Share

Late

Kabanata 1

Late

Mikaella's p.o.v.

Papalabas na ako ng gate, napatingala ako, malapit na namang lumubog ang araw. Kulay bughaw ang langit. Napahinto ako sa pagmamasid, marahas kasi akong nasagi sa balikat ng isang estudyanteng nagmamadali katatakbo.

Napansin kong marami na ang estudyanteng papauwi na. Tumabi ako saglit, ayaw kong makipagsiksikan.

Nakakapagod ang buong maghapon, wala akong ibang ginawa kung hindi ang mag research sa loob ng library.

Lahat ng vacant time ko, sa library ako namamalagi.

Scholar kasi ako. Kailangang matataas ang mga grades ko para mapanatili ang pagiging scholar ko.

My name is, Mikaella Sanchez, but my Aunt used to call me Ella, at nakasanayan ko na rin. Second year College na ako at isang nursing student.

Nineteen years old, hindi nagawaran ng pang modelong height, five-two lang ang height ko.

Mayroong katamtamang pangangatawan, kulay itim ang lagpas balikat kong buhok. I have a fair complexion, na namana ko yata sa namayapa ko nang ina. My parents died in a car accident five years ago.

Ulila na ako sa mga magulang, and right now, I'm living with my Aunt. Kapatid siya ni Papa, she's a government employee.

Isang ordinaryong babae lang ako sa University. Kaya, ipinagpapasalamat kong hindi ako masyadong kilala rito.

And I'm very much thankful for being one of the dean's lister. Hindi ako masyadong mahihirapang maghanap ng trabaho, ganoon kasi ang patakaran ng University. Maraming trabaho ang ini-o-offer nila sa mga estudyanteng very willing na makapagtrabaho sa kompanya nila, only to maintain your grade and being a dean's lister.

Ngunit, ang tahimik kong mundo ay unti-unting nagbago ng makilala ko si 'Arthur Drake Lewis', ang pamangkin at unico hijo nang nag-mamay-ari ng University.

Sunod-sunod na sipol ang pumukaw sa naglalakbay kong diwa. At mula sa 'di-kalayuan ay nakita ko na naman siya..

Nakasandal siya sa kulay itim na sasakyan niya habang hitit-buga ang sigarilyo.

Napailing ako.

Hindi ba dapat ay mandiri ako sa ginagawa niya? O di kaya ay mainis?

Ngunit bakit ang gwapo-gwapo pa din niyang tingnan sa ginagawa niya? Parang pi-no-promote pa nga niya ang brand ng sigarilyong ginagamit niya?

Haisst..

Magtatalo na naman ba kami?

"Bakit ngayon ka lang? Hindi ba dapat, five-thirty ang out mo? Five-forty six na a,"

Pinanliitan niya ako ng mga mata.

He's still smoking in front of me. Napatakip ako bigla sa bibig at ilong ko. Mamaya mahawa pa ako sa sakit niya, if ever na mayroon siya. Well, hindi naman sa pag-iinarte, but second hand smoke is a very serious case.

Hindi ko siya pinansin nilagpasan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hey..!"

Ayan na naman ang 'hey' na yan niya.. kung maka hey siya sa akin feeling close talaga.

"One more step Mikaella and I swear, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.."

Natural hihinto ako, may magagawa ba ako?

Bago humarap kay Drake nagpakawala muna ako ng isang mabilis na buntong-hininga.

"Ano na naman ba ang kailangan mo?"

At sa pagharap ko--- sabay ng paglunok ko ay ang pag-iwas ng tingin ko sa kanya.

He is really a beautiful man...

Kahit saang anggulo tingnan wala talagang malalait sa lalaking 'to. But I don't like to watch him whenever he's smoking, especially in front of me.

Our eyes met..

Sarap dukutin ng mga mata nito at ilipat na lang sa akin.

He had brown eyes, mapupulang mga labi, matangos ang ilong, mamula-mulang balat maputi at makinis.

He's wearing a rugged pants, parang sinadya nito iyon butas-butas kasi, kulay itim na shirt, at rubber shoes.

Bakit ganun?

Simpleng kasuotan lang naman ang get-up niya pero sa paningin ko kagagaling lang niya sa isang fashion show.

Shocks..

Ang gwapo-gwapo niya. I had no doubt at that.

Napaka gwapong nilalang..

Para siyang anghel na bumaba mula sa kalangitan. He had an angelic features.. pero taliwas iyon sa pag-uugali na meron siya. I often heard him cursed.. he's rude and----

"Stop staring.."

Kaagad akong nag-iwas ng tingin. Na alarma sa pagkakadiskubre niya, while I'm staring on his beautiful face.

Napansin ba niyang pinag-aaralan ko ang gwapo at makinis, niyang mukha?

"Hindi no," tanggi ko pa.

Dahil may araw pa naman kuminang ang suot nitong hikaw sa kaliwang tenga nito, the moment that he tilted his head and the sun rays reached for it.

Akala naman ng mokong na to iki-na gwapo niya ang pagsusuot niyon?

Pero.. naipilig ko ang ulo.

Nakakainis kasi bagay rin sa kanya ang diamond earing na suot niya, at ang gwapo nga niya.

"Now answer me, bakit late ka?"

He's frowning.

'So galit na siya?'

E, hindi ko naman kailangang magpaliwanag sa komag na to e.

"Hindi ikaw ang tatay ko o ang nanay ko para magpaliwanag ako sa'yo,"

Mas lalong dumilim ang mukha niya, but still gwapo pa din.

Inihagis niya sa kung saan ang sigarilyong hawak niya.

"What did you say?"

Salubong ang kilay na wika niya.

"W-wala a-ang s-sabi ko, a-ano galing kasi ako sa library, k-kaya medyo late ako.."

Sa buong buhay ko maliban sa mga magulang ko ngayon lang yata ako natakot ng ganito katindi..

Napakamot ako sa ulo at pilit na itinatago ang asar na gustong-gustong kumawala sa sistema ko.

"Sasagot din pala ng maayos e. Sakay ihahatid na kita.,"

Pinanlakihan ako ng mga mata sa sinabi niya.

Ano daw?

Ihahatid niya ako?

No way!

Mamaya biglang magsilabasan fangirl niya di na bully pa ako.

"N-naku, hindi puwede magagalit si Tita sa akin,"

Magagalit talaga ang Tita ko.

Mas malala pa iyon kaysa kay Maria Clara, very conservative 'yon at hindi pa ako pinapayagang makipagboyfriend.

Teka boyfriend?

Si Drake?

Hindi no!

"Sakay!" Singhal niya.

"Ang kulit-kulit mo, hindi nga pu-pwede"

Tuluyan ko siyang tinalikuran. Malapit lang naman ang sakayan ng dyip e..

"A ganun,? Akala mo makakatakas ka?"

He grab my hand and held it tightly na para bang tatakas ako.

"Ihahatid pa rin kita, kung hindi ka komportable sa magarang sasakyan e di,---"

Sumulyap siya sa direksiyon kung saan ang sakayan ng pampublikong mga sasakyan.

Sasakay ito ng dyip?

Seryoso ba talaga siya sa gagawin niya?

I can't imagine him riding in a public vehicle..

Sigurado ba talaga siya?

Mahihirapan siya pagnagkataon. Mahirap makipagsiksikan lalo na ngayon, paniguradong punuan dahil rush hour ngayon...

Nakakainis talaga ang lalaking 'to!

Parati niya na lang akong binibigyan ng sakit ng ulo!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status