Share

Kabanata 6

Nagising ako kinabukasan nang bandang alas diez na. Wala si Ate Kim sa kwarto namin nang magising ako pero may iniwan siyang sticky note na nakadikit pa sa noo ko. I groaned. Ano ba 'yan, Ate! Mukha bang pader itong noo ko at dito mo pa talaga dinikit? Tamad akong binasa ang sulat niya.

Mich,

Parehas tayong pagod kagabi. Tinatamad din akong magluto kaya sa canteen ka na lang kumain.

Ps. Wala akong nakita kagabi. Hindi ko nakita 'yong paghatid sa 'yo ni Aziel. Hihi!

Ate Kim <3

My eyes widened. What the hell! Akala ko ba ay tulog na siya?! Kinuha ko ang unan at tinakpan ang aking mukha. I rolled myself on my bed and scream. Tangina! Naalala ko na naman ang nangyari kagabi! Isa iyon sa rason kung bakit matagal akong natulog at nagising ngayon dahil sa nangyari kagabi. Parang sirang plaka iyong sinabi niya sa akin na hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan!

"Silly girl, that's my favorite guitar pick. So, just like that... I'm giving it to you because you are my favorite as well, and one more thing... you're beautiful."

Napapikit akong muli at tumili. Shit! my heart is fucking full right now! 'yong mga napapanood ko sa Kdrama ay nangyayari na ngayon sa totoong buhay!

I slapped my face. "Girl, maghunos dili ka nga. Para ka nang baliw," bulong ko sa sarili.

I heaved a deep breath and close my eyes. Okay, kailangan kong huminga ng maayos. Hindi ako pwedeng magpadala sa kilig at sa nararamdaman kong ito kasi baka ako lang 'yong masasaktan sa huli. Dapat maging ma-ingat ako sa mga taong pinapapasok ko sa buhay ko. Don't let your guard down, Michelle.

"Tama. Don't let your guard down," bulong ko.

Nang minulat ko ang aking mga mata ay kasabay nito ang hindi ko pag-isip sa nangyari kagabi. Nagpunta ako sa banyo para maligo. After 25 minutes ay nagbihis na 'ko. Hindi na 'ko masyadong nagtagal sa pagligo at pag-aayos dahil nagugutom na 'ko. Wearing a white scoop neck shirt paired up with my beige bermuda shorts and brown flat sandals, nilagay ko sa loob ng aking bulsa ang aking cellphone at pera.

Muling kumalam ang aking sikmura kaya binilisan ko ang lakad ko. Nakasulbong ko pa sina Rochelle at Dolor.

"Saan kayo?"

"Ah, sa library lang kami. Alam mo na, malapit na magfinals kailangan nang magreview para hindi tayo bumagsak," wika ni Rochelle.

Ang mahinhing si Dolor naman ay ngumiti sa akin at tumango. "Congratulations nga pala kagabi, Mich. Ang galing niyo."

"Atsaka 'yong lalaking nakipag-share sa 'yo ng microphone! Sino 'yon?" Kuryusong tanong ni Rochelle.

Hindi ako nakaimik agad. Uminit ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kagabi. Nakita ko ang mapanuyang ngiti nina Dolor at Rochelle. Akala ko ay tutuksohin nila ako pero buti na lang ay hindi. Nagpaalam sila sa akin, ako naman ay nagpatuloy na papunta sa canteen. Nagulat ako nang mamataan ko hindi kalayuan si Aziel. Sinusuklay niya ang kanyang buhok kaya bahagyang nagugulo, humihikab pa ito at halatang kulang sa tulog. His puffy eyes met mine. I swear, parang nawala ang gutom ko nang makita ko siya.

I felt something inside my stomach the moment he smiled and waved at me. I remember what happened last night again. Uminit ang pisngi ko at yumuko. Nahihiya pa rin. I heard him calling my name but I chose to ignored him.

Nagmamadali akong pumasok sa loob pero napatalon ako sa gulat nang may humawak sa aking palapulsuhan. Kinabahan ako dahil nasa gilid ko na siya agad. I gulped the lump in my throat when I smelled his familiar manly scent. Bigla tuloy akong na-consious kung maayos lang ba ang amoy ko kahit nakaligo na 'ko o dapat bang dinamihan ko ang paglalagay ng pabango.

"Good morning, Castañares," marahan niyang sabi.

Okay... So 'yon lang ang sasabihin niya sa akin? Gusto kong kurotin ang sarili. Are you expecting something from him, Michelle?!

I cleared my throat. "G-good morning. May kailangan ka?"

His lips twitched. Binitawan niya ang palapulsuhan ko at sinuklay na naman ang kanyang buhok. He sighed. "Oo, Ikaw..."

Natigilan ako at napalunok sa kaba. He laughed a little when he noticed my reaction. I heard him uttered some curses and combed his jet black hair. Again.

"Kumain ka na ba?"

Pinaglaruan ko ang aking kamay. "Ah, hindi pa."

Tumango siya at bigla na lang akong hinila papunta sa loob ng canteen. Hindi na 'ko nakapagreklamo dahil sa gulat sa ginawa niya. Napayuko ako sa hiya nang may iilang estudyante ang nakatingin sa amin lalong lalo na sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko!

Huminto kami sa isang bakanteng lamesa. Nakayuko pa rin ako dahil ramdam ko ang tingin ng mga estudyante rito.

"Bakit ka nakayuko? Look at me, Castañares."

I lift my head. My eyes widened a bit when I noticed that he's closed to me. Umatras ako pero hinila pa rin niya ako pabalik sa kanya kasi hanggang ngayon hawak niya pa rin ang kamay ko. Sinubukan kong hilahin ang kamay pero mas hinigpitan niya pa ito. Seriously, Aziel?! Maraming tao at isa pa pasmado ang kamay ko at nakakahiya kasi ramdam kong basa na siya.

"Bitawan mo na nga 'yong kamay ko. O-order na 'ko."

"Ako na ang o-order. Sabihin mo na lang sa akin kung ano'ng gusto mo." marahan niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko. Para akong nahihipnotismo ng kanyang mga mata.

"Ikaw. . ." wala sa sarili kong sagot.

His lips parted. Doon ko lang napagtanto kung ano'ng klaseng sagot ang binigay ko.

"I-I mean, ikaw! Kung ano'ng gusto mo... i-iyon na lang din 'yong akin," wika ko sabay iwas ng tingin.

In my peripheral vision, I saw him smirked. He licked his lips and pinched the bridge of his nose. Bahagya siyang tumawa at umiling. Napapikit ako at gustong sampalin ang sarili dahil sa walang hiya kong sagot. I pulled my hand and commanded him to order my food. Kahit gustong gusto kong kiligin ay pinipigilan ako ng gutom.

Umupo ako at pinaglaruan ang kamay. Huminga ako ng malalim at pakiramdam ko'y ngayon lang ako nakahinga ng maayos at ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib ko. Hindi rin nakatakas sa aking pandinig ang bulungan ng iilang babae sa kabilang lamesa.

"Hindi ba siya 'yong babae kagabi? Iyong ka-share ni Yhel ng microphone?"

"Oo, siya 'yon. Akala ko ba si Claudette 'yong girlfriend niya?"

"Claudette? Ang alam ko 'yong cheerleader, hindi ba?"

"Cheerleader? 'yong ex ni ano?"

Napairap ako at hindi na nakinig pa. Paki-alam ko sa mga babae niya. Nang dumating siya dala ang tray ay tumayo ako para tulongan siya kaso iniwas niya sa akin iyon at imenuwestra sa akin na maupo na lang. Wala na 'kong nagawa dahil magkatagpo ang kanyang kilay, mukhang galit. Gwapong galit sa totoo lang.

"May iba ka pa bang gusto?" aniya pagkatapos ilapag sa lamesa ang mga pagkain.

Umiling ako. "Wala, sige na, umupo ka na."

Kumunot ang noo ko dahil pansin kong pigil na pigil siya sa pagngiti. "What?"

"You want me to join you?"

Tumaas ang kilay ko. "Bakit? Ayaw mo?"

"Syempre, gusto."

"Iyon naman pala, eh. Umupo ka na riyan at kumain."

Nilapit ko ang adobo sa aking plato para kumuha at dahil may sabaw ang adobo nila ay nilagyan ko ang aking kanin. Mas lalo akong nagutom dahil amoy pa lang masarap na. Sumubo ako ng pagkain at doon ko lang napansin na hindi niya pa ginagalaw ang pagkain niya.

"Crush mo siguro ako, 'no? Kaya gusto mo 'kong makasabay sa pagkain."

I coughed. Agad siyang na-alarma at binigyan ako ng tubig. I immediately drank the water. Narinig ko siyang nagmura bago tumayo at hinaplos niya ang aking likod. Nakailang ubo pa 'ko bago naging maayos ang pakiramdam.

Iritado ko siyang siniko. He groaned in pain.

"Kapag ako namatay ikaw una kong mumultohin, bwesit ka," masungit kong sabi.

"Sorry na. . ."

Umirap ako at hindi ko siya pinansin. Instead, I continued eating without looking at him. Nasa gilid ko pa rin siya nakatayo. I heaved a deep breath. Pigil na pigil ang inis dahil nakatayo pa rin siya sa gilid ko. Ano'ng gusto nito? Huwag niyang sabihin na gusto niyang subuan ko pa siya?

"Ano? Tatayo ka lang ba riyan? O baka gusto mong subuan pa kita?"

Umawang ang labi ko nang umupo siya sa katabi kong upuan at ngumanga. Napatingin ako sa taas at napahinga ng malalim. "Jesus Christ."

"Come on, Castañares I am waiting," halata ang panunuya sa kanyang boses.

"Hindi ka naman siguro baldado, 'di ba?"

"Pero sinabi mong susubuan mo 'ko."

"Pero hindi ko sinabing gagawin ko."

"Pero gusto ko."

Iritado kong binaba ang aking kubyertos. "Kanina ka pa, Aziel ah. Nakakairita ka na."

Natigilan siya. "Aziel, huh?"

Mas lalo lang akong nairita nang mapansin ko ang pigil na pigil niyang ngiti. He was biting his lower lip. Ang kanyang itim na mga mata ay sayang saya at hindi ko alam kung bakit! Nagmumukha na siyang tanga.

"You know what, aalis na lang ako. Gusto ko lang naman kumain pero mukhang hindi ako mabubusog dahil sa kakulitan mo."

Inis akong tumayo at aalis na sana nang may makabangga ako. I shrieked. Umawang ang labi ko nang tumapon sa akin ang kanyang orange juice! What the hell!

"Shit! Sorry, Miss."

"K-keith?"

Nanlaki ang mata niya nang mapagtanto kong sino ang nakabangga niya. Hindi ako nakagalaw dahil sa gulat. Doon ko lang napansin na lahat ng tao rito sa canteen ay nakatingin sa aming dalawa. Uminit ang pisngi ko. Shit! Ano'ng gagawin ko?!

"What the fuck, dude?" dinig ko ang iritasyon sa boses ni Aziel.

"I'm sorry. . ." Wika ni Keith. Sapat lamang para marinig ko. Napansin kong namula ang kanyang mukha nang tingnan niya ang orange juice na natapon sa aking damit. Ang kanyang suot na itim na Under Armour hoodie ay dali dali niyang hinubad at itinakip sa akin.

"Your under garment is visible, suotin mo muna 'to," bulong niya sa akin.

Mas lalong uminit ang pisngi ko at hindi ko alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko.

"I'm really sorry, Mich. I didn't mean it."

Guilt is visible on his face. Tumango ako. "Okay lang."

Nakatungo akong umalis doon. Narinig ko pang tinawag ni Aziel ang pangalan ko pero hindi na 'ko lumingon pa. Gusto ko lang naman kumain pero natapunan pa 'ko ng juice at sobrang nakakahiya 'yon! Dali dali akong pumasok sa dorm at inayos ko ang sarili. Hinubad ko ang jacket ni Keith, kumuha ako ng malinis na damit at pumunta sa banyo para magbihis. Napamura ako dahil kulay puti pa ang shirt ko! Halatang halata ang bra ko!

"Tangina. Gusto ko lang naman kumain pero ganito pa 'yong nangyari.!" Inis kong sabi sa sarili ko.

Pagkatapos kong magbihis ay nilabhan ko muna ang damit ko. Bumaba ako at bumili na lang ng biscuit at Chuckie sa baba. I'm still starving pero ayaw ko nang bumalik doon kasi sobrang nakakahiya! Pagbalik ko sa taas ay dumapo aking mga mata sa jacket ni Keith. Siguro, ibabalik ko na lang kapag nagkita na kami sa room. Total ay malapit na rin naman ang finals ay kinuha ko ang notes ko at napagdesisyunan na magreview na lamang.

Natigilan ako at naalala si Ana. Nagre-review na kaya 'yon o baka tulog pa? Sure akong napagod 'yon sa pageant.

Kinuha ko ang cellphone at nagsend ng mensahe sa kanya. Nang wala akong mareceive na reply ay pinili ko na lang magpatugtog. Ewan ko ba. Mas madaling pumapasok sa isip ko ang mga inaaral ko kapag nakikinig ako ng mga kanta. I put on my earphones at nagscroll sa aking playlist. I received a message from Ate Kim asking if I already ate. Agad akong nagreply.

I hummed and sing the first part when a familiar song filled my ears.

We were in the backseat

Drunk on something stronger than the drinks in the bar

"I rent a place on Cornelia Street"

I say casually in the car

Ngunit natigil din ang kanta dahil sa sunod sunod na notifications galing sa aking f******k account. Kumunot ang noo ko dahil sa sunod sunod na pagtunog ng notification. Umawang ang labi ko. Holy shit! Sunod sunod ang nagpapadala sa akin ng friend requests.

Aziel Marcellus Almazan sent you a friend request.

Rain Emmanuel Sanchez sent you a friend request.

Maven Keith Morin sent you a friend request.

Bakit naman magkakasunod pa sila? I was about to click Aziel's profile when a message request popped up. Galing kay Keith. I opened it and read his message.

Maven Keith Morin:

I'm sorry about what happened a while ago, Classmate. I didn't mean it. I'm really sorry. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status