“Hoy tanga! Kamusta dyan?!” hindi ko mapigilan na matawa nang marinig ang boses ng best friend ko sa kabilang linya, “Hindi ka tumawag, you bitch, two days ka na dyan ah, sinendan pa kita ng unli text at unli call to all network, tapos ako rin pala ang tatawag sayo? Anak ng pating naman oh!”
“Aba, pasensya ka na ha? Busy ako, malay ko ba na may load ako, edi sana natawagan na kita!” kinuha ko ang vacuum at nag umpisa nang maglinis sa sala, “Ano, kamusta naman trabaho?”
“Syempre maganda ako,” sagot niya na sinundan ng nakakabwisit na tawa, “Ikaw, ano naman ganap sayo dyan?”
Umiling lang ako nang maisip ko kung ano ba talaga ang nangyari sa akin, pagtapak ko pa lang sa syudad na ito, “Ayos lang, hindi pa yata umuuwi yung amo ko, two days na ko dito, pero hindi ko pa rin sya nakikita,”
“Ganon talaga pag mayaman, madalang umuwi, naiintindihan ko siya,” mayabang na sagot niya, na tinawanan ko lang, “I-send mo sakin yung address mo dyan ha,” ganon siya lagi, tuwing may pupuntahan ako, “Si Lita pala may nagagawa din na maganda sa buhay no? nabigyan ka pa ng trabaho, akala ko talaga puro pasarap lang alam non—”
“Huwag ka nang lalapit doon, at huwag mo nang kakausapin ang demonyita na yon, kahit makasalubong mo pa, kung ayain ka rin ng trabaho, huwag ka sasama, naiintindihan mo?”
“Putangina nito, bakit ako sasama don? Ewan ko nga sayo kung bakit ka sumama sa dugyot na yon, kung sino-sinong lalaki ang kasama araw-araw, tsaka maganda trabaho ko, at malaki sahod ko, engot ka ba?”
“Basta nga diba? Sige na, tatawagan ulit kita mamaya, maglilinis muna ko dito, at mukhang sinabugan ng Granada ang bahay na to,”
“Okay, ingat sila sayo, bye fake bff!” umirap na lang ako at tumawa, tsaka pinatay ang tawag, inilagay ko sa bulsa ko, at dalawang kamay na ang ginamit sa pag vacuum.
Halos bente minutos yata ako nag vacuum sa sala, sinunod ko ang kusina, inayos ko ang lababo, ref na puro tubig naman ang laman, ang mga cabinet, maging ang mga basura na one-year na yata hindi nagagalaw dito.
Sunod na inayos ko ang kwarto kung saan ako mananatili, kinuha ko sa bag ang baon ko na kobre kama, at punda, tsaka pinalitan ang sapin ko, hinanap ko ang laundry area, at nakita na may automatic washing machine don, sa gilid ay tambak na labahin.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, bago ko pinaghiwalay ang mga damit, para laban, hindi ko alam kung bahay ba to o koran, may tao pala na kay tumira kahit ganito karumi. Sabagay, sabi nga ni Lia, wala na silang oras umuwi, o makita ba kung malinis ang bahay.
“Ay jusko, nakakapagod,” hindi ko mapigilan na idaing, nang makaupo ako sa malambot na kama ko. Naglinis, naglaba ako. Hindi nga lang ako nakapag luto dahil wala naman laman ang ref nya, tubig lang talaga, at dalawang mansanas, anak ng patis naman.
Kinuha ko ang card na inabot ni sir Max, pwede ko kaya itong gamitin sa pamimili? Kaso hindi ko alam kung ano ba ang dapat ko lutuin, baka mamaya may allergies ang amo ko, mapatay ko pa ng wala sa oras.
Kinuha ko ang cellphone ko, at nagdadalawang isip na tinawagan ang number na nasa card, wala pa ngang tatlong ring ay sumagot na ito agad, “Maxwell Johnson,”
“Uh, sir, si Samantha po ito,” pakilala ko, pero naisip ko, baka hindi nya ko matandaan dahil nagmamadali sya nung i-tour nya ko dito.
“The new maid, yes Ms. Mendez? What seemed to be the purpose of this call?’ strict ang boses niya, walang pinagkaiba sa boses niya sa personal.
“Itatanong ko lang po sana kung may allergies ang amo ko, gagamitin ko po sana yung card na binigay nyo, para mag grocery at magluto ng mga ulam,”
“He’s allergic to peanuts, and he loves stirred fried rice and buttered garlic shrimp,” mabilisan niyang sagot, pero nasundan ko naman, “I have a meeting to attend, goodbye,”
Hindi na ako nakapag pasalamat, dahil pinatay na ang tawag, nailing na lang ako at kinuha ang bag ko na maliit, nang makalabas ako sa building, parang kusang huminto ang paa ko, dahil naalala ko ang nangyari nang unang araw ko dito.
Tinignan ko ang paligid, kung may kakaiba ba sa mga nakapaligid sa akin, pero wala naman akong naramdaman, kaya huminga ako ng malalim, at tsaka naglakad.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang may lumingkis na braso sa bewang ko, at natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakayakap sa estranghero, maya maya ay may naramdaman ako na hininga sa gilid ng tenga ko.
“Please help me, I’ll explain and even pay you later, just help me,” bulong niya, na may pinaghalong kaba at hindi ko na ma-identify yung isa, “Come on, Chanel, stop chasing me, can’t you see that I have a girlfriend?”
“Lucas! I know she’s not your girlfriend! You’re lying! I’ve been watching you for a while, and I know you’re not seeing someone!”
“How can you say so? Hmm? She’s always staying inside, because she hates going out, right babe?” tanong nya, na may halong pagmamakaawa, tumingala pa ako para lang makita siya, pero dahil sa init at bantad ang araw, hindi ko siya gaanong mapagmasdan.
“Ah, oo babe,” talagang diniinan ko pa ang tawag sa kanya, kasabay ng diin sa tagiliran niya, hindi nakaligtas sa mga mata ko ang simple niyang pag ngisi, “Sino ba sya? Did I heard it right, she’s chasing you for a while now?”
“Yes babe, I keep on telling her that I already have a girlfriend, but she keeps on insisting herself on me, I’m not cheating on you, okay?”
Tinignan ko ang babae na nangngangalang Chanel, mukha siyang barbie dahil sa suot niyang dress, petite siya kaya bagay sa kanya, hawak niya ang isang shoulder bag na may kaliitan, “You’re Chanel?” she nodded, mukhang bata pa ang isa na to, lumapit ako sa kanya, at may ibinulong.
Kitang kita ko kung paano nanlaki ang mga mata nya, at tumango, “OMG!” may kataasan na boses na saabi niya at tsaka tinignan ang lalaki, “Thank you, Ms!”
“Sure, go ka na,” sabi ko at ngumiti pa sa kanya, “Ingat!” kumaway pa sya sakin bago tuluyang nakalayo sa lugar namin. Humarap ako sa lalaki at inilahad ang kamay ko.
“Oh, you want an explanation? Sure—”
“Fifteen thousand,” sabi ko, nagtataka siyang tumingin sa akin, “You will pay me, right? Wala akong pakielam sa explanation mo, akin na ang bayad, cash ang kailangan ko,”
Parang hindi pa sya makapaniwala sa inasta ko, inirapan ko na lang sya, samantalang sya, natatawa na parang natatae, “Easy woman,” nang makuha ko yon, ay binilang ko muna, tsaka inilagay sa wallet ko, buti na lang malaki to, “Wait, why did you said to Chanel that made her walk out? I probably said everything to her, but she never listen,”
Tinignan ko sya, habang naglalakad palayo sa kanya, “Simple lang naman, sinabi ko na hindi ka nagpapalit agad ng brief at medyas,” kitang kita ko kung paano biglang nawala ang ngisi sa mga mukha nya, at napalitan ng inis, “Salamat dito! Sibat na ko!” sigaw ko at mabilis na tumakbo papalayo sa kanya!
“Come back! You little witch!”
"H-Hi!" Bati niya na siyang ikinagulat ko pa.Kahit na nagtataka ako sa pinaggaggagawa niya, binati ko pa rin siya. He's still a friend, you know."Sige." Sabi niya lang at naglakad papalabas ng subdivision. Nilingon ko pa siya at nakita ko pang napapakamot siya sa ulo niya'
"At Lia, huwag mong huhusgahan ang taong kasama ko ngayon. Hindi hamak na lamang siya ng isang daang paligo kay Erick. Huwag na huwag mong huhusgahan si Islaw." nanlilisik ang mga matang hinawakan niya ang kamay ni Islaw at hinila palapit sa kanya."O-okay, alis na ako." namumutlang umalis ito kaagad."Agnes?" malambing na bumulong sa kanya ang sireno, siya naman ay nagpatuloy sa paghahanap ng masusuot para kay Islaw."Ano iyon, Islaw?""S-sino siya?""Si Lia, tsismosang babae.""Tsi-tsi---ts
"A-aray, aray, aray!" nagtatalon ito habang inilalapag ang mainit na kawali sa ibaba ng kalan.Doon niya lang nalaman na nagluluto pala ito ng umagahan. Bahagya pa siyang nagulat at napaawang ang labi. Sa pagkakaalam niya kasi ay wala pang nakakapagturo kay Islaw kung paano magluto, simpleng pagpapakulo ng tubig ay hindi pa niya naituro sa sireno. Pero ano't nagagawang magluto ni Islaw?Iyon nga lang, mukhang hindi pa nito alam kung paano ba kumilos dito sa kusina. Simpleng paggamit
Tinanaw ko rin ang tinitignan niya. Ang akala ko ay isang malaking puno ang tinitignan niya pero isang grupo pala ito ng mga maliliit puno na magkakasama lang. Nasisinagan ito ng araw at banayad na sumasayaw dahil sa marahang paggalaw ng hangin."Ikaw? Gising ka na ba sa realidad?" Buchu na ang sumagot kay Islaw sa tanong nito."Now that you know, Islaw. Tara magdate! Sagot ko ang pagkain at pamasahe mo.""Ayaw ko sayo. G-gusto ko kay Agnes!" sagot ni Islaw bago yumakap sa baywang niya.Nagulat siya pe
"Ayoko, ayoko. Lumayo ka." Pinilit ko siya na itulak pero napasinghap ako nang may hawak na siyang shackles at kinulong ang dalawang kamay ko roon.Wala akong nagawa kungdi mapahiga sa kama at panay ang paglunok. Hindi ako tumingin sa kaniya dahil baka mamaya sunggaban ko siya. Nadadaganan ko ang aking dalawang kamay kaya tumagilid ako.Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag nang marinig ko na lumabas si Arius. Umupo ako at nakatingin lang sa nakab
"So sino ang nasa labas?""Hindi ko kilala, nakaitim na damit.""Ask him,""Why would I do that? Just come over here, and confront him." I bit my lip because I sounded demanding. Baka mamaya nasa trabaho siya."Ask him," Natigil ako nang marinig ko nanaman ang malamig niyang boses kaya wala akong nagawa kungdi lumapit ulit sa pinto.Nang tignan ko ang cellphone ko ay bi
"So you, being a cold guy was actually frustrated and lost, huh? At hindi mo alam kung paano magseryoso?" I teased."Sort of," he shrugged and leaned comfortably in the sofa. Lumipat ako ng upuan at mas lumapit sa tabi niya. Sumandal pa ako."Pero sige, pag-usapan natin."Niyakap niya ako hanggang sa parang nakahiga na rin ako sa kaniya."Saan ba dapat magsimula?" isip niya."Noong nabasa ko 'yon, hindi talag
Ngayong araw ay lunes kaya maaga na naman ang gising ni Agnes, sa totoo lamang ay alas singko palang ng madaling araw. Balik-trabaho na siya, at sa kasamaang palad ay maninilbihan na naman siya sa matapobreng pamilya ng Acosta. Siguradong aalipinin na naman siya ng m