Share

Kabanata 43

Naging maayos naman ang dinner kahit may mga pagkakataon na hindi ako nakakasabay. Bago kami tuluyang nakauwi ay nag-usap pa sila kung kailan sila magkikita ulit. Nagbuntong hininga ako. Siguro sa susunod ay gagawa na lang ako ng excuse para hindi na 'ko makasama. Kahit na kinakausap naman ako ni Jen minsan hindi ko pa rin maiwasan na ma-out of place.

"See you next time, Michelle and Aziel!" Sigaw ni Ashton. Kumaway naman ang iba niyang mga kasamahan. Tumango ako at kumaway at binigyan ng kaunting ngiti. Dumaan naman ang tingin ko kay Trisha na ngayon ay nasa cellphone ang atensyon bago sumunod sa boyfriend niya.

Nauna akong pumasok sa loob ng sasakyan at humikab. Pasado alas diez y media na pala. Gusto ko na lang maglinis ng katawan at humiga sa kama. Sinandal ko ang aking ulo sa bintana at hinintay na matapos magpaalam si Aziel. Nang mapansin niyang nasa loob na 'ko ng sasakyan ay tumango siya kina Gab, Pete, at ang medyo inaantok na si Jen. Kaaalis lang din ni Jacob.

Aziel jogged
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status