Share

Chapter One-hundred Fifty two

Natigilan ako sa sinabi ni Blade. Tama siya. Hindi ako pwedeng puntahan ng personal ni Mrs Spencer lalo na at baka makilala ko pa ng ibang tao ang tunay kong katayuan. Kilala nila ako noon bilang Crystal Harrison at sapat na sa akin ang pangalang iyon. Nasa kanila na kung tatanggapin nila ako o hindi.

“Pero, ano ang dahilan kung bakit nila ako tinatawag? Tungkol ba ito sa magiging anak namin ni Liam? ” tanong ko ulit at medyo kinabahan din ako.

“Oo, I suggest na magbihis ka ng maayos at ayusin mo ang sarili mo bago kita dalhin doon. Kumain ka muna. ”

Napataas ang kilay ko dahil sa inasta ni Blade. Parang mas kinakabahan pa siya kaysa sa akin.

Sinundan ko siya ng tingin nang umupo siya at nagsimulang kumain. Hindi naman siguro siya nagmamadali?

Napatingin ako kay tatay na ngayon ay nakatitig lang sa akin at parang naaawa siya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status