Rose University
Bella's POV
Kalalabas ko lamang ng building namin na matanaw ko ang mga girlfriends na naghihintay sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. Noong isang araw kasi nagchat sa akin si Princess at niyaya niya ako na magdate kami kasama ang iba pang girlfriends. Hindi naman ako nagdalawang isip at pumayag ako.
Agad ko rin ininform si Jarvis tungkol dito at pumayag din naman siya. Naalala ko pa nga ang sinabi niya na magiging masaya siya na makasama at makausap ko sila Princess. Hindi kasi namin nagawa iyon nung pinakilala niya ako bilang girlfriend niya dahil umuwi rin kami agad niyon.
"Hello!" malakas na sabi ko na kinalingon nilang lahat.
"Bella!" sabay takbo nila sa aking at nag group hug kami.
Natatawang niyakap ko sila. "Kumusta kayo?"
"Namiss ka namin!" masayang saad ni Grace.
Tulad ng dati ay wala pa rin si Grace pinagbago, masayahing tao pa rin.
"Mabuti naman na pumayag kayong dito na lang magkita-kita sa university ko," sabi ko sa kanila.
"Wala nama