Share

Kabanata 9

Hindi ko na siya naabutan pa. I didn't get the chance to talk to him because he just disappeared. I send him a message asking if he's just okay pero nakarating na 'ko sa dorm wala pa rin akong natatanggap na reply sa kanya. Isa pa, nagtataka pa 'ko kung sino ang babae na naging dahilan ng pagsuntok ni Aziel kay Rain.

Was it because of me? Ew, ang feeling ko naman. . .

Natigilan ako at nanlaki ang mga mata. "Oh, shit! I should check Rain's condition too! Ayos lang kaya siya?" bulong ko atsaka kinuha ang cellphone para i-chat siya pero naalala ko na hindi ko pa pala na-a-accept ang friend request niya.

I opened my F******k account and accepted his friend request. Agad akong nagtipa ng mensahe para sa kanya, pero binura ko rin dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Nakakaramdam din kasi ako ng awkwardness sa kanya. I sighed.

"Kukumustahin ko na lang siguro," I murmured and typed in a message again.

Ako:

Hi! I heard what happened between you and Aziel. Are you okay?

I bit my lower lip when I saw Aziel's profile below Rain's. Ngumuso ako dahil simula noong in-accept ko ang friend request niya'y hindi ko nabigyan ang sarili ng pagkakataon na tingnan ang wall niya. Hell! Alam kong hindi tama ang mag-stalk pero kating-kati na talaga ang kamay ko na tingnan ang wall niya. I'm just curious. I'm thinking if he's the kind of netizen that used to shared posts or the ones who don't have on his account.

Nangingingig pa ang kamay ko habang pinipindot ang profile niya. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Napatango ako dahil hindi naman jejemon ang nasa bio niya. It's just a simple airplane emoji that means he wants to soar high. I scrolled down. Tumaas ang kilay ko nang mabasa kung saang school siya galing noong high school.

"Ormoc City Christian Academy. . ."

Oh, so he's from Ormoc? Parehas pala sila ng hometown ni Santri.

"Hmmm, so he's fond of travelling, mountain climbing, swimming and drawing tsaka andami niyang followers, ah," wika ko.

I clicked his about and the first thing I saw is his hometown. He's from Alta Vista, Ormoc City. He was born on August 14 and he knew how to speak in Spanish. Bumalik ako sa mismong wall niya at nagscroll down ulit. Umawang ang labi ko at nanlaki ang mga mata dahil sa bumungad sa aking litrato!

It was my photo! Bumillis ang pintig ng puso ko at nangingnig pa ang kamay dahil sa nakita. I zoom in the photo just to be sure kung ako ba talaga 'yon pero totoo nga! Ako nga! Oh my god! How dare he! Pero hindi naman masyadong halata na ako iyon dahil kalahati ng mukha ko'y natatakpan ng bouquet. Only my eyes, forehead and head is visible.

'Guess who?' 'yan ang nakalagay sa caption niya.

Umabot ng 532 reactions and 31 comments ang post. Nagtaka ako dahil nakita kong naka-angry reaction si Rain. Ano'ng problema niya? Hindi ko na lamang pinansin iyon. I didn't know that he posted my photo! Napalunok ako bago pinindot ang comment section. Huminga ako ng malalim kasi pakiramdam ko'y malalagutan ako ng hininga dahil sa kaba! Paniguradong gagawin itong chismis!

I was biting my lower lip while scrolling down. Unang bumungad sa akin ay ang nagngangalang Sheena Aragon. Kumunot ang noo ko kasi pamilyar sa akin ang pangalan. Ito ba 'yong babaeng kausap ni Aziel sa cellphone dati, tsaka iyong babaeng nag-upload ng video ni Aziel na kumakanta sa bar?

Sheena Aragon: Is this your new girl, hmm?

I clicked Aziel's reply. Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa reply niya.

Aziel Marcellus Almazan: :)

I scrolled more. Tumaas ang dalawa kong kilay at nanlaki ang mga mata nang makita ko ang pangalan ni Anna! Friends pala silang dalawa sa f******k?!

Anna Veranda: Omg! I know her! My #AziChelle heart is sailing! HAHAHA

Uminit ang pisngi ko sa hiya. Seriously, Anna?! Nanginginig ang kamay kong pinindot ang messenger at nagtype ng mensahe para sa kanya. Mabuti na lang at active ang gaga. Walang hiyang kaibigan ang kalat!

Ako:

Hoy, gaga ka! Ang kalat mo sa post ni Yhel, ah. Kaloka ka.

Anna Veranda:

HAHAHA sorry naman! I was just shocked that he posted your photo! Pumunta pala siya sa dorm mo, ah! Sana all may pa-flowers!

Ako:

I didn't know that he posted my photo! Pala-desisyon ang lalaking 'yon, eh.

Anna Veranda:

I'm happy for you, girl! Kailan ang kasal? Charot HAHAHA

Hindi ko napigilan ang tumawa. Ang babaeng 'to sobrang advance mag-isip, eh wala namang kami. Natigilan ako at napaisip. Parang ngayon lang nagsink in sa akin na wala palang kami. Yes, he gave me a bouquet of flowers, we talked every night, we exchanged messages but I just realized that we don't have a label. Alam kong gusto ko siya pero ang tanong. . . gusto niya rin ba 'ko?

Parang may kumurot sa puso ko dahil sa tanong na iyon. I won't deny it. I am slowly falling in love with him but I am not sure if we feel the same way. If I will confess to him. . . may magbabago ba sa sitwasyon namin? I didn't ask him about the set-up we have because I am afraid what would be the outcome. . . at sa totoo lang natatakot akong matapos ang mayroon kami o kung meron ba?

Nagbuntong hininga ako at napahiga sa aking kama. I closed my eyes and a lone tear escaped from my eyes when I remember what happened earlier. He walked away from me and it was really heartbreaking. Iniisip ko pa lang na aalis siya at hindi na magpaparamdam sa akin ay sobrang sakit na.

Napamulat ako at napatingin sa aking cellphone. My eyes widened when I realized who's calling! Kinusot ko pa ang mga mata ko kasi pakiramdam ko'y nag-iilusyon lang ako pero hindi! Totoo talaga na tumatawag sa akin si Aziel! Ang kurot na naramdaman ko kanina ay biglang nawala at naglaho ng parang bula.

I cleared my throat and answer his call. "Hel—"

"I need you. . ." putol niya sa sasabihin ko at ramdam ko ang pagod sa kanyang boses.

Na-alarma kaagad ako at agad na bumangon sa pagkakahiga. Hearing his hoarse and tired voice makes me want to fly and go where he is right now so I can comfort him. Nagmamadali akong nagsuot ng tsinelas.

"W-where are you? Are you okay?"

"Not really. I need you here, Castañares." Halos pabulong niyang sabi.

"Nasaan ka ba?"

"Upper oval."

"Okay, I'll be there."

Nagmamadali akong bumaba ng room para mapuntahan siya. Nakasalubong ko pa si Ate Kim sa ground floor. Tingin ko'y kakatapos niya lang din sa exams niya ngayong araw. Ngumiti ako sa dalawang babaeng ka-klase niya, so ibig sabihin ay seniors namin.

"Saan ka pupunta?"

"Uhm. . . may bibilhin lang."

Tumaas ang kilay niya. Kumunot ang noo ko. Lumampas ang tingin ko kay ate Kim nang mapansin ang isang babaeng may maiksing buhok, mapayat at may katamtamang tangkad na nakatitig sa akin. Agad siyang pumasok sa student assistant room. Bumaling ako kay ate Kim na halatang hindi naniniwala sa sagot ko.

"Fine, pupuntahan ko lang si Aziel."

Sumilay ang ngiti niya. "Sabi ko na, eh!"

Umirap ako at naglakad na palabas pero may pahabol pa rin siya. "Be careful!"

Nakatalikod akong winagayway ang kamay atsaka tumakbo papunta sa upper oval. I thought he will just ignore me pero sa huli ay tatawag pa rin siya sa akin para puntahan siya. Nang makarating ako roon ay hindi ko alam kung saan siya hahagilapin kasi malawak ang oval. Marami pang mga estudyante dahil ang iba sa kanila rito ay nagpapahangin pagkatapos ng examinations. I typed in a message for him, informing that I am already here. I was expecting for him to reply but I received a call.

"Nasaan ka?" bungad kong tanong sa kaniya.

"I'm just here. . ."

Kunot noo kong sinuyod ang paligid. Lalakad na sana ako nang bigla niya 'kong pahintuin.

"Just stay where you are," malambing niyang wika sa akin.

My heart skipped a beat. Ibang klase rin talaga 'tong taong 'to, eh. Noong nakaraang gabi, noong hindi niya natupad ang sinabi niya sa akin ay bumawi siya pagdating ng kinaumagahan. Kanina naman noong hindi niya 'ko pinansin at basta niya na lang akong tinalikuran ay bumawi naman siya sa akin ngayon. Isang tawag niya lang at sabing nasaan siya ay pupuntahan ko siyang talaga.

Damn it! I am really falling for this guy!

"Aziel. . . where are you?" halos pabulong kong tanong habang nakatayo sa gitna ng oval at pagala gala ang paningin.

"I'm just here, beside you. . ."

Umawang ang labi ko at napatingin sa kanang bahagi.

And there he was, nasa tatlong metro ata ang layo naming dalawa sa isa't isa. He was looking at me straight to the eyes while holding his phone. Bahagyang nililipad ng hangin ang kanyang buhok. Ibababa ko na sana ang cellphone ko nang pigilan niya 'ko.

He started to walked towards my direction. Napalunok ako sa kaba at ang pintig ng puso ko'y daig pa ang isang kabayong nasa karera. Kalahating metro na lang ang layo naming dalawa nang huminto na siya. Nasa tenga pa rin namin ang cellphone habang nakatitig sa isa't isa. Hindi ko alam kung ano'ng klaseng emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon.

Bahagyang kumunot ang noo ko nang binaba niya ang cellphone. My eyes widened and the next thing I knew is that he's now hugging me! I gulped the lump in my throat. Pakiramdam ko'y nanghina ang mga tuhod ko kaya kumapit ako sa kanya. Natatakot ako na baka maramdaman niya ang kaba ko ngayon.

"I'm sorry. . ." bulong niya sa akin.

I have no idea why he's saying sorry, maybe he was talking about what happened earlier? Noong nag-iwas siya ng tingin at biglang umalis ng walang paalam? I don't know, but it was all okay now. I was really speechless kaya ang tanging nagawa ko na lang ay ang tapikin ng marahan ang kanyang likod.

He heaved a deep breath. Patuloy pa rin ako sa pagtapik sa kanyang likod.

"Do you know that hugging is a good medicine?"

Napangiti ako. "Oo naman, may nabasa nga ako dati na kapag niyayakap mo raw ang isang tao, you transfer energy and gives the person an emotional lift."

He sighed. "Thank you for being here with me. . . and I'm sorry."

"It's okay."

Siya ang kusang bumitaw sa yakapang iyon. He smiled a little and held my hand. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko at akmang hihilahin ko na sana nang hinigpitan niya ang kapit. Wala na rin akong nagawa noong hinila niya 'ko papunta sa isang mahogany tree. May maliit na tela roon at ang kanyang gitara.

Binitawan niya ang kamay ko at naupo siya roon. Nakangiti siyang hinawakan ang kamay ko at hinila para maupo ako sa tabi niya. Napalunok ako dahil sa kaba. Kahit ano'ng gawin kong pagpapakalma sa puso ko ay hindi ko magawa. I am smitten!

"Dito ka lang sa tabi ko, hmm?" aniya habang nakangiti at nakatitig sa aking mga mata.

Hindi ko na rin mapigilan ang mapangiti at marahang tumango. "Oo naman. Dito lang ako. . . sa tabi mo."

Mas lalong lumawak ang kanyang ngiti at nagliwanag ang kanyang mukha. Kinuha niya ang gitara niya at nag-umpisa siyang kapain ang chords nito. Nakangiti akong nakatitig sa kanya habang siya naman ay tinutogtog ang isang pamilyar na kanta.

"Para kang asukal

Sintamis mong magmahal

Para kang pintura

Buhay ko ikaw ang nagpinta"

Mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa kinakanta niya ngayon. He didn't lie when he said that his current favorite song is Kundiman. Pakiramdam ko'y nasa alapaap ako ngayon dahil sa kanyang boses. Ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko at sa totoo lang siya lang ang nakakapagparamdam sa akin ng ganito. Siya lang at natatakot ako na baka itong nararamdam ko sa kanya ay matapos din katulad ng isang kanta.

"Kung hindi man tayo hanggang dulo

Wag mong kalimutan

Nandito lang ako

Laging umaalalay

Hindi ako lalayo

Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw"

Just like before, when he sang the word 'ikaw' ay tumingin siya sa akin na may ngiti sa mga labi. Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko pero kusa na lamang gumalaw ang aking ulo at sinandal sa kanyang balikat. Hindi naman siya nagreklamo kaya mas lalo akong napangiti at pumikit habang kumakanta siya. This place is so comfortable. Pagkatapos ng isang nakakapagod na araw, heto ako at nagpapahinga hindi sa kama kung hindi sa taong gusto ko.

Huminga ako ng malalim. Sana hindi na 'to matapos pa. Sana gaya ng isang kanta, may kasunod pa. Sana hindi siya lumayo kasi sa ngayon, ang tanging panalangin ko na lang ay siya. Siya lang at wala nang iba.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status