Bella's POV
Pabagsak na inihiga ko ang aking sarili sa kama. Napagod ako sa nangyari kanina, mukhang bukas ay hindi na ako susuwertihin. Bakit ko nga ba pinatulan ang mga iyon? Marahas na napabuntong hininga na lamang ako. Alas diyes pasado na ng gabi at ngayon lang ako nakauwi.
Tumayo ako para mag-shower, tinanggal ko ang aking bra at sumulyap sa salamin ng tokador. May isang bagay na kumuha ng atensyon ko. Humakbang ako palapit sa salamin at muling tinitigan ang kanang braso ko.
Banayad kong hinaplos ang aking Black Butterly na tattoo. Naaalala ko ang Japan sa tuwing tinititigan ko ito. Pumasok na ako sa banyo at nag-shower.
After ten years, bumalik ako sa motherland ko para pagbigyan ang hiling ni Mommy. Nakakalungkot isipin na hindi ko na makakasama ang mga katropa ko lalo na ang mga best friends ko na sina Taki, Kuya Rei, Natsume, Empress, at Ryuuji. Wala nang gulo, away, asaran, at motorbike showdown akong masasaksihan pero nakapag-decide na rin kasi ako na babaguhin ko ang aking sarili para maranasan ko naman ang maging ordinaryong babae.
Pero may isang problema. Paano ako magbabagong buhay kung may devil sa eskuwelahan? Paano ko matitiis ang mga pambubully niya sa kapwa kong estudyante? Mananahimik na lamang ba ako? Hindi ko talaga kayang sikmurahin ang ganoong bagay.
Nang makalabas ako ng shower room ay agad akong nagpalit ng aking pantulog. Napaisip na naman ako, sigurado akong hindi ako titigilan ng lalaking iyon. Napailing na lamang ako. Kailangan ko nang matulog.
Kinabukasan sa Red Dragon University
Inaantok na naglalakad ako patungo sa classroom. Nasa likod ako ng school dumaan para iwas sa gulo.
"Bella Uy."
Napabuga ako ng malakas na marinig ko ang pagtawag sa aking pangalan. Nilingon ko sila at nakit ko ang dalawang lalaki na mukhang naghahanap ng gulo. "Who are you, people?" walang ganang tanong ko sa kanila.
"How dare you para kalabanin mo ang leader ng Black Dragon Gang!" maangas niyang sabi.
Napataas ang aking kilay. "Ahhh...you're one of them," tumatango-tangong sambit ko sa kanya.
"Prepare yourself to die!" Napahinto ako saglit. Hindi ko alam na may isa pa palang lalaking nakaabang sa likuran ko.
Walang anu-ano'y sabay na sumugod ang dalawang lalaki. Nagising bigla ang aking diwa. Sh*t! No choice! Mabilis na iniwasan ko sila pero ang dalawa ay wala talagang balak tumigil. Tinignan ko ang dalawa na parehong nasa opposite side ko. Talaga naman ay wala akong takas. Napadiretso ako ng tayo at hinintay silang sumugod na sabay. Ilang pulgada na lang ang pagitan ay mabilis na umatras ako at dahil doon ay sila ang nagkasuntukan.
Tumba ang dalawa. Napailing na lang ako sa nagyari. Mahirap talaga kapag sugod nang sugod. Mukhang kailangan kong mag-ingat ngayon. Nararamdaman ko na hindi lamang ito ang ma-e-encounter ko.
Tumingin ako sa paligid, nagpasalamat ako at walang taong nakakita sa ginawa ko. Nakahinga ako ng maluwag at nagpatuloy sa paglalakad. Bigla kong naalala ang oras. Mabilis kong tinignan ang wristwatch ko and sh*t, male-late na naman ako! Dali-dali akong tumakbo patungo sa una kong subject. Hingal na hingal akong nakarating sa classroom. Nagpapasalamat ako na wala pa ang prof namin. Pagpasok ko, lahat ng classmates ko ay nakatingin sa akin, may mali ba sa itsura ko? Ang mga lalaki ay nakangisi samantalang ang mga babae naman ay inirapan lang ako.
Oh no! What a great way to start the day!
Huminga ako nang malalim at nagtungo sa bakanteng upuan. Uupo na sana ako pero may bruhang naglagay ng bag sa upuan.
"This seat is not available," maarteng saad niya.
Okay, hindi raw available. Eh 'di maghanap ng iba. Napansin ko na ang tanging bakante na lamang ay 'yung nasa dulo kung saan ang lahat ng lalaki ay nandoon. Mukhang may hindi magandang mangyayari. Pero dahil wala akong choice ay nagtungo na ako doon. Inilagay ko ang aking bag at umupo. Tapos kinuha ko ang aking libro para magbasa.
Maya-maya ay may lumapit sa aking babae. "Hi."
Napaangat ako ng tingin sa kanya. Sino naman siya?
Ngumiti siya ng matamis. "Can I borrow your book?"
"Sure," walang alinlangan na sabi ko.
Ibinigay ko sa kanya ang aking book. Kinuha niya ito. Tinapik-tapik ko ang daliri ko sa ibabaw ng desk ko. Mga ilang segundo ay naririnig ko ang yapak niyang pabalik sa akin. Iniabot niya sa akin ang aking libro. Nakangisi pa siya bago tumalikod. Pagbuklat ko, napakunot ang aking noo dahil sa aking nabasa.
Go die! Stupid B*tch! Slut! Ugly Nerd!
Iyan ang mga nakasulat sa bawat pahina ng aking libro. Tiningnan ko ang may gawa niyon, tuwang-tuwa ang bruha na nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya na ako yata ang topic. Napailing na lamang ako at inilabas ko ang isa ko pang libro. Actually, pinaghandaan ko ang araw na ito. Ngumiti na lang ako sa kanila at nagbasang muli. Lihim akong natuwa nang makita kong nanggagalaiti sila sa inis.
Nakaramdam ako ng call of nature. Tumayo ako pero hindi pa man ako nakakaabot sa pintuan ay may naghagis ng bagay patungo sa direksiyon ko. Nailagan ko ito dahil agad akong umupo at nagkunwari na inaayos ko ang sintas ng aking sapatos.
Nakita ko na lang ang tennis ball na gumulong patungo sa akin. Pinulot ko ito at ibinigay sa lalaking bumato niyon. Walang imik na tinanggap niya ang bola. Lahat ng reaksyon nila ay nakanganga, napailing na lang ako ulit. Hindi kaya mapasukan ng langaw ang bibig nila?
Agad akong lumabas ng classroom para wala ng confrontation na maganap. Habang naglalakad sa corridor, lahat ng tao ay nakatingin sa akin at nagbubulungan. Eh di ako na ang sikat!
"Well, look what we have here!"
Napatigil ako sa paglalakad na makita ko ang tatlong babae na kasalubungan ko. Sinuri ko silang tatlo mula ulo hanggang paa. Matagal pa ang Christmas pero bakit ganyan ang outfit nila? Nakakasilaw!
"I'm surprised to see you're still alive," nakataas na kilay na sambit ng babaeng kulay pink ang buhok.
Ano kayang pinagsasasabi niya? Ibig bang sabihin, may namatay na dahil sa pambubully?
"Did you hear what I just said?!" maarteng sigaw niya ulit sa akin.
Muntik ko na ngang takpan ang aking tenga sa lakas na pagkakasigaw niya. Bella, huwag mo na lang intindihin ang mga brat na ito.
"B*tch!," sabi ng isang babae.
"You should learn where you belong," maarteng sabi naman ng isa.
"Obviously, hindi natin siya ka-level," sabi naman ng pangatlong babae.
Dahil sa ingay ng mga ito, nakukuha na namin ang atensyon ng iba at ayun pinagtitinginan na kami ngayon. Tama naman siya, hindi ko sila ka-level.
Hindi ko naman talaga forte ang magsuot ng pandekorasyon sa christmas tree. Ngumiti ako sa kanila. "You know what, huwag niyong sayangin ang oras niyo sa akin dahil kahit anong gawin niyo, wala kayong mapapala sa ginagawa niyo."
"Wow! May gana ka pang sumagot sa amin. Kung ikukumpara kami sa iyo, you're nobody!" pagmamayabang na sabi ng pangatlong babae.
Bahagyang napataas ang kilay ko sa sinabi niya. I am nobody? Okay.
"Stop pretending you're strong!"Ngumiti pa nang nakakaloko ang pangalawang babae.
Napapailing ako sa mga sinasabi nila. "You girls are hopeless." Lumakad na ako patungo sa cr. Nagulat ako nang hablutin ng isang babae ang buhok ko. Sh*t! Ang sakit ah!
"Where do you think you're going, b*tch?" gigil na sabunot niya sa akin.
"What was that? Say it again! I dare you!" sabi pa ng isa.
Bigla namang nagsalita ang nasa harap ko. "Who the hell do you think you are? You only got your scholarship because you're stupid and poor! Magpasalamat ka dahil nakakapag-aral ka sa eskuwelahan na ito, magkaroon ka sana ng utang na loob sa Fortalejo dahil sila ang nagpapaaral sa iyo."
Stupid and poor?! What the hell! Ngayon ko lang nalaman na sa Fortalejo pala galing ang scholarship ko? Hindi na ako nakapagtimpi at hinablot ko ang braso niya na nakahawak sa buhok ko.
"Sino ka para pagsabihan ako tungkol sa ganyang bagay? Wala kang karapatang husgahan ang pagkatao ko." Pinilipit ko ang wrist ng babae.
"Ah!" hiyaw nito.
"I'll give you one last chance..." Pabalyang binitawan ko ang babae.
Matalim na tinignan ko sila. "Stop bugging me. Or else horror ang kalalagyan ninyo."
"Kyah!," sabay-sabay silang nagtiliian na ikinairita ko naman. Ang sakit sa tenga eh.
"What's going on here?!"
I see five gorgeous women standing in front of us. Sila ang mga babaeng nasa canteen kahapon at yung isa sa kanila ang nagsabi sa akin na gusto niya ako.
"Princess, walang modo ang babaeng 'yan. Tingnan mo, itinulak niya kami," pagsusumbong ni Ms. Christmas Tree.
"At hindi lamang iyon, she pilipit my wrist." Maarteng umiiyak ang babaeng sumabunot sa akin kanina.
Tumingin sa akin ang babaeng nangangalang Princess. "Totoo ba ang sinabi nila na tinulak mo sila at pinilipit mo ang wrist ng christmas tree na ito?"
"Yes," walang gatol na sagot ko.
Tinitigan niya ako nang matagal at napangiti siya ng makahulugan. Ano kayang binabalak niya?
"Princess, tama nga si Emp, dapat ng mapaalis sa school na ito ang babaeng 'yan. Hindi natin kailangan ng beggar dito."
"Tama kayo," sang-ayon ni Princess. "Dapat ngang umalis na kayo rito!" Nakatingin siya sa tatlong babae na ngayon ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Princess.
Napataas ang aking kilay sa sinabi niya.
"Ah?! Bakit kami?!" sabay-sabay na tanong nila. "Oo nga, inutos lang sa amin ito ng Black Dragon Gang."
"I don't care! Just shut up b*tches!" nagtitimping sabi ni Princess. "Kung hindi pa kayo aalis ngayon, ihanda niyo na ang school records niyo para makalipat ng ibang school."
"S-sorry!" Mabilis na tumakbo ang mga ito palayo.Natawa pa ako nang makita ko silang halos madapa sa pagtakbo dahil sa labis na pagmamadali at dahil na rin sa nagtataasan nilang heels.
"Are you okay?" tanong niya sa akin.
Tumango ako bilang tugon.
"Sorry sa ginawa nila. I'm Princess Fortalejo." Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay. Fortalejo? Kaano-ano niya si Jarvis?
"Kapatid ko si Kuya Jarvis," nakangiting sabi niya.
Nahihiyang tinanggap ko ang kanyang palad. Kaya pala ganoon na lang kalaki ang takot ng mga babaeng 'yon sa kanya. Isa pala siyang Fortalejo. Ang ipinagtataka ko, bakit niya ako tinulungan? Mukhang nabasa naman niya ang nasa isip ko at ngumiti siya sa akin..
"I hate his guts. Don't worry about him, ganoon lang talaga si Kuya Jarvis. Oo nga pala, here are my girl friends: my cousin Ellen Fortalejo, magpinsang Grace Sy & Jessica Sy, and this is Angel Monteverde."
Nginitian ko sila. Bakit pakiramdam ko, lahat sila ay may connection sa Black Dragon Gang?
"And you are?" tanong ni Jessica.
"I'm Bella Uy, first year college. Nice to meet you, girls." Bigla kong naalala na kailangan ko nga palang mag-cr. "Mauna na ako sa inyo." Hindi ko na sila hinintay na sumagot at nagmamadaling nagtungo na ako sa cr.
Pagdating ko sa comfort room ay pumasok agad ako sa isang cubicle. Kinalma ko ang aking sarili. Bigla akong nag-alala dahil baka isipin nila na ayaw kong makipagkaibigan sa kanila. Sa totoo lang, gusto ko. Kaya lang kasi… hay… may connection sila sa Black Dragon Gang na dapat kong iwasan. Mas okay pa na mag-isa na lamang ako para tahimik ang aking school life.
Dash’s Point of ViewMahigit anim na taon na ang lumipas simula nang saksakin ko ang sarili ko gamit ang kamay ni Bella. Alam kong iyon lang ang paraan para mapatunayan ko ang loyalty ko sa Queens na kahit kapalit nito ang pagkawasak ng lahat.Para mabuhay kaming dalawa ni Selena, nakipagkasundo ako kay Uno. Hindi iyon naging madali. Pinatay ko ang dating ako. Pinalabas nilang patay na ako at ginawa akong isang anino na isang assassin na walang ibang pangalan kundi Ash Montero.Isinakripisyo ko ang lahat, lalo na ang pagmamahal ko kay Selena. Mahal na mahal ko siya. At kahit hindi niya alam na palihim ko siyang binantayan. Nakita ko kung paano niya tinupad ang pangako niyang baguhin ang buhay niya. Nakita ko kung paano siya bumangon at kung paano siya muling umibig.Masakit. Damn! Sobrang sakit pero wala akong magawa kundi mahalin siya mula sa malayo.Dahil hindi pa ito ang tamang panahon.Hindi pa ako pwedeng magpakita.Hanggang sa dumating ang araw na ito…Patay na si Selena.Humigp
Bella's POVTulad nang sinabi ni Taki sa akin ay hindi na siya nagpakita sa akin. Nabalitaan ko na lamang kay Hana na totoo ang gustong gawin ni Taki na magpapakalayo-layo. Hindi ko nga lang alam kung kailan iyon magsisimula. Sobrang lungkot nga ni Hana na malaman niya iyon.Sumapit ang araw ng linggo. Ito ang araw na gaganapin ang second match namin ni Tres. Maraming tao ang naririto. Noong nakaraang match ay leaders at queens lang ang naroon. Ngayon ay kasama na ang mga members ng Queens.Sobrang daming tao ang gustong manood sa laban na ito. Nasa isang arena kami. May napansin ako sa gitna ng arena na may dalawang upuan at isang mesa ang naroroon. Napapalibutan pa ito ng mga salamin. In short, para siyang malaking cube.Doon yata kami pupuwesto ni Tres mamaya.Nakita ko na lamang na paparating sila Uno. Naupo sa ibabang bahagi ng arena. Tumayo ako para puntahan sila sumunod naman sa akin si Selena at Snow."Hello," bati ko sa queens.Ngumiti si Lara, si Quatro ay tumango naman, si
Rose University Bella's POV Kalalabas ko lamang ng building namin na matanaw ko ang mga girlfriends na naghihintay sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. Noong isang araw kasi nagchat sa akin si Princess at niyaya niya ako na magdate kami kasama ang iba pang girlfriends. Hindi naman ako nagdalawang isip at pumayag ako. Agad ko rin ininform si Jarvis tungkol dito at pumayag din naman siya. Naalala ko pa nga ang sinabi niya na magiging masaya siya na makasama at makausap ko sila Princess. Hindi kasi namin nagawa iyon nung pinakilala niya ako bilang girlfriend niya dahil umuwi rin kami agad niyon. "Hello!" malakas na sabi ko na kinalingon nilang lahat. "Bella!" sabay takbo nila sa aking at nag group hug kami. Natatawang niyakap ko sila. "Kumusta kayo?" "Namiss ka namin!" masayang saad ni Grace. Tulad ng dati ay wala pa rin si Grace pinagbago, masayahing tao pa rin. "Mabuti naman na pumayag kayong dito na lang magkita-kita sa university ko," sabi ko sa kanila. "Wala nama
Bella's POVBumuntong hininga ako na maalala ang nangyari kagabi. Kitang-kita ko ang pagdurusa ni Taki at kung paano i-comfort ni Hana si Taki.Gusto ko sila lapitan pero alam ko na hindi ako makakatulong baka nga lumala pa lalo. Mapait akong napangiti. "Bella..." tawag sa akin ni Jarvis.Nag angat ako nang tingin upang tignan ko siya pero nagulat ako na may iced americano ang nasa harapan ng mukha ko."Salamat," tipid kong ngiti.Umupo si Jarvis sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa bahay nila, to be more specific ay nasa room kami kung saan pwede kaming mag training at hinihintay ang pagdating nina Rei at Taki. Ngayon kasi ang unang araw ng training ko sa kanilang apat tatlo."Iniisip mo pa rin ba si Kier?" tanong niya sa akin.Huminto ako sa pag inom ko ng iced americano at napatingin sa kanya. Malungkot akong ngumiti at naramdaman ko na lamang ang pag akbay niya sa akin. Banayad na hinimas niya ang aking braso para i-comfort niya ako. "Huwag kang mag alala, Bella. Sigurado ako na m
Hana's POV Nang talikuran kami ni Taki ay mabilis na hinabol ko siya. "Taki!" malakas kong sigaw. Pero hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin siyang naglalakad. "Taki! Sandali!" at nadapa ako. Hay... Ang saya nito. Napangiwi ako na maramdaman ang sakit. "Ouch..." naiirita kong sabi. Pagtingin ko sa harapan ay hindi ko na makita si Taki. Kailangan kong habulin si Taki baka kung ano ang gawin niya. Dali-dali akong tumayo pero napaupo ulit na maramdaman ko ang sakit sa aking tuhod nang tignan ko iyon ay doon ko napansin na nagasgasan ito. Hindi ko napigilan na mapaiyak. Ang sakit naman kasi! Nagulat na lamang ako na bigla akong umangat sa ere at nang tignan ko ang gumawa niyon ay walang iba kundi si Taki. "Taki..." sabay tulo ng aking luha. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha na walang emosyon na mababakasan doon. Para siyang naging manhid. Hindi ako ngulit pa dahil alam ko na ang gusto ni Taki ngayon ay katahimika
Bella's POV Masasabi ko na naging successful ang family dinner namin na kasama si Jarvis. Pagkatapos kasi ng dinner namin ay niyaya ni Dad si Jarvis na mag usap sa kanyang office. Hindi ko na alam kung ano ang pinag usapan nila pero sa tingin ko ay naging okay naman ang relasyon nila nang lumabas sila mula sa office ni Dad. "Kumusta ang pag uusap niyo ni Dad?" tanong ko kay Jarvis. "Hmmm... Masaya," tipid niyang sabi. Napakamot ako sa aking mukha. Ang tipid na sagot niya. "Ano ang pinag usapan niyo?' curious kong tanong. Napahinto siya sa paglalakad at hinarap niya ako. Nagtatakang tinignan ko siya. "Ikaw," sabi niya. "Ako?" sabay turo ko sa aking sarili. "Oo," saby gulo niya sa buhok ko na kinainis ko. "Freak!" nakabusangot na saad ko. "Ang masasabi ko lang ay mahal na mahal ka ng daddy mo," nakangiting wika niya. "Alam ko," sabi ko sa kanya. "Napaisip nga ako, Bella," sabi niya pa. "Huh? Ano ang naisipan mo?" tanong ko sa kanya. "Kapag nagkaroon tayo ng anak, pwede b
Bella's POV "Nagseselos ka ba kay Taki?" marahan na tanong ko. "Ako? Oo naman," mabilis na sagot niya. "Normal lang naman siguro iyon, Bella." "Bakit naman?" takang tanong ko sa kanya. "Bella... Kalahati ng buhay mo ay kasama mo na si Taki. At masasabi ko na kilalang kilala niyo na ang bawat isa," mahinahong wika niya. "Hmmm.. Totoo ang sinabi mo at hindi ko iyon itatanggi," napapatangong sabi ko. "Pero ang pagmamahal na meron ako kay Taki ay pagmamahal bilang kaibigan lamang." Napatitig sa akin si Jarvis. "Kahit ba minsan ay hindi ka na in love sa kanya?" "Iyong totoo?" sabi ko. "Hindi. Sa iyo ko lang iyon naramdaman, Bf." Naramdaman ko na hinawakan ni Jarvis ang aking mga kamay at marahan na hinalikan iyon. Mahinang napasinghap ako na maramdaman ko ang labi niya sa ibabaw ng kamay ko. "Alam mo bang sobrang sobra ang pasasalamat ko sa Itaas na ibinalik ka Niya sa akin," mahina niyang wika. "Ako rin. Nagpapasalamat ako ng binigyan pa tayo ng second chance," nakangiting wik
Bella’s POV “Ano’ng ginagawa mo rito?!” mariin kong saad sa kanya. Mabilis na tinago ko ang aking butterfly knife. Hindi siya umimik bagkus ay nakatitig lang siya sa akin. “Umalis kana bago ka pa nila makilala,” sabi ko. “Bella!” tawag sa akin ni Jarvis. Nilingon ko si Jarvis na nagtataka kung bakit hindi pa ako sumusunod sa kanila. “Yumuko ka, Bella,” madiin na wika niya na lalo kong kinaguluhan. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkairita dahil sa hindi ko siya sinunod. Nagulat na lamang ako na bigla niya akong hinila at niyakap nang mahigpit. Nanlaki ang aking mga mata na makita ko na may baril na siyang hawak at itinutok iyon sa direksiyon nila Jarvis. Nilingon ko sila Jarvis na mabilis na nagtago sa gilid ng mga kotse. Ilang putok pa ang pinakawalan ni Ash, pagkatapos ay hinawakan niya ang aking kamay at tumakbo sa gilid ng mga kotse. Shit! “Ano’ng nangyayari, Ash?” galit na tanong ko sa kanya. “Mga tao ni Tres na nag aabang sa iyo para patayin ka,” kaswal niyang w
Bella's POV "Pinag uusapan natin dito ay ang pagpalit ng isang Queen. Alalahanin mo kung anong responsibilidad ng isang Queen sa atin. Do you think Black Butterfly can handle our organization?" seryosong wika ni Quatro. "Hindi ko ikakaila kung gaano kahusay at kagaling siya. Nasaksihan ko iyon lahat. Pero para sa akin, hindi siya karapat dapat na maging isang Queen. Not now, Uno." Napabuntong hininga si Uno at tumingin kay Tres. "What is your opinion, Tres?" Sinulyapan ni Tres si Uno at nagkatitigan ang dalawa. "Hindi magbabago ang aking desisyon, Uno. I will not accept her," sabay tingin niya sa akin. "Hindi siya karapat dapat na pumalit sa iyo. Hinding-hindi ako papayag!" Lihim ako napangiti na makita kung gaano siya kagalit sa akin. Hindi ko akalain na makikita ko kung paano siya kabahan. Napatingin sa akin si Snow. Nagkibit balikat lang ako na dahilan na mapailing si Snow sa akin. Mahabang katahimikan ang namayani, walang sino man ang gusto magsalita at hinihintay ang susuno