“I'm sorry, what are you talking about?” Bulalas ng lalaking tinawag na Frank kanina.
“My marriage to Crystal is absolutely legal, which means ours isn't.” Ibinalik niya ang mga nakakapanindig balahibo niyang tingin sa babae. “And neither is my contract. Read the file print. As I said, unless we're married, my S.C gift to you is void. But because you didn't include anything like that in your deal, Spencers Co. and the 25% of the Villareal's Aircraft remain all mine…”
Hindi makapagsalita ang babae sa labis na pagkagulat at ang tanging nagagawa lang niya ay ang makipagtitigan sa sahig na ani mo ay natalo sa laban.
Matalim niyang pinadaanan ng tingin ang lalaking pinakasalan ko at ang matandang lalaking katabi nito.
“How come you didn't tell me about your plans?”
Kinabahan ako nang umalingawngaw ang galit na boses nung Frank.
Pero parang hindi man lang naapektuhan nito ang lalaking pinakasa
Hindi ko maaninag kung sino ang nasa loob ng sasakyan dahil sa liwanag ng ilaw na sumisilaw sa mga mata ko.Oh well, kahit pa narinig ko ang sigaw kanina. Hinding hindi na ako ulit sasakay sa kotse kangga't hindi ko nalalaman kung sino ang nasa loob, at kung ako ba ang pinapasakay.Natuto na 'ko sa mga pagkakamali ko.Ginamit ko ang braso kong panangga sa liwanag para maaninag ko kung sino ang bumaba ng sasakyan.“Crystal.”Naaninag ko ang maaliwalas na ngiti ng isang lalaking bumaba mula sa sasakyan.Para talaga siyang isang kabute na litaw ng litaw kahit saan.Siya yung lalaki na umupo sa harap ko kanina. Palagi nalang siyang sumusulpot kahit anong oras. Hindi ko alam kung nagtatago lang ba siya at lumalabas sa tamang oras. Pero sa lahat ng pagsulpot niya ngayon, ito ang pinaka nagustuhan ko.Hindi ko naman kasi talaga kayang lakarin ang mahabang kalsadang 'to ng mag-isa. At saka, nagsisimula na ring lumalim ang g
Hindi ko alam kung bakit iniisip ko pa rin ang nakita ko sa sasakyan kanina.Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang mga ngisi sa labi ni Liam habang nakababa ang kamay niya sa- “Shoo.” umiling-iling na usal ko para matanggal sa isipan ang bakas ng nasaksihan ko kanina.Nalipat ang atensyon ko nang maramdaman ang init na nagmumula sa kamay kong kumakalat sa buo kong katawan. Mas idiniin ko pa ang aking kamay sa mainit na tsokolate dahil ang sarap sa pakiramdam na mainitan sa wakas ang mga katawan ko.Binalot ko ng kumot ang sarili ko dahil sa lamig na nanunuot sa buto ko.Mas maayos na ngayon ang pakiramdam ko kumpara kanina. Pero sana lang bukas hindi ako magkasakit.Nakakainis isipin na ang dahilan sa likod ng lahat ng 'to ay ang nakamamatay na damit na 'yun. — I mean, yes alam kong maganda at bagay nga sa 'kin, but it's no good to my health.Ang lalaking 'yon, alam niyang sobrang lamig dito pero pinadalhan
“Ganito mo ba talaga balak sayangin ang huling araw mo dito sa Denmark?”Dalawa kaming nakatayo ni Trina sa harap ng salamin dito sa loob ng hotel. Nasa akin ang mga mata niya pero alam kong hindi niya ako naririning at pabalik-balik lang ang tingin sa akin mula ulo hanggang paa.Napairap nalang ako dahil sa inis.Alam kong nangako ako sa sarili kong magsusuot ako ng mahabang damit ngayong araw. Pero tingnan mo naman ang suot ko ngayon. Isang napakaikli at pulang-pulang romper.Sa sobrang flowy ng laylayan ay papasok nanaman ang malamig na hangin sa loob ko nito. Siguradong ang kapalit ng lantad kong cleavage ay ubo at sipon. Mabuti na lang rin at nakalugay ngayon ang buhok ko.“Ayan perfect!” biglang nagsalita si Trina nang matapos siyang titigan ako. “Perfect pangtawag ng sakit.”Hindi niya ako pinansin at malawak lang ang mga ngising nakatingin sa akin. “You look hot
Ramdam ko na ang pag-ikot ng mga mata ko dahilan ng pagkahilo dahil sa lalaking ito na halos isang oras na yatang pabalik-balik sa harapan ko. Tila hindi siya mapakali. “You have to stay with me.” “A-ano?” Hindi ako makapaniwala sa narinig kong lumabas sa bibig niya. Huminto siya sa paglalakad at inilihis ang katawan niya para harapin ako. “I will pay you, of course.” “Heto na naman tayo…” Buntong hininga kong sabi. “Listen, blonde. I can't lose two weddings at once because people will suspect me and our wedding, okay? Just stay here for a couple of nights.” Ang galing talaga ng lalaking 'to magmakaawa kapag may kailangan, lahat ng bagay ginagawa niya gamit ang pera. “Alam mo Liam, may mga kasama ako sa hotel at hindi ko sila pwedeng basta na lang iwan doon.” Hindi ako sigurado kung babalik pa ng New Jersey si Trina dahil sa sinabi niya sa akin kanina. Hindi ko lang alam kay Eliz. “Then bri
Tumigil saglit sa paglalakad ang butler na kasama namin at tila hinihintay si Maddison.Napahinto din kami dahil hindi namin alam ang daan papunta sa kwartong tutuluyan namin.Nang sa wakas ay nakalapit na siya sa kinatatayuan namin ay binigyan niya ng halik. ang butler sa pisngi nito.Dahil sa ginawa niya ay nakumpirma kong anak nga siya ng butler na 'to.Hindi naman kataka-taka dahil may pagkakahawug ang dala nilang awra at presensya.“Are you with Liam?” Iba ang tono ng pananalita niya kumpara sa noong kinausap niya kami. Mas mahinahon ang boses nito.“Yes dad, pero mamaya pa siya makakabalik kasi may kailangan pa siyang tapusin sa office.”“I see... umakyat ka muna sa kwarto mo. Kailangan ko muna silang ihatid sa tutuluyan nilang silid. Mamaya tayo mag-usap.”Doon lang yata niya napansin na may iba pa palang nariririto bukod sa kanilang dalawa. Isa-isa niya kaming pinasadahan ng tingin mu
“What are you trying to do and why do you have to run?”Pilit kong hindi hinaharap si Liam dahil sa kahihiyan. Yumuko ako at inilayo ang mukha ko para hindi magtama ang mga mata namin.Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang paglipat ng tingin niya sa cake na hindi ko sinasadyang nalaglag at ngayon ay nasa sahig na.Umakyat ang dugo ko sa ulo, and swear, nai-imagine ko ang pamumutla ng mga labi ko kahit hindi ko naman nakikita.“I-I'm sorry…” mariin kong kinagat ang ibaba ng labi ko dahil sa kirot na naramdaman ko sa paa, kasabay ng kahihiyan.Umangat ang kamay niya patungo sa aking mukha, at nang marahan itong dumampi sa balat ko ay nakaramdam ako ng kaunting kiliti na nagmumula sa mga daliri niya. Pilit niyang pinagtatama ang aming mga mata, na patuloy ko pa ring iniiwasan.Mabuti na lang at bahagyang natatakpan ng buhok ko ang aking mukha habang ang mga mata ko ay nakapako sa sahig, pinipilit pa rin na hind
“Maddison? You're still staying in this house with your dad? We haven't seen each other in a long time ever since I left, how are you?”Narinig ko ang boses ng ina ni Liam pero wala akong kapal ng mukha para lumingon sa direksyon nila, kung saan makikita ko si Maddison.Ibinaling ko na lang ang mga tingin ko kay Liam, and this time, nakuha ko na ang atensyon niya.“I'm sorry… Ibaba mo na lang ako…” mahinang bulong ko sa kanya.Nakatitig lang siya sa mga mata ko at tikom ang bibig. Habang pinagmamasdan ko ang mga mata niya, alam kong may kakaiba. Nakita ko na nuon ang ganitong mga titig niya, at alam kong masama ang loob niya. Tila nagiging kakaiba ang kulay ng mga mata niya sa tuwing hindi siya nasisiyahan sa sitwasyon.At para sakin, nakakatakot ang mga ito.Naiwan ang tingin ko sa ere nang ilihis ni Liam kay Maddison ang mga titig niya. Pinanuod ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Nagsa
“S-Si Rafael… Nakabuntis siya ng ibang babae.” Napansin ko ang panghihina ng mga tuhod niya at napaupo sa kama.Dumapo ang kamay ko sa bibig dahil sa narinig ko. Nakakalungkot na hindi ko man lang ito nalaman agad.“Sorry…” Sana tinanong ko siya noong una palang. Masyado akong abala sa pag-iisip kung gaano kahirap ang buhay ko, nang mga oras na kailangan ni Tring ng kaibigan na dadamay at makikinig sa kanya.“Bakit ka humihingi ng tawad? Hindi naman ikaw ang nakabuntis hahaha.” Alam kong tinatawanan lang niya ang sakit ng mga nangyari.“So, ibig mong sabihin nagkaroon pa ng lakas ng loob ang panget mong boyfriend na humanap ng ibang babae?”Pinandilatan ni Trina si Eliz dahil sa sinabi nito.Kahit masakit ang paa ko ay pinilit kong maglakad at makalapit kay Trina.Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang niyakap at itinaas ang kamay ko sa ibaba ng likod niya para ipaalam