Share

2

          Ayos na to, kukunin ko na, wala naman na kasi akong choice. Ano naman masama sa pagiging katulong? Tsaka ano ba hahanapin ko? Hindi naman ako nagtapos ng pag aaral, may apog pa ba ko na magreklamo? Wala na, at hindi na dapat, lalo ngayon na ako lang naman ang may trabaho at mag papasok ng pera sa bahay.

“So, payag ka na? sama ka na sakin si Liberdad?” kahit medyo hindi ako panatag kay Lita, pumayag na rin ako, dalawang araw na ko naghahanap ng trabaho, pero wala pa rin talaga akong makita, lahat sila college graduate ang hinahanap.

“Oo sana, wala akong makita dito,” kinuha ko ang bag ko, nasa loob kasi non ang resume ko, “Ito pala yung resume ko, baka kail-“

“Oh, hindi na kailangan, basta sasabihin ko lang na ako nag pasok sayo don, kilala naman ako, tsaka sinabihan ako na kailangan nila.” Tumango na lang ako at ibinalik ang resume sa bag ko.

“Kelan pala ako mag sisimula?”

“Bukas, babalik na ko sa Liberdad, sumama ka na sakin, ako na sa pamasahe mo.” Sabi niya at ininom ang buko juice na binili ko para sa kanya, nakakahiya naman kung pinapunta ko tapos wala manlang ako ipapainom.

“Ako na, sige, anong oras tsaka saan ba tayo magkikita?”

“alas siete, sa terminal ng bus na lang, dala ka na ng mga gamit mo, pwede ka naman umuwi, kaso baka once a month lang, hectic kasi schedule sa trabaho.”

Tumango ako at tumayo, “Sige, una na ko, mag aayos muna ko ng gamit, salamat ulit.”

“Okiii, babye!”

Ang weird ng babae na yon. Umuwi na ko agad at nag ayos ng gamit, wala sila nanay at tatay, hindi ko alam kung nasan sila, pag gising ko kanina, wala na sila, pati kapatid ko, baka lumabas nanaman na hindi ako kasama.

Hindi naman bago yon, lagi naman ganon, umaalis sila at namamasyal na hindi ako kasama, may sarili silang buhay.

Sandal lang ako nag ayos ng gamit at damit, hindi naman kais ganon karami ang damit ko, hindi ako binibilan ni nanay, hindi rin ako masyado bumibili para sa sarili ko, yung huling damit yata na nabili ko, last two years pa, ayos lang, basta ayos pa at nasusuot, sige lang.

Naghintay pa ko ng ilang oras, alas otso na ng gabi, wala pa rin sila, hindi na ko makakapag paalam, late na sila gumigising, hindi naman ako pwede magpuyat, dahil maaga ako bukas, hayaan na mag iiwan na lang ako ng note.

                                                           --

“Okay na ba lahat ng gamit mo? Ang konti naman pala.” Hindi na lang ako nagsalita at ininom ang kape ko, six thirty na ng umaga, kami pa lang ang nasa terminal papunta ng Liberdad, “Isang oras mag puno ang bus papunta ng Liberdad, alas tres at alas kuwatro ang unang byahe, mabilis mapuno yon, kasi mga luluwas yon para sa trabaho. Pag alas sais na, medyo matagal nab ago mapuno, minsan isa hanggang dalawang oras tayo maghihintay, lugi kasi mga bus.”

“Bakit? Ganon ba kalayo ang byahe mula dito?” hinipan ko ang kape na hawak ko, pangalawa ko na to.

Tumango siya, “Oo, pitong oras ang byahe mula dito, minsan walo, kasama stop over, traffic, toll, at kung anoa no pa.”

Grabe naman, bakit naman ganon kalayo yon? Umay sa ganon. “Mabait ba yung magiging amo ko?” naisipan ko itanong

“Hmm, oo mabait naman, basta lagi ka susunod, mabilis kasi magalit yon, pag hindi mo sinunod, baka mamaya hindi ka bigyan ng sahod, saying yung araw.”

Tumango lang ako, iba talaga pag mayaman, madali para sa kanila na magalit tapos hindi ka papasahurin, na akala mo binili na nila buhay mo dahil sa kanila ka nag tatrabaho.

Halos dalawang oras at kalahati kami naghintay bago umalis ang bus, grabe, naka ilang kape at tubig ako, naka three hundred yata ako, hindi pa ko nakaalis dito, hindi ako nagpapalibre kay Lita, ayoko na may utang ako sa kanya, bukod sa trabaho na binigay niya sa akin, dapat wala na ko maging utang sa kanya.

“Tulog ka muna, matagal ang byahe natin, gisingin na lang kita pag stop over na.” tumango na lang ako, dahil inaantok na talaga ako, four am pa lang, gising na ko, ayoko na late ako sa call time namin.

Hindi na ko nakapag paalam kanila nanay, ang himbing na tulog, hindi ko alam kung anong oras sila nakauwi, hindi ko nga namalayan na nadyan na sila, kaya nag iwan na lang ako ng note na sa Liberdad na ko mag tatrabaho, ineexpect ko na tatawag sila, para tanungin ako, pero alas nueve na, wala pa rin kahit text lang. 

Iniisip ko baka naman tulog pa rin sila hanggang ngayon. Kaso alas otso gising na sila, kahit gaano sila kapagod sa ginawa nila.

                                                              --

“Huling stop over na to, isang oras na lang nasa Liberadad na tayo.” Paalala ni Lita pagpanik namin ng bus, nag cr kasi ako, siya naman nag sigarilyo, nangangati daw dila niya pag hindi sya nakakapag sigarilyo after niya kumain, hinayan ko na lang at hinintay na matapos siya.

Iba na ang hampas ng hangin, marami na rin mga establishment sa paligid, nag kokompitensya sila sa taas. Nakakalula. Kahit twenty-three na ko, ito pa rin ang unang beses na lumuwas ako para sa trabaho.

Lumipas ang isang oras at bumaba kami sa tapat ng isang lowcost apartments, sanay naman ako makakita ng ganito, marami naman ganito sa bayan, may mga taga syudad na nag tatrabaho don, at walang bahay na sarili.

“Dito ako nag iistay, dito ka muna habang wala ka pa sahod, umalis ka na lang pag meron ka na malilipatan.”

“Hindi ba ko stay in sa magiging amo ko?” umiling siya, kala ko pag katulong stay in lagi, hindi pala ganon. Oh well, ayos na rin yon, makakaadjust naman siguro ako.

Hindi ko na muna inayos ang gamit ko, lumabas si Lita para daw bumili ng pagkain, dadalin niya daw ako mamayang hapon para daw familiar na ako kung paano pupunta. Hinayaan ko na lang siya, mas alam niya ang gagawin.

Halos walang laman ang apartment niya. Dalawang single sofa, isang by four na rattan table, sa kabilang dulo ang kama niya, sa katapat non ang cr niya, may isang vanity table at nandon ang ilang gamit niya para sap ag aayos, sa tabi non may closet, I assume nandon ang mga damit niya.

“Oh, kumain ka muna, tapos maligo ka na, hintayin kita.” Tumango lang ako at kumain, naligo, nag suot na lang ako ng pants at blouse na itim.

                                                              --

Dala ko ang lahat ng gamit ko, halos sampung minuto lang ang layo sa apartment niya, ang inaasahan ko dadalin niya ko sa isang bahay o sa condo o ano, sabi ng kapit bahay namin ganon daw yon, kaso dinala niya ko sa isang parang establishment at maraming ilaw, hindi ako tanga para hindi malaman na bar to.

“Anong ginagawa natin dito?”

Hindi siya sumagot at hinila lang ang kamay ko, hila hila ko ang bagahe ko kaya medyo madapa dapa ako.

“Teka,” hindi niya binitawan ang braso ko at may parang hinahanap na tao, “Nasan si mamita?” itinuro ng isang lalaki ang tao na hinahanap niya, sa kabilang side may matandang babae na may hawak na mga pera, ang tandan a pero ang sexy, sobra, ang haba ng buhok, at maraming accessories sa katawan. Sakto naman na tumingin siya sa side namin.

Naglakad sya papalapit at nakipag beso kay Lita, “Oh, ito ba yung sinasabi mo na ipapasok mo?”

“Yes, mamita. Fresh pa yan ha, galling samin.” Kumindat pa siya na akala mo may nakakatuwa sa sinabi niya.

Kinakain ng galit at takot ang katawan ko, hindi ko alam kung bakit ako nandito. Bakit dito? Nakita ko sa mismong harapan ko kung paano inabutan si Lita ng lilibuhin na pera, at kung paano ngumisi si Lita habang binibilang yon.

“Ano ho ang trabaho ko dito?” gusto ko lang kasi makasigurado.

“Madali lang ija, magtatable ka lang naman, iintertain mo lang mga VIP natin na bisita, hindi ka naman iuuwi, ikaw lang bahala sa kanila buong pananatili nila dito, may sariling kwarto ang mga VIP, pag tinawag ka nila, pupunta ka don.”

“So, ang ibig ninyong sabihin, gagawin ko ang lahat ng gusto nila habang nandito sila?”

Tumango at ngumisi lang siya, “Ano ka ba ija, sa ibang bansa, legal ang maging escort o stripper, ang dami yumayaman don, kaya hindi masama to, alam ko iniisip mo na illegal to, pero hindi, anong pets ana, maging liberated ka na.”

Hindi ko alam kung ano ang naisip ko, bigla na lang dumapo ang kamay ko sa mukha niya, nang mitumba sya, ay agada gad kong hinila ang mga gamit ko at tumakbo palabas ng bar.

“Habulin nyo! Mga tarantado!” rinig ko pa na sigaw niya, kaya lalo akong natakot at pinilit bilisan ang takbo, nakatingin ako ng maigi sa daan, ayokong madapa, oras na mangyari yon, mahuhuli na nila ko, sigurado ako.

Naririnig ko ang ilang pares ng mga pa sa di kalayuan, tumakbo lang ako ng tumakbo, kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta, bahala na, basta ang mahalaga makalayo ako sa kanila. Mag sira ulo sila!

“Ayun!” nanlaki ang mata ko at tinignan ang nasa likod ko, tumatakbo papalapit sakin, may nakasulat na ‘Bouncer’ sa mga damit nila, malalaki ang katawan at parang hindi ka bubuhayin.

Saan ako pupunta, saan ako magtatago!

Kakaunti na lang ang tao sa paligid, at halos mga walang pakielam sa paligid nila. Nagbublurd na rin ang paningin ko dahil sa luha sa mga mata ko, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana hindi na ko sumama sa babae na yon!

Tumakbo ako at tumawid, nang mapansin ko ang paparating na kotse, huli na para umiwas ako, dahil diretso sya at naririnig ko ang busina.

Sht!

Pumikit na lang ako at hinintay ang pagtama ng sasakyan sa akin, pero wala akong naramdaman, kaya unti unti akong dumilat. Isang matangkad na lalaki na nakasuit ang nasa harapan ko ngayon.

“Are you okay?” tanong niya at inilahat ang kamay na agad ko rin kinuha para makatayo ako sa pagkakasalampak ko. Nagtinginan ang iba, at umalis din agad.

“S-sorry po. Hindi, h-hindi ko n-akita.” Ramdam na ramdam ko pa rin ang panginging ng tuhod ko dahil sa takot at gulat.

“That’s alright, you must be the new maid?” Tumango lang ako, “May I see you cv?” kinuha ko sa bag ko ang nalukot ko nang folder na naglalaman ng resume ko, “Ohh, okay. Come, I’ll show you the unit.”

Teka, maid? Ako? Akala ko ba escort ang dala sakin ni Lita dito? “Teka, maid?”

Huminto siya sandali, “Yeah? I called the agency, two days ago, ikaw ang ipinadala nla diba? Don’t worry, I’ll call them tomorrow, to verify that it’s you.”

Tumango na lang ako, nagdilang anghel ang pagktakbo ko, nakahanap ako ng trabaho.

Goodness, dapat kanina pa ko tumakbo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status