Home / Other / My Pet Wolf / Chapter 5

Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2021-11-01 21:40:09

"And your sweet scent is seductive too."

Pakiramdam ko ay nagtindigan lahat ng balahibo ko ng ibulong niya iyon sa akin kasabay ng madilim niyang ekspresyon. Kahit parang nanlalambot ang mga kalamnan ko ay nagawa ko pa siyang itulak.

“P-Pag-iisipan ko pa kung papatirahin ba kita rito pansamantala.” Dinampot ko ang kutsara at tinidor saka nagsimulang mag focus sa pagkain.

Ayaw kong madamay sa kung ano man ang problema niya. Hindi pa nga masyadong nagsi-sink in sa akin ang mga natuklasan ko ngayong araw eh.

“Paano ako makakasiguro na hindi ka masamang tao—I mean werewolf?” tanong ko dahil totoo namang hindi ako nakakasiguro na mapagkakatiwalaan siya. Paano kung hinahabol siya ng mga lalakeng iyon dahil may ginawa siyang masama? Saka paano ko masisigurong ligtas ako?

I took care of Chogi and I felt safe with it pero iba na ngayon. Sobrang magkaiba. Hindi ko akalaing ang “aso” na kinupkop ko at inalagaan ay isa palang werewolf. I have grown to love Chogi and this is all shocking for me. It’s all hard to take in.

“Kung masama ako edi sana matagal na kitang nilapa.”

“Seryoso akong nagtatanong dito kaya sagutin mo ako ng maayos. Kung di kita makakausap ng matino, humanap ka na ng ibang mapagtataguan mo ngayon pa lang.” I gave him a bored and serious look.

“We can have a contract. Kapag may nangyaring masama sayo, kargo ko lahat. I’ll pay for everything. You don’t have to look for a part time job. I’ll grant you a scholarship. This is a serious matter and I want you to know that the moment you took me here, you are already involved in this.”

His offer is very appealing to me. Dahil ayaw kong umasa na lang palagi sa padala ng parents ko. Having a contract is somehow reassuring. Idagdag pa ang scholarship at bayad niya sa pagtira dito. May tatlong kwarto na may sariling banyo ang bahay at pwede ko naman ipahiram sa kaniya ang isa.

“Gaano katagal mo kailangan manatili dito?”

“Probably one month.”

Napaisip ako saglit. Hindi na masama. Mabilis lang naman ang isang buwan. Iisipin ko na lang na may bedspacer ako at iiwasan kong isipin na hindi siya ordinaryong tao.

“Okay, let’s draft a contract.” Tumayo ako at kinuha ang ballpen at sticky note na nakalagay sa ibabaw ng ref. Muli akong naupo sa harap ni Rafael at nagsimula nang magsulat.

“Maglalagay ako ng mga kondisyon ko at maglagay ka rin—” natigilan ako ng paglingon ko ay si Chogi na ang naka-upo sa harap ko.

“Pwede bang mag human form ka? May importante tayong pinag-uusapan.”

He growled and looked away. Teka, ‘wag niya sabihing hindi niya kaya bumalik sa pagiging tao?

“Hindi mo kaya bumalik sa pagiging tao?” tanong ko at napa buntong hininga ng umalulong lang siya. “Tumango ka na lang kung oo, at iling kung hindi. Di mo kaya bumalik?”

Chogi nodded. Mukhang kailangan niya pa nga talagang manatili dito sa bahay. Sa lagay niya ay baka bigla na lang siyang magpalit ng anyo habang nasa public place kung aalis na siya dito.

“Sige saka na lang natin pag-usapan kapag nakabalik ka na sa pagiging tao.” itinabi ko ang sticky notes at ballpen saka nagsimula nang magligpit ng pinagkainan namin. Bumaba naman si Chogi sa upuan at lumabas ng kusina. Naghugas ako ng mga pinagkainan habang tingin ko ay nanonood ng TV sa sala si Chogi.

Sunod na sunod na pagdoorbell ang nagpatigil sa akin sa ginagawa. I wiped my hands and went out to the sala. Binalingan ko si Chogi at sinenyasan na magtago dahil baka makita siya ng kung sino man ang nasa labas ng pinto.

Pag bukas ko ng pinto ay dalawang unipormadong pulis ang naroon. Kinabahan ako bigla. Paano kung nalaman na nila na may tinatago ako ritong werewolf at hulihin ako? May batas ba na bawal mag alaga ng werewolf? Malamang wala. Ngayon ko nga lang nalaman na meron palang werewolf sa totoong buhay.

“Magandang umaga, Ma’am.” bungad ng matabang pulis. Nakangiti ito kaya ginantihan ko rin ng ngiti.

“Magandang umaga rin po, ano pong maipaglilingkod ko?” hindi ako tuluyang lumabas ng bahay at bahagya lang na nakabukas ang pinto, sapat para makatayo ako doon.

“May nakapag sumbong sa aming tanggapan na mayroon daw namataang lobo sa bakuran niyo.” Anang payat at matangkad na pulis.

Abot-abot ang kaba ko ngunit hindi ko iyon ipinahalata. Bakit ngayon pa sila nagpunta kung kailan hindi makapag anyong tao si Chogi?

Tumawa ako na parang nakakatawa ang sinabi ng mamang pulis. Nakakatawa naman talaga iyon kung hindi totoo. “Lobo? As in wolf? Naku paano naman magkakaroon ng ganun dito eh wala namang wolf sa Pilipinas.” nilakasan ko ang boses ko para marinig ako ni Rafael.

“Kaya nga po eh. Tingin ko ay sabog lang ang nagsumbong na yun.” Tumawa rin ang matabang pulis.

“Kung okay lang, Ma’am. Pwede bang makiraan kami diyan sa bahay niyo at titignan lang namin ang likod ng bahay niyo para makasiguro tayong nagkakamali lang ang nagsumbong sa amin.” seryosong anang payat na pulis at bahagya pang sumisilip sa glass panel sa tabi ng pintuan.

“Mawalang galang na po Sir pero taga rito ako at sigurado akong walang lobo rito. Baka naman adik yang nagsumbong sa inyo o baka nababaliw na.” lumabas na ako ng tuluyan at isinara ang pinto sa likod ko.

“Wala namang mawawala Miss kung hahayaan mo kaming tignan ang area.”

“Hon, may problema ba rito?” napatalon ako sa biglaang nagsalita sa likuran ko. Nakita ko ang reaksiyon ng dalawang pulis na napatingin kay Rafael. Nilingon ko rin siya at nakita kong hubad-baro siya at nakatapis lang ng tuwalya sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan.

Tama ba pagkakarinig ko? Tinawag niya akong Hon?

He looked at me meaningfully and I get what he is trying to do.

“Kasi Hon, may nagsabi raw sa kanila na may lobo na namataan dito banda sa area natin. Nagtatanong sila kung pwede daw bang makidaan sa bahay papunta sa likod ng bahay.” I pouted na parang nagsusumbong sa kaniya. Inakbayan ako ni Rafael at idinikit ako sa kaniya na para bang pinoprotektahan ako.

“Are you going to search our house?” baling ni Rafael sa mga pulis.

“Opo, baka kasi alaga niyo pala iyon. Illegal po ang mag-alaga ng ganun dito.” Sagot kaagad ng payat na pulis.

“Okay, we’ll let you search our house and the backyard kung may search warrant kayo.”

Natigilan ang payat na pulis at napakamot naman sa batok ang matabang pulis.

“Pasensiya na po sa abala Ma’am, Sir. Mapilit lang kasi itong kasama ko. Alam niyo na, masipag dahil bago pa.” tumawa ang pulis at nagpaalam na. Walang nagawa ang payat na pulis at sumunod na lang sa kasama niya at sumakay sa police car na nakaparada sa harap ng bahay.

Pagka-alis ng mga pulis ay hinila ko na si Rafael papasok ng bahay.

“What’s with the pulling, can’t wait to be alone with your honey?”

“Anong honey-honey ka diyan! Halos atakihin na ako sa puso doon. Akala ko makukulong na ako dahil may alaga akong wolf! Tapos lalabas ka naka tapis lang at may pa Hon-Hon ka pa!” napa-paypay ako sa mukha ko. Mainit ang pakiramdam ko at pinagpawisan ako ng husto dahil sa kaba.

“If they didn’t know that you have company, baka pinilit ka na ng mga iyon na papasukin sila. Who knows what they might do to you. Might as well pretend that you have a husband dahil baka bumalik pa rito ang mga yun. And next time someone tries to search the house, ask for a search warrant you dummy.” Pinitik niya ang noo ko at umakyat na sa taas.

“Hoy! Close ba tayo? Maka pitik ka ng noo parang close tayo ah!” sumunod ako sa kaniya at sa kwarto ko pa siya pumunta.

“Nakita ko na lahat-lahat sayo, hindi pa ba tayo close sa lagay na ‘yon?”

Pakiramdam ko ay umakyat sa pisngi ko lahat ng dugo ko sa katawan. “Bastos!”

“Kaya pala!” bulalas ko ng ma-realize ko ang nangyayari noon. Palagi siyang sumasama sa banyo kapag maliligo ako at nanonood sa akin. “Manyak!” tili ko saka binato siya ng bagay na una kong nahablot mula sa sandalan ng upuan ko sa harap ng vanity table. Tumama iyon sa mukha niya at huli na ng ma-realize ko kung ano ang ibinato ko sa kaniya. Kinuha niya iyon at tinignan.

“You like peach prints, huh?” he chuckled and showed my my underwear that has peach printed in front.

Oo! Panty ko ang naihagis ko sa kaniya! Bakit ba kasi may panty ko sa upuan?

“At least it’s clean.” humalakhak siya at nagmartsa ako palapit sa kaniya. Hinablot ko ang panty ko na hawak niya.

“Manyak!” itinago ko iyon sa drawer at tinulak siya palabas ng pinto. “Simula ngayon doon ka na sa kabilang kwarto. Bawal kang pumasok dito sa kwarto ko!”

Kumapit siya sa hamba ng pinto at humarap sa akin.

“Hindi pwede. As much as possible, I need to stay close to you, your smell is what conceals me.”

“At ano? Hanggang sa paliligo ko sasama ka? Ayoko! Doon ka sa kabilang kwarto, take it or leave it!” frustrated ko siyang tinulak at tumatawa naman siyang nagpadala sa akin. Mukhang trip na trip niya talagang inisin ako. Pwede pa ko magbago ng isip habang hindi pa kami nagkakapirmahan ng kontrata.

“Before I leave you alone, let me borrow your laptop. I’ll make a draft of the contract and I will also contact my brother.” Inilahad niya ang kamay niya na parang sure na sure na pahihiramin ko.

Kinuha ko ang laptop ko at pati na rin ang cellphone ko.

“Oh.” Inabot ko sa kaniya ang mga ‘yon.

“I will contact my brother through email. Hindi ko alam kung anong bago niyang number.” Akmang ibabalik niya ang cellphone ko pero hindi ko iyon tinanggap.

“Nandiyan number ni Prof. Callejo.” Tamad kong wika at isasara na sana ang pinto ngunit pinigilan niya iyon.

“Why do you have his number on your phone? Are you guys close?” tanong niya. Nagkibit balikat ako “Hindi naman, pero hiningi niya kasi number ko nung nakasabay namin siya ng kaibigan kong kumain sa cafeteria. And he said I should also save his number. Baka alam niyang kinupkop kita?”

Bumaba ang tingin niya mula sa mukha ko patungo sa leeg ko. “I see, maybe he saw that necklace.”

Napahawak ako sa moon necklace na ibinigay niya sakin noong akala ko ay isang normal na aso lang siya.

“Oo nga pala, binigay mo ba sakin ‘to? I just assumed that you gave it to me since inilapag mo noon sa lap ko.”

“Yeah, sayo na yan. I’ll go ahead and give you some peace.” Aniya at tumalikod na patungo sa  katabing kwarto.

Sa wakas ay napag-isa na ako. Isinara ko ang pinto at pabagsak na nahiga sa kama. Natulala lang ako sa kisame habang iniisip ang mga natuklasan ko ngayong araw. Ang alaga kong si Chogi na inakalang kong isang malaking breed lang ng aso ay isa palang werewolf. Siya pala ang nawawalang kapatid ni Professor Callejo na naikwento sa akin noon ng kaibigan kong si Lilah at ang nakita ko sa news noon.

Ngayong unti-unti na talagang nagsi-sink in sa akin na si Chogiwa ay si Rafael, tinatamaan na ako ng kahihiyan. Naalala ko bigla ang mga nakakahiyang ginawa ko sa harap ni Chogi.

Natutulog ako sa tabi niya, at noong nanonood kami ng balita tungkol sa kaniya ay sinabi ko pang gwapo si Rafael sa harap niya pa pala mismo. Pero ang pinaka nakakahiya sa lahat ay naligo ako habang nanonood sa akin ang manyak na ‘yon!

Hinablot ko ang unan ko at itinakip iyon sa mukha ko. Tumili ako ng todo at doon ibinuhos ang inis, frustration, at hiya ko. Nagpapadyak din sa ere ang paa ko.

Isang malakas na pagbukas ng pinto ang nagpatigil sa akin. Agad akong napatingin sa pinto at nakita ko doon si Rafael na halatang sinipa ang pintuan.

“Rafael!” sigaw ko. “Sinira mo ang pintuan ko?” gulat na tanong ko kahit kitang kita naman na sira na ang pintuan ko dahil sa pagkakasipa niya.

“Akala ko napano ka na! I heard you screaming and kicking.” Mabilis ang lakad niya papunta sa akin at hinablot ang braso ko saka sinipat ako kung may sugat ba ako o kung ano pa. Nagpalingon-lingon din siya sa buong kwarto na parang hinahanap ang kung sino man na nanakit sa akin.

“W-Walang masamang nangyari. Tumili lang ako sa ilalim ng unan. ‘Di ko naman in-expect na maririnig mo pa ‘yon.” Mas lalo tuloy akong nahiya. Narinig niya ‘yon? Paano? Nagtakip naman ako ng unan.

“And why were you shrieking?” he raised his eyebrow.

“Wala!”

“Bakit nga?”

“Wala nga! Alis na nga! Sinira mo pa pintuan ko. Ayusin mo yan ah!” dinaan ko na lang sa inis.

“I will. But tell me why you’re shrieking a while ago.”

“Naalala ko lang mga nakakahiyang pangyayari!” namumula na panigurado ang mukha ko.

“Like when I watched you take a bath?” nakangisi na siya ngayon.

“Oo, manyak!”

“You can watch me while I take a bath too. Baka sabihin mo ang unfair ko eh.” He smirked and left my room.

“Bwisit kaaa!” sigaw ko kasunod ng malakas niyang tawa mula sa labas.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Pet Wolf   Chapter 40

    “You Are My Sunshine, my only sunshine You make me happy when skies are gray You'll never know dear, how much I love you Please don't take my sunshine away. The other night dear, as I lay sleeping I dreamed I held you in my arms But when I awoke, dear, I was mistaken So I hung my head and I cried. You Are My Sunshine, my only sunshine You make me happy when skies are gray You'll never know dear, how much I love you Please don't take my sunshine away.” Kinakanta ko ang paboritong kanta ni mama at papa habang pinapaliguan ko si Daniel. He seem to love this song too because whenever I sense that he is anxious or scared, I just sing this song and he calms down in an instant. He is such a good boy. He is one month old now. So far, ay hindi pa kami masyadong nahihirapan sa pag aalaga sa k

  • My Pet Wolf   Chapter 39

    Nagising ako na sakay ng isang bangka na nasa gitna ng kadiliman. Tanging liwanag na nagmumula sa dalawang sulo na nakatayo sa magkabilang dulo ng bangka ang nagbibigay ng liwanag sa paligid kaya ko natanto na nasa gitna kami ng isang lawa o ilog. O baka naman dagat? Hindi ko sigurado kung anong anyong tubig ang kinaroroonan ng bangka.Kasama ko sa bangka ang walang malay na si Desmond. Nakasuot siya ng kulay itim na long sleeves at itim na pantalon, wala siyang suot sa paa. Napatingin ako sa suot ko. Kahit ako ay iba na rin ang suot. Isang puting bestida at wala ring sapin sa paa. Ito na ba ang kabilang buhay? I rested my elbows on my thighs and my chin rested on my hands. Hihintayin ko na lang sigurong magising si Desmond. Hindi tulad ko ay nakatali ang kaniyang mga kamay.Maya maya lang ay unti unti nang nagising si Desmond. Pabalikwas siyang bumangon at nang makita ako ay natigilan.“Hi, welcome sa kabilang buhay.” I smiled sarcastically. Gulat l

  • My Pet Wolf   Chapter 38

    Nagising ako na nasa gitna ako ng kakahuyan. Big trees with wide trunks. Pakiramdam ko ay napakaliit ko sa gitna ng mga naglalakihang puno sa madilim na gubat na ito. Nakaupo ako at nakasandal sa isang malaking punoTeka...Gubat? Bakit ako nasa gubat? At bakit ako nakatali?May matibay na lubid na ilang beses na pinaikot sa akin kaya hindi na ako makagalaw.“Thank god you’re finally awake.” Boses iyon ni Rafael mula sa gilid ko. Paglingon ko ay nakaupo rin siya at nakasandal sa puno na gaya ko at nakatali rin.“Nasaan tayo? Bakit tayo nakatali?” tanong ko sa kaniya.Hindi pa siya nagsasalita ng may bigla nang sumagot para sa kaniya.“Nandito kayo kung saan kayo mamamatay.” Si Desmond iyon na may dalang maliit na bote. Sa likod niya ay nakasunod si Miguel na may dalang sulo. He smirked at us.“Yup! Ako nga. Ako nga ang pumatay sa mga magulang mo, Audrey. Ako ang hinahanap niyong k

  • My Pet Wolf   Chapter 37

    Maalinsangan at maalikabok ang ihip ng hangin sa katanghalian dito sa Cubao. Suot ko ang kulay puting tshirt ni Rafael na malaki sa akin at tinuck-in ko sa jeans na suot ko. Naka running shoes din ako at may hawak na softdrinks na nasa plastic. Nakatali ang mahaba at kulot kong buhok. Nandito ako ngayon sa labas ng isang Ukay-Ukay shop. Sa di kalayuan ay naka tambay si Rafael sa isang coffee shop, naka kulay itim na tshirt siya at jeans. May suot din siyang cap pero kitang kita naman ang mukha niya kaya hindi ko alam kung for disguise purpose niya ba yun. He looks really casual, but he is still attracting attention. Napapalingon sa kaniya ang lahat ng dumadaan lalo na ang mga babae.“I told you, you should have stayed in the car. You’re getting too much attention.” I talked to him through telepathy.“Says the girl who will make every item in that store sold out.” Pikon na sagot niya.Napatingin tuloy ako sa kung an

  • My Pet Wolf   Chapter 36

    Nagkakagulong mga tauhan ng mansion ang naabutan ko ng makarating ako doon at pag babang pag baba ko ng kotse.“Miss Audrey!” tawag sa akin ng mayordoma na si Nelia. Umiiyak siya at humahangos na sumalubong sa akin.“Ate Nelia, ano pong nangyayari dito?” nagpa-panic na tanong ko. Balisa at aligaga silang lahat at hindi iyon magandang senyales.“Ang Mama at Papa niyo po, Miss Audrey...” she could not even finish her words because she started crying uncontrollably.“Anong nangyari kay mama at papa? Nasaan sila?” tanong ko sa nanginginig na boses.“Main hall.” Parang nanlamig ang mga kalamnan ko ng marinig ang sinabi niyang lugar kung nasaan ang mga magulang ko. Agad akong tumakbo papasok ng mansiyon at diretso sa main hall.Nilagpasan ko ang mga nag iiyakang kasambahay at dumiretso ako sa gitna ng kumpulan. Tila itinulos ako sa aking kinatatayuan ng makita ko kung ano ang nangyari.

  • My Pet Wolf   Chapter 35

    “Wag mo na masyadong kapalan ang makeup niya, di niya na kailangan ng makapal. Maganda na siya.” ani Joy sa make-up artist na inarkila nila para sa akin. Nandito kami ngayon sa tent na nagsisilbing dressing room ko.Oo, pumayag ako na sumali sa pageant at ngayon na ang gabi ng coronation. Noong una ay ayaw ko naman talaga dahil tingin ko nga ay sayang lang sa oras at pagod pero dahil kailangan ito ng mga kaibigan ko ay napapayag na ako. Isa pa ay gusto ko lang din manalo para mainis ko lalo si Marie. Inis naman siya sa akin kahit wala akong ginagawa sa kaniya edi bibigyan ko pa siya lalo ng dahilan para mainis sa akin.“Oo dai di ko talaga kakapalan, nakakahiya naman kasi sa mga make up ko hindi naman pala sila kailangan dito, dinala ko pa. Ganda nitong si Audrey ano? Baka interisado ka mag modeling pwede kita hanapan ng gigs, ako na manager mo.” Ani Mavy, ang bading na makeup artist na kakilala ni Joy.“Naku wag mo na tangkaing i-s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status