Share

1

                          “Sorry, I mean, who are you?” para akong sinaksak dahil sa naging sagot niya sakin. Ang pinaka kinakatakutan ko na mangyari, ang makalimutan niya ko. “Do I know you?”

“I’m- I’m-uh-“ nahinto ang sasabihin ko nang bumukas ang pinto at pumasok si Claire sa loob, bumili siya ng prutas at lunch para samin.

“OMG! You’re awake!” sigaw ni Claire at mabilis na tumakbo at niyakap si Kalix, napansin niya yata na nakatingin ako, kaya agad siyang lumayo, “Sorry, got carried away.”

Sasabihin ko sana na may amnesia siya pero nagsalita si Kalix, “Claire, why are you saying sorry? Do you know this lady? I think she’s lost,” napatigil si Claire at nawala ang malaking ngisi sa labi niya. 

“Come on, stop playing, Kalix, can’t you remember her? She’s Samantha!”

“You know her? Oh! I’m sorry!” humarap siya sa akin, “You’re Claire’s friend? I’m sorry, I didn’t know.” Mukhang hindi talaga siya nag bibiro.

“Kalix, stop playing! Stop pulling pranks, you dimmwit!”

“Claire, labas muna ko.” Paalam ko at mabilis na umalis sa kwarto, narinig ko pa ang ilang beses niyang pagtawag sakin, pero hindi ko yon pinansin.

Bakit ganon? Bakit nakalimutan niya ko, pero hindi ang mga tao sa paligid niya? Bakit ako lang? hindi niya ba talaga ako minahal kaya hindi niya ko maalala?

                                                              ---

“Ipapakulong kita! Nagkamali ka ng binangga! Ang kapal ng mukha mo na magpakalat ng maling impormasyon!”  Nagising ako dahil sa malakas na boses mula sa labas ng bahay, nag inat ako sandali bago tuluyan na bumangon.

Agad na kumunot ang noo ko nang makita na maraming tao sa harap ng bahay namin, present din sila kapitana at mayor, si kapitana yung sumisigaw, habang dinuduro ang nanay ko. Aba!

“Edi ipakulong mo! Totoo naman eh! Kabit ka ni mayor! Nakita kayo nila Esther!” sigaw ng nanay ko at dinuro duro pa si kapitana. Si mayor, hinihilot na alng ang sentido.

Kahit ako na dapat tatakbo na, huminto. Lintek! Ang pagiging chismosa ng nanay ko, umarangkada nanaman! Lechugas barabas! Inipon ko ang buhok ko at inipitan, bago tuluyang makalabas sa pinto.

Nakita ko pa sa sala ang kapatid ko at ang tatay ko, na parang walang pakielam sa nangyayari, nanunuod lang, yung isa nag naka cellphone lang.

“Nay! Ano ba yan!” huminto sandal si nanay, at tinignan ako, pero diniretso pa rin ang pakikipag away, kaya lumapit na ko at hinawakan sya sa braso, tsaka humarap kay kapitana at mayor, “Mayor, kapitana, pasensya na po kay nanay, baka naman po mapaguusapan pa natin to?” gaya ng lagi kong giangawa, ako nanaman ang mamamagitan.

Ako lagi ang gumagawa nito, kilala si nanay sa buong barangay dahil sa pagiging chismosa niya, pero hindi ko naman inaasahan na pati sila kapitana at mayor, madadali nya, umay sa nanay ko.

“Ipapakulong ko ang nanay mo, Samantha, pasensyahan na lang tayo! Sobra ang chismis na ipunakalat niya! Ilang beses ko na siyang pinatawag sa tanggapan ko! Ilang beses ko na siyang kinausap g ayos,” tinignan ko lang si nanay na akala mo sya pa ang agrabyado dito. “Hindi ko siya pinapansin, kasi inaanak kita, at dahil sa tatay mo, pero sobra na!”

Hindi ko napigilan na kumamot sa noo ko, “Ano po ba ang pinakalat ni nanay?”

“May relasyon daw kami ni mayor! Samantha, kung matino ang nanay mo, alam nya na malapit na ang eleksyon, at pamilyado kami parehas! Ano sa tingin nya ginagawa niya!”

Napangiwi ako dahil sa narinig ko, napansin ko na parami na ng parami ang mga tao na nakatingin sa amin, hindi na nakakatuwa to, si nanay naman kasi.

“Ipapakulong kita, Pilar! Bukas na bukas makukulong ka!” akala ko naman matatakot si nanay, pero umirap pa siya, “Ang kapal talaga ng mukha mo! Huling irap mo na yan sakin!”

Nang makaalis na si kapitana sumunod na rin ang iba pa nilang kasama ang mga chismosa unti-unti na rin nawala, yung ibang froglets na kunwari nagwawalis ng mga tuyong dahoon sa harap ng bahay nila, nakarating dito, kahit anim hanggang walong pinto ang pagitan mula sa bahay namin.

“Pilar, sana naman hindi mo ginawa yon, alam mo naman na malapit na ang eleksyon, makakasira sa image namin yon ni kapitana, alam mo naman na tumatakbo kami diba?” akala ko hihingi ng sorry si nanay, pero umirap lang siya at pumasok sa loob ng bahay.

Kumamot ako sa noo ko bago harapin si mayor, “Pasensya na po kayo kay nanay, baka naman po pwede Ninyo kausapin si kapitana na wag na ituloy yung reklamo niya,” sabi ko pa.

“Kakausapin ko si kapitana, pero hindi ko maipapangako,” tumango lang ako, si nanay naman kasi, kahit kalian talaga, di na natuto, palibhasa, nakakalusot sa mga ganitong bagay. “Mauna na ko, Samantha.” Tumango na lang ako, bago tuluyang pumasok sa bahay.

“Nay naman, bakit naman gumawa kayo ng ganon kay kapitana at mayor? Alam ninyo naman na malapit na eleksyon, sana pinatapos ninyo muna bago sila i-chismis ng ganon, paano kung ituloy ni kapitana yung pagrereklamo sayo?”

Umupo siya at tumingin ng matalim sakin, “Edi gawan mo ng paraan, pyansahan mo ko, makakagawa ka ng paraan, nanay mo ko, hindi mo dapat ako pinababayaan, utang mo sakin buhay mo, baka nakakalimutan mo, Samantha.” Natameme na lang ako dahil sa sinabi niya.

“Hoy, Samantha, bakit wala pa rin laman ref natin? Nasan na mga alak ko? Pupunta daw mga kumpare ko dito, ano iinumin namin mamaya? Ipapahiya mo ko?” sigaw ni tatay habang nasa kusina at naghahanap ng alak sa maliit namin na ref.

“Tay, sa isang araw pa po ang sahod ko, allowance ko na lang po ang hawak ko ngayon, baka pwede na huwag muna po kayo uminom?” may trabaho ako sa bayan, bilang cashier, pero minimum lang din ang sahod, sa fourteen hours shift ko, halos wala na naiiwan sakin, kung hindi allowance para makaraos hanggang sa susunod na sahod.

“Aba! Ang kapal naman ng mukha mo na sabihan ako ng ganyan? Anak lang kita, sino ka para sabihan ako ng ganyan? Porket ikaw ang bumubuhay samin?!” dapat pala hindi ko na sinabi sa kanya, “Akin na ang dalawang daan, bibili ako ng alak sa kanto, tsaka isang daan, para may pulutan kami.”

“Tay, five hundred na lang po ang pera ko, para sakin na po iyon, hindi ba at binigyan ko na kayo ng fourteen thousand nung nakaraang lingggo?”

Nagulat na lang ako na nasa harapan ko na siya, hindi ko na naiwasan ang malaking palad niya na dumikit sa kaliwang pisngi ko, “Huwag mo ko sinasagot ng ganyan, Samantha! Simula bata ka, ako nagpapalamon sa’yo! Alak lang hindi mo maibigay?!” sigaw niya, nalasahan ko ang parang metal na likido sa gilid ng labi ko.

Sa huli, wala rin akong nagawa at ibinigay ang three hundred pesos na dapat ay allowance ko, hindi na rin ako lumabas ng kwarto ko, at nagmukmok sandali.

Nang tumungtong ang alas nueve ng umaga ay nag ayos na ko para sa pagpasok sa trabaho. Ganito naman lagi, kailangan ko ibigay pati mga luho nila. Si tatay adik sa alak, sugal at sigarilyo, si nanay, chismosa, ilang beses ko na siyang pinyansahan para makalaya, dahil ilang beses na siyang naipakulong.

May naghiwalay na mag asawa, nagkapatayan na magkapatid, nawalan na trabaho na mga babae, na-frame up na mga estudayante, nang dahil sa pagiging chismosa niya, hindi ko nga rin alam bakit marami pa rin ang gusto makipag chismisan sa kaniya, alam naman nila ang nangyayari sa kanya, tapos ngayon, si mayor at kaptana naman ang tinira nya, alam naman na malapit na eleksyon.

Mabilis akong nagbihis at sinuklay ang mahaba kong buhok bago kinuha ang luma ko na bag na nakasabit sa likod na pinto. “Nay, aalis na po ako.” Paalam ko kay nanay na may kausap nanaman sa gilid, hindi niya ko pinansin at patuloy lang sa ginagawa.

Umiling na lang ako at nagdiretso na sa sakayan ng jeep, halos trenta minutos bago ako nakarating sa shopping center na pinapasukan ko.

“Oy, badtrip yata si bossing ngayon,” bungad sakin ni Lexi pag pasok ko pa lang sa locker room para magpalit ng uniform ko, “Balita ko nagtatanggaln na daw.”

Napatigil ako, pero agad rin naman na kumilos at lumabas ng locker room, narinig ko pa na tinawag ako ni Lexi, pero hindi ko na lang sya pinansin at dumiretso sa spot ko, huminga lang ako ng malalim bago buksan ang line ko.

Ngumiti ako ng malapad at tinignan ang mga costumers na naghahanap ng lane na maigsi, “Good morning! Dito po, open na.” agad na pumila sila at nagsimula akong mag serve sa mga costumers.

Nakita ko ang boss ko na pumasok sa costumer service, sa likod nya ay may isang babae, naka boho style ng crochet as top, at black fitted jeans, nakasabit sa braso niya ang isang mamahalin na sling bag, na hindi naman bagay sa blonde niya na buhok, kadiri.

Nang matapos ko ang pangalawang costumer, ay napansin ko na naglalakad palapit si bossing sakin kasama yung babae.

“Samantha, kakausapin muna kita.” Tumango lang ako at kinuha ang ‘Closed’ sign board ko, at nagpaalam sandali sa iilan pa na costumer na nakapila para serbisyuhan ko.

“Ano yon, bossing?” kahit hindi na maganda ang pakiramdam ko sa sasabihin niya, pinilit ko pa rin na ngumiti.

“This is Amore,” pakilala niya sa babae, tinignan ko siya at nginitian, tumango lang siya bilang sagot, doon ko lang napansin na parang matatae ang mukha niya, “Newly hired siya bilang cashier dito,”

“Ako ba magtuturo sa kanya bossing? Ayos lang sige.” Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang pagtuturuin niya lang naman pala ako.

“Hindi, siya ang papalit sayo, huling araw mo na sa trabaho ngayon, hindi ako nagdadagdag ng tao, pumunta ka na lang sa opisina ko mamaya para sa huling sahod mo.”

                                                                        --

“Punyeta na yan, kung kelan kailangan mo ng trabaho tsaka ka aalisin? Sinasabi ko na nga ba, at ako ang tatanggalin ng sira ulo na yon.” Wala akong pakielam kung mukha akong tanga habang naglalakad ngayon at pinag titinginan ng mga tao.

Kahapon niya pa ko tinggal, at nakuha ko na rin ang twelve thousand na huling sahod ko, apat na taon ako nagtrabaho sa kanya, pero wala manlang ibang ibinigay. Lechugas!

Kaya ito ako ngayon, naglalakad at nag hahanap ng pwede mapag applyan, ang hirap talaga pag hindi ka nakatapos ng pag-aaral, kapal ng mukha at experience na lang talaga ang laban mo.

Pilit ko na hinihila ang medyo gusot ko na itim na polo shirt at asul na pantalon, sapatos na suot ko, sa tyangge ko pa binili, at dahil makapal ang mukha ko, tinawaran ko pa yon.

Hindi alam ng pamilya ko na wala na akong trabaho. Hindi naman nila ko tinatanong, pero pag sahuran, kilala nila ko, minsan feeling ko ampon lang ako dahil sa ginagawa nila, hindi ko alam, dati naman mabait sila nanay, hindi ganito, nagbago lang sila noong dumating si Lea, kapatid ko.

“Saan lakad mo, Sam?” napatingin ako sa nagsalita sa gilid ko, si Lolita, Lita for short, at sinabayan ako sa paglalakad, pinagtitinginan na kami dahil sa suot niya.

“Dyan lang, maghahanap ng trabaho.” Maikling sagot ko, kaklase ko siya, simula elementary hanggang highschool, kso nag drop sya nang mag second year highschool kami, hindi ko alam kung bakit.

“Oh, diba may trabaho ka? Natanggal ka?” tumango lang ako, “Sakto, naghahanap ng katulong yung kaibigan ng amo ko sa Liberdad, baka gusto mo?”

Umiling ako at ngumiti, “Hindi na, salamat. Maghahanap na lang muna ako dito sa Sta. Isabel.”

“Well, okay! Alis na me! Goodluck!” bakit parang nainsulto ako sa sinabi niya? O ako lang yon? Tsk. Nakaka-

“Oh, Samantha.” Bumungad sakin ng madilaw na ngipin ng city counselor ng bayan.

“Sir Gabo.” Yun ang tawag sa kanya dito, ayoko sa kanya, makasalubong ko na lahat kahit si satanas, wag lang ang baboy na to.

“Balita ko nawalan ka ng trabaho, sabi ng kumpare ko,” oo ng apala, kumpare niya yung amo ko na bulol. “Gusto mob a ng trabaho na may malaking sahod? Madali lang naman ang trabaho.”

Hindi ako sumagot at ngumiti lang, mukha na siyang ibuburol sa suot niyang long polo at black slacks, pinipilit ko na rin hindi huminga sa ilong, kasi nanununtok ang hininga niya, parang makakapatay sa baho.

“Sasamahan mo lang ako pauwi sa bahay, tapos ipapauwi kita kinabukasan, ipapasundo na rin kita, gusto mo ba? Malaki ang ipapasahod ko sayo.” Ngumisi pa siya, putangina, hayop talaga.

Napakababoy talaga ng tao na to.

“Ah, hindi na ho, Sir Gabo, sa iba Ninyo na lang po ialok. Alis na po ako.” Sinabi ko at mabilis na umalis, narinig ko pa ang galit niyang boses habang tinatawag ako.

Mas gugustuhin ko pa na magkatulong, kesa naman mahawakan ng sira ulo na yon. Alam ko ang mga ganon, hayop.

                       

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status