Share

Kabanata 4

Anna keep on insisting that I am crushing on Aziel Almazan. Naiirita na 'ko dahil habang tumatagal ay parang nag-iiba na rin ang aking nararamdaman sa kanya. Hindi ko alam kung kailan ko tuluyang tinanggap sa sarili na nagkakagusto na nga 'ko sa kanya. May mga kaibigan talaga tayo na inaasar tayo sa isang tao tapos ikaw naman na marupok, mahuhulog! Ugh. Kairita.

Ewan ko... basta isang araw nagising na lang ako na kapag lumalapit siya... bumibilis 'yong tibok ng puso ko. Kapag ngumingiti siya... napapangiti na rin ako. Kapag dumadapo ang tingin niya sa akin ay para akong nawawala sa sarili niyang mundo. Damn it! I know I should protect myself from this kind of feeling but I just can't help it! Muli akong napailing nang maalala ang nangyari noong nagkapalit kami ng gitara.

"I'm sorry... I didn't know," nahihiya kong sabi sa kanya.

Ngumuso siya at halatang pigil na pigil ang tawa, dahil sa inis ko'y nabitawan ko ang kanyang gitara, at dahil semento ang tinatayuan ko'y dinig na dinig ang pagbagsak nito sa sahig. Huminto siya sa pagtawa at bakas ang gulat sa kanyang mukha. Doon ko lang narealize ang ginawa ko. Oh, damn! Nabitawan ko ang puso niya!

Ang kanyang masayang mukha ay napalitan nang inis. Kinabahan ako nang humigpit ang hawak niya sa guitar bag ko. Handa na sana akong saluhin si Corbyn kung saka sakali mang bitawan niya rin iyon pero hindi gano'ng eksena ang inaasahan ko. He put my Corbyn very slowly on the ground. Ingat na ingat siya na tila isa iyong mamahaling bagay. Agad akong nakaramdam ng konsensya sa ginawa, but it was an accident! Nabitawan ko! Hindi ko sinadya.

I heard uttered some curses while holding his guitar bag. Agad niya iyong binuksan at inusisa kung may nasira ba. Biting my lower lip, kabado akong lumapit sa kanya at nang-usisa na rin. Kahit inis na inis siya, bakit ang cute niya pa rin?

Wait... what the hell am I thinking?!

"Sorry... I didn't mean to," mahina kong sabi.

"You almost break my heart, Castañares."

"Nagso-sorry na nga 'ko, di ba?" I said a little bit irritated.

"You're not sincere. Bayaran mo 'to."

Nagtagpo ang dalawa kong kilay at iniksamina ang kanyang gitara kung may sira ba pero wala naman.

"Ano'ng babayaran ko rito, eh wala namang nasira?"

"Nagugutom ako," he randomly replied.

Mas lalong nagtapo ang aking mga kilay. What the hell is he talking about. Kanina babayaran tapos ngayon, gutom?

"Adik ka ba?"

My eyes widened when he leaned forward. Umatras ako pero humakbang din siya papalapit.

"Kung naging shabu ka lang malamang na-tokhang na 'ko."

My eyebrows met. Nalilito sa pinagsasasabi niya. Parang tanga 'to.

"A-ano?"

He chuckled and shook his head. Na para bang sinasabi niya na ang tanga ko dahil hindi ko makuha ang kung ano man ang gusto niyang iparating. He sighed and bit his lower lip. Natatawa pa rin siya dahil hanggang ngayon magkatagpo pa rin ang aking dalawang kilay.

"I didn't know that being hit by a ball will make you slow. Naalog ba ang utak mo at ang tanging iniisip mo lang ay ako?" he said playfully.

My lips parted. "A-ang kapal naman ng mukha mo!"

"Ah, now you are shouting on me, Miss Castañares. Baka nakakalimutan mo'ng ninakaw mo ang puso ko."

Napalunok ako at ramdam ko ang init ng aking pisngi. Tangina. Sabi nang hindi ko ninakaw, eh! Kairita talaga siya!

"I didn't steal your heart, Mister Almazan. Baka ikaw, ninakaw mo ang Corbyn ko," pang-aakusa ko.

His brows met. Mas lalong nadepina ang kanyang itim na itim at malalim na mga mata dahil sa kanyang mahabang pilik mata. Mukha siyang galit na hindi ko maintindihan. Daig pa ang babaeng may regla sa bilis magpalit ng mood!

"Who's Corbyn? Your boyfriend? Tss... ang panget naman ng pangalan. Pinaglihi ba 'yan sa mais?"

Napanganga ako. Panget?! Panget ang pangalan ni Corbyn Besson?! Hello?! He's one of the hottest member of Why Don't We! Tanga at manhid lang ang hindi makaka-appreciate ng pangalan at mukha roon!

"How dare you to say that! Hindi panget ang pangalan na Corbyn, 'no?! Mas panget nga ang pangalan mo, eh! Aziel? Ano 'yan? Pinaglihi ka ba sa asin?"

He barked a laugh. Ang kaninang mukhang galit ngayon ay tumatawa na... nang mag-isa. Para talaga siyang babaeng may regla, paiba-iba ng mood. Umirap ako. I took a sipped on my Chuckie. 

"Akin na 'yong gitara ko—what the hell, Almazan!" my eyes widened when he held my hand and took a sipped on my Chuckie! His lips formed a smile. Nanunuya ang mga mata niya habang sumisipsip pa rin sa aking inumin, at oo! Gamit niya ang straw ko!

"I like it when you called me by my surname," aniya habang pigil na pigil ang ngiti.

I didn't know what to say that time. Para lang akong tanga na nakatayo roon at nakatitig sa kanya. I swear kapag naaalala ko 'yon ay hindi ko mapigilang hindi mamula. He sipped on my drink! Nalawayan ko na 'yong straw tapos... napasabunot ako sa aking buhok dahil naalala ko na naman! Parang sirang plaka na ayaw mawala sa isip ko!

"Hoy, Michelle! Kanina ka pa riyan, mag-iisang taon ka nang nasa loob ng banyo, parang awa mo na bilisan mo naman at maliligo pa 'ko! Kapag tayo pinagalitan, naku sinasabi ko sa 'yo!" Sigaw ni Ate Kim sa labas.

That's when I snapped back to reality. "Shit! Opening na pala ngayon ng intramurals!" Nagmadali akong naglagay ng shampoo at conditioner sa aking hanggang beywang na buhok. Kahit pilit na sumasagi sa isipan ko ang nangyari ay mas pinili ko na lamang na kalimutan iyon dahil nadi-distract ako kapag naiisip ko siya.

Nang matapos ay agad akong lumabas at nadatnan ko si Ate Kim na magkasalubong na ang dalawang kilay. Halata sa kanyang mukha ang iritasyon. I smiled at her cutely and gave her a peace sign. Umirap lamang siya at pumasok sa banyo.

I pouted my lips. Wearing our departmental uniform, I partnered it with black skinny jeans and off white shoes. Habang sinusuklay ko ang aking buhok ay dumapo sa trash can ang paningin ko at unang una kong nakita ang walang laman na Chuckie at straw. Napapikit ako at tumigil sa pagsuklay. The memory of him sipping my drink lingers on my mind.

"Parkingnang 'yan," bulong ko sa sarili. Inis kong binaba ang suklay at naglagay ng pulbo at liptint. Naglagay ako ng pabango sa aking leeg at palapulsuhan.

Narinig kong bumukas ang pinto at niluwa niyon si Ate Kim. Tiningnan niya ang repleksyon ko sa salamin. Natigilan ako dahil mukha siyang ewan. Ang kanyang mala-pusang mga mata ay tila ba nang-uusisa.

"Bakit ka ayos na ayos? Intramurals ang pupuntahan mo hindi date."

Natigilan ako at ang bwesit kong utak ay biblang sinigaw ang pangalan ni Aziel! Holy carabao!

"A-ano?! Hindi ah. Bawal na ba 'kong mag-ayos ngayon?"

"Oh? Bakit ka defensive? Nagtatanong lang naman ako, ah."

Umirap ako at kinuha ang cellphone. Nilagay ko ang pera ko sa ilalim ng phone case para hindi na 'ko magdala ng wallet. Natatawa at naiilang na lang si Ate Kim sa akin.

"Pakiramdam ko may crush ka na kaya ka ganyan, eh!" pahabol niya bago ko pa maisara ang pinto ng kwarto namin. I swear ramdam ko ang init ng pisngi ko dahil sigaw niya.

"Kapag talaga nalaman to ni Anna hanggang langit ang tukso 'yong aabutin ko sa kanya. Tsk!"

Nang makarating ako sa oval ay marami nang mga estudyante roon. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko't hinanap ko kung nasaan ang mga taga-Tourism Management students. Ngumuso ako kasi hindi ko siya makita.

Nang inilawan ni Elliot ang torch at pagkatapos magbigay ng speech ng aming director ay hindi namin alam ni Anna kung saan kami pupunta since hindi naman kami parehas na sporty. Though Anna used to play chess when we were in high school but she refused to join now. I was eating biscuit nang marinig ko ang dalawang babaeng nag-uusap.

"Hindi ko nakita si Yhel kanina, ah. Asan kaya siya? Hindi ba siya kasamang maglaro ng basketball mamaya?"

"Ano'ng basketball? Lumipat na kaya siya sa soccer team! Tsaka mukhang nakita ko siya kanina sa building nila."

Kabado akong naglalakad papunta sa Tourism Management building. Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko at sinunod ko ang sinabi ni Anna kanina. Maybe we should normalize girls doing the first move since we have freedom to expressed our feelings to someone? But I couldn't see doing it by myself. Nakakatakot na baka pagsamantalahan niya ang nararamdaman ko?

I heaved a deep breath. Kaya imbes na pumunta sa building nila ay lumiko ako at pumara ng sasakyan para maglibot libot sa campus. Pagpasok ko roon ay pansin kong kaunti lang ang mga estudyante. Naupo ako malapit sa bintana at agad inabot ang bayad. I sighed and looked outside.

I want to see him so bad but I am afraid what are the possible consequences if I will continue this kind of feeling. I never had an experience when it comes to this. I have so many celebrity crushes pero iba pa rin talaga sa pakiramdam kapag abot kamay mo 'yong taong nagugustohan mo pero ang nakakalungkot lang... baka hindi kayo parehas ng nararamdaman.

Oh my God! Ang tanging iniisip ko lang naman dati ay 'yong favorite boy group ko at ang favorite kong characters na mga second leads pero ngayon? Nagbuntong hininga ulit ako.

Natanaw kong malapit na 'ko kami sa gazebo kung saan marami rami ang mga estudyanteng nandoon at nakatambay. Pumara ako, huminto ang sasakyan at bababa na sana nang may makasabay ako.

"Sorry— A-aziel?" para atang tatalon ang puso ko nang mapagtanto ko kung sino iyong nakasabay ko sa pagbaba. Napalunok ako dahil magkadikit ang mga braso namin. His eyes met mine. Bahagya siyang nagulat pero nang makabawi ay umatras siya at kinamot ang batok. What the hell!

"Hey, you go first."

I was so damn speechless. Para akong robot na bumaba sa sasakyan. Masyado bang malalim ang iniisip ko kaya hindi ko siya napansin kanina?

Napapikit ako nang pumasok sa isip ko iyong nangyari na naman! Like what the hell! Ayaw ako patahimikin ng—

"Tatayo ka lang ba riyan? Mainit, oh."

Napaigtad ako sa gulat. Nagmulat ako at hindi ako makapagsalita dahil nasa gilid ko na siya ngayon. His covering me from the rays of the sun by the use of his hand. Nakatingala siya at ang isang mata ay nakapikit halatang naiinitan, at dahil mestizo siya ay bahagyang namumula ang kanyang pisngi.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla na lang akong tumakbo papalayo sa kanya, muntik pa 'kong madapa! Narinig ko pa siyang sinisigaw ang pangalan ko pero hindi ako nakinig. Kanina, gustong gusto ko siyang makita pero ngayon na nasa harap ko na ay tinakbuhan ko naman. Seriously, Michelle? May sira ba ang ulo mo?

Time flies so fast. Dumating ang byernes at lahat kaming taga-CTE ay naghahanda na para sa event ngayong gabi. Si Ana at Dave ang representative ng department namin. We cut letters at may pa balloon pa para all out ang suporta namin sa kanila. Bago magsimula ang event ay kumanta muna sina Ate Kim, sila ang naka-assigned na kumanta ngayon habang ako, si Yhel, Claudette, Rain, iyong drummer at bass guitarist naman mamaya.

"Our Miss Intramurals 2019 is none other than..."

"Number Seven!" sigaw namin.

"From the College of Teacher Education!"

We all shouted in glee when Ana crowned as the winner. Lahat kami ay nagbunyi. We took pictures with her, pagkatapos ng iilang pictures ay umalis na 'ko at nagpunta sa backstage kasi tututog na kami hanggang alas dose. Paakyat pa lang ako roon ay napansin ko si Keith, ang irregular student sa amin at crush ni Ana pero duda na 'ko. May Santri na kasing nangungulit sa buhay ng kaibigan ko.

Nasa bulsa ang kamay habang nakatingin sa kaibigan ko. Nang magtama ang paningin namin ay tumango lamang siya at pagkatapos niyon ay umalis na. Pagkarating ko sa backstage ay unang sumalubog sa akin sina Yhel at Loren, iyong babaeng bahista sa grupo. Parang may bumarang matulis na bagay sa dibdib ko nang makita kong masyado silang malapit sa isa't isa.

"Are you all ready? Mamaya maya ay magse-set up na tayo," si Rain.

Umiwas ako ng tingin doon sa dalawa at tumikhim. Sa gilid ng aking mga mata ay kitang kita ko ang titig ni Aziel sa akin. Ramdam ko ang mga mata niya kaya inatake ako ng kaba. For the past four days, sinubukan kong umiwas sa kanya. Habang maaga pa ay kailangan ko nang agapan ang nararamdaman kong ito. Ayokong lumala. Nakakatakot.

Nang humupa ang mga tao sa stage ay agad kaming nagset-up. Marami pa ang tao rito at mukhang wala pa ata silang balak na umuwi. Nakatanggap ako ng mensahe galing kay Ana na umuwi na raw siya dahil sa pagod.

Ako:

Ingat ka at congratulations ulit! Hindi sayang 'yong pagpili ko sa 'yo!

"Mich, pakikuha nga nung pickup please," utos sa akin ni Rain.

Tinago ko muna ang aking cellphone at sinunod ang kanyang utos. Kinuha ko iyon at naglakad papunta sa stage pero bigla akong natalisod nang may isang wire na nakaharang! Akala ko'y sisisirin ko na ang sahig kahit walang tubig pero buti na lamang at may nakasalo sa akin! Napapikita ko.

"Damn, muntik na..."

Napasinghap ako at ramdam ko ang init ng aking mukha. I opened my eyes. Nakayakap siya sa akin habang ang isa kong kamay ay nakahawak sa kanyang braso. Rmadam ko ang malakas na tibok ng aking puso dahil sa sitwasyon ko ngayon!

Parkinginang 'yan! Balewala lang pala 'yong apat na araw kong pag-iwas kung sa isang iglap gagawa ng paraan ang tadhana para pagtagpuin kami!

"You okay, Castañares?" he whispered.

Napapikit ako nang marinig kong muli ang boses niyang masarap sa tenga. I miss him calling me by my surname.

"Y-yes."

Gusto ko nang bumitaw dahil alam kong pinagtitinginan na kami pero ayaw naman ng katawan ko! Damn it! Did I really miss him this much?

"Iniiwasan mo ba 'ko?"

Matagal ako bago nakasagot. "N-no. Why would I?"

"Bakit pakiramdam ko... iniiwasan mo 'ko?"

Napapikit ako sa inis. "I am not avoiding you, Almazan!" inis kong bulong sa kanya.

I heard him sighed. "Damn it! Kahit ramdam kong iniiwasan mo 'ko,  I really like it when you called me by my surname."

Napalunok ako dahil ramdam ko ang kanyang hininga sa aking tenga at natatakot din na baka maramdaman niya ang mabilis na tibok ng aking puso.

I bit my lower lip. Same, Aziel. Same. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status