akin iyong utensils na iyon. Pero hindi ko rin nasabi 'yon dahil hinahalungkat ko na 'yung bag ko para kunin at ibigay sa kanya 'yung kutsara't tinidor.

Hindi ko na naisip na dalhan pa siya ng utensils dahil alam ko namang kakain siya sa programma mamaya. Iyong pagkaing luto ng guest cook nila.

"Ito po, Sir." sabi ko at iniabot ang utensils ko.

He reached my utensils and said his thanks again. Pagkatapos ay nagsimula na siyang kumain.

Isa akong pinagpalang fangirl. Hindi ko na gagamitin ang kutsara't tinidor na iyan. Idi-display ko na 'yan bilang ang kubyertos na ginamit ni Malcolm Humphries.

That very utensils has his DNA.

Bigla kong naalala iyong bilin sa akin nang isang staff kaya't binalingan ko siya, "Sabi po pala sa akin nang staff kanina tanungin daw kita kung ready ka na na samahan 'yung news team kasi guest host kanila for the rest of the week." sabi ko sa kanya at tinanguan niya lang ako.

"Ready ka na?" tanong ko at tumango siya ulit, nakangisi pa ngayon.

Tapos ay nilapitan kami nang isang staff na lalaki at kinausap niya si Malcolm.

"Malcolm, ready ka na? 5 minutes 'till airtime." sabi nang staff kay Malcolm.

Pero tumango lang siya tulad ng kanyang mga sagot sa akin.

Nice. *thumbs up*

Nang makaalis iyong staff ay tumingin si Malcolm sa akin. Makikipag-staring contest ka ba sa akin?

"Kunin mo yung Listerine ko sa bag," biglang sabi niya, at agad ko 'tong sinunod.

Nagmadali akong halungkatin ang bag upang maibigay sa kanya ang bote ng Listerine. He said his thanks before dranking a mouthful, and started gargling for half a minute then spat out the residue in an open bin.

"I'm ready," he said as closed the plastic containers. "These are mine, kakainin ko pa 'yan mamaya." sabi niya sa akin, at tumangu-tango lang ako.

I doubt if someone would steal Malcolm's food in here. As per I know is that people here are fed by the management. Kaya tingin ko ay safe ang pagkain niya.

He took long strides towards the set, kinausap pa ang ilang cameraman at saka siya isinama sa mga news anchors. Pinanood ko siya mula sa inuupuan ko. They all smiled and greeted Malcolm as he joined them.

Malcolm is a real looker. Guwapo kasi.

Tumabi siya kay Jorge Cariño and the anchorwoman glance at him and their stares lingered. The director started counting 10 backwards and they're on air.

"Magandang umaga sa lahat ng ating mga manunood kasama natin ngayong umaga ang sikat na aktor at modelo na si Malcolm Hinge Humphries." sabi ni Señor Ariel, kung tawagin ng kapwa namamalita.

Ngumiti si Malcolm sa kanya bago sumentro ang tingin sa kamera, "Magandang umaga po at sa mga manunood, magandang umaga rin po sa inyo." bati niya.

Napahawak ako sa aking dibdib at diretso ang tingin sa kay Malcolm, na akala mo'y namamanata sa watawat.

Dear God, Malcolm is my nationality.

Tita Winnie and Tyang Amy was gawking. It was obvious but they are keeping it professional.

"Ako, Malcolm, e hindi na magpapaliguy-ligoy," panimula ni Ka Tunying, "Eto na ang tanong, Malcolm, sabi ng dati mong assistant na si Glenn Dimasupil na gumagamit ka daw ng illegal na droga, totoo ba ito?" walang prenong tanong ni Ka Tunying kay Malcolm.

Malcolm stared back at Anthony Taberna, "I would confirm the allegations to be untrue, Ka Tunying, I have already got myself tested with the PDEA approved clinic, with my lawyer and my manager, Minerva Asistio, along with Maddison Berkshire and was tested Negative." he answered with confidence.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang ganoong isyu sa kanya...

Malcolm's skin doesn't have any discoloration and blemishes. It was almost flawless! Completely opposite to what drug addicts was described.

It was just months ago when the issue was brought out. His previous assistant was the one who told media outlets about the drug case and rape case. She said that she was sexually harassed by Malcolm everytime he was high on drugs.

But the only drugs Malcolm was taking was his multivitamins.

I sighed. This is the cost of fame. People cast stone to people that shines.

Nag-off air ang show matapos ang ilang balita. Nakita kong kumaway si Malcolm sa akin mula sa kinauupuan niya habang nire-retouch ang make up ng mga anchors pati na rin siya. Kinawayan ko rin siya pabalik.

Pagkatapos ng limang minuto ay bumalik sila on air. Pinanood ko lang siya kasama ang news team ng Umangang Kay Ganda. I must say, he really do stand out amongst them.

"Good morning!" I glanced back, a bit startled, and saw Hendricks Smythe. He's smiling down on me.

Marahang natatawang sapo ko ang dibdib, "Nakakagulat ka naman!" sabi ko sa kanya.

Hendricks chuckled, "Sorry to have startled you,"

"Sus!" panunuya ko, "Good morning rin sayo! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Wala naman," sagot niya, "May nakapagsabi lang sa akin na may guesting daw dito si Malcolm at for the rest of the week pa tapos naisip kita." nakangiting sabi niya sa akin.

My brows shot up at his remark.

Luh?

Talaga lang, hhuh

Naisip niya ako? Bakit ako?

Nagkibit balikat ako at binalik ang mata sa panonood kay Malcolm.

"Lately, nali-link ka kay Kaie Crisostomo, at even sa dati mong ka-loveteam na si Gertrude Gomez..." usisa ni Tita Winnie, "Alin ba talaga? Are you single?"

Malcolm's piercing eyes found mine. I don't really know, baka sa camera lang nakatingin.

"I'm single, Tita Wins..."

Sunod sunod na pangangatyaw nila sa kanya sa sagot niyang iyon. He laughed with them but his eyes are focused on the camera after.

"Are you looking for someone ba?" Tyang Amy chimed in, "If so, ano ang characteristics that you're looking for a someone special?"

His stare intensified on the camera. I know since I'm watching him from the monitor. I felt chills just by watching him.

"Am I safe to say this on National television?" he chuckled.

They hyped him up by saying it's okay.

"Baka naman kasi nanonood ngayon 'yung soul mate mo!" ani Gretchen Ho.

Parang hindi ka pa sigurado Gretchen. Tama ka naman. Heto nga ako, pinapanood siya ngayon.

"Well, Tyang Amy, what I'm looking for is just straight up wife material..." he told them, "Knows to clean the house, cook, and do laundry."

Napangisi ako. Iyon lang pala eh!

Nagawa ko na 'yan lahat kahapon lang!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status