Share

Chapter 4

CHAPTER 4

“AHH!”

Kasabay ng pagkakahulog ko ay ang aking pagsigaw. Ang nakakapagtaka lang ay sumisigaw ako pero pakiramdam ko ay walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Ang pagbagsak ko mula sa couch ang nagpagising sa akin. Pagmulat ng mga mata ko ay ang puting kisame ng sala ang bumungad sa akin. Panaginip lang pala. What a weird dream though.

“Ouch...” mahinang daing ko ng maramdaman ang sakit ng balakang ko na naunang tumama sa sahig ng bumagsak ako mula sa couch. Pupungas-pungas pa akong bumangon at iginala ang paningin ko sa sala. Anong oras na ba? Mukhang madaling araw na ah. Nakatulog pala ako sa sala. Kinuha ko ang remote at pinatay ang TV na nagpapalabas na ng pang umagang balita.

Wala na sa couch ang alaga ko. Nasaan na kaya ‘yon?

“Chogi?” hawak ko ang balakang ko habang naglalakad ng mabagal patungo  sa kusina. Siguro ay nandoon siya. Doon naman kasi siya tumatambay kapag gutom na.

“Cho-“ natigilan ako sa pagtawag sa alaga ko nang may marinig akong sigaw mula sa likod ng bahay at ang alulong ni Chogiwa. Ginapangan ako ng kaba.

Sigaw iyon ng lalake. Agad akong humablot ng isang malaking kutsilyo sa kusina at dumaan sa backdoor. Huli na ng makalabas ako dahil nakita kong nasa malayo na ang lalake at nagkakandarapang tumakbo. Ambang hahabulin pa ito ng galit na galit na si Chogi ngunit natigilan ng tinawag ko. Hinagis ko sa gilid ang kutsilyo na hawak ko at agad tumakbo palapit sa alaga ko. Naupo ako at niyakap ko siya ng mahigpit. Malamang ay masamang tao ang lalakeng iyon. Tresspassing siya at baka may balak pang masama kaya nakapasok siya sa bakuran namin. Mabuti na lang at nandito si Chogi. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang mag alala. Paano kung sinaktan siya ng lalakeng iyon?

Pinapasok ko sa bahay si Chogi at sinipat ko ang buong katawan niya kung may sugat ba siya. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala naman siyang kahit isang sugat at mukhang wala namang masakit sa kaniya. Tanging mga peklat ng mga dati niyang sugat ang naiwan sa katawan niya.

Muli ko siyang niyakap at hinalik-halikan sa ulo. “Akala ko napahamak ka...”

Nang makasiguro ako na okay si Chogi ay saka ako nagsimulang magligpit ng mga kalat ko doon sa sala. Nakakalat kasi ang mga balat ng kinain kong chips at soda kagabi habang nanonood ng pelikula. Pagkatapos sa sala ay sa kusina naman ako nag asikaso. Ito ang una kong ginagawa sa umaga. Nagluluto ng agahan at sabay kaming kumakain ni Chogi. Speaking of Chogi, nasaan nanaman ba ang isang ‘yon? Palagi na lang yun nawawala sa paningin ko ah. Kahit sa panaginip ko hinahabol ko siya.

Ngayong naalala ko nanaman ang panaginip ko kanina, iniisip ko kung ano bang itsura ng lalake sa panaginip ko. Kaso nakalimutan ko na ang itsura niya eh. Pero ang sigurado ko lang ay nagwapuhan ako sa kaniya.

“Bwisit na panaginip.” bulong ko ng maalala na in-expect kong pagsasamantalahan ako ng gwapong lalake na iyon pero hinulog ako sa bangin. Nakakahiya ang pag-iisip ko sa panaginip na iyon ah. I’m a disgrace to women.

Tapos na akong magluto ng agahan namin ng may marinig akong mga yabag sa itaas. Si Chogi siguro. Pero hindi naman maingay maglakad ‘yon. Hindi kaya may tao doon? 

Kinuha ko ang kutsilyo na hinagis ko kanina bago ko yakapin si Chogi. Dahan-dahan akong umakyat sa taas at pinakiramdaman ang paligid. Rinig ko ang pagsara ng pinto at nagmula iyon sa kwarto ko. Mukhang nandoon sa banyo ko.

Papasok ako ng pintuan ng kwarto ko ng may biglang humablot sa akin at isinandal ako sa dingding.

“AHH-“ tinakpan niya ang bibig ko at hawak ang kamay ko na may kutsilyo. Mabilis niya iyong naagaw sa akin at hinagis sa kama ko. Nagpupumiglas ako ngunit malakas siya at halos walang epekto sa kanya ang mga hampas ko.

Natigilan ako at nanlaki ang mata ko ng matitigan ko ang taong pangahas na nanloob sa bahay namin at nandito pa ngayon sa loob ng kwarto ko.

Ang lalakeng manyak sa panaginip ko!

“Don’t shout.” His voice is deep and authoritative like how I remember it from my dream.

Nananaginip ba ako ulit? Ano bang nangyayari? Magnanakaw ba siya? Akyat-bahay? Ang gwapo niya namang akyat-bahay.

Nagpipiglas pa ako pero wala talagang silbi iyon.

“I’ll let you go but promise me you won’t shout.”

Tumango ako para pakawalan niya ako. Pero ang plano ko, tatakbo na ako kapag binitawan niya ako. Unti-unti niya nga akong binitiwan at doon ako umambang tatakbo. Ngunit mabilis ang naging paghila niya sa akin at muli akong ibinalik sa pagkakasandal ko sa dingding.

“AHH! Manyak! Magnanakaw! Akyat-bahay!” sigaw ko na lang habang pilit kumakawala. Alam kong wala kaming kapitbahay at ang susunod na bahay na pinaka “malapit” dito ay hindi rin maririnig kahit gaano pa kalakas ang sigaw ko.

“Hindi ako manyak. Nor a thief.” Parang naiinis pa siya.

Siya na nga ang tresspassing at may masamang balak, siya pa maiinis!

“Anong hindi? Bakit ka nasa bahay ko? Ano ginagawa mo rito sa kwarto ko? B-Bakit nakatapis ka lang ng tuwalya?” histerikal na tanong ko at nanlaki ang mata ng makitang tuwalya ko pala ang nakapulupot sa ibabang bahagi ng kanyang katawan para matakpan ang kung ano mang dapat takpan. “Tuwalya ko pa talaga gamit mo, manyak!”

“Hindi nga sabi ako manyak! Ako ‘to, si Chogiwa!” frustrated niyang sagot na nagpatigil sa akin sa pagpupumiglas.

Mga ilang segundo akong nakatulala lang sa kaniya.

“HAHAHAHA! Siraulo ka ba?” kung kanina ay histerikal ako sa pagpiglas, ngayon ay hsiterikal naman ako sa pagtawa. Baliw yata ang isang ‘to. Ano raw? Siya raw si Chogiwa? Ang alaga kong aso?

“Hindi ako nakikipag-biruan. Crazy woman.” Seryoso siya

“Ako pa ngayon ang crazy? Ikaw ang baliw dito! Ikaw si Chogiwa? Baliw! Hahahaha!”

“I hate to do this and you might pass out. But I can’t take being called crazy.” Binitiwan niya ako at umatras. I crossed my arms and waited for what he’s about to do.

Ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita ng dalawang mga mata ko ang biglang pagpalit niya ng anyo. Ang gwapong manyak ay naging si Chogiwa! Nahulog ang tuwalya sa sahig at unti-unting lumapit sa akin si Chogi. Hindi ako nakapagsalita. Nakatulala lang ako hanggang sa tuluyan nang nagdilim ang paningin ko at nawalan ng malay.

Nagising akong nasa kama ko na ako. Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko ang nangyari. Nagpalinga-linga ako at nakitang mag-isa lang ako sa kwarto ko. Panaginip lang ba ang lahat? Sana naman panaginip lang. Dahil baka nababaliw na ako kung totoong nakita ko ‘yon.

“I see you’re awake now.” Isang baritonong tinig ang nakapagpa lingon sa akin. Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng lahat ng dugo sa katawan ko ng makita ko ang lalake na prenteng nakasandal sa hamba ng pintuan. He’s crossing his arms and is looking at me with a small smirk on his face.

“H-Hindi ‘yon panaginip?” tanong ko sa sarili ko ngunit naisatinig ko pala.

“Hindi ito panaginip. What you saw earlier is real. Gusto mo isa pa?”

“Wag na! Sagutin mo na lang mga tanong ko,” pigil ko dahil baka himatayin nanaman ako kapag nakita kong ang gwapong lalake na iyan ay nagiging si Chogi ko.

“Can we talk now without you passing out?" He raised his eyebrow at me.

“Let’s talk over breakfast. I’m starving.” Aniya at nauna nang lumabas ng kwarto ko. Mabagal at may pag aalinlangan pa akong sumunod sa kaniya. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o magseseryoso habang nakatingin ako sa likod niya. He’s wearing my favorite loose shirt that has a peach printed on the front and the word juicy is printed on the back. It’s black, but the prints looks funny because he’s wearing it. Suot niya rin ang pajama ko na hindi ko na ginagamit. Maluwag na kasi iyon sa akin pero nagmukhang maliit pa lalo sa kaniya. Bitin kasi sa laylayan. Nakayapak lang siya at kung maglakad ay parang bahay niya itong bahay ko. Ako pa nga ang mukhang bisita rito dahil ako ang hindi komportable.

Pagdating namin sa kusina ay naupo na siya at pinanood akong maupo sa harap niya. Ngayong kaharap ko siya sa hapag ay mas lalong nag sink in sa akin na napaka gwapo niya. Mukha siyang snob at authoritative na tao. Come to think of it, he does look like his dog form. Dog ba talaga si Chogi o wolf?

“Anong klaseng nilalang ka?” unang bato ko ng tanong. Hindi ko pinansin ang pagkain na nakahain na sa hapag. Mukhang habang wala akong malay ay hinain niya na ang mga niluto ko.

“I’m a werewolf.”

“Kagaya ni Jacob?”

Kumunot ang kaniyang noo. “Who the f*ck is Jacob?”

“Bunganga mo naman!” saway ko. “Si Jacob, yung werewolf sa Twilight. Yummy nun eh.”

“Tch!”

“Anong nangyari sayo at bakit kita natagpuan na sugatan sa park?”

“I was on my way to a business meeting when a group of black werewolves in human form attacked me. I didn't want to draw much attention that's why I ran off instead of fighting them. Naabutan nila ako sa isang hindi mataong lugar, nakatakas ako sa kanila at doon mo ako nakita sa park. I'm thankful that you brought me home and tended to my wounds. Pinakain mo rin ako at pinaliguan. Thank you for that." He eat in such a refined way that you will think he is well-off.

“Bakit ngayon ka lang nag anyong tao?”

He took his time to chew what is in his mouth. Para siyang nagmo-model sa commercial ng kape. Sumandal siya sa backrest ng upuan at saka sumimsim ng kape. Aba at home na at home talaga siya ah. Nakapag timpla pa ng kape.

“I was injured, and I needed to heal first. Hindi pa kinakaya ng katawan ko nung una.”

“Magaling ka na ba completely?”

“Not yet, I might even go back to my wolf form anytime and I might find it hard to go back to my human form again.” Inilapag niya ang tasa sa mesa at humalukipkip habang nakatingin sa akin. “That’s why I need you.”

Tinuro ko ang sarili ko “Ako? Anong pang kailangan mo sakin? Kinupkop na kita at ginamot.”

“I need a place to stay while I’m still recovering. Before I lay out my proposal, let me introduce myself first.”

Umupo naman ako ng tuwid at hinintay ang pagpapakilala niya. Itatanong ko pa sana ang tungkol dito pero mabuti na lang at kusa na siyang nagpakilala.

“I am Rafael Callejo.”

Rafael Callejo? Gulantang na napatitig ako sa mukha niya.

Napaka tanga ko naman na hindi ko nakilala ang mukhang yan! Nakita ko na sa balita pero di ko pa agad nakilala ngayon!

"Kaano-ano mo si Professor Gabriel Callejo?!" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kaniya. Gusto ko lang makasigurado kahit na naalala ko naman nang siya ang nakita ko sa balita.

"I'm his older brother. So, you're his student huh?" tanong niya at tumango lang ako. Kung ganoon ay siya nga ang nawawalang kuya ni Prof Callejo...

"Si Professor Gabriel ba, werewolf din?" Tanong ko pa.

He nodded "Oo, it's in our blood." napasinghap ako sa narinig. Hindi ko pa rin lubos na mapaniwalaan kahit pa nakita ko na kung paano siya naging wolf at naging tao ulit.

"Bilang pasasalamat, I'll give you money to compensate for the trouble I caused you when you took good care of me when I was injured and in a weak state. And if you let me stay here to recover, I’ll also pay generous amount. Think of it as taking in a tenant." He leaned closer to the table. Pinagsalikop niya ang mga kamay niya at tinignan ako ng mataman.

“Bakit dito pa? Pwede ka naman na yatang umuwi sa inyo o magpasundo ka sa kapatid mo. Sabi mo may mga humahabol sayo, paano kung madamay ako?”

“Believe me, I would also like to go back home but I still can’t do that. I need a place to stay and this house is perfect.”

"Eh paano yung mga gumawa sayo nun?"

"I think they're still on the hunt for me. I'm quite surprised that they can't locate me here. Maybe it's because of your scent."

"What about my scent?" Salubong ang kilay na tanong ko.

Bumaling siya sa akin at yumukod. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Napapikit ako sa sobrang lapit ng mga mukha namin. I felt him sniffing my neck.

"Werewolves can smell their fellow werewolves. But I think your sweet scent is overpowering my scent." He said in a dark tone.

"And your sweet scent is seductive too." He added in a darker expression.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status