Bella's POV
Mabilis akong tumakbo patungo sa room ng second subject ko. Dahil nakipag-usap pa ako kay Ms. Melissa ay hindi ko napasukan ang aking first subject. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kong may kasalubong ako, huli na para umiwas dahil nagkabungguan na kami.
"Ouch," hinaing ng babaeng nabangga ko.
Masakit nga!
Tumayo ako para pulutin ang mga libro na nahulog sa sahig. "I'm sorry, Miss." Sabay abot ko sa kanya ng mga napulot ko.
"Oh!" gulat na sambit niya. "It's you again."
Ako? Takang isip-isip ko.
Ngumiti siya. "Ikaw yung kumalaban kay Kuya Jar."
Jar? Huwag niyang sabihin ang mayabang na lalaking iyon ang tinutukoy niya?
"Thank you pala dito," tuko niya sa mga librong napulot ko. "Piece of advise lang ah mas mabuting lumipat ka na ng ibang school, Miss," seryosong saad niya.
"Bakit naman? Wala naman akong ginawang masama," seryosong saad ko rin sa kanya.
Napabuntong hininga siya. "Hindi mo ba kilala kung sino ang Black Dragon Gang?"
"Hindi," maikling sagot ko, kahit alam ko na kung sino na sila.
"Sila ang number one gang dito sa Pilipinas kaya nga marami ang takot sa kanila. Hindi ka ba natatakot?" nag-aalalang sabi niya.
"Hindi," sagot ko ulit sa kanya. "Uhm... Thank you sa concern mo Miss Pretty pero okay lang ako. Mauna na ako kasi male-late na ako sa second subject ko."
Napailing na lamang siya. "Basta binalaan na kita, kaya dapat hindi kita makitang umiiyak. Mag-iingat ka." Sabay talikod niya.
Hahabulin ko sana siya para tanungin ang kanyang pangalan pero hindi ko na nagawa dahil gaya ko, mukhang nagmamadali rin siya.
Jace's POV
Nandito kami ngayon sa loob ng classroom na nakaupo sa huling row. Sa totoo lang, ngayon lang ulit kami pumasok ng "classroom". Pumapasok lang kami kapag exam na.
Napatingin ako sa mga babaeng nasa harapan na panay ang lingon sa amin. Kinindatan ko sila at kilig na kilig naman sila.
"Kyahhhhhh! Ang gwapo nila."
Lumapit pa ang isang babaeng sexy sa akin. Isa siya sa naka-date ko dati. "Hi handsome, wanna date with me again?
Natawa ako sa sinabi niya. "I'm sorry, babe. I'm busy," sabi ko sa kanya na ikinasimangot niya. Isang beses lang akong nakikipag- date sa babae. Once is enough.
Napatingin ako sa babaeng umiiyak patakbo palabas ng classroom. Nilingon ko ang may gawa niyon, walang iba kundi ang masungit kong pinsan na si Trace.
"May pinaiyak ka na naman Trace, paniguradong tuwang-tuwa na naman si Grace," natatawang kantiyaw ko sa kanya.
Tiningnan niya ako nang masama. "Bakit ba kasi sumama pa ako sa inyo? Nakakarindi ang ingay ng mga babae rito."
"Pero kay Grace hindi?" balik ko sa kanya na ikinairita ng mukha niya.
"Shut your f*cking mouth!" at matalim niya akong tinignan.
Nagkibit balikat na lamang ako. Mukhang galit na siya, masama pa naman galitin ang natutulog na dragon. Napatingin ako kay Jarvis na naglalaro sa likod ng dart. Sa bawat classroom ay may dart board na nakalagay sa harap at likod, sponsored by Fortalejo. Napailing ako nang makitang hindi pa rin naaalis ang bad mood niya. Kawawa talaga ang mabubuntungan niya ng galit.
Nakita kong nagmamadaling pumasok si Nathe. "She's coming." Umupo siya agad sa tabi ko.
Pumasok na ang professor namin sa History. "Good morning, class!" Napasulyap siya sa 'min at nagulat na makita kami. "Mabuti naman at pumasok kayo ngayon," pilit ang ngiting sabi niya.
"Huwag kang mangarap, Mrs. Sison, na kaya kami pumasok ay dahil gusto naming matuto sa subject mong boring," sabi ni Jarvis na patuloy pa rin sa paglalaro ng dart sa likod.
Nagpipigil sa galit si Mrs. Sison sa sinabi ni Jarvis. Wala naman siyang magagawa dahil baka mapatalsik siya sa kanyang trabaho kapag kinalaban niya ito. Tulad ng dati, hindi niya na lamang ito pinansin. Nagsimula na siyang magturo nang biglang may kumatok sa nakabukas na pinto. Lahat kami ay napatingin sa kumakatok."Good morning, ma'am. I'm really sorry na-late ako," hingal na hingal na sambit ni Nerd na kanina pa hinihintay ng Gang.
"Are you a new student?" tanong ni Mrs. Sison sa bagong dating.
Nakangiting tumango siya.
"Nasabi nga ng Board of Trustee ang tungkol sa iyo pero sa susunod, hindi ko na palalampasin ang pagiging late mo. Halika ka at magpakilala ka muna rito."
Pumunta si Nerd sa harapan, magsasalita na sana siya nang biglang napatingin siya sa amin. Napangiti siya ng pilit at agad siyang umiwas ng tingin. "Hello! I'm Bella Uy. Please take care of me." Yumuko pa siya.
Pagtunghay niya ay biglang may naghagis ng dart patungo sa dart board na nasa likuran niya. Muntik na siyang mahagip nito pero hindi siya natinag sa kanyang kinatatayuan. Walang ekspresyon ang kanyang mukha nang lingunin niya ang dart na ibinato ni Jarvis kanina. Nagulat ang mga estudyante, professor, at maging kami sa ginawa ni Jarvis.
Bella's POV
Nagulat ako sa ginawa ng lalaking iyon, tumingin ako sa direksyon niya. Nagkatitigan kami ng matagal. Huminga ako ng malalim at tumalikod. Isa-isa kong tinanggal ang tatlong darts.
"Hindi ba, siya yung babae kanina?"
"Alin? 'Yung nagkalakas loob na kumalaban kay Emp?"
Naglakad ako patungo sa direksiyon niya na hindi inaalis ang tingin ko sa kanya. Tumigil ako sa paglalakad at kung tatantiyahin marahil dalawang metro na ang pagitan naming dalawa.
"OMG! Siya nga yun!"
"I bet hindi siya magtatagal dito."
Nangako ako pero hindi ko palalampasin ang taong hindi marunong rumespeto sa kanyang kapwa. Tumingin ako kay Jarvis na nakangisi na ngayon. Pumikit ako at hinawakan ko ng mahigpit ang tatlong darts.
"What the hell she's doing?"
"I think she's crying."
Sa sinabi ng mga babaeng iyon ay hudyat na para ibalik sa kanya ang ginawa niya sa akin. Pumikit ako ng mariin at mabilis na umikot kasabay niyon ang paghagis ng tatlong darts na hawak ko. Wala akong narinig na anumang ingay kaya naman nagpasya akong dumilat. Kitang kita ko ang gulat sa mga mata ni Jarvis hindi lamang siya maging ang mga tao na nasa loob ng kuwartong ito. At doon ko napansin na ang tatlong darts na ibinato ko ay tumama sa pinaka gitna. Oh…Bullsye eye. Napangiti ako dahil hindi pa rin kinakalawang ang aking kakayahan.
Tinaasan ko ng kilay si Jarvis. "Thank you sa warm welcome mo sa akin, Mr. Fortalejo," at umupo sa bakanteng upuan kung saan katabi ko ang mukhang playboy na kaibigan ni Jarvis na parang kanina pang tuwang-tuwa sa aking reaksyon. Kung hindi ako nagkakamali ang pangalan niya ay Jace Monteverde.
Mayamaya ay nag ingay na ang mga kapwa kong classmate na tila hindi pa rin makapaniwala. Mukhang natauhan naman si Mrs. Sison at tumingin sa lesson plan niya.
"Quiet!" malakas na sigaw ng aming professor.
"Wow Bella, ang galing mo, paturo naman," sabi ng isa sa miyembro ng Black Dragon Gang. Tiningnan ko lang siya sandali pagkatapos ay nag-concentrate na ako sa pakikinig sa mga sinasabi ng prof namin.
Yumuko ako at nakakita ako ng isang pares ng sapatos sa tabi ko. Inangat ko dahan-dahan ang aking tingin, mga nanlilisik na mata ang sumalubong sa akin.
"You dare to mock me?" nanggagalaiting saad ni Jarvis.
"Of course not. Why would I?" Tinignan ko siya ng diretso.
Nainis siguro siya kaya hinablot niya ang aking kuwelyo na ikinatigil ng lahat ng tao sa classroom. Umangat ako ng kaunti sa kinauupuan ko. Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko. Nanlilisik ang kanyang mga mata na titig na titig sa mga mata ko. "Kahit babae ka, hindi kita sasantuhin," galit na galit na sabi niya.
"Kahit ikaw pa ang boss dito, hindi ako yuyuko para lang irespeto ka," inis na sabi ko.
Matagal kaming nagkatitigan. Sabi ko sa Mommy ko, magiging normal na akong babae at hindi na ako masasangkot sa mga gulo pero...patawarin mo ako Mommy, hindi ko kayang tiisin ang walang puso na lalaking ito.
Pabalya niya akong ibinagsak sa upuan na ikinangiwi ko. Natawa pa siya ng nakakaloko. "Then, Ms. Uy, welcome to my beautiful hell. Sisiguraduhin ko na magmamakaawa ka rin sa akin. O baka naman dahil sa takot ay hindi ka na magpakita sa akin?"
"Bakit ako matatakot? Wala naman ako ginawang masama. O huwag mong sabihin, Mr. Fortalejo, na nate-threaten ka sa isang babaeng tulad ko?" Tumawa ako nang mahina.
Muli niyang inilapit ang mukha niya sa akin, specifically sa tenga ko. "Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin, Nerd. Isang pitik ko lang ay wala kana rito. At sisiguraduhin ko na pagsisisihan mo na pumasok ka sa RDU. I will make your life miserable," bulong niya sa akin.
"Let's go," sigaw niya sa mga kasama niya at naglakad ito patungo sa pintuan palabas na sinundan naman ng mga kasama niya.
Naikuyom ko ang aking kamao. "I bet Mr. Fortalejo..." Napatigil siya sa paglalakad.
Maging ang mga kasama niya ay takang nilingon ako. Taas noong tumingin ako sa kanya at nagsalita.
"Hinding-hindi mo ako mapapaalis sa eskuwelahan na ito, kahit ubusin mo pa ang yaman mo," pagkasabi ko noo'y lumingon siya sa akin. "Tungkol naman sa sinasabi mo na gagawin mong miserable ang aking buhay. You have already proven that to us." Walang ekspresyon na lumabas lang siya ng classroom. Naikuyom ko ang aking kamao. Nang sabihin niya na gagawin niyang miserable ang buhay ko, pakiramdam ko'y pinaghahanda niya ako sa isang laban. Tiningnan ko ang mga classmates ko at maging ang prof ko pero nag-iwas lang sila ng mga tingin. Duwag!
Nagpatuloy na ang aming prof sa pagtuturo, pero ako? Hindi ako nakikinig, dahil iniisip ko pa rin ang mga sinabi ng freak na iyon. Naboboringan na ako sa subject na ito!
"Dismissed!" malakas na sambit ng professor namin. Inunat ko pataas ang aking mga braso saka ako tumayo at iniligpit ang aking mga gamit. Dumiretso agad ako sa cafeteria dahil gutom na gutom na ako.
Pagpasok ko, kumikislap sa tuwa ang aking mga mata. Sumilay agad sa aking paningin ang loob ng cafeteria ng RDU. Para akong nasa isang buffet sa isang marangyang hotel. Dahil sa sabik ako sa mga pagkain na aking nakikita ay agad akong kumuha ng tray. Lahat nang madaanan ko ay kinukuha ko at sinisiguro ko na wala akong malalampasan na pagkain. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa dami ng aking kinuha. Kahit pa nga sa paningin nila ay mukha akong patay gutom. Basta ang alam ko gutom ako.
Naalala ko tuloy ang freak na lalaking iyon. Kala niya matatakot niya ako? Paniguradong hindi niya ako titigilan kaya kailangan kong magkaroon ng energy para huminahon at hindi sila patulan.
Matapos kong pumili ng aking kakainin, nakangiting tumingin ako sa paligid upang makahanap ng upuan. Lumapit ako sa isang lamesa, magtatanong sana ako sa babaeng nakaupo doon kung pwedeng maki-share ngunit ang bruha, nilagyan ng bag ang upuan na nasa gilid niya. Kahit hindi niya sabihin, obvious naman na ayaw niya akong paupuin sa tabi niya, kaya tumingin ako sa side ko para magtanong ngunit nag-iwas sila ng tingin.
Mukhang masamang senyales ito. Nagkibit-balikat na lamang ako. Kung ayaw nila eh di huwag. Hindi ko naman ipinagsisiksikan ang aking sarili. Naghanap na lamang ako ng bakanteng mauupuan.
Nagpalinga-linga ako. Napangiti ako nang makakita ako ng bakanteng lamesa na nasa dulong parte ng cafeteria. Agad akong nagtungo doon at naupo. Maluha-luha akong tumingin sa masasarap na pagkain na inilapag ko sa lamesa.
Ready na sana akong kumain pero bigla akong nakarinig ng bulungan at tilian. Napatingin ako sa entrance ng cafeteria. Pumasok ang limang naggagandahang babae. Wow! Para akong nanonood ng isang fashion show, para silang diyosa.
Oh! Yung babae na iyon, siya 'yung nakausap ko kanina. Magkakaibigan pala sila. Napailing na lang ako at ipinokus ang atensyon sa pagkain. Excited na hinawakan ko ang kutsara at tinidor. Tinititigan ko muna ang mga pagkain ko bago isubo. Ang sarap! Naiiyak ako sa sarap!
Malapit ko nang makalahati ang mga kinuha kong pagkain, gusto ko pa sanang kumuha ulit pero may biglang nagbuhos ng mga bulate sa pinggan ko. Natulala ako sa nangyari. Hindi ako makagalaw.
Parang tumigil sa pag-inog ang mundo ko. What the heck! Ang pagkain na pinaghirapan kong kunin. Ang pagkain na inasam ko, nilagyan nila ng bulate! Maya-maya nakarinig ako ng malakas na tawanan sa buong paligid pero mas malakas ang tawanan na nagmumula sa aking likuran.
"Hey ugly! Dont mind us, just enjoy your meal," sabi ng lalaki na nasa likuran ko. At hindi pa nakuntento ang isang ito dahil inakbayan pa niya ako.
Enjoy my meal? Saang parte ako mag-e-enjoy sa nakikita ko ngayon? Napabuntong hininga ako. Ayaw ko silang patulan dahil sayang lang ang energy ko sa kanila. Hindi na lamang ako kumibo. Inusog ko na lamang ang isang pinggan na nilagyan nila ng bulate at inilapit ang isa.
Buti na lamang at tatlong pinggan ang nakuha kong pagkain. Kukunin ko sana uli 'yung kutsara ko pero inunahan ako ng lalaking ito at hindi pa siya nakuntento, dahil sumandok pa siya ng mga bulate at inilagay ang mga ito sa lahat ng pinggan ko.
"Alam namin na wala ka nang ganang kumain kaya tutulungan na kita," nakangising sabi niya. Enjoy na enjoy ang lalaki na paghaluin ang aking pagkain at ang mga bulate. Hindi man lang ako in-inform ng board trustee na may special service pala rito. Dapat ko sigurong ipatanggal ang ganyang gawain.
Ngumiti ako. "Please get rid of your dirty hand on my shoulder." Mapanganib ang tono ng boses ko.
Ang mokong, parang nahipnotismo na dahan-dahang tinanggal ang kanyang kamay sa balikat ko. Natawa ako sa reaksyon niya. Taas noong tumayo ako at nagtungo sa buffet table para kumuha ulit ng pagkain.
Lahat ng mga estudyante ay sinusundan ako ng tingin, samantalang ang limang babae naman na pumasok kanina ay nakapaskil ang ngiti sa kanilang mga labi.
Mukhang nag-e-enjoy sila sa nagaganap. I don't mind them. Sa halip, kumuha ulit ako ng pagkain dahil gutom na talaga ako. Pero bago pa man ako makarating sa isang bakanteng lamesa ay tinabig ng lalaki ang tray ko.
Great! Kaya heto, lahat ng tao, nasa akin na naman ang atensyon. "F*ck! Who do you think you are?" Nanlalaki sa galit ang kanyang mga mata. Walang ekspresyon ang aking mukha sa tanong niya.
"Ah, you want to know my name?" kunwa'y nagulat na tanong ko sa kanya. "I'm Bella Uy." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya.
Tinitigan niya lang ang aking kamay. "Ugly creature!" Tinaas niya ang kanyang kamao sa akin at akmang susuntukin ako. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko at sa halip na matakot ay ngumiti lamang ako.
Princess' POV
Ngayon na lang nga ako kakain sa cafeteria ay may nagaganap pang gulo. Marahil binangga niya ang Black Dragon. Ganoon naman palagi kapag may ganyang eksena. Nakakagulat lang dahil ang lakas ng loob ng babaeng iyon. By the way, I am Princess Fortalejo at kapatid ko ang devil na leader ng Black Dragon Gang na si Jarvis.
"Do you like her, Cess?" nakangiting tanong ni Angel.
"Slight. I like her guts." Ininom ko ang aking red wine.
"Omg!" Natuptop ni Jess ang kanyang bibig.
Lahat kami ay napalingon sa direksyon na tinitingnan ni Jess. Susuntukin na ng lalaki ang babae pero ang ipinagtaka ko ay kung bakit hindi ito kumikilos sa kanyang kinatatayuan at bagkus ay nakangiting sinangga niya ang suntok ng lalaki gamit ang kanyang isang kamay. Ni hindi siya gumalaw sa puwesto niya. Imposible na hindi malakas ang suntok na iyon.
Mula sa aming kinatatayuan ay halatang pinagpapawisan na nang malapot ang lalaki. Nanginginig na ang braso niya. Kahit ang mga kasama ng lalaki ay hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan. Napataas ang aking kilay nang mapansin kong ngumiti ang babae ng makahulugan. At nagulat ako sa sumunod na nangyari, ibinalibag niya ang lalaki sa sahig—gamit lamang kanyang isang kamay. What the− Amazing!
Malakas na daing ang narinig namin sa lalaking iyon samantalang ang babae ay blangko ang ekspresyon.
"Who's your boss?" mahinahong tanong niya sa lalaki.
Walang sagot na nakuha ang babae sa lalaking nakahiga na sa sahig at mukhang na-knock out na. Napatingin ang babae sa kasamahan ng lalaki na noo'y mukhang paalis na.
"Hep... saan kayo pupunta?" maangas na tanong niya sa mga iyon.
Nanginginig na itinuro nila ang pinto ng cafeteria na sinundan naman ng tingin ng babae.
"Iiwan niyo ang unggoy na ito?" Itinuro ng nguso niya ang lalaking nakalaban niya kanina. Dali-dali nilang binuhat ang kanilang kaibigan.
"Stop!" sigaw ulit ng babae.
"Nakatulog lang siya, pagkagising niya, bigyan niyo lang ng tubig at pain reliever," nakangiting sabi niya.
Natulala sila sa sinabi ng babaeng iyon. Nang dumaan siya sa lamesa namin ay nagsalita ako.
"Pinahiya ka niya sa lahat, tinulungan mo pa. Hindi kaya katangahan iyon?" amuse na wika ko sa kanya.
Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin. "Hindi katangahan ang intindihin mo ang nangyayari. Alam kong hindi niya intensyon iyon kanina."
Nakangiting tumango ako sa kanya. "I like you."
"Thank you, pero hindi ako pumapatol sa lesbian." At tumalikod na siya.
Napanganga ako sa sinabi niya na tinawanan naman ako ng mga kasama ko. Ako? Lesbian? Saang parte ng high heels ko?
Dash’s Point of ViewMahigit anim na taon na ang lumipas simula nang saksakin ko ang sarili ko gamit ang kamay ni Bella. Alam kong iyon lang ang paraan para mapatunayan ko ang loyalty ko sa Queens na kahit kapalit nito ang pagkawasak ng lahat.Para mabuhay kaming dalawa ni Selena, nakipagkasundo ako kay Uno. Hindi iyon naging madali. Pinatay ko ang dating ako. Pinalabas nilang patay na ako at ginawa akong isang anino na isang assassin na walang ibang pangalan kundi Ash Montero.Isinakripisyo ko ang lahat, lalo na ang pagmamahal ko kay Selena. Mahal na mahal ko siya. At kahit hindi niya alam na palihim ko siyang binantayan. Nakita ko kung paano niya tinupad ang pangako niyang baguhin ang buhay niya. Nakita ko kung paano siya bumangon at kung paano siya muling umibig.Masakit. Damn! Sobrang sakit pero wala akong magawa kundi mahalin siya mula sa malayo.Dahil hindi pa ito ang tamang panahon.Hindi pa ako pwedeng magpakita.Hanggang sa dumating ang araw na ito…Patay na si Selena.Humigp
Bella's POVTulad nang sinabi ni Taki sa akin ay hindi na siya nagpakita sa akin. Nabalitaan ko na lamang kay Hana na totoo ang gustong gawin ni Taki na magpapakalayo-layo. Hindi ko nga lang alam kung kailan iyon magsisimula. Sobrang lungkot nga ni Hana na malaman niya iyon.Sumapit ang araw ng linggo. Ito ang araw na gaganapin ang second match namin ni Tres. Maraming tao ang naririto. Noong nakaraang match ay leaders at queens lang ang naroon. Ngayon ay kasama na ang mga members ng Queens.Sobrang daming tao ang gustong manood sa laban na ito. Nasa isang arena kami. May napansin ako sa gitna ng arena na may dalawang upuan at isang mesa ang naroroon. Napapalibutan pa ito ng mga salamin. In short, para siyang malaking cube.Doon yata kami pupuwesto ni Tres mamaya.Nakita ko na lamang na paparating sila Uno. Naupo sa ibabang bahagi ng arena. Tumayo ako para puntahan sila sumunod naman sa akin si Selena at Snow."Hello," bati ko sa queens.Ngumiti si Lara, si Quatro ay tumango naman, si
Rose University Bella's POV Kalalabas ko lamang ng building namin na matanaw ko ang mga girlfriends na naghihintay sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. Noong isang araw kasi nagchat sa akin si Princess at niyaya niya ako na magdate kami kasama ang iba pang girlfriends. Hindi naman ako nagdalawang isip at pumayag ako. Agad ko rin ininform si Jarvis tungkol dito at pumayag din naman siya. Naalala ko pa nga ang sinabi niya na magiging masaya siya na makasama at makausap ko sila Princess. Hindi kasi namin nagawa iyon nung pinakilala niya ako bilang girlfriend niya dahil umuwi rin kami agad niyon. "Hello!" malakas na sabi ko na kinalingon nilang lahat. "Bella!" sabay takbo nila sa aking at nag group hug kami. Natatawang niyakap ko sila. "Kumusta kayo?" "Namiss ka namin!" masayang saad ni Grace. Tulad ng dati ay wala pa rin si Grace pinagbago, masayahing tao pa rin. "Mabuti naman na pumayag kayong dito na lang magkita-kita sa university ko," sabi ko sa kanila. "Wala nama
Bella's POVBumuntong hininga ako na maalala ang nangyari kagabi. Kitang-kita ko ang pagdurusa ni Taki at kung paano i-comfort ni Hana si Taki.Gusto ko sila lapitan pero alam ko na hindi ako makakatulong baka nga lumala pa lalo. Mapait akong napangiti. "Bella..." tawag sa akin ni Jarvis.Nag angat ako nang tingin upang tignan ko siya pero nagulat ako na may iced americano ang nasa harapan ng mukha ko."Salamat," tipid kong ngiti.Umupo si Jarvis sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa bahay nila, to be more specific ay nasa room kami kung saan pwede kaming mag training at hinihintay ang pagdating nina Rei at Taki. Ngayon kasi ang unang araw ng training ko sa kanilang apat tatlo."Iniisip mo pa rin ba si Kier?" tanong niya sa akin.Huminto ako sa pag inom ko ng iced americano at napatingin sa kanya. Malungkot akong ngumiti at naramdaman ko na lamang ang pag akbay niya sa akin. Banayad na hinimas niya ang aking braso para i-comfort niya ako. "Huwag kang mag alala, Bella. Sigurado ako na m
Hana's POV Nang talikuran kami ni Taki ay mabilis na hinabol ko siya. "Taki!" malakas kong sigaw. Pero hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin siyang naglalakad. "Taki! Sandali!" at nadapa ako. Hay... Ang saya nito. Napangiwi ako na maramdaman ang sakit. "Ouch..." naiirita kong sabi. Pagtingin ko sa harapan ay hindi ko na makita si Taki. Kailangan kong habulin si Taki baka kung ano ang gawin niya. Dali-dali akong tumayo pero napaupo ulit na maramdaman ko ang sakit sa aking tuhod nang tignan ko iyon ay doon ko napansin na nagasgasan ito. Hindi ko napigilan na mapaiyak. Ang sakit naman kasi! Nagulat na lamang ako na bigla akong umangat sa ere at nang tignan ko ang gumawa niyon ay walang iba kundi si Taki. "Taki..." sabay tulo ng aking luha. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha na walang emosyon na mababakasan doon. Para siyang naging manhid. Hindi ako ngulit pa dahil alam ko na ang gusto ni Taki ngayon ay katahimika
Bella's POV Masasabi ko na naging successful ang family dinner namin na kasama si Jarvis. Pagkatapos kasi ng dinner namin ay niyaya ni Dad si Jarvis na mag usap sa kanyang office. Hindi ko na alam kung ano ang pinag usapan nila pero sa tingin ko ay naging okay naman ang relasyon nila nang lumabas sila mula sa office ni Dad. "Kumusta ang pag uusap niyo ni Dad?" tanong ko kay Jarvis. "Hmmm... Masaya," tipid niyang sabi. Napakamot ako sa aking mukha. Ang tipid na sagot niya. "Ano ang pinag usapan niyo?' curious kong tanong. Napahinto siya sa paglalakad at hinarap niya ako. Nagtatakang tinignan ko siya. "Ikaw," sabi niya. "Ako?" sabay turo ko sa aking sarili. "Oo," saby gulo niya sa buhok ko na kinainis ko. "Freak!" nakabusangot na saad ko. "Ang masasabi ko lang ay mahal na mahal ka ng daddy mo," nakangiting wika niya. "Alam ko," sabi ko sa kanya. "Napaisip nga ako, Bella," sabi niya pa. "Huh? Ano ang naisipan mo?" tanong ko sa kanya. "Kapag nagkaroon tayo ng anak, pwede b